1. Home
  2. Stories
  3. Secrets By Madalyce
Filipino Sex Stories

Secrets By Madalyce

7 minutes
I can't control what's fair and unfair. I can't control the nature of the business or the nature of society or the nature of the world, but what I can control is how I choose to see the world and what I choose to put back into it.

Aisha Tyler

-------

Una

They look so perfect!

Ang gwapo ng groom!

Hmpft! Look at her. Mas maganda pa ako diyan eh.

She must be great in bed, or else bakit siya papatulan ni Eros?

" ...by the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife."

Kinamayan ng judge ang asawa ko. Ngumiti ako sa ugnayang iyon. Ngayon siguro matutuwa na si grampa.

It has been his dream to have one of us marry into the Montecillos. Bata pa ako ay bukambibig na niya iyon.

Paglaki mo Aura, pumili ka ng isa sa mga Montecillo. He would tell my sister.

Ngingiti lang si Aura sa kanya. They would banter about things she will get when she marry a Montecillo.

But sadly, Aura died ten years ago. Grampa was devastated. Pa graduate na kasi siya noon. She just stepped out of the salon when a wayward truck hit her. Apprently, the truck driver was drunk.

Hindi makilala at halos durog ang facial bones niya sa lakas ng impact. She was pinned to the wall and half of her face collided with the trucks front.

Na stroke si Grampa sa sama ng loob. Kakahiwalay lang noon ni mama at papa. Tandang tanda ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang inihahatid si Aura sa huling hantungan. Pagkatapos ay nilapitan niya ako.

Mabuhay ka ng matagal CJ. Dont focus on this... tragedy. You have a lot to grow up into.

Inilayo ng nurse ang wheelchair ni Grampa matapos niya akong kausapin. Si mama naman ay hinawakan ang kamay ko at iginiya ako palayo sa lugar na iyon. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa gilid niya at in unlock ito. She motioned for me to come in.

I took one look back and saw papa. Theres sadness in his eyes as he looked at us. Sobrang naawa ako sa kanya. He lost Aura, and now mama is taking me away.

Tumakbo ako sa kanya. He hugged me tight.

Mag iingat ka palagi CJ. Call me when you can.

CJ! Come on.

Lumakad na ako pabalik sa kotse. Hindi na ako lumingon kay papa. Tama na iyon. Hugging him that day cost me a lot. But its worth it. I get to hug my papa.

Alam ko matatagalan bago ko siya ulit makita.

One.

Two.

T-three...

Stop stuttering! Sinabi ko bang huminto ka sa pagbibilang..?

No...no, Im- im s- sorry...

I dont care. Now count!

My mind is screaming at me. Start counting. Konti na lang at mapapagod din siya. Ilang tama na lang ng yantok ay titigil na siya.

I cant remember what number I was on ng mawala ang tama ng sakit sa likod ko. Crying made me feel so tired. Tulo ang uhog at luha ko na naghahalo sa mukha ko. Do I even look human?

Alam kong magulo ang buhok ko. Sinabunutan niya kasi ako paakyat sa kwarto. Padaskol na ihinagis sa sahig. My head crashed into the chair at agad na dumugo iyon pero wala siyang pakialam.

Nahihilo pa ako ng hubarin niya ang suot kong damit. Then the whipping started.

Magbilang ka! Sigaw niya.

Bakit? Gusto ko siyang tanungin kung bakit. Gusto kong malaman kung saan ako nagkamali. Pero hindi naman palaging nangyayari ang gusto natin.

I closed my eyes slowly ng wala na kong maramdaman na sakit. Hindi ko namalayan na nakadapa na ako sa sahig. Everything was blurry. My heart was stuttering in my chest and I was hoping that this will be the last.

Hindi naman siguro masama kung ayaw ko na. Napapagod na rin naman ako sa mga pangyayari.

Paulit ulit na ito. Walang tigil. Isang beses isang linggo kung parusahan niya ako. Gusto ko sanang makita ang hitsura niya sa tuwing gagawin niya sa akin iyon. Anu bang nararamdaman niya? Anu bang iniiisip niya?

Mahal pa ba niya ako?

Its a brand new morning when I opened my eyes. Hindi ko alam kung anong araw na ngayon. Kahapon lang ba iyon na nangyari?

Kamusta ka? Anong pakiramdam mo?

I didnt bother answering. I just closed my eyes and sigh. Buhay pa rin ako. Pagkatapos ng lahat, buhay pa rin ako.

Mas matindi ang parusang ibinigay niya kaysa sa dati. Mas masakit. Noon ay sinturon lang ang tumatama sa likod ko sa may bandang puwit. Para daw hindi ma damage ang katawan ko. Para hindi mahalata ng iba ang nangyayari sa tuwing naroon ako sa bahay niya.

Pero, sumobra siya. Dahil alam kong nasa ospital ako ngayon. Natakot ba siya ng mapansin niya na nanghihina na ako? Nag alala ba siya na baka hindi na ako magising pagkatapos ng ginawa niyang pagpaparusa sa akin?

O baka narinig kami ng kalapit bahay. Baka nabahala sila ng marinig nila ang nakabibingi niyang pagsigaw sa tuwing tatama sa likod ko ang yantok na hawak niya.

Alam kong hindi ako iyon. Hindi ako ang gumagawa ng ingay. I have learned not to make a sound.

Sa tuwing paparusahan niya ako sa kung anumang kasalanan na naiisip niyang ginawa ko, palagi niyang nilalagyan ng busal ang aking bibig. It can be a scarf or a sock. Kung anong tela ang mahawakan niya huwag niya lang marinig ang boses ko. At nang bandang huli, gumamit siya ng necktie. Ibat ibang kulay ang pag aari niya at napansin niyang mas effective iyon para di ako makagawa ng ingay.

CJ. Can you tell us what happened?

Nakita kang nakadapa sa loob ng kwarto mo.

Alam mo ba kung anong araw na ngayon?

CJ. Please tell me kung anong nangyari...

Ang ingay nila. Hindi ba sila natatakot na baka marinig niya ang mga tanong nila? Hindi ba nila alam na mauulit pa rin ito kahit na anong sabihin ko?

Magsalita ka CJ. Tell them kung anong nangyari. Just do it.

Natakot ako nang marinig ko ang boses niya. Nandiyan lang siya.

Sumagot ka. Kanina ka pa nila tinatanong.

Wala akong sasabihin. Wala silang malalaman.

Ayoko na. Tama na please. Ayoko na! Huwag niyo akong tanungin!

Tama naaa!!!

CJ?! CJ! Wake up, honey. Come on open your eyes.

Biglang lumiwanag ang paligid nang dumilat ako kaya naman agad kong isinara ang mga mata ko.

Nananaginip lang ba ako? It all seemed so real.

Sweetheart...

Bumaling ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita kong nakakunot ang noo ni Eros. He was confusedly looking at me. Hinahaplos niya ang pisngi ko at tinutuyo ang luha ko.

Are you ok now? Bahagya akong tumango. Agad niya akong tinulungang makaupo sa kama at inabutan ng isang basong tubig.

Noon ko lang napansin na bukas ang pinto ng kwarto at nakatingin sa amin ang kapatid niyang si Grey. Nakasuot siya ng sweatpants, walang pang itaas at marahil ay nagising dahil sa sigaw ko.

Im sorry...

No dont be, honey. Gusto mo bang ikwento kung anong napanaginipan mo?

Umiling ko. Its all in the past. Hindi na dapat pang malaman ni Eros yun. Umikot ang tingin ko sa kwarto. Ngayon ang unang gabi na magkasama kaming mag asawa pero nakatulog ako sa pagod.

Naramdaman ko ng pagdampi ng labi ni Eros sa buhok ko.

You scared me. Hindi kita magising. You were hyperventilating. Tinawag ko si Grey para papuntahin dito si Dr. Lycos.

O-ok na ko, Eros. You shouldnt have called the doctor. Panaginip lang naman iyon.

Well whatever it is, must be so painful and scary.

Pumikit ako. It is scary.

Nandiyan na si Adrian. Narinig kong sabi ni Grey. Nakalayo na siya sa pinto ng mag mulat ako ng mata.

Naabala ko pa sila.

Hindi abala yon. I wont have you thinking like that. Asawa kita. Hindi ka abala sa akin.

Hindi lumayo si Eros sa tabi ko. Paulit ulit niyang hinahaplos ang braso ko at buhok. Hindi ko rin napansin na nakahilig na pala ako sa dibdib niya. I felt so safe with him. I felt so safe here. Baka nga dito, hindi na niya ako masasaktan ulit.

But I spoke to soon.

Good morning doc. Bati ni Eros sa kaibigan niyang duktor. Mabuti at nakapunta ka agad.

Its ok. Nasabi na sa akin ni Grey ang nangyari. Is she calm now?

Agad na nanginig ang kalamnan ko ng marinig ang boses niya. Pagtingin ko ay naka tayo siya sa pintuan ang nakangising nakatingin sa akin.

Hu-huwag kang lalapit...

Honey..? Hindi ba alam ni Eros kung sino siya? Nagpalit palit ang tingin niya sa akin at sa taong nakatayo sa pinto.

No! No no no nooo!

Hindi ko na kaya! Ayoko na! Tama na!

Shit! Shes hyperventilating again.

Honey come on.. breath please...

Eros...

CJ!!!

Dark spots danced before my eyes. Ayoko na. Dahan dahan akong pumikit. Napapagod na ako.

Im sorry, Eros.

Posted in: Fetish, Group Sex, Taboo, Mature