1. Home
  2. Stories
  3. Two Faces
PSErotica

Two Faces

3 minutes

Sana magustuhan ninyo ito .. At pki guide na rin kung ano pa ang iimprove .. Pero unang yugto plang ito ..
Ito na po salamat sa magbabasa ..

"Unang Yugto"
Sa paguumpisa ng kwento ..

"Oh, dalhin nyo na yang bankay na yan," utos ng lider ng mga pulis.

May nakita sa parke na bangkay ng isang babaeng walang suot na kahit ano at lawit ang dila na tila pinatay sa sakal. Matagal nang may ganitong insidente sa Kamaynilaan. Ngunit walang makapagsabi, pati na ang mga pulis ay walang lead tungkol dito.

Si Capt. Ronaldo v. De lara ang lider ng mga pulis at ang incharge sa pagiimbistiga ukol rito. Si Capt. Ronaldo ay minsan na rin naging biktima ng madkiller na iyon. Ang nobya nito ay naging biktima ng killer tulad ng nakitang babae sa parke walang ano mang saplot at lawit ang dila na parang pinatay sa sakal.

"Sir, pang pito na tong biktima simula nung nakaraang 2 taon," sbi ng pulis na ikinasira ng kanyang pag alaala ng mga nakaraan.

"Oo nga eh, magaling at madulas ang suspect, malinis at walang anumang pagkakakilanlan ang naiiwan sa crime scene," mahabang paliwanag ni Capt. Ronaldo na pagkatapos ay tumingala at nagpaalpas ng napakalalim na buntong hininga.

Isa-isang nagalisan ang mga tao sa lugar pati na ang ibang pulis.

"Sir, tara na at magrereport pa daw tayo sa presinto tungkol sa nangyari rito," aya ng kanyang kaibigan at kasamang pulis na si SPO1 Mark.

Bago umalis ay inikot pa ni Capt. Ronaldo ang kanyang paningin sa buong parke. At sa di kalayuan ay nakita niya ang lalaki na nakatunghay sa kanya na naka-sombrero na pang-baseball, nakaitim na jacket at nakasalamin. Ipinagtaka niya kaya kanya itong tinawag.

"Psst, ikaw , maari kabang lumapit?" pakiusap nya rito.

"Sir, tawag nyo ba ako?" takang tanong ni SPO1 mark sa kaniya.

Tumingin siya rito, "yung lalake na yun kahina-hinala eh," paliwanag at tinuro muli kung saan nandun ang sinasabing lalaki.

"Saan sir? Puno lang iyon," sabi ni SPO1 Mark nang tingnan niya ito.

Totoo nga at wala na ang lalaki roon na ipinagtaka niya, masyadong mabilis ang pagkawala nun at kinilabutan siya rito.

"Pagod ka lang siguro sir," sabi ni SPO1 Mark sa kanya.

"S-siguro nga," pilit na pagsangayon nalang niya rito.

"Tara na sir baka gabihin pa tayo ng uwi eh," aya ni mark sa kanya at naglakad na sila patungo sa owner type jeep.

Kinuha nya sa bulsa ang susi at ini-start ang makina at pinaandar. Sa kanyang, pagmamaneho di pa rin maalis sa kanya ang lalaki sa tabi ng puno at sa tingin nya kilala nya ito at pinagtataka pa niya, segundo lang ay naglaho na ito. Ilang minuto lang ay huminto na ito sa harap ng presinto at bumaba na sila at tumungo sa office ng nakatataas sa kanila at nagreport. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na itong uuwi na. At dahil sa gabi na nga nun kaya pumayag na din ang nakatataas sa kanila.

Ilang oras pa ay malapit na siya sa uuwian nitong apartment, may kalakihan ang apartment at sa 2nd floor pa siya nangungupahan. Ipinarada niya ang owner niya malapit sa apartment at naglakad na tungo sa kwarto niya , umakyat siya sa hagdan at naglakad ng konti at huminto na siya sa pintuan ng kanyang inuupahan, kinuha ang susi sa bulsa at pinasok sa doorknob, kinabig para mabuksan at ng makapasok ay binaba niya ang baril at chapa niya sa study table nito. Di na nya nagawang maghubad ng damit at magpalit ng iba. Ibinagsak ang kanyng katawan sa kama at agad nakatulog.

Dun na natapos ang kanyang mahabang araw

Tapos na ba talaga?

I t u t u l o y ..

(Note to the author: Please follow this format for your future works. Thanks.)

Posted in: Weird