1. Home
  2. Stories
  3. Michelle: The Cuck, The Vixen And The Bull (6)
Filipino Sex Stories

Michelle: The Cuck, The Vixen And The Bull (6)

53 minutes
Warning: The following contains some scenes that are may not be into your liking. Once you get there and you feel uncomfortable and you find it offensive, I suggest that you should go back and read somebody else's works.

*****

"Ha? Ano, Mahal? Tatlong linggo?"
, pautal-utal na tanong ni Kim kay Michelle, nakayukong tumatango ang kanyang misis sa kanya bilang tugon sa tanong niya."Mahal, paano? Bakit?! Paano ka mabubuntis gayong lagi naman kita pinaalalahanan na uminom nang mga pills?", dagdag tanong ni Kim. Inis na inis ang asawang lalaki sa kaisipan na buntis ang kanyang minamahal na misis sa ibang lalaki, hindi mag-sink in sa kanyang utak ang pangyayari. "Yun na nga Mahal eh, ipinapakita ko lang sa'yo na iniinom ko ang mga tableta pero iniluluwa ko rin 'pag nakatalikod ka na. 'Di ko naman inaasahan na makakabuo pa 'yung matandang 'yon dahil ni-research ko na nahihirapan daw ang mga lalaking nasa edad 50 pataas ng mabisang mga tamod.", paliwanag ni Michelle."Kahit na, Mahal! Kahit na... Pinainom ko nga 'yon sa'yo para makaiwas tayo sa ganito. ARRRGHHH...! Putangina!", inis na sigaw ni Kim.

Lumabas si Kim sa kanilang kwarto, pabalibag na isinara ang pintuan dito na nakapagpa-gulat kay Michelle dahil ni minsa'y 'di niya ito nakitang ganito kahit galit pa ang mister. Naiwang nakayukong humihikbi si Michelle at binabalikan ang kanyang mga nagawa sa nakaraan. Naisaisip rin naman niya na si Kim ang naging ugat nito dahil sa pantasyang ipakantot siya nito sa ibang lalaki, gayunpaman, hindi rin talaga niya maitatanggi na nagmalabis siya. Lumabas na rin siya sa kanilang kwarto at sinundan ang mister na si Kim sa ibaba. Pagkarating niya'y nakita niya si Kim na nag-iinom nang alak mag-isa sa kusina, nilapitan niya ito para patuloy na kausapin.

"M-Mahal, ano bang magiging plano natin ngayon?", paunang-tanong ni Michelle. Bingi na sa pandinig ang mga tainga ni Kim, patuloy lang ito sa paglagok nang iniinom na alak."Mahal, please... Tulungan mo naman ako. Hindi ko kaya itong mag-isa, Mahal...", pakiusap nang misis."Mahal, sana naman kasi eh iniisip mo 'yung mga bagay na ginagawa mo. Ano nalang ang masasabi sa'yo nang mga kapitbahay nating nakakita't nakapanood sa ating ginawa kanina? Na kawawa akong lalaki dahil nakita nilang hinahayaan lang kitang ipakantot sa iba? Ganoon ba ang gusto mo, Michelle?", lumuluhang sabi ni Kim. Naaawang tinitingnan ni Michelle ang mister, tila ba'y parang piniga ang kanyang puso sa nakikita niya."Ganito nalang ba'to, Mahal? Hindi mo nalang ba ako tutulungan?...", pagbabasakali ni Michelle."... Alalahanin mong ikaw ang naging puno't dulo-", 'di na pinatapos ni Kim ang sinasabi nang misis niya.

"Kaya ano, Michelle? Kaya ba ikaw ay magpapabuntis? Ha?! Gano'n ba 'yon?...", pa-bulyaw na sumbat ni Kim. "... Oo, Michelle. Alam kong ako naging puno't dulo ng lahat, alam kong kaya tayo umabot sa ganitong sitwasyon ay dahil sa putanginang pantasya ko na ipakantot ka sa iba. Alam ko lahat 'yon! Alam ko lahat nang iyon, Mahal. 'Di mo na kailangang ipamukha sa akin 'yan dahil araw-araw ay lagi kong naiisip 'yan.", dagdag pang usal ni Kim sabay duro-duro pa sa kanyang sarili. "Lahat ng mga pang-aalipusta, pambababoy at panlalapastangan na ginawa nila lalo na ikaw ay hinahayaan ko lang 'yon at pinapayagan ko lang kayong gawin ang lahat ng gusto niyo dahil sa isip ko, parte 'yon ng pantasya ko. Pati pagkalalaki ko, ipinagsa-bahala ko nalang. Pero ito? Ang mabuntis ang aking misis? Kahit kailan ay 'di ko 'yan matatanggap. Sagad mo 'yan sa puke mo, Michelle!", sigaw pa nito tapos hawak sa kanyang ulo at naupong muli sa hapag at patuloy na lumuluha.

"Mas mabuti pa sigurong matulog nalang tayo Mahal, at ipagpatuloy nalang natin 'tong pag-uusap natin ngayon bukas.", wika ni Michelle sabay talikod at lakad pabalik sa kwarto ngunit, nakakailang hakbang palang siya'y nagsalita na naman muli si Kim."Mahal kita, Michelle. Mahal na mahal na mahal kita, labis-labis itong nararamdaman ko para sa'yo. At ang sakit lang dahil dito sa kalibugan ko, ay mukhang masisira na yata ang pamilyang pinaghirapan nating buuin... Nagsisisi na ako, Mahal. Nagsisisi na akong ipakantot ka sa iba, pinagsisihan ko lahat ng ito. Ibabalita ko pa naman sana sa'yo na mas maganda na ang aking posisyon ngayon sa trabaho kesa dati.", pag-amin nito. Agad-agad na dinaluhan ni Michelle ang mister at hinagkan ang ulo nito palapat sa kanyang dibdib, magkasabay nang umiiyak ang mag-asawa. "Patawad, Mahal. Patawad... Patawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa'yo, lalong-lalo na ito. Alam kong 'di mo'ko mapatawad nang basta-basta Mahal pero maghihintay ako hanggang sa ikaw na ang kusang magsabi sa akin na pinapatawad mo na ako.", umiiyak na sabi ni Michelle.

Sandali lang ay inaya na ni Michelle si Kim na mahiga na sila sa kanilang kwarto dahil lasing na lasing na ito batay sa mga galawan nito. Kahit nahihirapan ang misis ay pinilit niyang akayin ang mister tungo sa higaan nila, at pagkarating nila dito'y inihiga na ni Michelle si Kim at pinagsilbihan, iniisip niyang makagaan man ito sa dinadalang pighati nito ngayon. Naghanda siya nang isang palanggang maligamgam na tubig at bimpo at pagkatapos ay inilublob na niya ang bimpo sa palanggana saka ipinahid-pahid ito sa katawan ng mister. Ilang beses niya itong inilulublob at 'pinapahid sa katawan ng mister at matapos ay inilublob naman niya itong muli, tinupi saka inilagay sa noo ni Kim.

Humiga na rin si Michelle sa kanilang kama nang patagilid dahil hindi niya kayang matingnan at matitigan ang mister dahil sa kanyang kahayukang ginawa. Kinaumagahan ay maagang nagising si Michelle, una ito kaysa sa mister. Pagtingin niya sa kanilang orasan ay mag-aalas 4:45 A.M na pala. Nilingon niya si Kim at napansin niyang wala na sa noo nito ang bimpo at mukhang nagpalit ito nang damit. Bumangon na siya at inayos ang sarili, naghilamos saka nagsipilyo pagkatapos ay dumerecho na siya sa kusina upang ipagluto ang kanyang mister. Hinanda na niya ang kanyang mga kakailanganin saka siya naghiwa-hiwa nang mga sibuyas at bawang dahil plano niyang magluto nang sinangag at masabaw na gulay para sa mister.

Matapos niyang magluto at ihain ito sa kanilang mesa ay binalikan na niya sa kanilang kwarto ang natutulog pang mister. Hinagod-hagod niya ang buhok nito tapos ay hinalikan sa noo sakto namang nagising si Kim at tiningnan sa mata si Michelle. Ngumiti si Michelle kay Kim ngunit wala siyang natanggap na balik mula rito, derecho bangon agad ito at nagtungo sa banyo-kwarto nila upang makapag-hilamos at makapag-mumog. Alam ni Michelle na bingi pa ang mister niya sa kanya dahil sa nararamdaman nitong galit at selos sa ginawa niya, perp 'di siya nawalan nang pag-asa at patuloy pa rin niyang sinusuyo ito.

"Mahal, mag-agahan na tayo. Nakapagluto na ako nang sinangag, tocino saka itlog, hindi ba't paborito mo ang mga ito?", aya niya rito pero parang wala man lang itong narinig at nagtimpla lang nang kape't kumuha nang tinapay sa kanilang pridyeder saka tumungo sa labas ng kanilang bahay at doo'y nag-agahan. Nalungkot si Michelle dahil sa paraan ng pakikitungo ni Kim sa kanya ngayon pero wala siyang magagawa dahil siya naman ang may kasalanan nito. Pagkatapos mag-agahan ni Kim ay naligo na ito dahil sa may pasok pa ito sa trabaho. Pagtapos niya sa kanyang paghahanda ay pumanaog na si Kim at bago lumabas ay tinanong muna nito ang misis na si Michelle nang, Anong oras ka bang makakauwi mamaya, Michelle?". "Ah... Mamaya, mga alas 5:00 P.M siguro nandito na ako. Bakit, Mahal?", balik-tanong ng misis dito."Tatanungin lang sana kita kung pwede mo bang mapapunta si Sir Roger dito sa bahay mamaya para mapag-usapan ang nangyaring ito.", pakiusap ni Kim. "Uh-Ahh... S-Sige, Mahal. Ingat ka sa trabaho mo.", pilit-sayang wika ni Michelle."Sige, ikaw rin. Alis na'ko.", pamamaalam ni Kim. Pagkaalis ni Kim ay agad na nagpadala nang mensahe si Michelle sa kay Roger na nagsasabing papuntahin ito sa kanilang bahay. Nagreply naman nang 'OK' ang matanda at matapos ay gumayak na si Michelle.

Abala si Kim sa kanyang ginagawa dagdag pa ang pagsu-supervise niya sa kanyang mga juniors para walang papalpak sa trabaho dahil alam nang lahat kung paano magalit ang kanilang mga amo lalong-lalo na ang pinakataas-taasan nila. Tinitingnan at sinusuri niya ang bawat reports na isinusumite ng mga juniors niya sa kanya. Sa pintuan ng kanyang silid ay may inilagay siyang,"Knock only when necessary, do not disturb", sign para mabasa ito nang kanyang mga katrabaho. Nagtatakang nagulat ang lahat lalong-lalo na ang mga naging kaibigan ni Kim sa trabaho dahil ni-minsan ay 'di nila nakita si Kim na ganito. Tutok na tutok ito sa kanyang trabaho. Sakto namang napadaan ang kanilang babaeng amo at nakita ang sign na nasa pintuan ni Kim, inikot nito ang paningin para matingnan ang reaksyon ng mga katrabaho ng lalaki at pati pala ang mga ito'y wala ring masabi sa iginagalaw ni Kim.

Tok! Tok! Tok!

"Come in, please.", aya ni Kim nang hindi man lang tinitingnan ang taong nais pumasok."I never knew that there was this 'over-so-seriousness' side of you, Mr. Abcede...", bungad nang ginang. Agad na nagtaas nang tingin si Kim nang marinig niya ito at tumayo para daluhan ang babaeng amo."I-I'm so sorry, Madame. Hindi ko alam na ikaw pala ang panauhin ko.", pagpapaumanhin niya."... It's okay, Mr. Abcede. I'm just wondering why you're so serious today. Look around, even your fellow workers and juniors are wondering why you're acting like that. Is there something going on?", tanong ng matandang babae. Ipinaling ni Kim ang kanyang paningin sa labas ng kanyang silid, gusto niya sanang iwasan ang mga ganito pero malas yata niya ngayon. Kukumbinsehin nalang niya ang matandang amo sa pamamagitan ng pagsagot nang makatotohanang kasinungalingan. "Wala naman po, Ma'am. Iniisip ko lang po kasing mas nararapat naman sigurong i-angat ko ang antas ng aking kakayahan para na rin matugunan ko ang inaasahan niyo sa akin, maging ang kinakailangan para dito sa trabaho ko, Madame. I just don't really want to disappoint you.", sagot niya rito na iniisip rin niyang sana'y tanggapin nito ang kanyang paliwanag."Alright, I understand. I commend you for your dedication, Mr. Abcede.", pagpapasalamat nito saka ito tumayo at lumabas nang kanyang silid. Napahinga nang malalim si Kim at napahawak sa kanyang mukha, nakita naman ito ng matandang amo ni Kim at alam nitong may dinadalang suliranin ang trabahador.

*****

Sa pagbabalik ni Michelle sa kanyang pinagtatrabahuan matapos ang isang linggong bakasyon mula sa inatas nang kanyang mga nakatataas ay pinalakpakan siya nang mga ito dahil sa kanyang nagawa. Ipinagpasalamat rin ito ni Michelle at matapos ito ay nagtungo na siya sa kanyang silid kasunod ang kanyang sekretaryang si Belinda."Kumusta naman po ang bakasyon niyo, Ma'am Michelle? Nakapag-relax po ba kayo? Maganda po ba ang lugar na pinagbakasyunan-...", hindi na natapos ang itinatanong ni Belinda nang sumabat agad si Michelle sa kanya."Focus on your work, Miss Belinda. You are my secretary, hindi ka dapat nang-uungkat sa mga ginagawa ko nitong mga nakaraan.", seryosong wika nito. "Sorry po, Ma'am. 'Di na po mauulit.", pagpapaumanhin nito. "Tell my assistant to report here in my office right now. I need to be updated about what happened these past weeks that I'm not around.", utos niya."Masusunod po, Ma'am.", sabi ni Belinda saka ito lumabas at nagtungo sa opisina ng assistant manager.

Pagkalabas ni Belinda ay sakto namang dumating si Mr. Bolok-bolok sa silid niya dahil pinapatawag siya nang mga nakakataas na opisyal sa meeting room nila para makausap siya sandali. Hindi pa man siya nakalalabas ay dumating na si Belinda at ang kanyang assistant Manager, bumati ito sa kanilang general manager na si Mr. Bolok-bolok."Ah... Ma'am Michelle, pinapatawag niyo raw po ako?", tanong nito sa kanya."Ah-Oo... Pero umupo ka nalang muna dyan dahil nais pa akong kausapin nang mga amo natin. Hintayin mo muna ako at babalik rin ako kaagad.", wika ni Michelle. Lumabas na si Michelle, magkasabay nilang tinungo ni Mr. Bolok-bolok ang meeting room. "Hmmm... Ang seksi mo talaga, Ma'am Michelle. Mhmmm, at ang bango pa. Kung ako lang mister mo, 'di na kita pagtatrabahuin dito. Sasabihin ko nalang sa'yong ako nalang ang trabahuin mo.", malibog na pahayag nito sabay hipo pa sa pwetan ni Michelle, mabuti nalang ay abala ang lahat sa kanilang ginagawa kaya wala ring nakakita sa ginawa nang kanilang General Manager. Hindi na lingid sa kaalaman ni Michelle ang pagkahumaling sa kanya ng matanda, matagal na itong nagpaparamdam pero ayaw niya ito."Oh? Talaga ba, Sir T? Bakit, ikaw ba, kaya mo pang trumabaho? Eh baka nga 'di ka na tinatayuan eh, isalsal mo nalang 'yang matanda ka. Magkasilbi pa 'yang mga tamod mo sa kamay mo. At kung wala kang sasabihing maganda, tumahimik ka nalang.", mahina niyang bigkas dito. Kita niya ang pagkunot nang noo nito, halatang nainis.

Tok! Tok! Tok!

"Come in!", wika nang taong nasa loob. Hindi na nakapalag pa si Mr. Bolok-bolok sa sinabi ni Michelle at pumasok na sila. Kita nang misis ang mga panauhin na kaharap niya bago pa sila pumuntang Davao ni Belinda para ayusin ang nangyayari sa isa nilang tindahan."Good morning, Madames/Sirs. Ipinapatawag niyo raw po ako?", bating-bungad ni Kim sa kanila."Ahh... Yes, Mrs. Abcede. We called you her right after our meeting because we would like to congratulate you for what you did. The store is back to normal and is gaining lots of attention from the consumers.", wika nang CEO."Thank you for trusting me, Madames/Sirs. All my efforts are for the success of this company.", tugon niya dito. 'Yun lang ang dahilan nang pagtawag sa kanya, ang batiin siya sa kanyang matagumpay na pagsalba sa isa nilang tindahan. Nag-bow si Michelle saka lumabas na at naglakad pabalik sa kanyang silid upang makausap ang assistant manager.

Nang makabalik ay sinabihan na niya ito na ilahad sa kanya ang mga nangyari dito sa kompanya, sa kung ano ang nangyayari sa kanilang departamento at kung may kapalpakan ba siyang nais malaman. Inilahad nga ito nang assistant manager at sa kanyang naririnig ay wala naman siyang dapat na ipangamba. Bigla namang nakaramdam si Michelle nang pananakit sa kanyang ulo at pagbaliktad nang kanyang sikmura na para bang masusuka siya."Bel, kuhanan mo nga ako ng isang basong tubig dahil nahihilo ako.", utos niya dito. Agad namang tumalima si Belinda at nagtungo sa isang water dispenser ngunit hindi paman siya nakakabalik ay nakarinig nalang siya nang pagsisigaw na humihingi nang tulong mula sa silid ni Michelle. Agad dinaluhan ng mga tao si Michelle, ang iba'y nagreport sa mga company officials at ang isa'y nagtawag na agad nang ambulansya. Nahimatay pala ang misis at dali-daling isinakay sa ambulansya pagkarating palang ng mga ito. Labis naman ang pag-aalalang nararamdaman ng mga taga-kompanya sa nangyari sa misis. Agad tinawagan ang pamilya ni Michelle upang ipaalam sa mga ito ang nangyari sa kanya.

Nang magising si Michelle, ay nasa tabi niya ang umiiyak na si Nathan. Nakaupo naman sa isang pahabang sofa chair ang mga magulang niya."B-Baby?", bungad niya sa mga ito dahilan para ito'y mapalingon sa kanyang pwesto. "M-Mommy! Huhuhuhu... Mommy!", pa-hagulgol na wika ni Nathan sabay yakap sa kanya. "Kumusta ka na ngayon, anak? May masakit pa ba sa'yo?", nag-aalalang tanong nang ina."Ayos na ako, 'Ma. Salamat sa pag-aalala. Ano ho bang sabi nang doktor?", bawi niya rito."Over-fatigue at stress daw ang sanhi niyan, anak. Wag mo naman kasing pagtuunan nang pansin ang trabaho mo palagi, magpahinga ka rin pa-minsan minsan dahil kailangan din 'yan ng katawan natin.", sermon ng niya. "Ah, anak, sa'n ba si Kim? Bakit wala siya rito ngayon?", singit ng ama niya. "Nasa trabaho po siguro siya, 'Pa. Wag na po kayong mag-alala, maayos na po talaga ako. Magpapahinga nalang muna po ako sa bahay. Text kasi nang ka-trabaho ko ay pinagpapahinga raw ako ng aming amo buong araw at sa pagbuti na raw ng aking kalagayan ako babalik.", paliwanag niya."Sige, hija. Gusto mo bang sa bahay ka nalang muna ngayon?", suhestiyon ng ina."Ahh, hindi na po 'Ma. Sa bahay nalang po namin ako. Paalaga nalang po muna kay Nathan.", pagtanggi niya. Baka kasi malaman nang mga magulang niya na may 'di sila pagkaka-unawaan ni Kim ngayon.

Ilang oras lang ang hinintay nila nang dumating ang isang doktor kasama ang isang nars."Good afternoon po, Dok.", bati ni Michelle."Good afternoon din sa'yo at sa inyo po, Madame/Sir.", bati rin nito sa kanila."So, maayos na po ba talaga ang anak namin, Dok? Pwede na po ba siyang makalabas ngayon din?", tanong ng ina niya."Katulad nga po ng sinabi ko kanina ay dahil lang po sa stress at over-fatigue kaya siya nahimatay kanina kaya pwede na po siyang umuwi ngayon din. Mabuti nalang po at wala namang gaanong naging pinsala sa batang nasa sinapupunan niya. Kaya misis, magpahinga ka rin po minsan at 'wag mag-isip nang kung anu-anong nakakasama sa pagbubuntis mo.", paliwanag nito. Nabigla naman ang mga magulang ni Michelle sa narinig, maging si Nathan. Inantay lang nilang makapag-paalam ang doktor at inusisa kaagad ang kanilang anak.

"Anak, anak... Tama ba 'yung narinig namin sa Doktor? Buntis ka ba talaga?", usisa ng ina. Hindi muna sumagot si Michelle at iniisip kung paano niya ito sagutin, ayaw niyang malaman nang mga ito na hindi si Kim ang ama ng kanyang dinadala ngayon. "Mommy! I'll have a baby brother/sister po ba? Hihihi...", inosente at malumanay na wika ng anak niya. Sa kanyang isipan ay umiiyak na siya sa nangyayari ngayon. Paano nalang kung malaman nila na ang batang dinadala niya ngayon ay bunga lamang ng kanilang kalibugan? Na hindi si Kim na inaasahan nilang nakabuntis sa kanya. Matatanggap pa kaya siya nang mga magulang niya? Ni Nathan? Litong-lito ang kanyang isip, nagsabi nalang siya na gusto na niyang umuwi upang makaiwas na sa paksang pinag-uusapan nila.

Ibinaba nang mga magulang ni Michelle ang misis sa tapat ng kanilang bahay. Niyakap niya ang kanyang ina saka nag-I love you sa kanyang ama tapos ay hinagkan naman niya ang kanilang anak. Gusto sanang umuwi na nito pero tumanggi ang misis at sinabing walang mag-aalaga sa dito dahil 'di pa maganda ang kalagayan niya, wala na kasi si Marie sa bahay ng mga magulang niya dahil pinapunta na ito nang mga magulang niya sa ibang bansa para doon nalang tapusin ang pag-aaral at mamuhay. Nalungkot man ay naiintindihang pumayag nalang si Nathan. Nagba-bye na si Michelle sa lumalayong sasakyan ng magulang saka siya naglakad papasok sa kanilang bahay. Agad siyang naupo at nagpahinga, pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas 3:00 P.M pa lang.

Pagtungtong nang alas 5:00 P.M ay nakauwi na si Kim, nagtataka siya dahil hindi pa niya nakikita ang lalaking inaasahan niyang makikita niya ngayon, si Sir Roger. Nakikita niyang tahimik na natutulog ang kanyang misis na 'di niya aakalaing maglilihim sa kanya. Inayos niya ang pwesto ni Michelle saka ito kinumutan niya. Matapos ay nagsaing na siya at naghanda nang magiging hapunan nila, ilang sandali lang ay may nag-doorbell na sa kanilang tapat. Dumungaw siya sa isang bahaging may durungawan at tiningnan kung sino ang nandito at nakita niya ang taong hinihintay niya. Pinagbuksan niya ito saka pinapasok."Tumuloy ka lang, Sir.", aya ni Kim."Sige, Kim. Ano bang mangyayari ngayon?", takang tanong nito."Ah, mas mabuting pumasok muna tayo saka natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan.", sagot niya.

Pagkapasok nila'y tinungo muna ni Kim ang kanyang nilulutong ulam para ngayong gabi, pansin niyang malapit na itong maluto kaya hininaan na niya ang apoy at paglingon niya sa kanyang isinaing ay tinanggal na niya ito dahil luto na. Tinanong niya si Roger kung may gusto ba itong inumin, at sinagot naman siya nito na gusto raw niyang mag-juice kaya tinimplahan niya ito saka inilapag sa harap ng lalaki."Ano bang kailangang mapag-usapan natin ngayon, Kim?", paunang tanong ni Roger."Wala naman, gusto lang kitang tanungin nang makatotohanan. Lalaki sa lalaki, sabi nga nila. Ayos lang ba sa'yo?", hamon ni Kim."Sige, walang problema. Ayos lang sa'kin, Kim.", sagot naman nito.

"Hmm-'kay, ilang buwan na ba simula nang ikaw ay hinahayaan kong kantutin mo si Michelle?", unang tanong ni Kim. Napagisip-isip ni Roger sa kung saan patungo 'tong itinatanong sa kanya ngayon ni Kim."Mga ilang buwan na rin, Kim. Kaya alam nating may katagalan na rin. Bakit?", sagot ni Roger."At ano naman ang nararamdaman mo sa mga nakalipas na buwan nang magsama kayo?", dagdag tanong ni Kim."Alin ba ang tinutukoy mo, ang nararamdaman ko para sa asawa mo o ang nararamdaman ko sa nangyayari sa t'wing magkasama kami?", ganting tanong ni Roger."Basta, sagutin mo nalang ang tanong ko...", kalma ngunit may bahid ng inis na pagkasabi nang mister."Huuuh... Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sa mga panahong lumipas na kami ni Michelle ay magkasama, inaamin kong iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Ramdam ko sa aking kalooban na hindi na lang libog ang nararamdaman ko para sa asawa mo. Subalit, wala akong planong agawin siya sa'yo kaya 'wag kang mag-alala, sa'yo pa rin ang misis mo.", pahayag ni Roger.

Tumayo muna saglit si Kim at pinatay na ang kanyang niluluto saka binalikan ang kausap. Sakto namang pagbalik niya'y nagising na si Michelle at kausap na si Roger. "Salamat at pinaunlakan mo ang pag-aaya namin sa'yo, Roger.", wika nang misis."Walang anuman, Michelle. Basta para sa inyo.", tugon naman nang lalaki."Mabuti naman at gising na ang ating mahal na reyna, mas mapag-uusapan na natin 'to nang madalian.", singit ni Kim. Napabaling ang paningin nang dalawa sa kanya, subalit si Roger, ay nagtatakang nagulat sa pagtawag nang mister kay Michelle. Ngayon pa lang kasi niya narinig ito sa paraang pagtawag nito ngayon sa misis, tumingin pa siya sa misis ng lalaki na batay sa ekspresyon ng mukha nito ay parang naiintindihan nito ang inaasal nang mister. Umupo na si Kim paharap kay Michelle, bale nakapa-tatsulok ang kanilang pwesto sa pagkaka-upo.

"Ngayon, dahil kumpleto na tayong nandito, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isang huling tanong nalang Sir Roger... Mahal mo ba ang aking asawa?", derechahang tanong ni Kim sa lalaki. Hindi nakapagsalita agad si Roger, waring natigilan sa itinatanong nang mister."A-Ano ba ang ibig mong sabihin, Kim?", takang tanong nito."Wala naman akong ibang ibig sabihin, nais ko lang malaman ang sagot mo.", tugon ni Kim. Napatingin si Roger kay Michelle at napahinga nang malalim sabay bigkas nang,"Oo, Kim. Oo, Mahal ko na ang asawa mo. Ang misis mong ipinandalian mong aliw sa akin. Ngunit, katulad nga nang sabi ko kanina, kumalma ka lang dahil wala akong balak na agawin siya--", hindi na natapos ni Roger ang kanyang sasabihin nang putulin ito ni Kim."Dahil sa hindi mo siya aagawin sa'kin... Kaya ba binalak mo nalang siyang buntisin? Ha, gano'n ba 'yon, Sir Roger?", tanong nito habang mariing nakatingin sa lalaking kausap. Ramdam na ramdam na ni Michelle ang namumuong tensyon sa dalawa."Mahal...", pagpapakalma ni Michelle sa mister.

Gulong-gulo na ang isipan ni Kim para sa 'magandang usapan', wala na siyang ibang naririnig kun'di ang mga galit at poot na pumapalibot sa kanya't bumubulong sa kanyang isipan. "Ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko, Mahal.", baling ni Kim sa misis niya. Napalulon nang sariling laway si Michelle, para bang batang pinapagalitan nang kanyang mga magulang."Mahal, may nararamdaman ka na ba kay Sir Roger?", napadilat si Michelle sa kanyang narinig."Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Mahal? I-Ikaw lang ang lalaking mahal at mamahalin ko, wala nang iba pa. Kung sasabihin mong mahal ko na si Sir Roger ay nagkakamali ka dahil hanggang libog lang itong nararamdaman ko para sa kanya at mananatiling libog lamang.", sagot nang misis."Sigurado ka bang libog lamang ang nararamdaman mo para kay Sir Roger?", paninigurado ni Kim na ginantihan naman ni Michelle nang pagtango.

Dahil sigurado na sina Michelle at Roger sa kanilang mga sagot at si Kim nama'y sigurado na rin sa kanyang mga tanong, napagpasyahan na niyang itanong ang kanyang huling naiisip. Ang tanong na makakapagsabi sa magiging daloy ng kanilang buhay mag-asawa. Huminga muna siya nang malalim saka nagbigkas, "Michelle, huling tanong... Kanino ka ba sasama kung sakali man...? Kung si Sir Roger ang pipiliin mo'y tapos na agad ang ating pagsasama, maging ang ating pagiging mag-asawa. Kung ako naman ang pipiliin mo'y handa ka bang tapusin na ang lahat nang ugnayan niyo ni Sir Roger at handa ka bang ipalaglag ang batang ngayo'y nasa iyong sinapupunan?", walang pag-aalinlangang tanong ni Kim. Hindi inaasahan ni Michelle ang tanong na nanggagaling mismo sa bibig ng mister."H-Hoy, Kim. 'Di ko na gusto 'yang asal ng bibig mo ah. Ano ba 'yang mga itinatanong mo sa misis mo?", sabat ni Roger. Hinawakan naman ni Michelle si Roger para pakalmahin ito.

Medyo nainis naman din si Kim sa inaasal ni Roger sa kanya, na para bang wala rin itong kamaliang ginagawa."Yan lang ang tanging paraan na naiisip ko Michelle para mabuo pa ang ating pamilya. Kaya, binibigyan kita nang pagkakataon para isiping mabuti at makasagot sa tanong na iyan.", wika ng mister. Takot na takot si Michelle sa inaasal ngayon ng kanyang mister, ramdam mo talaga ang poot at galit na nanggagaling sa kaibuturan ng kanyang sarili."Kim, ilang beses ko ba kailangang sabihin at ipaintindi sa'yo na 'di ko aagawin 'yang si Michelle sa'yo? Ha? Ano ba 'yang sinasabi mong "kung ikaw ang pipiliin niya'y kailangang ipalaglag niya ang batang nasa sinapupunan niya? Tangina, may buhay dyan Kim! Kung bunga man siya ng kalibugan, hindi lang sa'min ni Michelle 'yan. Pati rin sa'yo. Dahil unang-una palang, pinairal mo na ang kalibugan mong ipakantot ang misis mo sa ibang lalaki. Nahihibang ka na ba? Ha?", inis na bulyaw ni Roger kay Kim.

"Oo, nababaliw na ako! Putangina, baliw na baliw na ako kakaisip dito... Sa kung paano ko pa maibabalik ang pamilya ko dati, ang pagmamahal na nararamdaman ko sa asawa ko. Baliw na baliw na ako, Roger!", pahagulgol na wika ni Kim. Damang-dama ni Roger ang pangambang nararamdaman ngayon ni Kim, at ganoon din si Michelle."Parehas kaming nakagawa nang kasalanan, ngunit, hindi na namin ito kailangang dagdagan pa ng isa pang kasalanan para punan ang aming pagkakamali sa isa't-isa. Dahil mas lalo lang kaming masasaktan 'pag gano'n, siguro ito na yata ang tamang panahon para palayain namin ang isa't-isa. Siguro hanggang dito nalang siguro ang aming pagmamahalan at pagsasama bilang mag-asawa.", isip ni Michelle. Mariing iniisip ni Michelle ang kanyang pagpapasya dahil oras na mapagpasyahan na niya ito'y dapat panindigan rin niya ito. Ipinikit niya ang parehong mata niya saka huminga nang malalim at derechahang tiningnan ang mister.

"Nakapagpasya na'ko, Mahal... Nakapagpasya na ako sa pinagpapapilian mong pipiliin ko at heto na ang magiging pasya ko...", panimulang wika ni Michelle. Naiiyak ang misis habang tinitingnan ang nakapalumbabang mister at umiiyak."...Pinipili ko si Sir Roger, Mahal.", napaangat naman ang mukha ni Kim at napatingin kay Michelle at nagtataka kung bakit hindi siya ang pinili nito."Si Roger ang pinili ko hindi dahil sa may nararamdaman na ako para sa kanya o dahil sa mas karapat-dapat siyang samahan kaysa sa'yo. Pinipili ko siya dahil gusto kong buhayin itong batang nasa sinapupunan ko. Gusto kong alagaan at saksihan ang paglaki niya... Oo, bunga lang ito nang ating mga kasalanan at kalibugan ngunit hindi sapat iyon para kitilin ko ang kanyang musmos pang buhay. Kaya Kim, sana'y maintindihan mo...", patuloy na paliwanag ni Michelle. Tuluyan nang nabasag ang pag-asang pinanghahawakan ni Kim. Hindi rin naman inasahan ni Roger ang pasya ni Michelle, itinatanong nito sa sarili kung bakit 'di nito piniling buuin ang pamilya nila.

"S-Sige, Mahal. Tinatanggap ko ang pasya mo. May dalawa lang akong pakiusap mula sa'yo bago tayo maghiwalay. Una, pwede bang dumito muna ako ng isang linggo?...", pagbabasakali ni Kim. "Sige, walang problema. Bahay naman nating dalawa ito kaya pwedeng-pwede mong gawin ang lahat na gusto mo. Oh, ano naman ba 'yung pangalawa mong pinapakiusap sa akin?", tanong ni Michelle."Ah, 'yon ba? Ehem... Gusto ko sanang pangatawanan mo ang ipinasya mo. Na pinipili mo si Sir Roger hindi dahil sa may pagmamahal ka na sa kanya kun'di dahil sa gusto mong pangalagaan ang bata. Kaya sana, 'wag mong ipalit si Sir Roger kapalit sa'kin.", pakiusap ni Kim sa misis sa harapan ni Roger. Napatango-tango si Michelle bilang pagsang-ayon sa pahayag ng mister.

*****

Kinabukasan ay maagang nagising si Kim, agad siyang naghanda nang kanyang agahan at babaunin. Magkasama pa rin sila sa iisang buhay pero magkahiwalay na sila nang tinutulugan. Pagkatapos kumain at makapag-ayos sa sarili ay lumarga na si Kim patungo sa kanyang pinagtatrabahuan. Saglit lang ay nagising na rin si Michelle, nagulat siya nang may nakita na siyang pagkain sa hapag na tinakluban. May sulat pa ito sa tabi,"Good morning! Nilutuan na kita dahil alam kong matagal kang gumising. Magpakabusog ka ha?", basa niya. Napangiti si Michelle sa inakto ni Kim, maalagain pa rin ito kahit na hiwalay na sila.

Tutok na tutok si Kim sa kanyang trabaho tulad nitong mga nakaraang araw. Mas pinagbubutihan pa nito ang nakasanayang ginagawa kesa dati, bunga siguro ito nang naging usapan nila ni Michelle at Roger kagabi. Iniisip na rin niyang sa pagtatapos ng linggong ito ay aalis na siya dito sa kanyang pinagtatrabahuan kasabay nang pag-alis niya sa kanilang bahay ng misis niya at pagkatapos nilang magpaalam dalawa sa mga magulang ni Michelle."Siguro'y babalik na lang ako nang Cebu at doon nalang manirahan kahit mag-isa lang ako.", isip ni Kim. Napag-usapan na rin nang dalawa ang tungkol sa kanilang anak na si Nathan,"Huwag kang mag-alala, Michelle. 'Di kita pababayaan kay Nathan, patuloy ko pa rin siyang susuportahan, kayong dalawa kahit 'di na tayo magkasama.", sabi niya sa dating misis. Ang natitira nalang nila ngayong iniisip ay kung paano ito ibabalita sa mga magulang ni Michelle at sa kanilang anak na si Nathan.

Sa mga sumunod na araw ay pinag-uusapan na nilang dalawa kung ano na ang mangyayari sa mga bagay-bagay ngayong magkahiwalay na sila. Ang kanilang mga naipundar tulad nalang ng bahay nila na "conjugal property" at iba pa nilang "personal property" ay pinagusapan nila nang maayos. Sinabi ni Michelle na kung ayaw tumira rito ni Kim ay mas mabuting ibenta nalang nila ito ngunit, sumalungat sa ideya ang mister. "Bakit mo naman ibebenta ito, Michelle? Wala nabang titira rito? Aalis ka ba?", tanong ni Kim. "Do'n muna ako sa isang condo na nabili ko mamalagi dahil nga sa nangyari sa atin. Wala rin namang bibisita pa dito o ano kaya bakit 'di nalang natin ibenta?", paliwanag nang misis."Kung wala mang bibisita o mamamalagi rito sa bahay eh mas mabuting ibigay nalang natin kay Nathan ito para 'di na niya iisipin ang kanyang titirhan paglaki niya.", 'hayag ni Kim. Sumang-ayon naman si Michelle sa pahayag na ito.

Sa huling araw ni Kim sa kanilang bahay bago lumisan ay tinatahak na nila ngayon ang daanan patungo sa bahay ng mga magulang ni Michelle na kung saan namamalagi ang kanilang anak."Let's just pretend that we're still together, Michelle. Hangga't kaharap natin ang anak natin, magpanggap lang tayong magkasama pa rin tayong dalawa.", usal ni Kim habang nagmamaneho."Okay, Mahal.", sagot ni Michelle. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa isang subdibisyon kung saan nakatira ang mga magulang ni Michelle. Pinagbuksan rin naman sila agad ng isang babae na ngayon lang nila nakita,"Hello po, Ma'am/Sir. Sino po sila?", nakangiti nitong pagtatanong."Ahh-- Pamilya kami ng mga nakatira rito, hetong kasama ko, anak nila. Pwede ba kaming pumasok?"."Ah, sige po! Sige po! Tuloy po kayo. Pasensya na po kung napaghintay ko kayo, bago lang kasi ako dito.", pagpapaumanhin nito."Ayos lang, 'wag kang mag-alala.", tugon ni Kim saka na sila pumasok ni Michelle nang magkahawak-kamay.

Pagkapasok nila'y nakita nila si Nathan na masayang nakikipag-laro sa pang bata na siguro'y ka-edad lang nito. Paglingon nito sa kanilang gawi ay agad nagningning ang mga mata nito nang makita silang mag-asawa. "Mommy! Daddy!...", hiyaw nito at patakbong lumapit sa kanilang dalawa at hinagkan siya nito. Sakto rin namang lumabas ang mga magulang ni Michelle galing sa dining part ng bahay."Hi, 'Ma! Hi, 'Pa!", bati nilang dalawa sa mga ito. Nilapitan naman sila nito at nagyakapan saka nagmano bilang paggalang."Naparito kayo mga anak?", tanong ng ina ni Michelle."Bibisitahin lang po namin si Nathan, 'Ma, 'Pa. Matagal-tagal na rin po kasi naming 'di nakasama ang anak namin.", 'hayag ni Michelle.

Nagka-kumustahan muna ang mag-pamilya sa kung ano na ang nangyayari sa kani-kanilang buhay. Kinumusta rin nila sa mga magulang ni Michelle ang kanilang anak, kung maayos lang ba ito dito at 'di ba nagpapasakit-ulo sa kanila, sinagot naman ito nang ama ni Michelle at sinabing ayos lang sa kanila kahit nagiging makulit na ito. Ngayon pang may isa pang bata na nasa kanila na anak ng kanilang bagong kasambahay. May nakakasama at nakakalaro ito palagi. Ipinakilala rin sa kanila ang kasambahay na nagpapasok sa kanila kanina saka ito nagpaalam dahil may gagawin pa raw ito. Muli namang nagkausap ang mag-pamilya tungkol sa mga bagay-bagay.

Nang masigurong wala na ang kanilang anak na si Nathan sa paligid ay ipinagtapat na nang dalawa ang kanilang napagpasyahan, nagulat ang mga ito sapagkat 'di nila inaasahang magkakahiwalay ang dalawa."Ha? Bakit? Kailan pa? Ano bang naging problema niyo, mga anak?", naguguluhang tanong ng ina ni Michelle."Ano ba ang naging 'di niyo pagkakaintindihan? Bakit kailangan pang umabot kayo sa ganito? Sabihin niyo ang totoo, may third party bang kasalo dito? Sino ang nagloko?", dagdag pang tanong ng ama nito. Tahimik lang ang dalawa at parehong nakayuko, parehong nag-iisip kung sasagutin ba nila ito o hindi. Ayaw din naman kasi ni Kim na maging sanhi ito nang pag-aaway ng mag-pamilya, na sa kanya'y mas mabuting siya nalang ang masasaktan dahil siya rin naman ang puno't dulo nang lahat."Ano? Bakit 'di kayo makaaagot? Sino ba ang nagloko sa inyo?", naiinip nang tanong ng ama. Tahimik pa rin ang dalawa, napatingin pa si Michelle kay Kim, hanggang sa 'di na nakapag-timpi ang mister at kanya nang inako ang kasalanan."Ako po! Ako po ang may kasalanan, ako po ang nagloko kay Michelle... Nahuli po niya akong may kaniig na ibang babae at ang masaklap pa'y nabuntis ko rin po ito.", pag-amin ni Kim. Inilihim ang totoong nangyari sa kanilang dalawa para 'di nito kamuhian ang kanilang anak. Gulat ang ekspresyon ni Michelle nang akuhin ni Kim ang kasalanang siya dapat ang umamin.

"Bakit? Bakit mo nagawa 'yan kay Michelle, Kim? Ipinagkaloob namin siya sa'yo dahil malaki ang aming tiwala na aalagaan mo siyang mabuti at mamahalin nang higit pa, ngunit ano ito?", madamdaming tanong ng ama. "Pasensya na po kayo sa nagawa ko, hindi po ako karapat-dapat sa pagmamahal ni Michelle. I am just a disappointment to all ofyou.", paghingi niya nang tawad."Kung sa tingin mo'y disappointment ka lang, eh bakit pinatagal mo pa? Bakit... Bakit pinaabot mo pa na kayo'y maikasal at magkapamilya? Bakit, Kim?", walang ibang sagot si Kim kung hindi ang paghingi nalang nang tawad sa kasalanang 'di naman niya nagawad. Ramdam lang niyang kailangan niyang humingi nang tawad dahil siya naman ang puno't dulo nitong lahat."Ngayon, anong sasabihin niyo sa anak niyo na labi-labis ang tuwa at saya sa t'wing nakikita kayo?", tanong ng ina. Dito naman ay si Michelle na ang sumagot,"Sa akin po si Nathan, 'Ma. Alinsunod na rin sa ating batas at isa pa, napag-usapan na rin po namin ito ni Kim na ako nalang ang kukupkop kay Nathan at ipagpapatuloy pa rin po naman niya ang pagsusustento sa amin.". Wala nang nagawa at naisambit pa ang mga magulang ni Michelle at hinayaan nalang ang kanilang pagpapasya. Buong araw ay nagsama lang ang mag-pamilya at naglaro-laro kasama si Nathan.

Kinagabihan ay nagpaalam na si Kim sa kanila lalong-lalo na sa kanyang anak, nagtaka pa ito kung bakit 'di niya raw isasama si Michelle. Sinabihan nalang niya itong magtatrabaho siya sa labas ng bansa dahil daw na-promote na siya at mas kinakailangan raw siya doon. Todo iyak ang bata habang papaalis si Kim, niyakap ito ni Michelle upang patahanin. Pagsakay ni Kim sa kanyang sasakyan ay dito na niya ibinuhos ang kanyang pagdadalamhati't galit na nararamdaman sa kanyang sarili dahil kung hindi lang dahil sa kanyang pantasya ay 'di sana buo pa rin hanggang sa ngayon ang kanyang pamilya. Kinabukasan ay nagtungo na si Kim sa kanyang pinagtatrabahuan. Naisio niyang puntahan ang kanyang mga amo upang magpaalam na bilang trabahador sa kompanya at uuwi nalang siya sa kanilang probinsya. Tinanong siya nito kung ano ang kanyang dahilan para tumigil, hindi siya sumagot at sa halip ay sinabi lang niya na personal reasons.

Mabuti nalang ay 'di naman siya nahirapan at sinabi lang ng amo niya na ipasa nalang ang kanyang resignation letter through email. Nagpaalam na si Kim at bumalik na sa kanyang trabaho sa huling pagkakataon. Buong araw ay iginugol lang ni Kim ang kanyang oras sa pagtatrabaho at sa pagdating nang gabi ay umuwi na siya sa apartamentong inuupahan. Pagkatapos niyang maghapunan at mag-ayos nang sarili ay humilata na siya sa kanyang kama at umidlip. Nagising siya nang mga alas 12 ng hatinggabi, lumabas sa sala't uminom nang malamig na tubig pampagising nang diwa niya. Naalala niyang kailangan niyang magpasa nang resignation letter through email sa kanyang amo para maging opisyal ang kanyang pag-alis, binuksan niya ang kanyang laptop at ipinasa na ang nagawa niyang sulat. Bumili na rin siya nang kanyang ticket palipad pauwi ng Cebu, sa Lunes na agad ang kanyang paglipad.

Sa kabilang banda nama'y magkausap ngayon ang mag-asawang sina Sandra at Ronaldo at Michelle sa kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa. Dito'y, ipinagtapat na ni Michelle sa mga kaibigan na hiwalay na sila ni Kim. Hindi inaasahan ng dalawa ang sagot ni Michelle, parehas namilog ang mga mata at mga bibig ay nakabuka."Ha? Kailan lang, Michelle? Wala na talaga kayo?", sunud-sunod na tanong ni Sandra. Napatango lang nang ilang beses si Michelle at sinagot nang walang halong kasinungalingan. "Eh, nasaan na ngayon si Kim, Michelle?", singit naman ni Ronaldo."Ewan ko, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay lalayo na siya. Sinabi naman niya sa akin ang kahilingan niyang 'wag ko raw ipalit sa kanya si Roger dahil ayaw niya talaga.", paliwanag niya. Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap habang umiinom nang juice."Eh, ano nang plano mo ngayon, Sis? Titigil na ba kayo ni Roger o dito na magsisimula ang relasyon niyong lihim sa mata ng mga taong malapit sa'yo? Susundin mo ba talaga ang kahilingan ni Kim o you'll just shrug it off and get over with him?", dagdag pang tanong ni Sandra sa kanya. Sinagot niya itong tunay at sinabi ang kanyang tunay na damdamin.

Araw ng Linggo, bago ang lipad ni Kim pauwi nang Cebu ay nakatanggap si Michelle nang mensahe galing kay Kim na sinasabing gusto raw nitong makita at makausap siya bago ito lumipad patungo sa probinsya. Nag-reply naman siya nang sige, nagkita sila sa isang kainan na lagi nilang pinupuntahan noong magkasama palang sila. Nagkabatian ang dalawa at nagbeso-beso pagkatapos ay naupo na sila paharap sa isa't-isa. Ipinag-order muna ni Kim ang dating misis nang makakain bago sila magsimulang mag-usap. Pagkabalik niya'y inilapag na niya ang pagkain sa hapag nila. Habang kumakain ay nag-uusap rin sila, kung hindi nagsasalita ang isa'y magpuputok nang salita ang isa.

"Hayyy, na-miss ko'to. 'Yung masaya lang tayo palagi...", naisambit ni Michelle. Napahinto ang lalaki sa pagsubo't napatingin sa dating misis. Mukhang 'di nito sadyang masabi iyon, batay sa nakikita niyang reaksyon galing rito."Hehehehe, 'wag na nating balikan ang panahon 'yon, Michelle. Dahil alam mong sakit lang ang maidudulot niyan sa'tin. Mag-move on na tayo para sa mas magandang kinabukasan na nag-aabang sa'tin.", wika ni Kim. Sumang-ayon naman dito si Michelle at tumuloy nalang sa pagkain. Pagkatapos, ay inaya ni Kim si Michelle na kung pupuwede ay maglakad-lakad lang muna sila at sinabi na rin nito na bago siya umuwi nang probinsya ay gusto niyang bilhan muna niya nang kakailanganin ni Nathan. Umo-o ang dating misis at nagtungo muna sila sa isang pamilihan. Habang namimili ay biglang nagtanong si Kim,"Michelle, iuuwi mo na ba si Nathan sa bahay natin ngayon?". Panandaliang tumigil sa paglalakad ang misis at humarap ito sa kanya,"Hmm, yes. Matagal-tagal na rin kasi doon si Nathan kina Mama't Papa. Nahihiya na ako sa kanila kaya naman, napagisip-isip ko na mas makabubuti ito. Ihahabilin ko naman siya sa kanila sa 'twing papasok ako nang trabaho."

Natapos ang kanilang pamimili at pamamasyal kahit na sa maikling panahon ay nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa. Papasakay na si Kim sa kanyang sasakya'y tinawag pa siya ni Michelle,"Mahal, mag-iingat ka doon ha? Mami-miss kita...", wika nito."Para sa'n pa ang ganyan, Michelle?", ganting tanong niya."Mmm... Wala, gusto lang kitang tawagin at sabihan sa huling pagkakataon. Sige na, paalam!", huling pasabi nito. Tumango nalang siya't sumakay na sa kanyang sasakyan at lumarga. Iwinawagayway ni Michelle ang kanyang kamay, pinalis pa niya ang isang butil ng luha na hindi niya napigilang tumulo sa lungkot.

*****

Sa araw ng paglipad ni Kim pauwi nang probinsya'y handa na siyang iwan ang nakaraang mga alaala na nangyari dito at magbagong-buhay nang muli. Malayo sa sakit at dalamhati at malayo sa mga tuksong naiisip niya sa tuwing nakikita niya ang dating misis. Inakala niya na sa paglapag niya dito sa bagong bayan na susuungin ay magiging madali lang ang lahat, subalit nagkamali siya. Ang akala niyang makakahanap siya agad nang trabaho ay walang nangyari, ang akala niyang makakalimutan na niya si Michelle at ang ginawa nito'y nagkamali rin siya. May kaunting salapi pa naman siyang naitabi mula sa mga naibenta niyang mga property kaya ito na muna ang ginamit niya para sa pag-upa sa isang paupahan.

Nahirapan siya sa paghahanap nang trabaho sa kabila ng kagandahan nang kanyang mga credentials. Dagdag pa ang kalagian ng kanyang pag-iinom ng alak tuwing siya'y nakakaramdam nang lungkot dulot ng pag-iwan niya sa kanyang pamilya. Hanggang sa isang araw ay nagkaharap si Kim at ang isang pakete ng ipinagbabawal na gamot. Dahil sa kanyang kalungkutan at pagkagalit sa mga nangyari sa kanya at sa sarili ay napagpasyahan nito na tikman ang bagay na nasa harapan niya. Dinikdik niya ito hanggang sa magkadurog-durog nang husto't inisang-singhot at ang mga natira'y ipinangkudkod niya sa kanyang ngipin.

Makalipas ang mga ilang linggo ay nawalan na nang pag-asa si Kim sa paghahanap nang trabaho kung kaya't mas lumagi na siya sa pagbili at pagsinghot nang ipinagbabawal na gamot at pagbili nang samu't saring inumin. Unti-unti nang nauubos ang kanyang mga salapi. Naging adik na si Kim, dahil na rin sa kanyang mga nakilala sa lugar. Malaki na ang ipinagbago ng kanyang pangangatawan, mula sa pagka-malusog ngayon ay patpatin na ito. Hindi na rin ito nakikipagsalamuha kung kani-kanino maliban nalang kung bibili siya nang droga't magbabayad nang upa o 'di kaya'y bibili nang makakain.

Lugmok na lugmok na si Kim sa kumunoy na siyang naglatag sa sarili niya. Maraming raids na rin ng mga pulis ang nangyari sa lugar nila dahil sa talamak na pagbebenta nang ipinagbabawal na gamot. At, hanggang sa lumipas na nga ang ilang buwan, mas lumala na ang kalagayan ni Kim. Naubos na ang kanyang mga salapi, 'di na rin niya tinatanggap ang mga tawag ni Michelle tungkol sa ipinangako niya dito. Dahil sa wala nang pambayad ang mister ay napilitan siyang lumipat sa lugar na matatawag mong 'slum area' kung saan mas talamak ang pagbebenta ng mga samu't saring ilegal, at karaniwan na rin dito ang kaliwa't kanang patayan na ang sinasabing pinag-ugatan ay halos tungkol sa droga. Unang salta pa lang niya rito ay matatalim na titig na ang natatanggap niya, mabuti nalang ay nakita siya nang kanyang matalik na kaibigan noon mula noong bata pa lang sila, si Cristo.

Kilala pala ito dito kaya wala nang tumitingin sa kanya, kinupkop pa siya nito. Nagka-kumustahan muna ang dalawa at nag-usap tungkol sa mga nangyari sa kanilang buhay, sa kung paano sila napunta sa lugar na tulad nito. Sinabi naman ni Kim ang nangyari sa kanya at agad naman itong naintindihan ng kaibigan niya."Eh, may mapapasukan ka bang pagkakakitaan dito, pare?", tanong nito na may aksentong Cebuano pa ang maririnig mo sa kanya. "Sa nakikita ko kasi'y parang tagilid na rin ang buhay mo, parang pinabayaan mo na ang sarili't mga taong nakapaligid sa'yo.", dagdag pa nito. Napaisip bigla si Kim, ilang linggo na siyang 'di nakakapag-padala sa kanyang mag-iina."Wala nga pare eh, gusto ko pa man din na laging makapag-padala sa mag-ina ko para masuportahan ko pa rin sila.", sagot niya. Dahil dito'y derechahang tinanong ni Cristo si Kim na kung gusto ba nitong magtrabaho sa kanya, bilang courier syempre. Agad na umo-o si Kim dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pinagkikitaan.

Naging courier ng droga na nga si Kim, sa isip niya kasi ay walang maliit na kita sa ganitong negosyo kaya susulitin na niya kahit bawal. Araw-araw ang pagde-deliver niyang laging palihim dahil hindi lang pala sa kanilang lugar kilala si Cristo, pati na rin pala sa mga karatig-bayan at karatig-probinsya, naging araw-araw na rin ang kanyang paghihithit minsan pa'y itinuturok na niya ito sa kanyang katawan. Kung gaano ka-lalim ang ibinaon nanh buhay ni Kim ay ganoon din ka-taas ang kay Michelle. Kaliwa't kanan ang mga naging proyekto nito kung kaya't lagi itong abala sa pagtatrabaho. Mas tumataas na rin ang kanilang sales dahil sa pagtutulungan nilang lahat."Congratulations to all of you!", bunyi ng amo nila. Napag-aral na rin ni Michelle ang anak nilang si Nathan sa isang pre-school malapit sa pinagtatrabahuan niya, may itinalaga na rin siya ditong yaya na siyang magbabantay at mag-aalaga rito sa t'wing siya'y nasa trabaho.

"Oy, Sis! Kumusta na ang single life?", tanong ni Sandra."Single? 'Di pa naman Sis eh, may annulment papers pa kaming dapat na lagdaang dalawa.", tugon niya dito."Oh! Eh, ano na ba ang status mo sa panliligaw sa'yo ng dating kalaguyo mo lang? Hihihi...", malanding bulong nito."Ewan, 'di ko pa kayang sumagot nang kung sinong manliligaw eh lalo't kakahiwalay palang namin ni Kim. At isa pa, alam mo naman ang bilin niya sa akin 'diba?", wika ng misis. Opo, tama po kayo nang nabasa, nanliligaw po si Roger sa kanya. Hindi niya masagot ito at lagi niyang pinapaalis sa t'wing magtatagpo man sila. Hanggang sa isang gabi, habang nagliliwaliw sila kasama ng kanya-kanyang mga kaibigan, hindi inaasahang sila'y magkakitang muli. Nagkabatian silang muli nang sila'y nagkabanggaan sa isang club na lagi nilang pinupuntahan. Hindi pa man nakakapag-simulang bigkas si Roger ay umiwas na si Michelle at dumerecho sa C.R ng mga babae. At, mabuti nalang paglabas niya'y wala na rin ito.

Habang siya'y nakikipag-chikahan at nakikipag-tagayan sa mga kasamang kaibigan ay nararamdaman parang may nanlalagkit na titig ang tumitingin sa kanya kung kaya't kanyang inilibot ang mga paningin sa establisyemento, hanggang sa nagtama ang mga mata nila ni Roger. Agad iniwas ni Michelle ang paningin dito at umakto lang nang normal. Makalipas lang ang ilang oras ay lasing na si Michelle at makikita mo na sa sarili niya ang kalasingan. Kaya bilang pampatanggal amats ay napagpasyahan ng mga kaibigan ni Michelle na magsayaw muna para na rin makapaglibang. Sa ilang minutong pagsasayaw sa gitna'y hindi namalayan ni Michelle na napahiwalay pala siya sa grupo nila dahil na rin sa siksikan ng tao, naramdaman nalang niya na may humawak sa kanyang magkabilang-bewang at sumasabay sa paggiling niya.

Paglingon niya rito'y isa itong lalaki na sa tingin niya'y may katandaan na rin, hindi kasi niya ito maaninag nang husto dahil bahagyang madilim at dagdag pa na naglilikot na ang kanyang mga mata dahil sa kalasingan.Nabigla si Michelle nang maramdaman niyang idinidikit nito ang wari niya'y ari nito sa kanyang pwetan, sa gulat ay inambahan niya ito nang sampal ngunit nasangga nito ito at nahawakan ang kanyang pala-pulsuhan saka hinila siya nito papalabas nang club. Hindi siya makasigaw dahil natatakpan ang bibig niya nang kamay nito."Hoy! Sino ka ba? Anlakas naman nang loob mong hilahin ako't ipapasok dito sa kotse mo?", bulyaw ng misis na medyo nawalan nang amats dahil sa inis. Unti-unting naging klaro sa kanya ang mukha ng lalaki at ang mukha ng dating kalaguyo ang nasa harapan niya ngayon."Grabe ka naman sa'kin, Babe. Bilis mo lang makalimot. Parang kailan lang, labas-masok 'tong burat ko d'yan sa napaka-libog mong puke pero ngayon who you nalang? Arouch naman...", pagmamaktol nito at umarteng nasasaktan. Napasinghap si Michelle sa inakto nito't waring nagtataka dahil kahit lagi niya itong kakantutan noon ay wala naman siyang naramdaman para rito. Oo, ang lalaki sa kanya meron pero siya, wala talaga."Ihahatid na kita sa inyo, Michelle. Siguradong hinahanap ka na sa inyo lalo na ng anak mo.", wika ni Roger."No, gusto ko lang munang pumasyal muna, wala naman din kasing trabahong gagawin bukas.", usal ni Michelle.

Biglang naging tahimik ang paligid, seryoso't tahimik si Michelle hanggang sa unti-unti habang binabaybay nila ang daanan eh nakaidlip na ito dahil na rin sa kalasingan. Napagpasyahan ni Roger na dalhin nalang ang babae sa sariling bahay at doon muna ipaglalagi ngayong gabi. Pagkarating nila'y agad niya itong binuhat pa-bridal style at ipinasok sa loob derecho sa kanilang kwarto ng dati niyang asawa at doon inihiga ang kasamang misis. "Hayy, ano bang gagawin ko sa'yo... Alam ko, Michelle. Alam ko kung bakit mo ito ginagawa sa sarili mo ngayon, nako-konsensya ka sa mga ginawa mo kay Kim. Nasasaktan ka ngayong wala na siya sa'yo, nahihirapan ka na dahil wala na ang lalaking nagmamahal sa'yo.", naisaisip ni Roger habang tinitingnan ang natutulog na misis.

Hatinggabi, nagising si Roger nang narinig niya ang pa-hikbing pag-iyak ni Michelle sa tabi niya, laging naisasambit nito mula sa kanyang bibig ang pangalan ni Kim at kung gaano na siyang nangungulila rito. Dinaluhan ni Roger si Michelle, tinatapik-tapik ang balikat at hinahagod-hagod ang likod dahil sa ito'y nakatalikod sa kanya. Sa pagharap nito sa kanya'y kita ni Roger ang namumungay na mga matang waring nangungusap sa kanya."Mahal, andito ka na pala...", biglang sambit nito. Nagtaka naman si Roger dahil hindi naman siya ang dating asawa nito, sa palagay niya'y namamalik-mata yata ito at akala na siya ang taong tinutukoy nito."Mukhang napa-sobra talaga yata 'to sa inuman kanina ah. Matinding kalungkutan ang pinagdadaanan nito sa mga nakalipas na panahon. At mukhang ito yata ang bunga ng kalasingan niya kanina.", sambit ni Roger sa sarili. Nagulat nalang si Roger nang biglang siilin siya ni Michelle nang halik saka paibabawan at dahil na rin sa kanyang matinding pagnanasa rito'y nakipag-sabayan na siya sa misis. Bibig sa bibig. Balat sa balat. Laman sa laman. At sa hindi inaasahang pangyayari, isang bawal na pagniniig na naman ang kanilang pinagsaluhan.

*****

Dalawang taon makalipas ay lumalaki na ang anak nila Kim at Michelle na nasa pangangalaga ng ina nito. Nasa elementarya na ito't masayahing bata at pala-kaibigan. Lagi nang kasa-kasama nito ang kanyang Yaya dahil sa ang ina'y nagtatrabaho. Sa kabilang banda nama'y habang nagsco-scroll down si Kim sa kanyang ginagamit na selpon ay may napansin siyang litrato na hindi niya nagustuhan, ang litrato ni Michelle at Roger na magkasama't nagka-yakapan. Sinuri pa ni Kim ang iba pang mga litrato at sa kanyang pagsusuri'y nagkakaroon na siya nang ideya na parang nagsasama na ang dalawa dahil suot na naman ng mga ito ang mga singsing na kanilang binili't iniregalo sa isa't isa noong nasa ibang lugar pa sila.

Dahil dito'y pinadalhan ni Kim si Michelle nang mensahe na nagpapahiwatig ng kanyang pagka-galit at inis dito dahil parang binalewala nito ang kanyang sinabi noon. Habang tinitipa niya ang mga titik ay bumabalik na naman sa kanyang isipan ang mga katagang, "Wala kang kwentang asawa!", "Talunan kang lalaki!", "Hahaha! Iba na nagmamay-ari ng asawa mo.", at kung anu-ano pa. Dito'y naging bayolente ang pagtitipa ni Kim na parang masisira na ang kanyang hinahawakang selpon. Napapasambit na rin siya ng mga masasakit at 'di ka-nais nais na mga salita kay Michelle at isinumpa niyang kung totoo man ang relasyon ng dalawa ngayon ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga ito.

"Aaahhh! Mmm! Mnghh! Aaahhh! Ang sarap, babe! Ang sarap ng kantot mo. Haaah... Haaah...", ungol ni Michelle. Nakaangat sa ere ang mga binti nito't nakapulupot ang mga bisig sa likod ng kaniig ngayon habang nakadapa itong bumabayo sa kanya."Agh! Ugh! Heup! Aaahhh... Haaah... Haaah...", halinghing naman ng lalaki. Sa gabing bilog na bilog ang buwan ay magkasalo na namang muli ang kanilang mga laman. Nagpa-plakdaang mga tunog ng pinagsalpak na mga balat ang maririnig mo sa silid. Sisid na sisid ni Roger ang mga mauumbok na suso't nagtitirikang mga utong ni Michelle. Todo kanyod lang ang lalaki habang sila'y mariing naglalaplapan. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway.

Matapos ay pinatuwad naman ni Roger ang ngayo'y ka-relasyon na niyang misis ngayon na dati ay pinapayagan lang siyang makakantot mula sa noo'y mister nito."Ugh... Hehehe! Kaytagal kong hinintay na matikmang muli, Babe. Mmmh, sarap talaga!", bigkas ni Roger sabay palo sa mabibilog na pisngi-pwet ni Michelle na siyang nakapagpa-daing rito. Inilapat nang lalaki ang kanyang kamay sa babang-likod ng misis, itinutok at ikiniskis sa bukana ang ulo ng burat niya saka malugod na ipinasok. Napaungol ang dalawang magkaniig, napakuyom pa ang mga kamao ni Michelle sa kobre-kama. Kumakanyod-kanyod na ang lalaki sa katamtamang ritmo at napapasambit at napapa-halinghing na rin ang binabayong misis.

Hinahagod-hagod ni Roger ang buhok ni Michelle habang patuloy lang ito sa pagbayo, nakahawak ang isang kamay sa balakang nito. "Ugh... Aaahhh! Aaahhh! Mmmh... Ang sarap talaga, Babe. Ooohhh...", ungol lang ni Michelle. Salpok na salpok ang mga balat nila sa isa't-isa at nagdudulot pa ito pagtagintingan nang magkabilaang pisngi-pwet ni Michelle. Liwanag ng buwan lang ang pinang-ilaw nila dito sa pamamahay ni Roger dahil na rin sa may nakapalibot sa kanilang mga kapitbahay, mahirap na at baka ma-chismis pa sila. At, hinayaan lang din nilang bukas ang sliding door na nagbubuklod sa balkonahe palabas para mas maliwanag ang dating.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang tao na ang nagmamasid sa bahay na kung saan ay abala sila sa kanilang ginagawa, nasa isang kotse lang ito na sobra sa lilim na hindi mo talaga makikita kung sino ang nasa loob, dagdag pa ang oras ngayon."Sigurado ka bang dito nga ang bahay noong pinapahanap ko sa'yo?", paninigurong tanong nito sa kasama."Opo, Bossing. Sigurado, dito po 'yon.", sagot naman nito. "Sige, dito ka lang para ikaw ang magsilbing ko rito kung may dadating man. Sumenyales ka 'pag meron ha?", saad nito na ginantihan nang pagtango ng kasama. Bago lumabas nang kotse ay siniguro muna ng dalawa na walang taong dadaan sa gawi nila.

Balik na naman sa dalawang nagniniig, ngayo'y chinuchupa na namang muli ni Michelle ang kahindigan ni Roger. Sa ulo, sa baras pati na rin ang nakabuntis sa kanyang mga bombolyas nito habang malandi't malagkit niya itong tinitigan. Pagkatapos ay dahan-dahan lang niya itong jinakol tapos ay inupuan. "Hnghh...", ungol nitong muli na napatirik pa ang mga mata't napahagod ang mga kamay sa sariling katawan. Pagka-upo'y agad nitong sinimulan ang pagurong-sulong nang nakalapat ang mga kamay sa dibdib ni Roger. Napakapit sa bewang ni Michelle si Roger, nagkatitigan ang mga matang nagliliyab at waring parehong nararamdaman ang kainitan sa nadadarang nilang mga katawan.

Tulad nang ginawa ni Roger kanina sa misis ay dinapaan rin nito ang lalaki habang nagtatalbog-talbog ang mabibilog na pwet nito sa kahindigan ng lalaki. Naghalikan pa silang muli. "Hmm... Mmmhm... Haaah... Smooch! Smooch! Smooch! Mmh...", mamamasang-tunog dulot nito. Pabilis nang pabilis ang pagtatalbugan ng pwet nito kung kaya't 'di rin nakapag-pigil si Roger na dakmain ang isang bahagi nito't pagain nang bahagya kasunod ay ang banayad niyang pagpapalo sa mga ito."Aahh! Hihihihi...", 'hayag ng pakiramdam ng misis."Di ka pa rin talaga nagbabago, Michelle. Katulad na katulad ka pa rin nang kung sino ka noon, isang malibog at malanding misis. Hehehe...", usal naman ng lalaki. Sa kainita'y bigla nalang silang nakarinig na pabagsak na mga yapak galing sa balkonahe nila dahilan para mapatingin silang dalawa sa gawi nito. Wala naman silang nakitang kakaiba maliban nalang sa kaliwa't kanang paggalaw ng mga kurtina dahil sa lakas ng hangin.

Tatayo na sana si Michelle para suriin kung anong meron ngunit naudlot ito nang ipulupot ni Roger ang mga binti sa balakang nito. "Wag mo nang abalahin 'yan, Babe. Focua lang tayo sa kung ano man ang ginagawa natin ngayon...", wika nito. Aangal pa sana ang misis dahil gusto nitong suriin ang balkonahe at siguruhin na wala ngang dapat silang ipag-alala. Habang abala sila sa pagkakantutang muli ay pumasok na ang lalaking naka-balot ng itim sa silid na kung saan ginagawa ng dalawa ang gawain. Pumuwesto ito sa mas madilim na gawi ng silid, umupo saka pinanood ang pangyayaring kasarapan.

Sandali pa'y ang lalaki naman ang kumantot sa misis paitaas. Binaliko nito ang magkabilang binti, dinakma ang pwetan ni Michelle saka mabilis na binayo ang pagkababae nito. Dahil dito'y waring nag-aalulong na napaungol si Michelle, nagsasambit pa ito ng mga malalaswang salita na walang mag-aakalang kaya nitong gawin. Hanggang sa 'di na napigilan ni Michelle ang pagbulwak ng kanyang orgasmo. Hapong-hapo itong napadapa sa katawan ni Roger at malalalim na hininga ang pinakawalan. Ilang sandali pa'y pinatihaya muli ng lalaki ang misis dahil nais na rin nitong magpalabas ng mga tamod. Hapo man ay sinunod pa rin ito ni Michelle at tumihaya na't malanding pinaghiwalay ang mga binti na bawat isa'y hawak-hawak pa mismo nito. Nagsimula nang bumayo ang lalaki habang nakahawak sa likod-hita ng misis.

Ang lalaki namang naka-itim ay hindi rin nakapag-pigil na makaramdam ng libog dahil sa nakikita, muntik pang lukubin ito ng sariling pagkadarang ngunit mabuti nalang ay napigilan niya ang katawan niya at inisip ang bagay na kung bakit siya naparito ngayon. Pigil na mga pag-ungol ang namumutawi ngayon sa bibig ni Michelle dahil na rin sa naka-kagat labi siya dahil ayaw niyang marinig ng mga kapitbahay ni Roger ang mga ito. Hindi na natuloy ang pagpalabas ni Roger nang mga tamod dahil bigla nalang binuksan ng lalaking naka-itim ang lamparilya malapit sa pwesto nito. Gulat na gulat ang dalawang nagkakantutan. Agad napabalikwas si Roger sa kanyang pwesto dahilan para mahugot ang burat nito sa puke ng misis, si Michelle nama'y napasigaw saka tinakpan ang kahubadan ng kumot."Sino ka? Anong kailangan mo?!", galit na tanong ni Roger. Tumayo ang lalaking nakaitim at nagsenyas sa dalawa na tumahimik lang ang mga ito na kanila namang ginawa dahil may nakatutok sa kanilang baril na naka-silencer.

Habang nakatutok ay inutusan nito si Roger na isara ang sliding door ng kanilang silid at pati na rin ang kurtina, walang nagawa ang lalaki kundi sumunod nalang. Takot na takot pa rin si Michelle sa pangyayaring nasasaksihan niya't maaaring maging isa pa siya sa mga biktima ngayong gabi magka-gayunmang may mangyari sa kanila ni Roger."Tapos na.", anunsyo ni Roger na agad namang pinabalik ng lalaki sa kama't pinaupo. "Bakit ka naparito? Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sa amin, ha? Pera? Alahas? Tingnan mo lang d'yan, ibibigay namin 'yan lahat sa'yo. 'Wag mo lang kaming saktan.", pagmamakaawa pa nito. "Pakiusap, 'wag mo kaming saktan. Nagmamakaawa kaming dalawa, may mga pamilya pa kami.", segunda pa ni Michelle. Parang balewala lang naman sa lalaking naka-itim ang pagmamakaawa ng dalawa.

"Ang babaw naman ng tingin mo sa'kin Pare kung iniisip mong kailangan ko ang mga bagay na nabanggit mo. Marami rin naman akong mga pera't gamit sa aking bahay.", pahayag nito. Napatutok ang baril sa gawi ni Michelle dahilan para mandilat ang mga nito't manginig ang katawan sa takot."Simple lang naman akong tao. May kakilala kasi akong galit na galit sa inyong dalawa dahil sa inyong ginagawa. Kaya ngayon, gusto ko lang sagutin ninyo nang tapat ang mga katanungan ko para sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?", paliwanag ng lalaking nakaitim. Hindi ito makilala ng dalawa dahil sa naka-takip ang mukha nito ng bonnet. Mabilis na napatango ang dalawa bilang sagot sa tanong nito."Ngayon, unang katanungan, kailan pa kayo naging magka-relasyon?", tanong nito sa dalawa. Si Roger ang sumagot sa tanong nito,"Magda-dalawang taon na. Simula noong may nangyari sa amin isang gabi dahil sa kalasingan.". Kaliwa't kanang napalakad ang lalako habang nakatutok pa rin sa dalawa ang baril. Napaisip naman ang lalaking naka-itim sa sagot ni Roger."Totoo ba ito, Misis?", paninigurong tanong pa nito kay Michelle na sinuklian ng misis nang mabilis na pagtango. "Osige, mabuti naman at tapat talaga kayong sumagot dahil kung hindi ay may dagdag na butas pa ang inyong mga katawan ngayon.", saad nito. Si Roger ay naghihintay nang pagkakataon kung paano niya maialis sa kamay ng lalaking nakaitim ang baril nito.

"Ikalawang tanong, may plano ba kayong patagalin ang inyong relasyon?", tanong muli nito. Nagkatinginan ang dalawa at waring nangungusap ang kanilang mga mata sa isa't isa. Medyo natagalan sila sa pagsagot dito dahilan para manumbalik ang kanilang huwisyo nang marinig nila ang pagputok ng naka-silencer na baril."Opo! Opo! Opo! Opo!...", mabilis na pagsagot ng dalawa sa takot na sila'y barilin."Mabuti, mabuti... Ngayon, pangatlo at panghuling tanong na at ang gusto kong sumagot ay ikaw Misis, naiintindihan ba?...", mabilis na namang napatango-tango si Michelle."Hindi ba't may anak ka na, bakit ka pa naparito? Bakit hindi mo nalang inalagaan ang anak mo? 'Tsaka, hindi ba't may pangako kayong sinumpaan ng taong dahilan kung bakit ako naparito? Kaya marami na ang mga taong nagte-take advantage sa mga pangako dahil sa isip nila'y madali lang namang mapaniwala ang kapwa at gawing uto-uto kaya ngayon, nandito ako para singilin kayo...", pahayag nito. Sa puntong ito ay may ideya na si Michelle sa kung sinong kaibigan ng lalaking nakaitim ang tinutukoy nito. Ang dati niyang mister, si Kim. Aaktong bubulong pa sana si Michelle kay Roger nang marinig nalang niya itong nagsisisigaw, pagtingij niya'y binaril pala ito ng lalaking nakaitim sa tuhod. Agad naman nitong itinutok nang malapit sa kanila ang baril at sinenyasan silang manahimik.

"Bago ko sagutin ang tanong mo na 'yan, maaari ko ba munang malaman kung ano ang ugnayan niyo ng kaibigang tinutukoy mo?", tanong ni Michelle habang nakapisil ang dalawang kamay sa nabaril na tuhod ni Roger. Wala nang pakialam kung makita man nito ang kanyang kahubaran. "Sige, ang lalaking tinutukoy ko ay matagal ko ng kaibigan. Hindi pa man siya nakapunta dito sa Maynila'y magkakilala na kami. 'Yan lang ang maisagot ko sa'yo, Misis. Ngayon, wala nang maraming tanong, sumagot ka na dahil sa sagot na'yan nakasalalay ang mga buhay ninyo.", bigkas nito. Hindi pa kaagad nakasagot si Michelle dahil abala pa siya sa pagdalo sa nabaril na si Roger dahilan para matutukan siya nang malapitan nang baril ng lalaking nakaitim, sa mismong noo niya. "Okay, okay, okay... Sasagot na ako, sasagot na ako. Wala namang dapat na ipangamba ang kaibigang tinutukoy mo tungkol sa bata dahil may itinalaga naman akong yaya na laging nakaantabay sa kanya palagi. At, sabihin mo sa kaibigan na patawarin niya ako kung hindi ko man natupad ang pangako ko para sa kanya. Masyado nang malalim ang pinagbagsakan ko, lunod na lunod na ako sa kumunoy at nahihirapan na akong makaahon pa lalo't isa lang akong marupok na nilalang.", naiiyak na sagot ni Michelle. Napaupong muli ang lalaking nakaitim sa pwesto nito kanina't napaisip pa siyang magtanong muli."Isa pang tanong, Misis. Mahal mo na ba talaga ang lalaking 'yan? Higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo sa aking kaibigan?", maririnig mo na sa pagsasalita nito ang paghikbi. "Oo, tama ka. Mahal ko na nga siya, mahal na mahal. Ngunit, mas matinding pagmamahal pa ang ibinigay ko sa kaibigan mo at kahit kailan ay 'di 'yon mababawasan ninuman.", tugon ni Michelle. Narinig naman niyang tinanong siya ni Roger sa kung sino ang taong tinutukoy nito na kaibigan nito, nilingon nalang niya ang lalaki at binigkas na walang boses ang pangalan ng kaibigang tinutukoy nito.

Bago tanggalin ang bonnet na naka-takip sa mukha'y muling nanumbalik sa lalaking nakaitim ang masasayang alaala na kanilang binuo't pinagsamahan. Mula sa kanilang pagiging magkasintahan hanggang sa sila'y naging mag-asawa. Pati na rin ang mga alaalang binuo nila kamakailan lang kahit pa na kasama nila ang lalaking kaniig nito ngayon sa mga panahong iyon. Wala nang iba pang nagawa ang lalaking nakaitim at tinanggal na ang bonnet na nakatakip sa mukha nito."Kung ganoon ay bakit mo ito nagawa sa'kin, Ma-Mahal?", tanong ni Kim. Gulat na gulat ang dalawa sa naging rebelasyon ngayon. Hindi nila inaasahan na ang lalaking nakaitim ay walang iba kundi ang dating mister niya. "K-K-Kim?", pautal na tanong ni Michelle. Malayo na ang ipinagkaiba ni Kim sa kung sino ito noon, malaki na ang ipinayat nito at nangingitim na ang mga mata. Napatakip sa sariling bibig si Michelle."Sagutin mo ang tanong ko, Michelle. Bakit hindi mo nagawang panindigan ang pangako nating dalawa?", tanong ni Kim. Sumambulat sa dalawang magkaniig lang kanina ang lumuluhang mukha ni Kim, ngunit determinado pa rin itong itinutok ang baril sa gawi nila."Patawad, Kim, patawad...", naiiyak na paghingi nito nang kapatawaran.

Itutuloy...

*****

I-komento sa ibaba ang inyong mga saloobin, reaksyon at mga suhestiyon. At huwag kalimutang pindutin ang mga buton ng "likes" at "hearts". Maraming salamat po!

(s) PilyongLapis