1. Home
  2. Stories
  3. Not A Sex Story #rarw
Filipino Sex Stories

Not A Sex Story #rarw

11 minutes
(4rth year high school. Consists of 15 students. Ages 15-18.)

"Ano? Ligo tayo sa Markang Bato?" Anyaya ni Benji sa kanyang kasama na sina Gian, Jameson, Patrick at Leo.

"Kol ako dyan!" Sabi ni Patrick at nakipag apiran kay Benji.

"Ano boss? Kainip kasi. Alas 3 pa ang PE, ang tagal nun. Babalik din naman agad tayo eh, tsaka Friday ngayon. Dun lang tayo sa Markang Bato. Masarap liguan dun," Sabi ni Benji kay Gian na syang leader ng grupo nila. Every Friday sa hapon ang PE nila, sa covered court sila mag-aasembly kasama ang ibang section ng 4rth year.

"Pupunta kayo sa Markang Bato?" Singit ni Rowena na nakikinig pala sa usapan.

"Oh, bakit sasama ka?" Biro ni Leo.

"Girls. Maliligo sila! Sama tayo! Sige na!" -Rowena

"Hoy gagi ayaw ko! May pasok pa sa 3."

"Ang kj mo naman Llana, minsan nga lang eh. Guys ligo tayoo!" Anunsyo ni Benji sa kanyang mga kaklase. The more the merrier, di ba?

"Babalik din naman agad eh. Alas dose pa."

Lumipas ang ilang minutong pangungumbinsi ay unti-unti naring nakumbinsi ang kanilang mga kaklase na sumama sa ligo.

"Pres. Di ka sasama?" Tanong ni Jelai.

"Wag mo na nga yang pansinin. Teacher's pet yan." Sabi ni Ton na syang kakumpetensya ni Vincent sa pagiging top one sa klase.

"Teacher's pet ka pala Cent?" Tukso ni Gian.

Kaya naman ay tinukso ng grupo ni Gian si Vincent na syang class president nila sa classroom. Si Vincent ay nag-iisang anak ng principal. Masunurin ito at top 1 sa kanilang classroom. Kaya naman ay bantay sarado ang bawat galaw nya. Kaya mga kaklase lang ang nakakaalam ng mga kabaliwan ni Vincent sa loob. Ang totoo best friend si Gian at Vincent.

"Aw! Aw! Aw!" Biro ng mga kaklase si Vincent sakanya. Nagtaholan sila ng parang aso para mas lalong maasar si Vincent.

"Tss..."

"Sama ka na pres!" Sabi ni Clarret na syang may crush kay Vincent.

Dahil sa asar at pangungumbinsi ay pati si Vincent na kailan man hindi sumama sa mga gala ay sumama.

"Pagagalitan talaga tayo ngayong Monday pag tayo nabuking. At least tayong lahat sa room! Pati si Pres nakisali! Hahahaha!"

"Sasabihin nalang natin na may nagsabi satin na walang pasok!" Tawang-tawa sila habang gumagawa ng plano.

Siguro nga sa panahong iyon... nakatadhana talaga ang mangyayari.

Bumili sila ng konting pagkain. Salo-salo daw dahil last year na nila before sila mag college.

Masaya silang nakarating sa kinaroroonan nila.

"Oh Choi, wag mong ubusin lahat ng pagkain!" Inis na sigaw ni Jasmine sa kaibigan. Si Choi ang pinakamalaki sa kanilang grupo. Hinablot ni Jasmine ang chichirya sa kamay ni Choi at tumakbo. Nakisali pa ang iba sa pag-agaw ng pagkain. Sobrang ingay nila na minsan ay nasisita sila sa tagaroon.

Ang Markang Bato ay isang falls. May kalakihan ito at gaya ng pangalan nito may naglalakihang bato sa gilid na may mga marka ng kamay ng tao.

"Hindi ka maliligo Llana?" Tanong ni Joyce.

"Ayaw ko ngang sumama. Ayaw ko dito. Sabi ng Lola ko may mga shokoy daw dito." Natatakot na sabi ni Llana. Kung may kasama lang sya kanina sa classroom ay magpapaiwan sya. Kaso, wala. Kaya napilitan nalang syang sumama.

"WHOOOO!!!"

Napabaling ang mga babae sa grupo ni Gian na ngayon ay nag-uunahan nang tumalon.

"Guys, wag kayong masyadong maingay." Sita ni Kimberly sa mga kasama dahil sa talim ng tingin ng mga taga roon. "AAAAAHHHH!" Sigaw ni Kim ng may tumulak sa kanya sa tubig. "Gago ka talaga Choi! Wala akong damit!" Inis na sigaw ni Kim kay Choi na ngayon ay tawang-tawa sa nangyari.

"Tol, lika na!" Tawag ni Gian kay Vincent. Pasekretong ngumuso si Gian kay Clarret na ngayon ay naghuhubad na ng damit.

"Witwiw," sipol ng mga lalaki ng nagsimula nang maghubad ang mga babae.

"Ang manyak nyo talaga boys!" Sabi ni Coreen.

"Di ako marunong lumangoy," sabi ni Mia.

"Uy Boss! Di daw marunong lumangoy asawa mo!" Biro ni Benji.

"Tss. Lika dito babe," kindat ni Gian sa namumulang Mia.

Tinukso naman nila Mia na ngayon ay singkamatis ang pula.

"Di ka talaga maliligo Llan?" Tanong ulit ni Joyce. Umiling lang si Llana.

"Ako na magbabantay sa mga gamit nyo."

Kaya nagsimula nang maligo ang magkaklase. Puno nang tawanan at asaran ang paligid. Mga isang oras na silang naliligo. Medyo napagod dahil naghabulan sila.

"Pres oh. Ikaw naman," sabay abot ni Rowena sa galon.

Kinuha iyon ni Vincent para makalutang sya sa malalim na parte. Si Mia at Rowena din ay nakahawak lang sa kanya-kanyang galon dahil hindi din sila marunong lumangoy.

Nasa gilid sila ng talon at nagkwekwentuhan. May iba na nasa bato umupo, may iba na nasa tubig. Medyo malalim na dun kalahati sa kanila ay nasa tubig pa.

"Oh Llana. Ayaw mo talagang maligo?" Tanong ni Patrick. Umiling lang si Llana.

"Takot sya dahil may mga shokoy daw dito," hagik-ik ni Ton.

"Guys, wag kayong magkwento ng ganyan. Nakakatakot..." Nanginginig na sabi ni Rowena.

"Shokoy? May shokoy ba nababae?" Natatawang sabi ni Jameson.

"Bakit tol? Itetextmate mo?" Natatawang sabi ni Gian.

"Gago!" Nagtawanan sila.

"Hala guys! Nasa taas si Choi!" Turo ni Jelai sa mataas na bato malapit sa kanila.

"Takbo ka na Llana! Mababasa ka!" Pananakot ni Ton. Kaagad tumakbo si Llana at tuluyan nang tumalon si Choi. Nagcheer pa sila sa pagtalon ni Choi kaya mas lalong umingay.

At dahil nga malaking tao si Choi ay malakas din ang pag talsik at paggambala sa tubig.

"WHOOO!" Sigaw ni Choi.

Magtawanan muna sila bago nila makita na si Vincent, Mia at Rowena ay nalunod dahil na bitawan nila ang kanilang hawak na galon.

"Uy gago! Si Vincent tol!" Sigaw ni Gian at agad na sinakluluhan ang kanyang matalik na kaibigan. Si Mia naman at Rowena ay sinagip din ng mga marunong lumangoy. Medyo napaalayo si Vincent kaya todo ang paglangoy ni Gian para masagip ang kaibigan. Mabilis din nyang kinuha ang mga galon.

"Gago ka Choi!" Galit na sigaw ni Gian nang mahagilap na si Vincent na ngayon ay ubong-ubo na. Kapit na kapit si Vincent sa mga galon na dala ni Gian.

"Hala guys uwi na tayo..." Naiiyak na sabi ni Llana.

"Wag ka nga Llan..." Inis na sabi ni Clarret na kinabahan din sa nangyari.

"Okay ka lang Cent?" Tanong ni Gian. Tumango si Vincent. Pulang-pula ang ilong.

Kaagad nilang hinila ang galon na nakaalalay kay Vincent para tulungang umahon... pero bago paman nila maiahon si Vincent ay bigla nalang itong lumubog.

"Gi---"

"CENT!!!" Sigaw ni Gian sabay hila nya sa kaibigan. "Gago tulong!" Sigaw ni Gian sa kamasa.

"Tulungan nyo! Tulong!" Naiiyak na sabi ni Llana. "Sabi ko na sa into! Sabi ko sainyo!"

"Hilain mo pa Gi!"

"Vince!"

Nagpapanik na sila. Puno na ng kaba, alala at sobrang takot ang mga dibdidb nila.

Nagtulungan ang limang lalaki sa paghila sa kamay ni Vincent na tila sobrang bigat ng katawan nito. Tila, may humihila sa ilalim. Kitang-kita nila kung papaano ang kamay nito na unti-unting nalulunod a tubig.

"Manong! MANONG! Tulungan nyo po kami! Yung kaibigan namin..." Umiiyak na sabi ni Llana sa mga taong nakatira doon.

Tumakbo sila para manghingi ng tulong.

"MANONG please po yung kaibigan namin..." Umiiyak din si Kimberly at Mia.

Naghingi pa sila ng tulong sa ibang tagaroon pero iniilingan lamang sila.

"Naku. Wala na yan. Pigilan nyo ang kasama nyo baka may sumunod..." Tanging sabi ng matanda. Kaagad na nagsitindigan ang balahibo nila sa narinig.

Sobrang natakot sila sa narinig. Pero ang tanging nasa laman ng kanilang isip ay ang masagip ang kasamang nalunod.

Nang makabalik silang Llana ay nakita nilang patuloy paring sinasalba si Vincent.

"Kim. Ang lalim na Kim. Ang lalim na Kim... Di ko na kaya..." Umiiyak na sabi ni Patrick. Nakita nilang halos mawalan na ng malay si Choi, Patrick, Jameson at iba pa nilang kasama na patuloy na sinasagip si Vincent.

Napatili sila ng makitang hinihila din si Choi sa ilalim kaya kaagad nila itong hinila at inilayo sa tubig. Pati ang iba nilang kasama. Tanging si Ton, Benji at Gian nalang ang nasa tubig na patuloy na hinihila si Vincent pabalik.

"GIAN! GIAN! UMALIS NA KAYO DYAN!" Sigaw nila. Alalang-alala na sila. Takot na takot na baka may sumunod nga. Masakit man para sa kanila ay hinila din nila si Gian palayo sa talon.

"BITIWAN NYO KO CHOI! CHOI SI VINCENT! TOL SI VINCENT YUNG KAIBIGAN KO! CENT! CENT! BITAW CHOI! BITAW CHOI!" Sigaw ni Gian.

"Si Benji James!" Sigaw ni Rowena ng makitang umahon si Benji ay agad na nila itong hinila. Nagpupumiglas pa ito dahil ayaw din paawat. Pero dahil sa pagod ay tuluyan na itong napahiga at napaiyak. Ang tanging naiwan nalang ay si Ton.

Si Gian naman ay patuloy na sumisigaw.

"TON! TON!" Sigaw nila. Napahagulhol nalang sila. Sobrang tagal na ni Tonsa tubig na naghinala na sila na kinuha na din ito pero laking pasasalamat nila na nang umahon ito.

Tulala na at halos wala nang malay.

"CENT! VINCENT!" Sigaw ni Gian.

---

Walang tigil sa pag-iyak ang magkaklase. Halos bugbugin sila ng mama ni Vincent na syang principal ng kanilang paaralan. Hindi bilang guro kundi bilang ina na nawalan ng anak.

"Bakit nyo sinama ang anak ko?! Gian?! Bakit sinama mo? Ha? Bakit Gi?!!!" Sigaw ng mama ni Vincent. "ANG ANAK KO! SI VINCENT..."

Sising-sisi sila sa nangyari. Hindi lang sisi. Dalawang araw nang hinanap ang katawan ni Vincent pero ni damit nito ay hindi makita.

Nagtawag na sila ng matandang salamangkero/albularyo. Hindi kasi naniniwala sa mga ibang elemento ang mama ni Vincent kaya dalawang araw na ang nakalipas bago nila ito napapayag na patingnan.

Nagkuha ng itlog ang matandang albularyo at inurasyonan. Matapos nya itong yamyaman ay ginawa nya ito na parang telescope. Itinuro nya kung saan na lunod si Vincent.

"Tapos na naming ipinahanap dyan. Wala nga dyan!" Inis na sabi ng mama ni Vincent.

"Nandyan ang bata!" Sabi ng matanda.

"Sige ma'am. Titingnan nalang ulit namin para walang gulo." Sabi ng diver.

Kaya naman laking gulat nila nang pag-ahon ng diver ay may bitbit na itong katawan.

Puno ng sigaw, hinagpis at iyak ang maririnig mo. Nakita na ang katawan ni Vincent. Sobrang gwapo ng mukha nito. Tila kumikinang. Na para bang hindi nalunod ang kanyang katawan dalawang araw na ang nakalipas.

"Putulin ang sumpa. Baka may susunod." Sabi ng matanda. Dahil sa gulat ang lahat sa nakita ay hindi na nila pinansin ang sabi ng matanda.

"Sino-sino kayo?" Tanong ng pulis sa kanila.

Ilang beses na silang tinanong kung sinu-sino sila. "Ako po si Clarret. Si Llana, si Mia, si Jelai, si Kimberly, si Rowena, si Coreen, si Joyce, si Choi, si Ton, si Jameson, si Benji, si Leo, si Patrick, si Gian at Vincent po..."

"Wala na kayong ibang kasama naligo?"

"Sa panahon pong iyon, kami lang po ang naligo. May iba pong tagaroon. Pero hindi po namin kilala," ang sabi naman ni Benji.

"Talaga bang labing anim lang kayo? Ang sabi sa nakakita sa inyo nasa bente daw kayo." Sabi ng pulis. Halos kilabutan ulit sila sa narinig. May iba na umiiyak naman. Takot sa nangyaring insidente. Hindi nila iyon makakalimutan.

Hindi sila pinapunta sa lamay ni Vincent dahil sa galit ang mga magulang nito sa kanila. Limang araw na ang nakalipas simula noong nakita ang katawan ni Vincent. Ililibing na sya. Hindi man pumyag ang pamilya ni Vincent ay nagpumilit sila. Gusto nilang makita si Vincent.

Kaya naman para wala gulo ay pinayagan na sila kahit pa na makarinig sila ng masasakit na salita galing sa mama ni Vincent.

Sobrang daming tao na umiiyak. Sayang na syang daw. Ang bata-bata pa. Kung di sana sila nagkayayaan walang mawawala. Walang iiyak. Walang magulang sa kanilang section ang mawawalan ng anak. Matapos magbigay parangal ang mga taong close sa buhay ni Vincent ay tumayo si Gian.

Alam ng lahat na magkaibigan sila. Simula pa bata pa. Hindi man magkasalungat ang kanilang trip ay totoong magkaibigan sila.

"Sorry Cent. Di kita nagawang iligtas. Kung di lang ako pinigilan nila... magkasama parin tayo hanggang ngayon. Tol...... Sorry... Pasensya ka na..."

Mas lalong umiyak ang mga tao roon. Hinampas ng mama ni Vincent ang dibdidb ni Gian.

"San ka pupunta Ton?" Tanong ni Patrick.

Nagtataka sila dahil tumayo si Ton sa harap. Umiiyak ito ng sobra. Namumugto ang mata at ilang araw na ding walang imik.

"Sorry po talaga..." Panimula nito. Ni halos hindi maintindihan ang kanyang boses dahil sa sobrang paghagulhol nito. "Sorry Vince. Sorry po. Pasensya na talaga...hindi ko po sinasadya..." Natigilan ang lahat. Inayos ni Ton ang kanyang boses. "Sorry po. Ngayon ko lang po to sasabihin. Ni sa mama at papa ko po, kahit sa mga kaibigan ko, sa pulis hindi ko po kayang sabihin. Pero ang sakit-sakit na po kasi. H-hindi po kaya ng konsensya ko. Vince... Vincent... Alam kong alam mong ginawa ko ang lahat. Vince... Ginawa ko ang lahat para salbahin ka. Palagi man akong naiinggit sayo pero hindi ko kayang gawin yun. Hindi ko ginawa yun..." Mas lalong humagulhol si Ton.

"Anong ibig mong sabihin?" Nanginginig na tanong ng mama ni Vincent.

"Vince sorry. Hindi ko sinasadya..."

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!!!!" Sigaw ng mama ni Vincent.

"N-nung nalunod po si Vincent. T-tinulungan po namin sya. Hindi sya mahila. Hindi ko po sya mahila kahit anong gawin ko. Ginawa ko ang lahat. Kitang-kita ko ang paghihirap nya. Ang mata nya nakabukas. Nanghihingi nang tulong. Kaya ginamit ko ang lakas ko para lang masalba sya. Kaso... nahirapan na kasi akong huminga dahil sobrang tagal ko na sa tubig. Talagang babalikan ko pa sya. Aahon na po sana ako... pero hinawakan nya ang paa ko. Wala na po akong hangin. Babalikan ko pa naman po sya kasi buhay pa sya. Hindi na po kasi ako makahinga... sobrang higpit po nang hawak nya sa paa ko. Hindi ko po sinadyang masipa ang dibdidb nya. Sobrang lakas po. Paglingon ko... unti-unti na nyang binitawan ang paa ko. Yun pala, nawalan na sya ng malay..."
Posted in: Reluctance