1. Home
  2. Stories
  3. KABABATA PART I # 6
PSErotica

KABABATA PART I # 6

2 minutes

Marami akong nakain dahil noon lang uli ako nakatikim ng luto ni nanay ,Anim na taong mahigit kung hinahanap-hanap ang ganitong pagkain.Busog na busog akong tumayo upang iligpit ang aking pinagkainan ,Nasanay na kasi akong laging nagliligpit at naghuhugas ng aming pinagkainan .mula pa sa magkaroon ako ng isip ay tinuruan ako ni nanay na kaugaliin ang kalinisan at pagiging masinop sa bahay bago lumabas at maglaro.

Pinigilan ako ni nanay at sinabing maupo daw muna ako sa sala at kakausapin nya ako tungkol sa aming dalawa ni Baby.Magkatulong uling iniligpit nila ang aming pinag-kaonan habang naghihintay ako sa aming pinakasala.Nang makatapos sila ay naupo si Baby sa aking tabi at nakahawak sa aking braso ,Ako ang nahihiya kay nanay sa inaasal ni Baby ,At kinausap kami ni nanay.

"Batid kung nasa hustong gulang na rin kayong pareho sa mga ikinikilos nyo ay alam ko ring mayroon ng namamagitan sa inyo.Hindi naman ako tutol na kayong dalawa ang magkatuluyan ,lamang ay ,Ano ang ibubuhay mo kay Baby ? Anak galing ka sa bilangguan at wala tayong kabuhayang ipagmamalaki sa kanilang pamilya isa pa wala kang alam na trabaho,Papano kayo"?

Dito biglang sumabat si Baby .

"Nanay ,walang problema yan ehh di ipapasok ko syang katu-katulong sa aming palitan ng pera upang lagi kaming magkasama , o kaya naman papapag-aralin ko sya kung anong kurso ang gusto nya may sarili naman akong pera nay hindi ko na kailangan ang tulong nina daddy at mommy ehh."

Doon na rin ako sumagot,"Marunong akong magtanim ng kahit na ano,At marunong din akong magkumpuni ng kahit anong sasakyan at magmaneho siguro naman maaari akong magmaneho ng jeep o taxi kung may magtitiwala lang sa akin".

"Kung ganoong marunong ka palang magtanim ehh maaari kang doon na lang sa ating probinsya magtrabaho anak .matanda na si kuya at walang anak nalalaking mag-aasikaso ng aming palayan at niyugan sa LEYTE,maaari ka roong makatulong sa tiyuhin mo anak".

Sa tingin ko ayaw pumayag ni Baby sa gusto ni nanay,Hindi ko alam pero kinurot nya ako sa tagiliran at muling nagsalita .

Ang layo ng bisaya ANDREW papano naman ako maiiwan ba kami dito ni nanay at ikaw ehh sa bisaya maglalagi at magtatanim unfair naman yata yan nay.Baka doon pa yan maghanap ng ibang babae paano naman ako".

Hindi agad nakakibo si nanay dahil tama si Baby tiyak na magkakalayo kaming dalawa ayaw ko ring mangyari ito pero papano?

Dalawang magkapatid si nanay at tito naldo o(REYNALDO)dito kinuha ang pngalan ni kuya rey mas matanda si tito kay nanay walang naging anak si tito ang alam ko ay may inampon silang pamangkin ni tita lydya hindi ko pa ito nakikita dahil bata pa ako noon at ang sa pagkakaalam ko'y anak ito ng kapatid ni titang babaing namatay na at walang titingin dito dahil umalis daw patungong guam ang tatay ng ampon nila

Posted in: Friend