1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 17
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 17

15 minutes

Katahimikan .. Katahimikan ang tema sa loob ng ward ni Ram.. Isang binatang nakahiga at walang malay.. At dalawang hindi alam ang gagawin sa kaawkwardan na set up ng kaibigan. Si Brando na ang unang nag salita..

"Sorry" sabi nito.. although maiksi.. e galing naman sa puso.. Wala na syang dahilan para saktan pa ang bakla.. Masyado na nyang naabuso ito. At kahit kelan hindi nya ito nakakitaan ng kahit ano pa mang kasamaan. Tinitigan lang sya ni Reggie. Hindi nag salita ang bakla..

"Iniisip ko kasi na mas masasaktan ka kapag inamin ko sayo na ano.." sabi ni Brando. Ni hindi nya masabi ng diretso sa mukha ni Reggie na may babae sya.

"E ayun.. di ko namalayan na mas masasaktan ka pala kapag tinago ko sayo..

"Dagdag pa nito.. Hindi pa rin nag salita si Reggie..

"Ang dami mong nagawa para sakin.. at inabuso ko ang feelings mo para sakin.. Pero hindi lang siguro talaga ako ang para sayo. Magkakaron na ako ng pamilya Reggie.. at sobrang pag sisisihan ko kung magkakahiwalay tayo ng galit ka sakin" sabi nito.. Tila tumusok naman sa puso ng bakla ang sinabi ng binata.. Di nya alam kung bakit

..pero ganun ata talaga pag mahal mo ang isang tao.. Kahit gaano ka magpa katanga sa kanya ay ok lang..

"Im sorry" sabi muli ni Brando..

"Ilang buwan na" sa wakas ay nagsalita na din si Reggie..

"Ang ano?" tanong ng binata..

"Ilang buwan na yung misis mo?"

"6 months" sagot ni Brando.

"Ah..." yun lang ang naisagot ni Reggie.. Katahimikan..

"Kunin mo na lang ako na Ninang nya" sabi ng bakla na nagpasilay ng ngiti ni Brando.. Alam nyang kahit hindi man sinabi ng bakla na napatawad na sya nito ay ganun na rin ang nais iparating nito. Agad sya napayakap sa bakla..

"Salamat ..salamat Reggie" paulit ulit nyang sinabi..

"Eeepp ..eppp.. ayyyy grabe.. papakiligin mo na naman ako e...may asawa ka na" biro ng bakla.. Napatawa lang si Brando..

" naexcite lang" sagot nito.. Di naman maipinta ang mukha ni Aira ng madatnan si Dan sa loob ng sasakyan ng bakla..

"Ohh.. mukhang may part 2 pa ang reunion" sabi ng dalaga..

"Relax sis.. ok na... babawiin din nya si Mutya kaya sya nandito.. parang ang nangyari kasi ..nag double cross itong kaibigan natin.."Sabi ni Tanya.. naguluhan ang lahat sa narinig ...

"Opinion at haka haka ko lang ha" bawi ng dalaga..

"Baka kasi sobrang mahal ni Mutya si Kaloy kaya nagawa nyang iset up si Dan para iset up si Kaloy.. gumawa sya ng dahilan para magalit lahat kay Kaloy..tas iniwan nya sa ere si Dan... " sabi pa nito.

"Oo nga noh.." singit ni Sam..

"Parang ....Dan.. patayin mo si Kaloy para tayong dalawa na lang maiwan..e kaso napurnada kaya good bye Dan..hello Kaloy" sabi din ni Clay..

"Pero kung set up nya lahat? bakit ilalagay nya si Kaloy sa ganong risk? pano kung hindi tumulong si Ram at nadiretsong masaksak mo si Kaloy"Tanong ni Aira kay Dan.

"E yun ang plano nya talaga.. tapos sasabihin nya na baliktad daw.. self defence lang kaya nasaksak ko si Kaloy.. ng sa ganun, wala din daw makinabang kay Kaloy" sagot ni Dan. Napailing si Aira..

"Ang talino ah.. tapos ang manyayari nyan kung nasaksak mo si Kaloy.. may posibilidad na magalit sya sayo at maging hero sya kay Kaloy. Maagapan dahil may nurse tayong kasama at poooop.. konting galit lang nya sayo at alaga kay Kaloy e ok na.. ayos na

..sila na ulit, ang talino lang, grabe Aira ang alam ko ikaw ang matalino satin.. may lihim pala tong si Mutya" biro ni Tanya.

"Ang gulo.. tapos sinasabi nyo ngayon na ok pa din sila...pano sya nakalusot?" tanong ni Aira.

"Obsessed ...obsession kay Kaloy.. may teks sya kay Dan ..basahin mo" sabi ni Jema..Agad namang pinabasa ni Dan kay Aira ang mensahe.. Napaisip ang dalaga..

"Oh okay naman na pala sila..bakit pa ako pupunta dun" malungkot ang tinig ni Aira..

"Ito napaka duwag talaga... akala ko ba mahal mo" sermon sa kanya ni Tanya..

"Oo nga ..e pero kung-"

"Wala ng pero pero.. di pa malinaw ang lahat at si Mutya lang makakapag paliwanag

..kaya kelangan din natin talaga pumunta" pagputol ni Tanya sa dalaga.. Napatigil si Aira..

"Bakit kami mag titiwala sayo..ikaw ang may gawa kung bakit nandun ang pinsan ko" sabi ni Aira kay Dan..

"Pinsan mo si Ram?" gulat na tanong ni Dan..

"Putang ina ..ang gulo gulo ng buhay natin" sabi pa nito.. Di napigilan tumawa ng iba.

"Hindi ko hinihingi na magtiwala kayo sakin..actually ako nga nakaisip na puntahan si Kaloy.. kukunin ko si Mutya.."Sabi ni Dan..

"Ok then, kunin mo " sabi ni Aira... Natahimik sila..

"At iwan mo sakin si Kaloy" napangiti pa ang dalaga sa huling sinabi..

"Naaaaaksss" nag tilian naman lahat ng nakarinig sa kilig... Mahaba ang byahe.. di maiwasang matakot ni Aira.. alam nyang mahaba pa ang gabi at marami pang mangyayari.. Ngumiti ang dalaga.. Ngayon na ang tamang oras para maging matapang sya at ipag laban ang nararamdaman..

"So papasok ka na next year mahal..di pwedeng hindi..at tapusin mo yun ha" sabi ni Mutya kay Kaloy.. Nasa salas sila kasalukuyan, nakayakap ang dalaga sa katawan ng binata..

"Bakit pa ko mag aaral?pwede naman akong magtrabaho na ah" sagot ng binata.

"At ano naman trabaho mo? construction worker? nako ...di ka bagay sa ganyang trabaho mahal" sabi ng dalaga.. Napatingin si Kaloy sa nasabi ng dalaga..

"Minamaliit mo ata masyado ang trabaho ko Mutya" sabi nito.

"Hinde, mahal naman ..ang sakin lang ..mas ok kung mas may matatapos ka pa din di ba? Gusto mo ba na kapag magkasama tayo e maliitin ka ng mga iba kong kaibigan kasi wala kang natapos.. Malulungkot ako nun mahal" sabi ng dalaga. Sa narinig ay kumalas si Kaloy sa yakap ng dalaga..

"Bakit naman nila ako mamaliitin ... alam ko namang ipag mamalaki mo ako sa kanila di ba?" tanong ni Kaloy.

"Hmmm oo naman mahal syempre ..mahal na mahal kita e" sagot ng binata.. Muli.. Hinanap ni Kaloy ang kilig..pero wala.. bigo sya na maramdaman ito.. Katahimikan.

"Mutya ..nag usap na ba kayo ni Dan" seryosong tanong ni Kaloy sa dalaga..

"Ah...o-oo mahal... sobrang depressed nga sya e... e sabi ko mahal kita talaga.. nag paubaya na sya" sagot ni Mutya. Tila di naman kuntento si Kaloy sa sagot ng dalaga..

"Talaga?? aba maghapon akong gustong patayin nun tapos isang sabi mo lang pala na ganyan e ok na sa kanya" makahulugan ang binitiwan na salita ni Kaloy..

"Ah-.eh... ano magagawa nya di ba, nag mamahalan tayo" sabi ni Mutya... Ngumiti lang si Kaloy..Walang sagot... Ngiti lang at pilit pa.. Saglit na katahimikan..

"Kumusta na kaya sila Aira" tanong ni Kaloy.. Ang ngiti ng dalaga ay unti unting napalitan ng pag simangot...

"Ah ... ok na sila mahal... bat mo pa sila iisipin.. Ni wala nga sila ngayon sa tabi mo.. Pinagtabuyan ka nila kanina at di inintindi ang side mo.."Sabi ni Mutya.

"At saka .. if i remember .. Nagtago sya samin about sa kanila ni Ram..then nung dumating ka biglang mag pinsan na sila.. what a bitch" dagdag pa nito.. Napatingin sa kanya si Kaloy ng masama sa narinig.. Natakot naman si Mutya sa mata ng binata.

"Pinsan??" tanong nito..

"Ah o-oo.. di mo alam?" tanong ni Mutya.. Hindi sumagot ang binata..

"At saka..a-ano- ah..a-no sinampal ka nya kanina" sabi pa ng dalaga.. Unti unting nagbago ang ekspresyon ni Kaloy.. mula sa naninisik na mata ay naging mapungay ito.. Napaisip ang binata.. Naalala nya si Aira.. Ang mga mata nito.. Ang boses ng dalaga .. Ang ngiti nito.. Ang brace sa ngipin na palaging tinatago..Unti unting ngumiti ang binata ng maalala ang sitwasyon nila sa pool. .Ang tinatagong kakinisan ni Aira.. ang dibdib nito.. Ang pamatay na katawan nito..Ang halikan nila sa kwarto na punong puno ng pag mamahal.. Pagmamahal na pinagkait nya sa dalaga..

"Pinsan nya si Ram?" tanong muli ni Kaloy kay Mutya..

"O-oo nga ..bakit mahal" tanong ni Mutya... Hindi sumagot si Kaloy.. Ngumiti lang ito.. at unti unti .. nahulog ang luha sa mata nya..

"Mahal?" nag alala naman si Mutya sa pag iyak ng binata.. Pinunas ng binata ang luha.. Tumayo sa kinauupuan at ang ayos ng sarili..

"Pupuntahan ko si Aira" sabi nito..

"Bakit?" bakas sa boses ni Mutya ang inis..

"Anong gagawin mo dun? tinaboy ka na nila.. ako na lang nagtyatyaga sayo" sabi pa nito..

"Kailangan ko sya makausap.." sagot ng binata..

"Kaloy.. ano na naman ba? ok na nga tayo di ba??" sabi ng dalaga..Wala syang natanggap na sagot sa binata..

"Nagpaalam na sya sayo.. at ang alam nila ikaw ang sumaksak kay Ram."Sabi pa nito.. Napatigil si Kaloy..

"Kaya nga..samahan mo ako Mutya.. sabihin mo sa kanila ang totoo.."Sabi ni Kaloy.. Napakunot ang noo ng dalaga..

"Hindi pwede" matigas na bigkas nito..

"Bakit?" naguguluhang tanong ng binata..

"Mahal mo ako di ba?"Sabi pa nito

"Oo mahal kita...kaya nga ko nandito.. tutuparin natin yung plano natin di ba? na mag sasama ulit" sagot ng dalaga..

"Kailangan kong makausap si Aira" pagmamatigas ng binata..

"Then hindi ako sasama.. Bahala ka harapin ang galit nila ..bahala kang masampal ulit nya ..bahala kang masigawan nya at ipagtabuyan nya" pananakot ni Mutya.. Napatigil si Kaloy.. Minsan pa'y tumingin sya kay Mutya at ngumiti..

"Hindi ako matitiis nun" seryosong sabi nito..

"Natiis ka na nya ..iniwanan ka na nya anong pinag sasasabi mo na hindi dyan" sigaw ni Mutya..

"Mahal ako ni Aira..." sabi ni Kaloy..

"At alam ko.. Mahal ko rin sya"Dagdag pa nito..at anong gaan sa pakiramdam ng binata ng maamin nya ito sa sarili.. Lumakad na ang binata. Iniwan si Mutya na galit na galit.

"Kaloy..bumalik ka dito... Kaloy" sigaw nito pero hindi na sya nagawang balikan ng binata... Patakbong lumabas ng pintuan si Kaloy. Mabilis ang tibok ng puso nya ...ang mga labi ay may nakapintang ngiti.. Ang saya nya.. Paulit ulit sinasabi nya sa sarili na mahal nya si Aira..at ayaw nyang umabot ang pag sikat ng araw ng hindi ito nasasabi sa dalaga.. Ganun na lang ang pagkagulat nya ng paglabas nya ng pinto ay nasalubong nya ang tumatakbo ding dalaga.. Tumigil ang oras.. Ang dalaga'y napahinto din sa nasaksihan..

"Kaloy" sigaw pa ni Mutya ng sundan ang binata ngunit nagulat ito ng tumambad sa harap nya ang pagkikita ng dalawa.. Kumunot ang bibig ni Aira.. ang mga mata'y lumamya.. Bumuhos ang emosyon ...At sa isang iglap ay agad nyang tinakbo ang binata.. Niyakap nya ito ng mahigpit ..Tuluyan ng bumuhos ang luha na kanina pa nya pinipigil.. Maging si Tanya ay di maiwasang lumambot ang puso sa nasaksihan.. Napangiti din si Sam..

"Sa wakas.."Sabi nito.

"Im sorry. im sorry.. hindi ko sinasadya

..hindi ko alam...wala akong alam at -" hinawakan ni Kaloy sa mukha ang dalaga.. inilayo ng konti sa kanya at saka kinabig para halikan.. Isa.. Dalawa..tatlo.. apat na magkakasunod na halik.. Halik ng bata kumbaga .. Na nagpasilay ng ngiti sa dalaga..

"Ayaw ko na nag sosorry ka sakin... alam mong hindi ko kayang magalit sayo" sabi ni Kaloy.. Niyakap sya muli ni Aira..

"Sorry"Maya maya'y narinig ni Aira ang binata na nag sorry.. Si Aira naman ang bumitaw at tumingin sa binata..

"Bakit nag sosorry" pinilit ngumiti ng dalaga para pasayahin si Kaloy.

"Nagiging iyakin ka na Carlo" sabi pa nito.

"Sorry...ikaw naman kasi... hindi mo agad sinabi na ..hindi naman kayo talaga ni Ram..kaya lang naman ako sumagot nung tinanong mo ako kung mahal kita ng sagot na di ko alam e dahil natatakot ako... ayaw kong magkaron kayo ng problema ni Ram.. ayaw kong masaktan ka at seryoso..hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sayo until ngayon na naisip kong mawawala ka na" sabi ng binata.. Ngumiti si Aira.. Kinilig ang dalaga.. Muli nitong inayos ang buhok ng binata..

"Liligawan mo na ba ako" tanong nito.

"Kelangan pa ba" sagot ng binata..

"Hindi ako easy to get noh" biro ng dalaga at nagtawanan na sila..

"Kaloy" malambot ang pag sigaw ni Mutya mula sa likod.. Umiiyak ang dalaga. nasaktan sya sa nasaksihan.. Tiningnan lang sya ng dalawa... Agad namang lumapit sa kanya si Dan.

"Tama na Envy.. masyado ng magulo ang lahat.. please.. "Pakiusap ni Dan sa kanya..

"Ang selfish mo" sigaw ni Mutya kay Aira..

"Kaibigan mo ako pero inagaw mo ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko" dagdag pa nito..

"Buong buhay ko alam mo na si Kaloy lang ang gusto kong makasama.. walang araw na hindi ako malungkot gawa ng pagkawala nya tapos ngayong bumalik na sya at may pag asa ng maging ok kami saka ka sisingit para agawin sya?...putang inang kalandian mo yan Aira" umiiyak si Mutya.

"Tama na Mutya" sagot ni Aira.

"Aira" sinubukang pigilan ni Kaloy si Aira..

"No.. hayaan mong ipaglaban ko ang sarili ko..ipag laban kita ..ang pagmamahal ko sayo"Bulong sa kanya ng dalaga. Napangiti ang binata..

"Binigyan na kita ng chance na maging masaya kay Kaloy..at mas grabe ang sakripisyo ko.. Sinubukan kong pigilan pero oo... malandi na kung malandi.. malandi ako kasi minahal ko si Kaloy ng sobrang habang panahon.. Malandi ako kasi nagparamdam ako ng interes sa kanya at malandi ako dahil di ko inamin na pinsan ko si Ram.. pero wala akong inagaw sayo Envy. Hindi mo pag mamay ari si Kaloy.. Single sya.. at technically, single ako.. mahal ko sya ..at" tinuro ni Aira si Kaloy para ituloy ang sasabihin..

"Mahal ko din sya" sagot ni binata.. Humagulhol lang si Mutya sa narinig..

"Babe ..tama na ..halika na ..umuwi na tayo" sabi ni Dan..

"May nangyari na samin...may nang yari samin kanina..at ngayon" sigaw ni Mutya.. Napamulagat naman sa narinig si Kaloy..

"Oh e di ikaw malandi" singit ni Tanya at saka tumawa..

"Babe" saway ni Clay sa nobya. Tahimik lang lahat..

"Ooopps.. sorry..kaibigan din ninyo ako.nakikisingit lang ..Go Aira" sigaw pa nito bago niyaya ni Clay na pumasok sa sasakyan.

"Alam na nila ang totoo Envy" di na napigilan ni Dan ang sarili..

"Please.. .alam ko na all those 3 years e balewala lang sayo ang pagsasama natin

...pero kung mapilit ka sa gusto mo.. then maybe its time na pati ako e mawala na din sayo"Dagdag pa nito. Nagulat si Mutya sa narinig at tiningnan ang nobyo....

"Ikaw ang selfish Mutya.. hindi na pag mamahal yan .. nandito naman ako di ba? di ba sapat ang pagmamahal ko? alam kong hindi ko mapapantayan si Kaloy..pero at least sinubukan ko di ba? sana man lang maisip mo yun." ika ni Dan at lumakad na palayo kay Mutya.

"Lahat ng ginawa mo e para lang sa sarili mo Mutya.. alam kong di kapa nakakamove on kay Kaloy..pero sobrang di ko inexpect ang mga nagawa mo" sabi ni Sam..

"Disappointed.. oo.... kaibigan mo kami Mutya... kaibigan mo kami. dinamay mo mga kaibigan mo..and you put this friendship into risk..para lang sa kaligayahan mo" sabi din ng namunawan ng si Kris ng lumabas ito para jumingle.

"Andito pa din kami Mutya... kaibigan mo kami..di ka namin iiwan... sana maintindihan mo yun.may mga bagay na hindi mo na pwedeng ibalik.. "Sabi ni Sam at pumasok na din sa sasakyan.. Naiwan ang tatlo sa labas..

"Envy... sorry" sabi ni Kaloy.. Katahimikan ... Tahimik na naglakad si Mutya palapit sa sasakyan ..Di pa rin ito tumitigil sa pagiyak.. Nang makita sya ni Dan ay niyakap sya nito... Ngumiti na lang si Kaloy sa nakita.. Ok na ata ang lahat ..ngayon ay kailangan naman nyang intindihin ang panliligaw kuno sa nobya nya..

"I love you" bulong ni Kaloy kay Aira.. Ganun na lang ang pagkagulat nya ng makitang naka mungot na naman ang dalaga.. Napatawa sya..

"Ano na namang problema" natatawang tanong ni Kaloy kay Aira.. Di sumagot ang dalaga..

"Huy... yan na naman sya....ano nga?" tanong muli ni Kaloy.

"Tatanong kapa.. Hindi pa lang kita sinasagot nangangaliwa ka na..at hindi lang isang beses..grabe.." sagot ng nagtatampong dalaga.. napatawa naman si Kaloy sa inasal ni Aira..

"Eto naman.. e nadala ako sa sitwasyon kasi..."Biro ng binata at masuyong hinalikan sa labi ang dalaga.

"Nadala nadala.. pano kung palagi kang madala.. sus.. putulin ko yan e" biro ng dalaga ..

"Sayo na lang ako madadala ngayon noh" sagot ng binata..

"Lalo't may nakita ako kanina sa pool" dagdag pa ni Kaloy at tumawa.. pingot ang sagot sa kanya ng dalaga..

"Hindi mo na ulit makikita yun, kala mo" sabi nito.. Hindi naman tumitigil sa pagtawa ng binata..

"Aray arayyy" reklamo nya... Maya maya'y niyakap na din sya ni Aira.

"Alam ko na ..magpaiwan na lang tayo dito gusto mo...inaantok kasi ako..parang masarap humiga..lalo't katabi kita ..tas ok na tayo, ano?" kumikindat pa si Kaloy kay Aira..

"Naku..yang style na yan .. gumaganyan ganyan ka na...Hindi pa kita sinasagot hihiritan mo na ako ng ganyan agad..mapalit ka ng damit ..pupunta tayong hospital... naiwan si bakla dun" sagot ni Aira na tumatawa sa nasabi ng binata..

"E ano... baka gusto mong sumama..mag bibihis ako.." biro muli ni Kaloy..

"Ang harot mo... ligawan mo muna sabi ako" biro ng dalaga sabay tumawa..

"Madamot" tanging nasabi ni Kaloy bago pumasok ng bahay para magbihis.. Nakatingin lang ang lahat ng nasa sasakyan sa dalawa.. Ok na sila ..Sa wakas.. natuto ng lumaban ni Aira...at naamin na din ni Kaloy ang lahat.. Sana lang ..maging ok na ss Mutya...

"Ang buhay natin.. madrama" ika ni Tanya sa loob ng sasakyan..

"Yung buhay lang nila madrama... yung buhay namin masaya" sabi ni Sam..

"Malibog ..malaswa" hirit ni Tanya at nagtawanan sila.. Di man makuhang tumawa ni Mutya.. nagpasalamat na din sya na matapos ang lahat.nasa tabi pa din nya si Dan..