1. Home
  2. Stories
  3. APOL : A NYMPHET'S TRUE STORY VII
PSErotica

APOL : A NYMPHET'S TRUE STORY VII

7 minutes

Chapter VII / Part 1 : YOU MAKE ME SHINE!

Pasado alas singko na ng hapon nang makarating kami ni Melai sa mall.

''My gas bessy, ang traffic! Di na sana tayo tumuloy'' pupunas-punas ako ng pawis gawa ng napakaalinsangan noong hapong iyon.

''Uwi na?! uwi na!? Puro ka naman reklamo bessy e, ikaw na nga niyaya dito para di ka magstress-stress-an dun'' pagsusungit nito.

''Chill bessy! Oo na! .. Ikaw na hayblad?? Ha?!.. Ha?!'' pagbibiro ko sa nakasimangot kong kaibigan.

''Dyahe naman kasi ung babaeng nakasakayan naten. Kung makahello sa phone daig pa yung kunduktor kung tumawag ng pasahero. Eh halos malaglag na dumi ng tenga ko e.'' reklamo nito.

''Haha! Tamang trip tawag dun bessy, biruin mo nakaloud speaker pa kausap?'' gatong ko.

''So..., ako lang pala mareklamo huh?'' biro ko sabay akbay sa balikat ni Melai.

''Hmpt! teka bessy, ano ba kasi gusto mong suotin?''tanong nito.

''Meron ba nakakapagpainvisible dyan?'' biro ko.

''Lokohan pala to e! wag ka na umattend kung invisible ka din lang!!'' pagalit na boses nito.

''Balikan naten yung dyip!!'' seryosong sambit ko.

''Baket?'' gulat na tanong nito.

''Eh langya yung babae e, sinira mood ng bessy ko. Tanggalan ko lang ng panga para di na makapamerwisyo'' pagalit na tugon ko.

''Haha!! Gaga!! Ikaw na super affected?'' tatawa-tawa ito.

''Eh naaawa na ako sa sarili ko e, mas masaklap pa balik saken ng pagkabadtrip mo'' pangiting angal ko.

''Sorry naman! sige sige.. seryoso na... ano nga?'' muling tanong ni Melai.

''Uhmmm..syempre gusto ko maganda, yung magmumukha akong prinsesa..yung mahaba.. balloon dress.. colorful..tapos may maliit pa akong korona sa ulo'' pikit mata kong pagdedetalye.

''hoy! gising!''sabay pitik nito sa ilong ko.

''Araay!! Bakit?'' inis na tanong ko.

''JS Prom yun bessy.. Hindi Flores de Mayo.. Pakajologs!! Kaloka!!'' simangot nito.

''Teka sila Hannah yun ah? well, well,.. andito din pala ang karibal mong campus sweetheart.'' taas kilay na tinuro ni Melai ang gawing kanan kung saan naroon si Hannah at ang kaibigan nito.

''Hmmm..may taste ah? tara sundan natin'' sabay hatak nito sa braso upang makalapit kami ng kaunti mula kinaroroonan nila.

''Ganyan sinasabi ko sayo bessy.. Simple but elegant.. Tignan mo oh?'' titig na titig si Melai sa mga hinahawakang gown ni Hannah.

''May sinabi ka ba?'' tanong ko.

''Duh?! kasasabi ko lang'' tugon nito subalit nakapako parin ang mga mata nito kay Hannah.

Napatingin na rin ako sa mga gown na kinikilatis ni Hannah. Magaganda ang lahat ng iyon pero parang wala parin sya ni isang nagustuhan dito. Ilang sandali pa ay umalis na ang mga ito.

''Next!!'' sigaw ni Melai kasabay ang malakas na tapik nito sa likod ko na muntik ko na ikatumba.

''Aray naman! anong next?'' pagtataka ko.

''Ikaw na! As in tara dun at magsukat ka na! Bagal ng pick up oh'' hinatak ako nito at inabot ang isang kulay pink na gown.

''Sukat ko?'' tanong ko.

''Naku hinde, ikiskis mo sa katawan mo hanggang sa dumikit yang gown para hindi mo na bayaran'' pagsusungit nito.

''Tatanong lang, napakasungit naman..ang aga mo naman magmenopause'' angal ko sabay pasok sa dressing room para magsukat.

Matapos ang limang minuto..

''Dyaraaan!!'' humakbang ako palabas at nagpaikot-ikot sa harap ni Melai.

''Wow! bessy gandaaaaahh!!'' nanlaki ang mga mata ni Melai sa nakita.

''ganda ko? Naku! magbessy talaga tayo.. Thank you!!'' tila pumapalakpak ang tenga ko habang feel na feel parin ang gown na pilit ko pinagkasya sa katawan ko.

''Ng gown grabe! hihihi'' bungisngis ni Melai.

''Eh ako??'' muling tanong ko habang abot tenga parin ang ngiti ko.

''Yummy bessy!!.. suman!!.. Isang napakalusog na suman ang dating mo! ahahaha!!'' halos mamilipit ito sa sobrang katatawa.

''Sabi na e. dapat di ko na sinukat'' nanlumo ako.

''Sus! Di naman mabiro ang bessy ko. Gagawan natin ng paraan yan'' sabay hawak ni Melai sa magkabilang balikat ko.

''Ipaparepair natin tong gown?'' nagliwanag ang mga mata ko.

''Hindi noh! Magdadiet ka'' sabay pindot nito sa ilong ko.

Akmang aangal ako nang..

''Hep! hep! wag na kasi kumontra.. Para sayo din to e. Gusto mo ng memorable hayskul life di ba?'' paliwanag nito.

''Pero bessy napaka-unrealistic.. two weeks before the Prom?'' angal ko.

''Ok. madali lang naman ako kausap e. Balik mo na yang gown. Uwi na tayo'' seryosong utos nito.

Humakbang ito palayo.

Seryoso.

Nagtampo na nga.

''Bessy naman e.. uyyy!! seryoso talaga to?'' tanong ko habang pilit hinahabol sa mabilis na paglakad nito.

''Cge na nga.. Deal!!'' sabay kamot sa ulo ko.

''Papayag din pala e. Nag-inarte ka pa'' masama paring tingin nito.

''Tampururot ka kasi'' bulong ko pero di na umabot iyon sa pandinig ni Melai.

Kinaumagahan..

Sa school canteen..

''hi bessy'' bati ni Melai sabay kagat sa burger na hawak ko.

''hmmm saraaaaap ah! Akin na to bessy ah. Di pa ako nag-almusal e..hihihi'' bungisngis nito sabay agaw ng burger sa mga kamay ko.

''bilis ng pang-amoy mo ah'' pambungad ko.

''teka bakit andito ka nga pala? Wala ba tayo klase? Tinamad ka?'' nagtatakang tanong nito.

''Oo. absent si Ralph e, kakawalang gana'' malamyang sagot ko.

''teka di ba ngayon yung bunutan ng raffle coupon na hinulog naten dun sa sponsor ng Prom?'' muling tanong nito habang patuloy sya sa pagkain.

''Oo. pero absent si Ralph e, kakawalang gana'' malamya paring sagot ko.

''SkinWhite magsponsor di ba? Nakakaexcite naman?'' pagpapatuloy nito.

''Oo. pero absent si Ralph e, kakawalang gana'' paulit-ulit na sagot ko.

''pirated? Paulit-ulit?'' puna ni Melai.

''Oo. pero absent si Ralph e, kakawalang gana'' pilit ko iniiwasang matawa sa pagkakataong ito.

''isa pa bessy, sasabunutan na kita'' babala nito pero di maiwasang matawa.

''Oo. pero absent si Ralph e, kakawalang gana''sambit ko kasabay ang malakas na tawa. Umilag-ilag narin ako sa mga kamay ni Melai na pilit hinuhuli ang buhok ko.

Nagtawanan kami pero agad din itong nagseryoso.

''kainis naman e, ang tino ko makipag-usap oh? Tara na kasi doon'' pag-aaya nito

''Naku bessy interesado ka pa dun? Alam mo namang wala kang swerte sa mga palabunutan na ganyan'' sabi ko.

''dito nalang tayo nagugutom pa ako e'' dagdag ko.

''hep! hep! ang diet! Usapang babae yun bessy ah'' paalala nito.

''tara na kasi dun para di ka kumain ng kung anu-ano dito lalong masisira diet mo e.'' pamimilit ni Melai.

''Oo na. Pero tandaan mo. Ikaw may kasalanan kapag hinimatay ako ah.'' pananakot ko.

''niloloko mo ba ako? Eh kung hindi ko inagaw yung hawak mo kanina pangalawa mo na yun e.'' nagkibit balikat ito.

''talas ng pang-amoy, talas ng mata, talas pa ng bunganga.. iba ka bessy! package deal!'' pang-aasar ko.

''naman! San kapa?'' pagmamalaki pa nito.

Sa isang malaking silid kung saan nagtipon tipon ang mga juniors at seniors..

Mr. Dela Cruz : ''Angela Mae Lim? andito ba?''

''sir wala po'' tugon ng mga studyante sa lalaking nasa harap na syang representative ng SkinWhite.

Mr Dela Cruz : ''ok bunot tayo ng iba''

Nakailang bunot na si Mr Dela Cruz at tila nagsiuwian na ang iba.

Excited naman nag-aabang ang mga studyante sa silid na mabunot ang pangalan nila.

Mr Dela Cruz : ''Apple Mae Rivera?''

''sir andito! andito!'' sigaw ni Melai na tila sya ang nagmamay-ari ng pangalang iyon.

Tinulak ako ni Melai para iclaim ang envelope na hawak ni Mr. Dela Cruz.

Mr. Dela Cruz : ''ok iha, heres your price. Andyan narin sa loob ng envelope ang contact # ko. Just text me an hour before your prom para alam din namin saan ka susunduin.''

Tumango lamang ako kasabay nun ay nagpaalam na rin si Mr Dela Cruz.

Agad hinablot ni Melai sa mga kamay ko ang envelope at eneksamin ang laman nito.

''wow congrats bessy! Total make over sa David Salon tapos may service ka pa! naks!'' masayang sambit nito.

''see? Kaya kaylangan mo talaga ng bonggang dyeta para sa Prom at sa ngalan ni Ralph'' dagdag nito habang di mapigilan ang saya at kilig.

''dagdag pressure! arrrgh!!'' sigaw ko sabay kibit balikat.

''kaya mo yan bessy!!'' sambit ni Melai.

...

Posted in: Weird