1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 14
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 14

11 minutes

Unti unting luminaw ang lahat.. Natataranta ang lahat.. Nag apply ng first aid ang dalawang nurse kay Ram.. At ang agad nila itong isinugod sa Hospital kasama si Sam at Kris..

"Ano ba nangyari" tanong ni Sam kay Kris..

"Me sumuntok sa kin tapos pag gising ko ganun na ..sinaksak na sya ni Kris habang akay akay ang katawan ni Ram patungo sa sasakyan ni Reggie..

"Ano ba nang yari..bakit walang nag sasalita, Kaloy?? Dan.. Brando" nag aalalang tanong ng bakla..

"Tol..ikaw na ..hindi nyo ako paniniwalaan..ako ang biktima dito" sabi ni Dan.. Agad namang ibinitaw ni Kaloy ang hawak na patalim sa narinig .. Nagtinginan lahat sa kanya..

"Anong ginawa mo?" sigaw ni Aira sa binata.. Umiyak ang dalaga.. hindi pa lang sya namumunawan sa sakit ng ginawa ng binata at heto.. panibagong sakit na naman ang hatid nito sa kanya.. Bakit ganun.. palagi na lang sakit ang dala sa kanya ng binata..

"Kaloy... ano??" maging si Reggie ay hindi na napigilang sumigaw..

"Bhe.. si Kaloy... gustong kausapin si Mutya.. nag pipilit ..tas nag wawala na bigla.." sabi ni Brando.. Napatawa lang si Kaloy sa narinig ..

"Ganun ka na ba kadesperado Kaloy??" singit ni Mutya ... Wala namang imik si Kaloy .. mukhang swabe ang pagka set up ng lahat sa kanya.. Desperado ..Rinig na rinig ni Aira ang salitang yun,.. siguro nga ..desperado ang binata kaya nangyari ang ganito ..pero bakit kailangan nitong idamay si Ram...

"Bakit si Ram.. Kaloy.. bakit kelangan mo syang idamay" hikbi ni Aira.

"Aira ,.please... wala akong ginawa" sa wakas ay nag salita na si Kaloy..alam nyang lahat ng tao na nanduon ay hindi sya paniniwalaan..kaya umasa sya na sana... kahit si Aira man lang ay maniwala sa kanya

..Pero ganun na lang ang pagkalungkot nya ng umiling ang dalaga sa kanya.

"Hawak mo yung kutsilyo ..tapos may saksak si Ram at si Dan.. ikaw lang ang may rason para gawin sa dalawang lalaki yan .. hindi naman pwedeng magsaksakan yang mga yan.." sabi ni Tanya..

"Bahala kayo.. maniwala kayo sa paniniwalaan nyo.. basta ..wala akong ginawa" matigas na sagot ni Kaloy... Sanay na ang lahat sa estilong yun ng binata... Hayskul pa lang sila ay mahilig na itong mag matigas at eventually ..sila ang nasuko at nanunuyo dito.. pero iba ngayon.. not this time..

"Sinaksak mo si Dan pero di mo napuruhan kasi dumating si Ram para awatin kayo.. sinabi mo pa na asungot sa inyo ni Aira si Ram kaya sinaksak mo sya.. aminado ako

...ako ang sumuntok kay Kris..kasi susugod na sana sya para tulungan si Kaloy kay Dan...e ano gagawin ko..kaibigan ako ni Dan" sabi ni Brando..

"Sinungaling" sigaw ni Kaloy..

"Ikaw itong pineperahan lang ang si Reggie para sa bisyo mo tapos igagaya nyo pa ako sa nyo na mamamatay tao, sila ang nauna hindi ako .please maniwala kayo" sabi pa nito..

"Walanghiya ka...ang kapal kapal mo

..matapos ang lahat ng nagawa ko sayo...matapos ang lahat" umiiyak si Reggie na sinugod si Kaloy ng suntok.. Mahina..pero iba ang sakit na dala nito kay Kaloy.. bawat suntok ay may katumbas ng panghuhusga sa binata..

"Bhe tama na yan" awat ni Brando sa bakla

"Sinong mas mukhang adik satin tol, tingnan mo nga " sigaw pa nito.. Napangiti si Kaloy..

"So huhusgahan nyo ako base sa anyo ko?? na kapag maruming tingnan ay kaya ng gawin ang lahat ng ito" naging garagal na ang boses ni Kaloy.. Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ng lahat ang pag patak ng luha ng binata..

"Bahala kayo.. matagal nyo naman na akong tinalikuran talaga.. tinalikuran mo ako Mutya.. tinalikuran nyo ako ng magkaroon kayo ng magandang buhay..dahil ano? hindi ko kayang makisalamuha sa nyo...tapos ano? yayayain nyo ako sa isang reunion para ipamukha nyo sakin na ganito na kayo ngayon.." umiiyak ang binata..

"Mutya.. hanggang ngayon sinasaktan mo ako.. Tanya... hindi na ikaw yung datin simpleng babae na kilala ko ..Reggie .. sana magising ka sa katotohanan na pera lang ang habol sayo nyang boypren mo.. Sam. Kris.. bestfriend ko kayo.. pero naaalala nyo ba ako kapag may boy night out kayo ng mga workmate nyo.. naikwento nyo ba ako sa mga katrabaho nyo? hindi kasi ako yung anak ng tanyag na drug addict sa lugar natin...at please ..Aira..wag kang pafall..wag kang paasa ..may boypren ka na.. wag mong ipadama sakin na mahalaga ako sayo" sabi ng binata..

"Mali.. mali ka .. hindi ka palaging tama Kaloy.. maling mali ka." mahinahong paliwanag ni Reggie...Naguilty din kasi sya ng makitang umiiyak ang kaibigan..

"Please .. umalis ka na bago ako tumawag ng pulis at isuplong ang nangyari." dagdag pa nito..

"Tatalikuran nyo na naman ako" tanong ng binata..ramdam na ramdam nila ang sakit sa mga salita nito..

"Mutya" tiningnan ni Kaloy Si Mutya ngunit hindi ito tumingin sa kanya..

"Aira.. please.. wala akong-"

"Plaaaaak" hindi na natapos ni Kaloy ang sasabihin ng maramdamang dumampi sa mukha nya ng malakas na sampal ni Aira.. Napatigil ang binata..

"Para yan sa lahat ng sakit na binigay mo sa akin. . paalam Kaloy" humihukbi pa ang dalaga ..

"Tara na .. sino ba sasama ..pag nag kwentuhan kayo jan di na aabot to sa hospital" sigaw ni Sam habang binubusenahan ang lahat.. Nagsi kilos naman agad ang lahat.. Sila Mutya ay sa sasakyan ni Dan sumakay.. at sila Aira ay sa sasakyan ng bakla..

"Please..sana wala ka na pagbalik namin dito.." pag papaalam ni Reggie kay Kaloy..

"Aira" sigaw ni Kaloy pero hindi na sya nilingon ng dalaga... Napayuko ang binata.. Hindi nya malaman ang nararamdaman .. Hindi sya nasasaktan dahil tinalikuran sya ng mga kaibigan nya..ni Mutya.... Sanay na syang mag isa .. at ngayo'y nagtataka sya kung bakit parang sobrang laki ng nawala sa kanya..

"Mahal mo ba ako?" paulit ulit nyang narinig ang boses ni Aira sa isip nya.. Ano bang nagawa nya... ano bang nararamdaman nya... Bakit sya naduwag na ipag tapat kay Aira ang lahat.. kaya naman sya nitong ipaglaban.. At kayang kaya din nya itong ipaglaban kay Ram.. Bagsak ang balikat ng binata na naglakad para hanapin ang gate palabas.. Gabi na at sobrang layo ng uuwian nya.. Pero Hindi nya ito naisip.. Si Aira.. oo si Aira ang iniisip nya..

"Sir.. alam ko po kung ano ang nangyari.." ika ng isang maid na lumapit kay Kaloy.. Ngumiti lang si Kaloy dito..

"Ilihim nyo na lang yan Ate.. mas ok na sila na wala ako" sabi ni Kaloy sa maid,

"Pero Sir..mag kakaron ka ng record sa mga pulis kapag may naghabla sayo ..di maganda yun sa katulad nyong hindi nakapag aral Sir" pangungulit ng Maid..

"Ate.. tingnan mo ako.. kahit wala akong record sa Pulis.. walang maniniwala ng hindi ako gagawa ng masama.. kaibigan ko sila...hindi nila ako kaibigan... at hinusgahan nila ako base sa kung anong hitsura ko,. hindi sa pagkakakilala nila sakin" sabi ng binataa.

"Ok Sir..kayo lang naman iniisip ko... Ramdam ko yung sakit nyo Sir.. lalo nung sinampal ka ni Aira.." ika ng Maid..

"Sige na Ate.. pa greet si Reggie ng Happi birthday" sabi ng binata at naglakad na paalis..

"May sumuntok sa kin... di ko lang maalala kung sino..tapos pag gising ko ganyan na nakita ko.." tanong ni Kris .. Si Sam na nasa tabi nito ay nakikinig lang .

"Si Brando..kasi nga susugurin mo daw si Dan" sabi ni Reggie..

"Aba putang ina ah.. hindi ako susugod

..pano ako susugod tingnan mo nga yung itsura ko..makakasugod pa ba ako ng ganito ako kalasing" ika ni Kris..

"Asan yang asungot mong boypren.. baka gusto nyang ibunyag ko lahat ng alam ko sa kanya" banta ni Kris..

"Stop it. .. Kris.." sabi ni Reggie pero ang totoo'y nag aalala na ang bakla sa sinabi ni Kaloy kanina at sa sinabi ni Kris ngayon..

"Eh nasan ba kayo at nawala kayo lahat" tanong ni Sam.

"Ikaw lalaki..ikaw ng dapat nandun..bakit ka wala" balik tanong ni Tanya..

"Eh anong naging ending ? si Kaloy ang may kasalanan?" tanong ni Kris.

"Daw..sabi nila" sagot ni Tanya..

"Kitang kita mo naman Sis di ba?? hawak nya yung patalim.. at ikaw na din may sabi na sya lang ang may galit sa dalawang lalaki" paliwanang ng bakla... Tahimik lang si Aira na binabantayan ang nakahigang si Ram..

"Oo at sinabi ko din na baka nagsaksakan sila di ba?" pambabara ni Tanya.. Natahimik ang lahat..

"Hindi ko gusto inasal mo kanina Reggie...sobrang na disappoint ako ..sori

..pero nagpapakatotoo lang ako" sabi ni Tanya..

"Sis ano yang sinasabi mo" tanong ng bakla..

"Pinalayas mo si Kaloy sa bahay ko.... BAHAY KO" diniinan ni Tanya ang boses ..

"Eh ano... anong gusto mong gawin ko

.ipahuli sya sa pulis?" tanong ng bakla..

"Di naman basta basta huhulihin yun ng pulis e..marami pang tanong ..lalo't di reliable ang mga testigo... si Clay..titingnan ko kung mapapaamin ko yun..parang may foul play kasi" sagot ni Tanya.. Katahimikan..

"Sis ok ka lang "Tanong ni Tanya kay Aira.. Tumango lang ang dalaga habang pinupunas ang luha...

"Tsk tsk.. iniwan nyo na naman si Kaloy" sabi ni Kris na ngayo'y nakasandal sa nobya..nakaramdam ng antok ang binata gawa sa kalasingan.. Natahimik ang lahat ng nasa Sasakyan..

"Kung si Kaloy ang sasaksak dito kay Ram..dapat siguro may matinding dahilan sya..."Sabi ni Angel..

"Please..Angel...wala ka sa pangyayari kaya wag mo ng paguluhin ang lahat"Malanding sabi ng bakla..

"Sinabi na ni Brando na asungot si Ram sa buhay ni Kaloy kaya yun.. " dagdag pa ni Reggie..

"Oh e di sana tinuluyan na nya si Ram..mababaw lang yung saksak.. nahimatay lang siguro si Ram sa takot o sa sakit na naramdaman" pilit ni Angel..

"Bat ka ba namimilit..sinabi na ni Brando di ba? ano bang alam mo sa mga ganyan..di ka naman detective ah" inis na tanong ng bakla..

"Nurse ako" mahinahong sagot ni Angel..

"Tsk tsk.. ayan ...wag kasing magpapaniwala sa mga walang kwentang boypren" singit ni Sam sa narinig.

"Hoy...wag kang nakikialam jan malibog.. wag na wag mong bastusin ang boypren ko" sabi ni Reggie..

"E wag mo ring bastusin sa harap ng tropa ang girlfriend ko" sagot ni Sam..

"Binastos ko ba? haaaay grabe.... at ano na naman yang issue kay Brando..bakit di ko alam" ika ng bakla..

"Tsk.... akala ko ba alam mo lahat... e di dapat alam mo din yun" sabi ni Tanya.

"Kung kami nga alam namin.. oh siguro alam mo lang at hindi mo lang kayang tanggapin" dagdag pa nito.. Blanko ang isip ni Aira.. Ngayon nya naramdaman ang pagsisisi...ang ginawang pag sampal kay Kaloy... Tiningnan nya si Ram... ito lang ang makakasagot ng lahat pag nagising ito.. Agad dinala sa E.R si Ram.. lahat ay naghintay sa binata.. Si Dan, dahil daplis lang ay maya maya'y nakalakad na..

"Tol..pag nagising si Ram..bistado na tayo" sabi ni Brando kay Dan...

"Naisip ko din yan tol.." sagot ng binata..

"Anong balak mo?" tanong ni Brando..

"Di ko alam tol" ika ni Dan.

"Anong hindi mo alam.." tila natataranta ang tinig ni Brando..

"Tol..nakasaksak ako ng inosente...at ibinaling ko ang sisi sa isang inosente dahil sa pagiging makasarili ko... di ko na alam gagawin ko.. kinakain ako ng guilty ko ...at iniisip ko ang mawawalang tiwala sakin ni Mutya" seryosong sagot ni Dan...

"Hindi tayo pababayaan ng magulang natin" dagdag pa nito..

"Ano yang pinagsasasabi mo ? wala kang plano? " sinampal ni Brando ang sariling mukha.. Ngumiting pilit lang si Dan..

"Nasan si Clay" tanong ni Brando Nagkibit balikat lang si Dan.

"Nag away na ang mga kaibigan ko gawa ng nangyari..kaya aamin ka sa akin ngayon o mag bebreak na tayo" sabi ni Tanya kay Clay..

"Tanya.." tila nakikiusap ang tinig ni Clay... Wala syang magawa.. napatinding mam blackmail ng dalaga..

"Seryoso ako... pag alis ko dito at hindi ka nagsabi ng totoo.pupuntahan ko si Kaloy at ipapalit ko sya sayo.. libreng libre na sya ngayon .wala na akong kaagaw" sabi pa ng dalaga.. Di pa din umiimik si Clay..

"Ano" sigaw ng dalaga.

"Ayaw mo ha" nag umpisa ng lumakad palayo si Tanya...

"Tanya.. babe..sasa- sasabihin ko na" pigil ni Clay sa nobya.. Ngumiti si Tanya.. tumigil sa paglalakad at bumalik..

"Ano yun babe" malanding tanong nito..

"Ok na yung pasyente...hintayin na lang natin sya magka malay.. buti naagapan nyo. " sabi ng doktor ng lumabas ito.

"Haaay buti naman" nakahinga ng maluwag si Reggie.. Sila lang ni Aira ang nakaupo ngayon sa labas ng E.R, si Kris ay tulog kasama si Jema sa sasakyan at ang dalawang malibog ay wala na naman.. Napansin ni Reggie na wala pa din imik ang kaibigan.

"Ok ka lang?" tanong nito.. Tumango lang si Aira.. Ngumiti ang bakla..

"Hindi ka ok e.. alam ko nararamdaman mo" sabi ng bakla. Hindi pa din nagsalita si Aira....

"Naguguilty ako sa nagawa sis" sabi ni Reggie ng matantyang hindi mag sasalita si Aira..

"Naalala ako ang layo ng bahay ni Kaloy.. nandun pa kaya yun kila Tanya" dagdag pa nito...

"Saka ano kaya talaga ang nangyari"

"Hindi ko alam...hindi natin inalam" sagot ni Aira.. Napasinghap lang ang bakla..... Katahimikan..

"Alam mo ba yung alam nila tungkol kay Brando" tanong ni Reggie kay Aira. Tiningnan lang sya nito..

"Niloloko ka nya.. may girlfriend sya at dun napupunta lahat ng pero na binibigay mo sa kanya" sabi ni Aira..

"Anong – ... pano?" di malaman ni Reggie ang sasabihin... kusa na lang itong nagtakip ng bibig at umiyak...

"Nagulat ako kung pano nalaman ni Kaloy e samantalang kanina lang nya na meet yun" dagdag pa ni Aira. Ang bakla naman ang hindi nag salita.. Diretso lang itong umiyak..

"Mahal na mahal ko si Kaloy Reggie" sabi ni Aira sa bakla ngunit tila wala itong kinakausap..