1. Home
  2. Stories
  3. Madrasta 17
Filipino Sex Stories

Madrasta 17

10 minutes
Halos patakbo na siyang pumasok na ng susian ang pinto ay hindi ito naka lock na imposibleng gawin nang asawa. Pagbukas ay maliwanag ang sala pero wala doon ang asawa kaya agad na tinungo ang kwarto nila. Pagbukas ay nakita ang asawang nakahiga sa kama na pabalukto at magulo ang buhok.

Natakot siya dahil maging ang damit nito ay wala sa ayos na ang isang tirante ay ni hindi nagawang i-ayos kaya labas ang isang dibdib. Kumakabog ang dibdib niya, tinititigan lang ang ayos nang asawa maging nang lapitan ay alam niya na iba ang singaw ng katawan ni Coney.

"Mahal!"

Mugto ang mata nang babae, pati ang lipstick ay nakakalat din at nang magtama ang mga mata nila ay hindi niya bakas kung ano ang nais nito. Nang tangkang yayakapin niya ay bigla itong lumayo na parang takot na takot o diring-diri.

"Binabuy nila ako! Binabuy nila ako!"

"Mahal ano ang nangyari?"

"Wag kang lalapit, wag mo akong lapitan."

"Mahal ako ito, asawa mo."

"Wag mo akong lapitan, wag mo akong hawakan."

Kahit anong tulak ni Coney ay niyakap niya ito, nagwawala hanggang mapagod at tanging pag-iyak nalang ang naririnig niya. Halos isang oras bago niya bitawan pero tulala lang at hindi nagsasalita. May hinala siya kung sino ang may gawa pero imposible at paanong nagawa ito kaya ayaw niyang manghusga.

Dinala niya sa banyo ang asawa at pinaliguan, gusto niyang magmura. Gusto niyang manakit! Gusto niyang pumatay ng tao nang makita niya ang bakas ng kawalanghiyaan ng mga ito. Namumula ang pwerta ni Coney ay puno nag katas na pilit nililinis ng babae, maging ang suso ay namumula at may bakas nang panggigigil.

Puros hikbi at pagluha ang asawa, awa para dito ang nararamdaman at galit sa sarili. Muli ay niyakapniya nang mahigpit pero wala itong reaksyon maliban sa patuloy na pagkuskos sa sarili na parang ang dumi-dumi na kahit anong ligo at sabon ay hindi namaaring maging malinis.

Pagkahatid sa babae sa kwarto ay siya na din ang nagbihis dito bago hinayaang matulog, inikot niya ang buong bahay ngunit malinis at walang bakas ng kahit ano. Walang nagulo, walang nabasag at maayos lahat. Napaupo sa sofa at saka bumuhos ang galit, pigil ang sigaw upang hindi marinig ni Coney punong puno nang pagsisisi sa pagpapabaya sa asawa.

Sana ay sa bahay nalang ito kanina, sana ay bumalik na siya agad at hindi nagpadala sa tukso, sana ay hindi iniwan ang celpphone. Nuon niya nakita ang gadget na nasa side table, mabilis na sinuri ang lahat. Walang bakas kahit duon maliban sa missed calls ni Coney.

Gusto niyang sugurin ang pinaghihinalaan pero ayaw niyang iwan ang asawa dahil baka kung ano ang gawin sa sarili.

Hindi sukat akalain aabot sila sa ganito, na daranasin niya ang ganitong klaseng sitwasyon. Magulo ang isip niya, hindi alam kung sino ang hahabulin lalo na nga at hindi niya maka-usap pa si Coney.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal naidlip dahil pag gising niya ay wala na si Coney sa kwarto kaya taranta siyang bumangon para hanapin ito. Hindi naman siya nahirapan dahil sa bahay lang nang ina ito natagpuan, ngunit ang pagiging tahimik nito ay naging permanente at ang biglaang pag-luha.

Hinayaan muna niya ang asawa, wala siyang narinig dito kahit ano maging ang magulang ay hindi din kinikibo kaya nagtatanong sa kanya nang dahilan na hindi niya masagot sa dami nang ini-isip.

"Nalaman ba niya ang tungkol sa atin?"

"Ate please wag mo nang dagdagan pa ang guilt ko, marami akong ini-isip."

"Nagtatanong lang ako dahil biglang naging iba ang asawa mo."

"Ako ang may kasalanan kaya wag mo na kaming paki-alaman."

Tinalikuran na niya ang kapatid dahil pag nakikita niya ito ay nagbabalik sa kanya ang katotohanang ito ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Coney.

Ang mga kaibigan niya ang pinag-iisipan pero ano ang magiging evidence niya lalo at ayaw magsalita ng asawa, sapat na ba na itong mga ito ang iniwan sa bahay? Uunahin ba niya iyon o ang pag-aaruga sa mahal na asawa?

Nagising siya isang umaga na duwal nang duwal si Coney, halos umii-yak na ito dahil sa sama ng sikmura. Gusto niya itong himasin pero may takot sa isipan niya, alam niya ang senyales nang pinagkakaganito ng asawa at base sa kwenta niya ay kasabay ito nung araw na nagahasa ng hindi niya kilalang mga tao.

Pagtingi nito sa kanya ay may lungkot at nang tangkang hahawakan para alalayan ay tinabig lang nitoang kamay saka nahiga muli sa kama. Lalong naging tahimik at hindi pala kibo ang asawa, hanggangdinatnan nalang niya na naka empake ito at sinabing gusto na niyang bumalik sa bahay nila.

Duon nagkaroon siya nang pagkakataong kausapin nang masinsinan.

"Mahal, alam kong ako ang may kasalanan. Pero tulungan mo akong hanapin kung sino ang may gawa nito."

Umiling siya, desidido na na hindi sabihin sa asawa kung sino ang bumaboy sa kanya. Mahal na mahal niya si Marco at hindi niya kakayaning mapahamak ito. Ayaw niyang may masabi ang pamilya nito sa taong naging napakabuti sa kanya.

Napakasakit tanggapin, maraming sana sa isipan niya pero nilamon na lang lahat ng takot sa maaring maging resulta kung may gagawin siyang hakbang kaya pinili nalang na manahimik.

"Hindi ko sila kilala, wala akong matandaan."

"Mahal, paano!"

"Hindi mo ba naiintindihan Marco! Marumi na ako!"

"Mahal kahit na ano pa ang nangyari hindi kita pababayaan!"

"Hahaha! Pinabayaan mo ako Marco!"

"Mahal!"

"Sabagay pwede mo namang saluhin ang batang ito di ba. Para makabawi ka naman sa pagsira sa buhay ko."

"Mahal wag namang ganyan, I'm the father of that child."

"Hahaha, paano mo masisiguro? Alam mo ba kung ilan sila ha?"

"Coney please stop!"

"Marami sila Marco, marami silang bumaboy sa katawan ko."

"Please stop!"

"Ayaw mong marinig? Di ba ayokong magsalita! Ayan alam mo na!"

Ilan lang ito sa mga pagkakataong di sila nagkasundo at naging sanhi nang pag-aaway na minsan ay naninira na sila ng gamit. Habang lumalaki ang tiyan ni Coney ay naging lalong masalimuot ang buhay nila, ayaw nitong lumabas habang siya ay bumaba ang self esteem sa isiping nasa paligid lang ang yumurak sa pagkalalaki niya.

Kahit ayaw ni Coney ay dinala niya sa Manila nang kabuwanan na nito para duon manganak, sa isang condo muna sila tumuloy habang naghihintay sa due date nang asawa.

Paglabas ng bata ay alam niyang anak niya kahit na may agam-agam pa, nangako sa sariling ipapakita sa asawa kung paano mahalin ang sanggol kahit na sino pa ang ama nito. Nakaramdam ng tuwa at pag-asa, ini-isip na pag nakita nito ang anak ay babalik ang Coney na minahal at pinakasalan. Nag-iba ang asawa, may luha sa mga mata habang hawak-hawak ang bata.

Pag-uwi nila sa San Vicente ay ilang beses nagpa-alam si Coney na uuwi na sa Tuguegarao na tinutulan nila, nagkasundo nalang na pag napatunayan na hindi niya anak ang bata ay siya pa ang maghahatid dito.

Sa araw nang paglabas nang resulta ay ayaw sumama ni Coney, hihintayin nalang daw siya sa bahay. Inintindi niya ito dahil alam niya ang takot sa maaring kalabasan pero malakas ang kutob niya na siya ang ama ni Chase pero inihahanda din niya ang sarili sa kung ano man ang resulta.

Pag-abot sa kanya ng sobre ay nanginginig pa ang kamay habang binubuksan.

"TANG INA!"

Hindi niya mapigilan ang mapasigaw nang makita ang resulta, napatingin sa kanya ang mga tao sapaligid.

"Sorry!"

Halos magtatakbo papunta sa sasakyan sa tuwa, hindi siya nagkamali, siya ang ama ni Chase. Gusto niyang maiyak habang nagmamaneho kulang nalang ay liparin ang pauwi sa bahay nila.

"MAHAL! MAHAL!"

Tinakbo na niya ang pintuan matapos maiparada ang kotse, pagbukas nang pinto ay nabitiwan niya ang hawak na sobre.

"MAHAL BAKEEEET!"

Tinakbo niya ang kinalalagyan nito, mabilis na kinuha ang hagdan na nabuwal at kinalag ang pagkakatali ng lubid sa leeg. Ingat na ingat na ibaba ang asawa at pilit nirerevive dahil pakiramdam niya ay buhay pa ito. Ngunit huli na ang lahat.

"AHHHHHH!"

Siya nalang ang natira sa sementeryo hawak-hawak ang anak na walang kamuwang-muwang sa pangyayari. Nakatingin lang sa kanya ang mala angel na mata habang walang tigil ang pag-agos ng luha.

"Ang daya ng mommy mo buddy, hindi niya hinitay na malamang bunga ka ng love naming sa isat-isa."

Tahimik lang pero bahagyang gumalaw ang sanggol.

"Di ba sabi ko hintayin nyo ako, di ba sabi ko mamahalin naman kita kahit na anong result. Kaya lang naduwag ang mommy mo. Sana pinanghawakan lang niya yung love ni daddy, sana nakita niya na that will be enough for us to move on."

Marami pa siyang gustong sabihin pero alam naman niya na hindi siya maiintindihan ng anak, at walang makaka-intindi sa kanya kahit sino dahil walang ibang nakaka-alam kung hindi ang mga buhong na nagsamantala sa asawa.

"Pare!"

Pag lingon niya ay hindi kilala ang taong lumapit sa kanya pero pamiliar wala lang idea kung saan niya ito nakita.

"Rom Clarkson pare, associated ako sa sa government and pinapunta ako ng daddy ko to assist you in case na kailangan mo for private investigation."

"Your Dad?"

"Yeah, Nathan Clarkson."

"Who is he?"

"Hmmm, I don't know how the two of you are connected. Anyways, we have some documents na nakita sa crime scene."

"I am not interested now pare, I just want to grieve for my wife."

"Yes, I understand. I also came to extend my family's condolences."

Tumango lang siya sa kausap.

"Here is my card, just call me when you are ready to open the case."

Pag-alis ng kausap ay naghintay lang siya ng ilang minuto bago umuwi sa bahay ng mga magulang. Iniwan ang anak sa yaya nito at nagtungo sa bahay nilang mag-asawa dala ang ilang bote ng alak. Ito lang ang alam niyang dahilan para makalimot sa nangyari sa kanila. Isa, dalang araw, lingo at buwan naganuon ang naging routine niya. Walang kina-kausap at nawala na din ng paki-alam sa mga taong buhay sabpaligid niya.

RING! RING!

'Bakit?'

'Sir ang Mommy nyo po isinugod sa hospital.'

'Sino kasama?'

'Daddy nyo sir."

Pagdating niya sa ospital ay nasa room na ang mommy niya kasama ang daddy, nang makita siya ng ama ay tumayo ito at isang sapak ang ibinigay na hindi niya napaghandaan.

"Wilfred, Please!"

Kahit hinang hina ay nakuha pa nitong pigilan ang ama.

"Napaka selfish mo, wala ka nang inisip kung hindi sarili mo!"

"Dad?"

"Tingnan mo nga ang itsura mo! Ang anak mo ni hindi mo harapin! Yung trabaho mo! Putang ina! Ano sakin ka lang aasa habang buhay!"

"Wilfred ako na ang kakausap!"

Iniwan sila ng ama kaya nakalapit siya sa mommy.

"Masakit ba?"

"Okay lang ako Ma, kumusta?"

"Okay naman, malapit na siguro."

"Mommy!"

"Anak we need to accept that, we need to let go."

Alam niyang hindi lang sa sitwasyon ng babae ang tinutukoy nito kundi maging ang pinagdadaanan niya at tama ang ama dahil naging makasarili siya.

"May kinausap ako na makakatulong sayo, maraming nagdududa sa pagkamatay ni Coney kaya kailangan mong linisin ang pangalan mo."

"Bakit ako, mahal na mahal ko ang asawa ko!"

Nawala talaga siya sa sirkulasyon at hindi naisip na posibleng may mag isip nga na siya ang pumaslang sa asawa.

"Isa lang ang paki-usap ko anak, magpalakas ka, ayusin mo ang sarili mo. Pero wag mong iiwanan si Wilfred. Paki-usap ko anak! Mangako ka!"

"Promise ma!"

"Kahit ganyan ka, ang guwapo mo pa din!"

"Ma naman!"

"Mabaho nga lang! Wag mong hahalikan ang apo ko nang hindi ka pa nag aahit ayokong mag ka rushes. Kamukhang kamukha mo pa naman nung baby ka."

Buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi niya at may ngiti sa labi ng babae.

Hinayaan niyang magpahinga ang ina, umuwi na siya sa bahay para ayusin ang sarili. Matapos maligo ay hinanap ang anak at sabik na niyakap.

Ilang buwan pa ay binawian na ang buhay ang ina, muli nabalot ng lungkot ang paligid niya pero pinili naniyang magpakatatag. Kailangan niyang maging handa para sa pag-usig sa sinomang may kinalaman sa pagihing miserable ng buhay niya. Hindi niya hahayaan na ganuon nalang ang kahihinatnan nang nangyari sa kanila.

Nag plano para sa anak at sa sarili, kasama dito ang pagkausap kay Rom Clarkson na siyang may hawak ng kaso niya. Titiyakin lang niya ang mga taong may kasalanan sa kanya at planado ang paghihiganti.

"Pare may iniwang sulat si Coney pero para sa Alice Alberto."

"Nag iisang pinsan ni Misis. Pwede ko bang dalin sa kanya?"

"Sorry tol, siya lang pwedeng kumuha samin."

"Ganun ba, sige pre pasasabihan ko."

"Basta i-update kita agad pag may development."

"Ibibigay ko nalang ang number ko sa US para matawagan mo ako."

"Sige tol, ingat nalang!"

Matapos ang meeting nila ay lumipad na din sila kasama ang anak pa States, may mga properties ang inana aayusin kaya baka matagalan sila dun.

Nabalitaan nalang niya na may kinahuhalingan ang ama kaya gusto niyang matapos agad ang mgaasikasuhin nang sa ganun matupad ang pangako sa ina.

---
Don't forget to comment. Thanks!