1. Home
  2. Stories
  3. Bahaghari Sa Karimlan Ng Dagat 2
Lagablab

Bahaghari Sa Karimlan Ng Dagat 2

3 minutes

Nakatuhog sa may bibig patungo sa may hasang ang tatlong malalaking dalag na bitbit ni Khalid. Uway ang ginamit nya na pantuhog at saka itinali ang magkabilang dulo. Maaaninag ang lalim ng kanyang iniisip sa kanyang mukha. Singlalim ng dagat kaya siguro ay hindi nya namalayan na narating nya na pala ang kanilang kubo. Inakyat nya ang dalawang baitang na hagdanan patungo sa kanilang kusina. Isinabit ang nahuling isda at lumapit sa tapayan ng tubig. Inabot ang isang bao ng niyog at kumuha ng tubig mula sa tapayan at pagkatapos ng tatlong lagok ay muling lumabas.

Yumuko ang binata upang abutin ang mga lukay o tuyong sanga ng niyog at saka tinungo ang abohan, dun kasi sila nagluluto. Kinuha nya ang sundang na nakaipit sa gilid ng abohan at tinapyas ang mga dahon mula sa lukay. Pinutol nya ang mga sanga na tigtatatlong dangkal ang haba. Iniayos nya ang mga sanga sa abohan at saka ibinaling ang atensyon sa mga dahon nito. kumuha sya ng may pitong piraso nito at tiniklop. Ang isang dulo nito ay pinaikot nya sa kabuuan ng mga dahon at saka itinali.

Malapit sa bukal ang tahanan ng pamilya ni Khalid. May isang biyak na bato sa may bukal na nag aapoy. Kinamulatan na ni Khalid ang mahiwagang pangyayaring ito ngunit hanggang sa ngayon, ay wala pa ring nakakapagpaliwanag ng mabuti sa kanyang mausisang isipan kung bakit hindi namamatay ang apoy nito. Marami ang nagsasabi na nagmula raw ito kay Tuhan, na isa sa kanilang mga sinasambang bathala.

Inilapit ni Khalid ang kanyang hawak na lukay sa apoy at lumiyab na nga ito.

"Buti na lang at wala si ina, tiyak na pagagalitan na naman ako nun kung malalaman nya na dito na naman ako sa biyak nagsindi," sambit ng binata sa kanyang sarili.

Bumalik uli si Khalid sa abohan at sinindihan na ang inayos na mga sanga. Kinuha nya ang palayok sa ilalim ng abohan at ipinasok dito ang ilang piraso ng kamanting o kamoteng-kahoy. Halos ga-puno ang tubig na ibinuhos ng binata mula sa tapayan ng tubig. Saka niya ipinatong sa apoy ang palayok at muling pumasok sa kusina. Di nya na alintana na hindi nya pala natakpan ang palayok.

Nangalumbaba si Khalid pagkaupo nya. Maya-maya ay idinikit ang kanyang pisngi sa mesa. Balisa pa rin sya sa pangyayari kanina kasama si Napisa.

Katabi ni Bashra ang ina sa pagtulog ngayong gabi kaya mag-isa lang si Napisa sa kuarto nila ng kapatid. Pagkatapos ng hapunan ay naligo si Napisa kaya medyo maaliwalas ang pakiramdam nya ngayon. Ngunit, sa kanyang kaibuturan ay may init na animo'y pumapaso sa kanyang kaselanan ang ibig na kumawala. Init na ngayon lang nya naramdaman. Init na naghahanap ng higit pa sa malamig na tubig na kanyang ipinaligo upang mapugnaw ang dulot na kabaliwan.

Di mapakali ang dalaga. Ang malambot na unan na gawa sa dol-dol ay tila may ga-libong karayom na ayaw magpahimbing sa kanyang diwa.

Niyakap ng babaeng puspos ng kakaibang init ang sarili. Hinimas ni Napisa ang kanyang tiyan. Paikot-ikot. Haplos na halos hindi dumikit sa kanyang balat ngunit kakaibang raos ang dulot. Paakyat. Patungong hilaga. Sa kinaroroonan ng mga bulubunduking tirik na tirik. Nadama nya ang mga paanan nito. Sa tuwing naliligo ay kanya itong hinahagod upang luminis. Ngunit ngayon ay kakaiba ang kanyang pakay. Ito ay upang maapula ang matinding apoy na kahit sa kalagitnaan ng dagat ay di mapapawi. Tanging mga haplos ng kaluluwa lamang ang maaaring magpaamo dito.

Pinisil-pisil nya ang malalambot na umbok na ito. Sinusulit ang bawat dangkal ng laman sa paghipo, hanggang sa naabot na nga ang tuktok ng umbok na ito. Naroo't nilamon sya ng kabaliwan nang mahagip nya ang mga naninigas na mag utong. Isa, dalawa, tatlong hagip. Hindi sya tinuruan kailanman na magmura ng kanyang mag magulang ngunit.

"Putang Ina! Ang sarap sarap naman!" Sigaw ng kanyang nagsusumamong pagkataong loob na tila sinapian ng isang libong demoyo.

Ang apoy na pinipilit na pinapatay ng kanyang mga daliri ngayon ay mas lalong lumiyab sa ilalim ng kanyang mga palad.

Posted in: Romance