1. Home
  2. Stories
  3. INSTALLER (Mangangabit).... Patalastas.....UTAK KANO
PSErotica

INSTALLER (Mangangabit).... Patalastas.....UTAK KANO

7 minutes

Alas onse na ng gabi, ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Kakatapos ko lang palitan ng LCD ang laptop na dinala sa shop ko kanina. Binuksan ko ito para magamit at matesting na rin. Kung ano anong website ang pinuntahan ko hanggang sa nagpasya akong magbasa na lang muna sa dalawang tambayan ko. Binuksan ko muna yung site na may anino ng babae ang bungad, para tignan kung may kasunod na yung kwentong binabasa ko. Wala pa rin kaya lipat ako sa PSE, baka may karugtong na ang My GF ni boss TheHunters. Haysss wala pa rin.

Nagbasa-basa ako ng mga comments sa story niya, ayun kaya pala. May nagcomment pala sa story niya na di maganda at ang masama pa etong comment niya na ito…

(”Pasapol ka pa huh, you should know I really wanted to read your story. Thank you for being considerate and writing all your words using capital letters, keeping in mind people with visual difficulties. If only it was written in it's correct format, I could've read it and shared my opinion. Sabagay simple lang ang requirement para mabasa ang story, kaso na discriminate ako dahil hindi 20/20 ang vision ko and totoo na hindi lang ako ang reader mo. At least I know you discriminate people like me, so it's easier skipping any of your future stories. Who cares if I can't read your stories, it's not as if it were written in it's correct simple format. Thanks!”)

Kaya pala tumaas ang presyon ni TheHunters. Sayang gusto ko pa naman sanang mag-umpisa na rin magshare ng kuwento at magsulat para naman maibalik ko ang panahong puro basa na lang ako ng kuwento ditto sa PSE. Nagdalawang isip tuloy ako lalo na ng mabasa ko uli ang isa pa niyang comment..

("Thanks for that suggestion, I'll do that. Hirap maging literate, sabagay dito pwede maging illiterate pero bawal mag comment na far from constuctive or mag bigay ng tamang suggestion. Eh pang mga bahding nga itong lugar na ito, Sige I'll just fuck my way out of here para hindi kayo mahirapan. Oh... nakakahawa ang bading, kung straigh ka eh mababading ka din, Dildo lang sa puwet ang pang lunas niyan, siguradong bading talaga ang babagsakan mo. Salamat this place rocks!")

TAKE NOTE SA SINABI NIYA DITO HA! LAST YEAR PA TO PERO ETO NA NAMAN SIYA! ALIS NA LANG DAW SIYA PERO ANO'T ANDITO PA RIN SIYA PARA MANIRA?

Haayss…. Bakit may mga taong ganito. Sayang, isang magaling at datihan ng manunulat ng PSE ang siguradong mawawalan ng mood para magsulat. Sabagay ako nga na magsisimula pa lang sanang magsulat nawalan na ng gana. Mag-antay na lang ako uli. Lipat na naman ako sa kabila. Wala kasi akong makitang maganda kundi puna na wala namang katuturan. Kaunting mali kasi pinupuna na eh pwede namang sarilinin nalang. Malay mo di napansin ng may-akda or pagod sa trabaho at nagsulat lang para maupdate ang kanyang kuwento dahil inaabangan nga ng mga readers niya.

Ilang araw din siguro akong nagging busy sa trabaho kaya nawala na sa isip ko ang mga nabasa kong bangayan sa kuwentong My GF chapter 6 at ayun may kasunod na itong chapter 7. Sa isip isip ko mabait pa rin si TheHunter kasi pinagbigyan pa rin niya kaming mambabasa niya na maituloy ang kanyang kuwento. Ayos kako dahil buhay uli ang masayang buhay ko sa pagbabasa sa PSE pero bigla akong nalungkot dahil ibang problema naman ang nangyari. Nawawala kasi sa ere ang PSE. Inabot pa ata ng isang linggong sarado eh sarap na sarap pa namang sundan ang akda ni Boss Toyantz na Bantay ng Computer Shop.

Kaya subsob na naman sa trabaho. Hanggang sa maisipan ko na gumawa muna ng istorya habang wala pang PSE. Isang gabing di uli ako makatulog, nagbakasakali uli akong bukas na ang PSE at presto ayos na nga ito. Pero dalawang araw na wala pa ring update sa mga kuwentong inaabangan ko at wala ring bago. Eh yung istoryang ginagawa ko naman di ko mapagpasyahan kung ipopost ko o hindi kasi naalala ko yung comment nung isang reader. Eh baguhan ako, kaya nagdadalawang isip ako baka punahin din niya kasi naman mga maliliit na pagkakamali ng dati ng gumagawa ng story dito ay pinuna niya.

Basa basa na uli ako, salamat sa mga bumubuhay sa PSE dahil ilang taon din akong tambay dito. Haaysss… hirap pala pag ganito, gusto kong magsulat pero nagdadalawang isip ako. Bahala na nga si Batman. Si Superman nga nagkamali, inuna yung panjama bago yung brief at nagbalabal pa ng kumot, eh superhero na yun.

Kaya inumpisahan ko ng magsulat ng kuwento sa PSE para naman makapagbigay din ako ng kaunting aliw o may maishare naman ako sa mga kagaya kong adik na yata sa site na to. (hahahahaha as in adik na talaga hahaha). Sa umpisa talagang medyo nakaka-kaba dahil di mo alam kung ano gagawin mo o di kaya ay nababahala ka baka di magustuhan ang gawa mo. Ayun tuloy nakalimutan kong mag-paragraph spacing (hahahaha tinawanan tuloy ako ni katotong shy pero ang ganda ng pagkakaturo niya sa akin, yun bang hinagod muna niya yung puwet ko sabay biglang palo ng sinturon, hahahaha)

So sa pangalawang part ng story ko medyo natuto na ako ng kaunti. (Salamat ate shy!) kaya tuloy tuloy na to kako. Pagdating sa pangatlong part ng story na medyo nagbabalik tanaw ang bida, may umepal sa story. Nagcomment ba naman ng..

("Diba bagong tuli lang si Rey? Mangangamatis ang etits nito pag nanuod ng porno. Babae ba ang author nito kasi kahit anung galing ng tumuli sayo eh siguradong baldado ka, correct me if I'm wrong.")

Aba, mokong nga ang taong ito, sa isip isip ko. Nagcomment agad ng akala mo kung sinong magaling eh maliwanag naman sa part 2 na baliktanaw yung pangyayari (hahahaha sobrang talino kasi). Kaya ginawa ko sinundan ko ang track ng taong ito pero wala pa namang nagagawang kuwento. Puro pamumuna at pangongorek sa mga simpleng mali lang naman ang ginawa dito sa PSE. Buti na lang to the rescue na naman ang mabait na SHY kaya pinabayaan ko na lang muna.

Habang di pa ako makapagconcentrate dahil sa komento ni mokong eh basa basa uli ako. May mga baguhang writers uli at puro pintas na naman ginawa niya. Kaya sabi ko, wala talagang magawa tong taong to, mukhang kamag-anak ng Righteous Brothers kasi napaka perpekto. Pero di ko parin pinansin, itinuloy ko uli ang sumunod na kuwento ko at aba, di ako tinigilan, simpleng error binanatan na naman ako hahaha….

("What the hell are doin' with my daughter!?"
What the hell are you doing to my daughter....Fixed

"Don't be mad Daddy, but if you want to join? I want to feel your cock on my pussy again Daddy... oohhh..."

Tanong lang.... Sa ibabaw ba ng pussy niya or sa luob?)

Kaya ang lolo niyo nag-init ang ulo (hehehe sa taas po di sa baba) kaya sinundan ko na talaga kung anong track ni mokong eh puro puna sa baguhan ang ginawa, para naman maintindihan niya di siyempre paliwanag ako na wala naman kasing proofreader dito at wala ring editor. Aba, lalong nagalit at tinawag pa akong unggoy hahahaha……

Hay naku… wala namang masama sa mga isinagot ko sa kanya, nagpaliwanag lang naman ako, pero para na siyang sinisilaban sa pwet. Palusot niya pag nasusukol na siya ay matanda na daw siya at amboy, sinong ginawa niyang tanga!? Matanda na pala bakit mahilig pang magbasa kung di na niya kaya. Amboy daw siya for 35years kaya di masyado makaintindi eh matatas naman siyang magtagalog sa mga comments niya. Hay… nakuh….

Tapos itinuloy ko na yung story ko, medu nalito ako kaya napindot ko yung save sa umpisa pa lang ng kuwento ko kaya napost agad na walang laman, aba nag comment uli ng WOW! ano yun insulto? At umulit pa ng pangalawang WOW, another insulto hahahahaha

Xencya na po… eto ang kuwento ng buhay PSE ko sa nakaraang araw, puno ng katatawanan at kawalan ng gana dahil sa isang nilalang na mahilig ipagpilitan ang gusto dahil sa pagiging utak kano. Masyado bang maliit sa paningin mo ang kakayahan ng Pinoy kaya ganyan ang tingin mo!

Posted in: Weird