1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 24 - Charmed
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 24 - Charmed

51 minutes
Chapter 24

Nakatingin sa kawalan si Arcelle habang nakaupo sa sofa. Dumating na din ang sandali na kahit ayaw pa niyang mangyari ay naganap na ngayon sa kanila. Tapos na ang pagsasama nila ni Arman bilang mag-asawa, malaya na sila ngayon sa isa't-isa at maaari ng gawin ang anumang gustuhin nila.

Isinandal ni Arcelle ang likod habang inaalala ang mga huling binitawang salita ni Arman sa kanya.

"Very soon huh? Kaya pala parang ang bilis mong natanggap, nakahanda na palang kapalit ko. Surprise me then Arman."

Tumayo na si Arcelle mula sa kanyang pagkakaupo upang gumawi sana sa may lagayan ng mga stock nilang alak. Ngunit napaling naman sa may pinto ang kanyang paningin ng marinig ang pagtunog ng buzzer na naroon.

Lumapit siya sa may pinto at hinawakan ng mahigpit ang seradura. Lihim na umusal na hindi sana si Arman ang mabungaran niya. Ayaw na niyang makipagtalo at hindi rin naman niya nais na magpakumbaba dahil sa kasalanang ginawa. Naging totoo lamang siya sa kanyang sarili at katawan.

Napangiti ng tipid si Arcelle ng makita ang binatang siyang dahilan ng paghihiwalay nila ni Arman, na siya din namang kahulugan ng lahat ngayon sa kanya.

"Arcelle."

"Diba sinabi ko na sayong dapat ay umuwi ka na." ang nakangiting si Arcelle.

Ngumiti na din si Dan, "Gusto mong umalis na lang ako?"

"Not now, since ayaw mong makinig sa akin, samahan mo na lang ako ngayong gabi. " Nakangiti si Arcelle ngunit naroon ang lungkot sa kanyang mga mata.

Binuksan ng maluwang ni Arcelle ang pinto at hinawakan sa kamay ang binata. Pumasok naman ng tuluyan si Dan at siya na ang nagsara ng pinto mula sa kanyang likuran.

At saka yumakap si Arcelle sa binata habang hinahaplos naman ni Dan ang mahabang nitong buhok. Nakaramdam ng guilt si Dan na hindi niya kayang sabihin kay Arcelle. Dahil alam niyang siya ang dahilan ng hindi ngayon magandang sitwasyon ng mag-asawa.

"May dapat ba akong ihingi ng paumanhin?"

Umiling naman si Arcelle habang nakayakap siya sa binata at nakahilig ang kanyang mukha sa matipuno nitong dibdib. May bigat sa kanyang dibdib ngunit kasama naman niya si Dan.

"I'm going to be fine Dan, basta ngayong gabi, gusto kong kasama ka."

"Sasamahan kita Arcelle, ipinangako ko naman sayo ang gabing ito diba."

Bumitaw si Arcelle mula sa pagkakayakap kay Dan.

"The night is still young at may espesyal wine akong nakatabi dito. It's not that I'm celebrating for what just happened, it's just that..., wine might taste even better tonight after ng ngyari sa amin ni Arman, dahil narito ka ngayon, at magkasama tayong dalawa."

"Bakit hindi." ang pagsang-ayon na lang ni Dan. May sapat pa namang sandali para sa nais ni Arcelle. Kaya pa din naman niyang pumasok sa eskwela kahit sa kaunting maitutulog niya pagkatapos nilang muli na namang mag-isa mamaya sa kama. Dahil alam ni Dan na hindi matatapos ang gabi na hindi niya muling matitikma ang katawan ni Arcelle sa ibabaw ng malambot na kama ng mag-asawa.

Pagkatapos magsalin ng alak sa dalawang baso ay gumawi na si Arcelle sa may salas. Naupo sa tabi ni Dan at inilapag ang isang baso sa harap ng binata.

"Have a drink with me Dan." ang nakangiting si Arcelle.

Kinuha ni Dan ang baso at saka siya nagsimulang uminom na sinabayan naman ni Arcelle. Nang makakalahati ay ibinaba ni Dan ang baso at saka tiningnan sa mukha ang katabi.

"Come on Dan, kung may gusto kang sabihin. I think ang relationship natin ay nasa point na maaari na tayong magsabi ng kahit na ano sa isa't-isa." at saka ibinaba ni Arcelle ang hawak na baso sa lamesa.

"Wala ako sa sitwasyon mo Arcelle, pero alam kong hindi ito naging madali sayo lalo't kasal kayong dalawa. Kaya kahit sinasabi mong okay ka lang, alam kong hindi Arcelle."

"Honestly, I don't know. Kasal kami ni Arman ng ilang taon, the situation between my family and his are okay naman. But now, everything change in an instant. Ganun kabilis nagbago ang lahat. Hindi ko alam ang reaction ng mga partido namin. But I don't care about that anymore."

"I'm sorry." si Dan.

Umiling naman si Arcelle na nilaro ang ilang buhok ng binata.

"Don't be, it's because of me Dan. Remember, ako ang nagdecide nito. I know the risk pero sinunod ko pa din ang gusto ko. I hate lying to myself, alam ko kung saan ako masaya at kung sino ang mas higit kong kailangan..., and that's you."

"Arcelle..."

"Hmm-mm. I'm fine with it. Though magsisinungaling ako sayo kung hindi ko sasabihin na umaasa pa din akong may chance na maging serious ang relationship natin. Ikaw ang pinili ko kahit alam kong parang..., you know..., naggagamitan lang tayo. Maligaya ako sa piling mo Dan, kahit pa sabihing parausan mo lang ako."

Natigilan naman si Dan, dahil ang sinabi ni Arcelle ay katotohanan naman talaga. Ginagamit lang siya si Arcelle kapalit ng ligaya na ibinibigay niya.

Isang tipid na ngiti ang muling nasa labi ni Arcelle dahil sa nakitang ekspresyon ng binata.

"Don't be bother by it, alam ko ang sitwasyon mo Dan, and I'm okay with it."

Inilapit ni Arcelle ang kanyang mukha sa binata at agad namang naglapat ang labi nilang dalawa.

Nang matapos ay tumayo na si Arcelle at mabilis na naglakad patungo sa may pinto ng balcony. Binuksan ang pinto doon at saka siya tuluyang lumabas. Humawak sa may barandilya habang nakatingin sa mga gusaling nasa harapan niya.

"I'm supposed to be happy and free pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?" ang lihim niyang tanong sa kanyang sarili. Wala na sa buhay niya ang asawang si Arman at malaya na siyang makakasama si Dan ng walang kinatatakutan. Ngunit alam niyang hindi pa din magiging kanya si Dan kahit hiwalay na sila ni Arman.

Natigil siya sa kanyang pag-iisip ng marinig ang pagbukas ng pinto. Napatingin siya kay Dan ng mapansin ang pagbuhos ng wine mula sa boteng nasa kamay nito paibaba. Ngunit nakikipaglaro naman ang hangin sa tubig na natatapon na parang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Tiningnan ni Dan si Arcelle.

"Hindi ka okay Arcelle, at nararamdaman ko iyon. Hindi ka maaaring magtago sa alak, dahil panadalian lang maitutulong nito sayo." at saka ipinatong ni Dan ang bote sa may barandilya. Hinawakan ang pisngi ni Arcelle at pinalis ang mga butil ng luha sa sulok ng dalawang mga mata nito.

"I'm not okay Dan, totoo ang sinabi mo, pero wala akong regret sa decision na pinili ko. Dahil ang mga sandaling tulad nito, na nasa piling kita at magkasama tayong tulad ngayon. This tender moments that we shared, where you treat me like this ang mas mahalaga sa akin."

"I love you." si Arcelle na nakatingin sa mga mata ni Dan. "Kahit alam kong I'm being pathetic sa harap mo ngayon Dan, it's the truth na ayaw kong ilihim sayo."

Tinitigan din ni Dan sa mga mata si Arcelle.

"I'm inlove with someone else Arcelle, at siya ang bukas na pinapangarap ko, at ang nag-iisang magiging hangganan ng aking mga pagkakamali."

Muling ngumiti ng malungkot si Arcelle sa katapatang ipinahayag ng binata. Pilit na tinanggap ang katapatang sumugat sa kanyang dibdib.

"Then is it okay ba na maging akin ka pa din? I'm quite content naman sa situation natin ngayon." ang pakiusap ni Arcelle.

"Hindi pa ako deserving sa kanya Arcelle, hanggat nasa lupa ang aking mga paa at wala pa akong napapatunayan sa aking sarili ay hindi ko siya maaabot. Kaya handa akong maging kaligayahan mo Arcelle habang inaabot ang pangarap na nais ko. Hanggang doon lang Arcelle..., ang kaya kong ibigay sayo."

"Sapat na sa akin yun Dan, sa simula pa lang naman, you're just a sweet dream na parang ayaw ko ng magising. Just wake me up from this dream kapag handa ka ng iwan ako. I want you to say your goodbye, just promise me that."

"Ipinapangako ko sayo, hindi kita basta iiwan ng walang paalam Arcelle."

Muling yumakap si Arcelle kay Dan na gumanti din naman ng yakap sa kanya.

"Thank you Dan."

Nais sanang sabihin ni Dan na siya ang dapat magpasalamat kay Arcelle dahil sa pag-ibig na ibinigay nito sa kanya. Ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig at hinayaan na lamang na kapwa nila maramdaman ang mainit nilang katawan na nakayakap ngayon sa isa't-isa.

*****

Nais sanang maagang matulog ni Christine ngunit nananatiling gising ang kanyang diwa kahit kanina pa siya nakahiga. Magulo ang kanyang isipan dahil sa pangyayaring namagitan sa kanila ni Angela kanina. Kailangan nilang mag-usap ni Dan. Hindi pa din niya tinatanggap na wala na silang relasyon ni Dan at tapos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

"I have to hear it from him Angela, regardless of your decision. Si Dan ang dapat na magdecide sa situation ng relationship namin."

Bumangon siya sa kama at nagsuot ng robe na panlabas. Saka siya nagpasyang lumabas upang magtungo sa balcony na malapit lang sa kanyang kwarto . Ngunit ng marinig ang boses ng kanyang ama sa may salas ay doon siya dinala ng kanyang mga paa.

"Yes Mr. Galvez, I understand."

"No please, it's not a bother to us."

"We'll see you soon."

Pagkababa ni Miguel ng telepono ay napansin niya ang anak na nakatingin sa kanya mula sa itaas ng hagdan.

"Christine, I thought you went to bed early."

"I did, but I can't sleep Pa."

Nagsimulang umakyat si Miguel paitaas at lumapit sa anak.

"I'm going to tell you about this tomorrow morning but since you're here. I think I should let you know now."

"About what Papa?"

"We have a special guest tomorrow night Iha. Mr. Galvez will come to dine with us. Sa next week pa dapat ang pagpunta niya dito but he decided to visit us sooner than we have planned.

"I see."

"So, can you please come home early after school."

"Of course Papa, I want to meet him too." ang nakangiting si Christine, nais na makilala ang lalakeng naging dahilan kaya ang kanyang pamilya ay namumuhay pa din ng marangya.

"Thank you Christine. I should go to your mother now. Goodnight Iha."

"Goodnight Papa."

Naiwan si Christine na hinatid ng tanaw ang kanyang ama at saka siya nagtuloy sa kusina. Kumuha ng malamig na tubig at saka uminom.

Nais sana niyang makausap si Dan pagkatapos ng eskwela bukas ngunit ang pagkakataon ay hindi nakaayon sa kanya. Dahil kailangan niyang umuwi ng maaga upang maghanda sa pagdating ng kanilang espesyal na bisita. Ang lalakeng nais din naman niyang makilala dahil sa malaking tulong na ginawa nito upang sagipin ang kanyang pamilya.

"So it's a dinner with Mr. Galvez."

Naglalaro sa kanyang isipan ang larawan ng isang lalaking may-edad na ngunit mabait namang tingnan.

"I hope you're really that generous and kind Mr. Galvez as my family hope you to be."

Ang mga tanong na iyon ay maaaring magkaroon ng kasagutan sa napipinto nilang pagkikitang dalawa. Muli na siyang bumalik sa kanyang kwarto at pinilit ang sarili na maidlip.

"Dan.., we're not done..." ang mahina niyang sinabi habang nasa isipan ang maamong mukha ng binata. ".. and that's not gonna change anytime soon."

Ibang ngiti ang nasa labi ni Enrique habang umiinom na mag-isa.

"We're finally going to meet Christine."

HIndi pa niya sana nais na magpunta sa bahay ng dalaga ngunit dahil kay Vivian ay kailangan niyang magmadali. Iba ang pakiramdam niya sa dalagang kanina lamang ay masarap niyang kasama sa kama.

Minsan pa siyang lumagok ng alak habang nag-iisip.

"I must give Vivian what she wants, then end everything after that between us. Ngunit kailangang matikman muna ulit kita, you're pussy is one of the finest afterall. It's a win-win scenario for me. I've got nothing to lose and everything to gain."

At saka siya masayang muling nagpatuloy na uminom

"Christine, I do hope that what I've heard about you is not an exaggeration. I don't want to be disappointed in our first meeting."

*****

Pagsapit ng alas onse ng gabi ay magkasabay na lumabas ng bar sina Mika at Alex. Pagdating nila sa abangan ng sasakyan ay iginala ni Mika ang kanyang paningin. Magkahalong kaba at pagkasabik ang kanyang nasa katawan habang hinahanap ang sasakyan ni Sir Arman.

Kinakabahan siya dahil sa nagtatalong puso't isipan kung talaga bang handa na siya sa nais ng lalake na maganap sa kanila. Ngunit naroon ang init na sadyang laging nasa kanyang laman sa tuwing nasa isipan si Sir Arman, ang init na matagal ng nagnanais na makawala upang tupukin ang kanyang sarili at tuluyan ng magpaubaya sa sarap at pangako nito sa kanya.

"Alex."

Tiningnan ni Alex ang katabing dalaga.

"Okay na ako Alex, kaya ko ng mag-isa."

Nagtataka naman si Alex dahil sa pagiging panatag ni Mika.

"Mika, okay lang naman sa akin na ihatid ka muna. Hindi ito abala sa akin, alam mo yan."

Hinawakan ni Mika ang kamay ni Alex.

"Alam ko Alex, pero kaya ko na to. Gusto ko na ding makapagpahinga ka, please Alex."

Huminga ng malalim si Alex dahil sa nais ng kaibigan.

"Sigurado ka ba Mika?" ang nag-aalalang tanong ni Alex.

Nahihiyang tumango naman si Mika, walang lakas ng loob na aminin sa kaibigan na ang dating kinatatakutang lalake ay kanya na ngayong pinananabikan. Dahil hindi lang minsan na may namagitan na sa kanila ni Sir Arman. Hindi pa man sila ganap na naghuhugpong ay alam niyang naroon na ang palaging tensyon sa pagitan nilang dalawa. Tensyon hindi dahil sa banta o panganib, kung hindi tensyong sekswal na pilit niyang pinipigilan na matagal ng nagnanais na makatakas sa kanyang katawan.

"Mika, baka magalit si Dan, pag-usapan nyo muna kaya."

"Alex, please, alam kong ginagawa ko..."

Wala na ding nagawa pa si Alex dahil sa determinasyong nakikita niya kay Mika.

"Okay Mika, pero aantayin na lang muna kitang makasakay."

"S-Salamat Alex." at saka binitawan ni Mika ang kamay ng kaibigan at iginawi ang paningin sa kanyang harapan.

Hindi na sila nag-usap pa hanggang sa dumating na ang sasakyang jeep ng dalaga.

"Ingat Alex, bukas na lang ulit."

"Ingat ka din Mika."

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Mika kay Alex bago siya sumakay sa sasakyan. Alam niyang nakatingin sa kanya ang kaibigan habang papalayo siya. Hindi niya kayang harapin ang tingin na iyon dahil sa katotohanang ang kanyang naging pasya ay isang lihim na magiging dahilan upang masaktan si Alex, at maging si Dan.

Pagkababa ni Mika sa sasakyan pagkatapos nitong marating ang kanilang lugar ay muli niyang iginala ang kanyang paningin ngunit wala doon ang sasakyan na kanina pa niya hinahanap.

Naglakad na siya patungo sa kanyang tinitirhan habang naglalaro sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari kanina sa pagitan nila ni Sir Arman. Ang sandaling magkayakap at magkahinang ang labi nilang dalawa, ang mainit nilang palitan ng pagpapaligaya sa isa't-isa, at kasabay niyon ang isang pangakong ibibigay na niya ng tuluyan ang kanyang sarili sa susunod nilang pagkikita.

"Alam mong gusto mo na Mika. Pero talaga bang handa ka na sa kapalit?"

Ito ang huling tanong na nasa kanyang isipan pagsapit niya sa bahay na tinitirhan. Kaagad siyang nagpalit ng damit at muling itinago ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Sir Arman. Hindi iyon dapat makita ng kanyang Ate Ella.

Pagkasara ng kanyang sariling drawer ay saka siya nahiga, may pagkain naman sa lamesa ngunit parang wala siyang gana.

Hindi madali kay Mika ang magpasya dahil hindi niya maaaring ibigay ng sabay ang sarili sa dalawa.

"Anong gagawin mo ngayon Mika?"

Isa lang ang dapat niyang piliin at alam niya kung sino ang mas matimbang ngayon sa kanya.

*****

Isang mainit na halik sa pisngi ang gumising kay Dan mula sa kanyang pagkakaidlip. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ang nakangiting si Arcelle ang nasa tabi niya sa isang bagong umaga.

"It's past six na, naghanda na ako ng breakfast."

Gumanti ng isang tipid na ngiti si Dan at saka ibinangon ang kanyang hubad na katawan.

"Punta muna ako sa banyo, sunod na lang ako sa kusina."

"Ayaw mo bang samahan kita?" ang malambing na tanong ni Arcelle habang hawak ang galit na pagkalalake ni Dan sa umaga.

"Hawak mo na yan, ano pang magagawa ko?" ang nakangiting tugon naman ni Dan.

Sa kwarto pa lang ay nahubad na lahat ni Dan ang mga saplot ni Arcelle. At sa loob ng banyo ay muli namang umungol ng masasarap si Arcelle. Walang kasawaan sa matigas at malaking laman na pagmamay-ari ni Dan.

"Ahh... Ahhh"

Hindi naman tumitigil sa kanyang mararahas na pag-ulos si Dan, nais na baliwin sa sarap si Arcelle sa unang umaga na magkasama silang dalawa.

"I love it Dannn..."

"Hah... Sinong mas masarap sa amin ni Arman?"

Tinitigan ni Arcelle ng buong init ang maamong mukha ni Dan.

"Sayo lang ako lumiligaya ng ganito Dan... Ikaw lang ang kailangan ko..."

At saka muling naghinang ang labi nilang dalawa, nagpatuloy pa ang kanilang katawan hanggang sa kapwa nila marating ang inaasam na sukdulan.

Pagkatapos ng muling paghuhugpong ng kanilang katawan sa banyo ay sabay na din silang naligo. At ng matapos ay nagbihis at kumain ng masarap na agahan na ihinanda ni Arcelle para sa binata.

"Diretso ka na ba school or dadaan ka pa sa tinitirhan mo?" ang tanong ni Arcelle habang kumakain sila.

"Sa school na, para magamit ko sa library yung extrang time ko ngayong umaga." ang kaswal na sagot ni Dan kahit sa katotohanan ay may kabang namamahay sa kanyang dibdib dahil sa pagkaalala kina Angela at Christine.

Napabuntunghininga na lang si Dan pagkatapos ubusin ang laman sa kanyang bibig.

"Dan, if it's about me, or Arman, don't be bothered by it, okay? Like I said, hindi mo ito kasalanan and I'm fine, as long as na walang magbabago sa ating dalawa. I can live with just that."

Muling tipid na ngumiti si Dan, "Malapit ng finals, next week na, marami pa akong dapat na asikasuhin sa school bago matapos ang semester. Marami lang akong gagawin at dapat na tapusin, pero okay lang ako."

"You can take a few days off naman Dan and just focus in your studies. And you don't have to worry about your work, or kahit sa expenses mo sa school. Ako ng bahala sa lahat."

"Salamat Arcelle, iniisip ko ngang hindi muna pumasok bukas para makapagpahinga at magreview naman."

"Then do that."

"Thank you Arcelle."

"But, gaya ng nagdaang gabi, ang gusto ko lang. Once the semester is over, spend some nights here in my place. How's that?" ang masayang tanong ni Arcelle.

Napangiti na lang si Dan, hindi naman mabigat sa kanya ang nais ni Arcelle.

"Ilang gabi ba?"

"I would say..., many." ang malambing na sagot ni Arcelle.

"Okay."

"Sinabi mo yan ha, kaya aasahan ko."

At saka nila ipinagpatuloy ang kanilang agahan.

Nang matapos ayusin ang kanyang sarili sa banyo ay lumabas na si Dan. Mula naman sa kusina ay lumapit si Arcelle kay Dan at ihinatid sa may pinto ang binata.

"Una na ako Arcelle, kita na lang tayo mamaya sa bar."

"You must, dahil hindi kita makikita bukas."

Hinalikan ni Dan si Arcelle na gumanti naman sa kanya.

"Take care Dan."

Nagpalitan sila ng ngiti bago tuluyan ng lumabas si Dan at isinara naman ni Arcelle ang pinto. Hindi niya tiyak kung may mga makakakita kay Dan sa paglabas nito mula sa apartment nila ni Arman. Wala naman siyang pakialam kahit maging usapan pa siya ng mga ito. Dahil alam niyang darating din ang araw na mapapansin ng mga katabing apartment na ibang lalake na ang kasama niya.

Pagka-lock niya ng pinto at bigla siyang natigilan. Dahil sa nangyari sa kanila ni Arman at ang masarap na gabi sa piling ni Dan ay nawala sa kanyang isipan ang nais niyang malaman tungkol sa empleyada niyang si Mika.

"Well, malalaman ko din naman mamaya Mika."

Nakakailang hakbang na siya ng muli siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Dan ng nasa loob ng opisina niya ang binata. Na involved siya sa nangyari kay Mika.

"How?"

Mabilis siyang nag-isip at saka niya muling inalala ang huling sinabi ni Arman sa kanya. At saka binalikan ang pag-uusap nila ni Mika sa loob ng bar.

"So is that it Arman? Si Mika ba?" at saka siya napangiti sa sarili. "You have a good taste as always."

Hindi pa niya tiyak kung tama ba ang hinala at iniisip niya. Ngunit madali kay Arman ang magbigay ng mamahaling kuwintas kay Mika kaysa sa kapasidad ng tulad ni Alex.

"Now I have something to look forward to kapag nagkita tayo mamaya Mika."

Kapag napatunayan niyang may relasyon nga sina Mika at Arman ay wala ng dahilan pa para magtrabaho sa kanya ang dalaga. Kahit hiwalay na sila ni Arman ay ayaw niyang naroon at nakikita ang babaeng siyang magiging palaging kasama sa kama ng dati niyang asawa. At idagdag pang kung totoo nga ang iniisip niya, ay si Arman na ang kusang maglalayo kay Mika.

"I pity you Mika kung totoo nga ang iniisip ko. Dahil hindi ikaw ang unang magiging laruan ni Arman at tinitiyak kong hindi din ikaw ang magiging huli."

*****

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ni Alice habang naghahanda ng agahan para sa kanyang pamilya. Dahil hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob upang sabihin kay Anton ang naipangakong pakikipagkita niya kay Gavino mamaya.

"Are you feeling unwell Hon?" ang tanong ni Anton sa asawang parang wala sa kondisyon habang naghahanda ng almusal nila sa lamesa.

Pilit na ngumiti si Alice.

"I'm fine Hon."

"Si Yaya Meding na kaya ang paggawain mo nan. You need to take care of yourself too Hon, besides, hindi mo naman kailangang gawin yan eveyrday."

"Anton.." si Alice na kunwang nagseryoso. "I love doing this okay? Gusto kong pinagsisilbihan kayo ni Angela. It's my happiness."

Tumayo naman si Anton at buong paglalambing na niyakap ang pinakamamahal na asawa.

"You know Hon, kapag ganyan ang naririnig ko sayo. Parang ayaw kong pumasok sa company at mag stay na lang dito sa house kasama ka." ang masayang sabi ni Anton.

"Hon, work is work, be professional or mamanahin pa yan ni Angela sayo. Being responsible ang isa sa lagi mong itinuturo sa kanya."

"That's not fair Hon." ang napailing na lang na si Anton.

"But, pag-uwi mo mamaya. I'll give you a very good massage..." at saka inilapit ni Alice ang labi sa tenga ng asawa. "And much more..."

Kahit hindi pa din ganap na nakakabawi sa ngyari kahapon ay may saya sa puso ni Angela na pinagmamasdan ang kanyang mga magulang. Muli na silang nakabalik sa dati at muling nagkaroon ng buhay ang kanyang pamilya.

Hinayaan muna niya saglit ang mga magulang at saka siya naglakad na patungo sa kusina.

"Morning Dad, morning po Mom." at pagkatapos batiin ang mga magulang ay humalik naman ang dalaga sa pisngi ng mga ito.

"Morning Iha. Are you still unwell? Parang matamlay ka kasi kahapon?" ang tanong ni Alice sa anak.

"No Mom, I've been busy lang po these days dahil sa mga reports at finals na po namin next week." ang dahilan na lang ni Angela.

"Angela, Iha, like your Mom, kailangan mo din alagaan ang sarili mo." ang paalala naman ni Anton sa anak.

"Yes po Dad."

"Eat your breakfast na Iha." si Alice pagkatapos dulutan ng agahan ang anak.

"Mom, Dad, tomorrow po... I have a date with Dan." ang masayang sabi ni Angela habang nasa isipan ang planong paglabas nila ni Dan. Mula sa umaga hanggang sa buong magdamag ay magkasama na naman silang dalawa. Ngayon pa lang ay hindi na makapaghintay pa si Angela at muling nanaig sa kanya ang nag-uumapaw na saya.

"So hapon ka na makakauwi?" si Alice.

"Hm, hindi po Mom, mag-sleep over po ulit ako sa tinitirhan ni Dan."

Saglit na tiningnan muna ni Alice ang asawang natigil sa pagkain.

"Then do just that Iha, susunduin ka ba dito ni Dan?" ang tanong ni Alice na nakangiti sa anak.

"Pag-uusapan pa po namin mamaya Mom."

"Anton?" si Alice na ngayon ay muling nakatingin sa asawa. May pahiwatig ang kanyang tingin na nais niyang ipaabot sa asawa.

"Angela."

"Yes po Dad."

"Do tell Dan to visit us again." ang sabi ni Anton na tipid na nakangiti.

"Opo Dad, sasabihin ko po kay Dan." ang masayang tugon ni Angela na ipinagpatuloy na ang pagkain.

Nakakaunawang tumango naman si Alice sa asawa na ginantihan naman ni Anton ng tipid na ngiti.

Maayos na sila ngayon, wala ng dapat na dahilan para muling mawala ang saya sa kanilang pamilya.

Masayang kumakain ang kanyang mag-ama ng palihim na tumingin si Alice sa orasan sa may dingding ng kusina. May ilang oras pa naman para siya makapaghanda. Muli na naman silang magkikita ni Gavino, ang unang lalake sa kanyang buhay. Ang unang lalakeng kahit hindi niya minahal ay pinag-alayan niya ng lahat at naging kasama sa kanyang buhay. Sa kanyang buhay na minsan ay dumanas ng sunod-sunod na pagdurusa.

"I'm sorry Anton..., just this once, hayaan mong maglihim ako sayo."

*****

Habang naghihintay ng sasakyan papapunta sa pamantasan ay naramdaman ni Alyssa ang paglapit ng isang tao malapit sa kanyang likuran. Saglit niya iyong tiningnan at agad na inirapan ng makilala kung sino iyon.

Nang may tumigil na sasakyan sa kanyang harapan ay kaagad siyang sumakay kasunod ang lalakeng nasa likuran niya kanina.

Nang makarating sa pamantasan ay bumaba ang dalaga at naglakad na papasok sa may gate.

"Alyssa..."

Ngunit hindi pinansin ng dalaga ang banayad na pagtawag ni Raymond sa kanya. Galit pa din siya dito dahil sa ginawa nito na naging dahilan para lumipat ng ibang tirahan si Dan.

Sumabay naman sa paglalakad ni Alyssa si Raymond.

"Hindi mo pa ba ako napapatawad. Nagsisi na ako sa nagawa ko, nagalit lang naman ako dahil sa selos."

Dito na hinarap ni Alyssa ang binata.

"Selos? Bakit Raymond? May relationship ba tayong dalawa?" ang inis na tanong ng dalaga.

"W-Wala.. Pero-"

"Yun naman pala eh. Wala. So it means na kahit kaninong lalake ako makipag-usap, wala kang dapat na pakialam. At yung lalakeng pinagseselosan mo..., may-may girlfriend na." Pilit ang dalaga ng sinabi iyon, may kasintahan na si Dan, at kaibigan pa niya. Kaya pilit niyang sinusupil ang sariling damdamin at umaasang makaka-move on din naman siya, hindi nga lamang niya alam kung kailan darating ang paglaya niyang iyon sa kanyang pagkasawi sa una niyang pag-ibig.

Si Raymond naman ang natigilan, nakaramdam ng gaan sa kanyang dibdib ang sinabi ni Alyssa kahit alam niyang galit pa din ito sa kanya.

Nagpatuloy na sa paglalakad si Alyssa at iniwan ang natigilang binata na agad namang humabol sa paglalakad niya.

"Malapit ng Campus Night..." si Raymond.

"So?" ang nakaismid na si Alyssa.

"Just in case na napatawad mo na ako after ng finals..., baka pwede naman na-"

"Sorry but the answer is no. Pupunta ako pero iba ang kasama ko." ang inis na sabi ng dalaga habang nasa isipan ang napagkasunduan nila ni Angela. Dahil silang dalawa ni Angela ang magkasama sa gabing iyon sa unang pagkakataon ng pagdalo nila.

"Sino?"

Muling tumigil si Alyssa sa paglalakad at hinarap ang binata.

"Raymond, kapag hindi ka pa tumigil, lalo akong magagalit sayo." ang nagbabantang sabi ni Alyssa.

"Okay, titigil na ako." si Raymond na nagtaas pa ng dalawang kamay.

"Hmp." at saka mabilis na naglakad si Alyssa palayo sa binata.

Habang nakatingin naman sa papalayong dalaga ay nabuhayan ng pag-asa si Raymond. May girlfriend na si Dan at walang katiyakan kung lalake ang kasama ni Alyssa sa gabi ng Campus Night. Ang mga magulang muna ng dalaga ang susuyuin niya para mapagbati na silang dalawa.

"I will never give up on you Alyssa. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal."

Sa library nagtungo si Alyssa upang maghanap ng mga karagdagang references sa kanyang ginagawang pagre-review.

"Alyssa."

Pilit na ginawang normal ng dalaga ang sarili.

"Morning Dan, maaga ka yata, ang akala ko ay mamaya pa kayo ni Angela.." ang nakangiting sabi ng dalaga.

"Same reason din ng sayo kung bakit maaga ka ngayon sa library." at saka tiningnan ni Dan ang mga kinuhang libro ni Alyssa.

Napangiti naman ng masaya si Alyssa, kahit sa mga sandali man lang na tulad nito na kasama niya si Dan ay masaya na din naman siya.

"Well, atleast pagkatapos ng next week. At ease na tayong lahat at maghihintay na lang sa pagtatapos ng semester. Ahm, Dan, a-attend ka ba sa Campus Night?"

"Campus Night, di ko sure eh. Hindi talaga ako sanay ng na-attend ng mga social event na tulad nan."

Natigilan naman si Alyssa, dahil wala pa lang alam si Dan sa napag-usapan nila ni Angela.

"Dan, pupunta kami ni Angela, nag-usap na kami tungkol doon. Akala ko ay nasabi na niya sayo."

Tipid na ngumiti na lang si Dan, kung nag-usap na ang dalawa ay tiyak na sasabihin din naman ito sa kanya ni Angela.

"After pa naman yun ng finals, sasabihin din naman sa akin yun ni Angela. At saka, kung ikaw naman ang kasama niya, kampante ako." ang may himig pagbibirong sabi na lang ni Dan.

"Dann, we both know na ikaw higit sa lahat ang gustong makasama ni Angela. Alam kong setup ng relationship ninyo pero hindi yun nangangahulugan na wala kayong time na magkasama. Sa laki ng school, marami kayong mapupuntahan na kayo lang dalawa since most students na a-aatend ay nasa venue."

"Antayin ko na lang na mag-open sa akin si Angela."

"Okay, pero wag mong sasabihin sa kanya na sinabi ko sayo ha."

"Wag kang mag-aalala, wala akong babangitin sa kanya."

"Sige na Dan, una na ako, nasa akin na naman yung mga kailangan ko."

"Okay Alyssa." ang nakangiting si Dan.

Isang matamis na ngiti ang nasa labi ni Alyssa. Dahil ang sandaling ito ay sa kanya habang magkasama sila ni Dan.

Ipinatong ni Dan ang isang libro sa mga dalang libro ng dalaga.

"Trust me, kailangan mo din yan."


Muling ngumiti si Alyssa. "I trust you Dan, so thank you."

At saka tuluyan ng nagtungo sa desk ng librarian si Alyssa upang hiramin ang mga dalang libro. Paglabas niya ng aklatan ay kakaibang saya ang nasa kanyang dibdib. Na para bang inaayunan ng maliwanag na sikat ng araw na nagbibigay liwanag sa mga halamang nasa labas.

Muli siyang tumingin sa pinanggalingang aklatan. Iba talaga ang pakiramdam kapag umiibig ang isang tao. At si Dan ang nanatiling dahilan kung bakit may kulay pa din ang kanyang mundo. Hindi man kanya ang pag-ibig ng binata ay masaya siyang nakilala niya ito.

Pagkababa ni Angela sa sasakyang naghatid sa kanya ay kaagad na niyang nilandas ang daan patungo sa library. Maaga pa naman at sa lobby na lang ng building siya maghihintay tulad ng nakasanayan niya.

Malapit na sa may lobby si Angela ng mapansin ang papalabas na kaibigang si Alyssa.

"Good morning Alyssa." ang nakangiting bati ni Angela sa kaibigan.

"Mas maganda ka pa sa morning Angela." ang nagbibirong si Alyssa.

"Ikaw talaga, maaga ka yata ngayon?"


"Well, finals na next week at last day of the week na ngayon para manghiram ng libro kaya maaga ako."

"Dito muna ako Alyssa."

"Angela, nasa loob na si Dan, nagkita na kami doon kanina." ang sabi ni Alyssa at saka siya tipid na ngumiti.

"Thank you Alyssa. I'll get inside na." ang nasasabik na sabi ni Angela.

"Siya, lakad ka na sa prince charming mo." ang nakangiti ding si Alyssa.

At saka masayang pumasok na sa loob ng building si Angela habang nakatingin lang si Alyssa sa papalayong kaibigan. Sadyang napakapalad ng isang tulad ni Angela na para bang nasa kaibigan na ang lahat na maaaring hilingin pa ng isang babae. "I'll pray na palagi sana kayong masaya ni Dan."

Malapit na sa may pinto ng library si Angela ng matigil siya sa paglalakad. Dahil palapit na sa kanya ngayon si Dan habang magkahinang ang kanilang paningin.

"Dan..." ang nakangiting si Angela.

"Angela..., lumabas ako para pumunta sana sa lobby. Alam ko kasing maghihintay ka sa akin." si Dan na gumanti din ng ngiti sa dalaga.

"Alyssa told me na nasa loob ka na."

"Yun ang nasa isip ko ng nakita kita."

At saka sila muling ngumiti sa isa't-isa.

"But I love doing it naman Dan."

"Ang alin?"

"Yung naghihintay sa pagdating mo. Dahil habang naghihintay ako sayo, I daydream about us, being together, doing this and doing that."

"Angela..." ang nasabi na lang ni Dan habang nakatingin sa kasintahang buong pag-ibig na nakatingin din sa kanya.

Muling ngumiti si Angela at saka nagsimulang lumakad ng marahan, tumigil ng malapit sa harap ni Dan at saka muling nagsalita.

"Sa loob na tayo. I know naman na may gusto kang malaman."

At saka sila sabay ng pumasok sa loob, pagkatapos ilapag ang mga gamit sa lamesa. Tiningnan muna ni Angela si Dan at saka siya nauna ng lumakad sa may parteng nagtatago sa kanila.

Lumapit si Dan kay Angela na nakalapat ang likod sa isang lagayan ng mga libro. Huminga ng malalim at saka hinawakan sa kamay ang dalaga.

"Kiss me first..." ang banayad na sabi ni Angela.

Ginawa naman ni Dan ang nais ng kasintahan, nang matapos ay niyakap niya ito.

"Angela, wala kang sasabihin sa akin na ikakagalit ko." ang malumanay na sabi ni Dan.

Yumakap din si Angela kay Dan.

"It hurts Dan, because I like Christine a lot..., I'm trying to act as nothing happened pero I can't help it. And I know na it is much worse sa kanya." ang malungkot na sabi ni Angela habang nakasubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng binata.

Hinaplos-haplos ni Dan ang mahabang buhok ni Angela. Alam niyang kapwa nasasaktan ang dalawa, ngunit katotohanang mas higit iyon kay Christine kaysa sa kanilang dalawa ni Angela.

"But we need to end it na Dan..." ang sumunod na sabi ni Angela na ngayon ay nakatingin sa maamong mukha ng binata.

"Nauunawaan kita Angela, diba sinabi ko naman sayo. Kung ano ang gusto mo, kung ano ang hiling mo, yun ang gagawin ko." at saka pinalis ni Dan ang mga luha sa mga mata at pisngi ni Angela. "Pero sana Angela, mapagbigyan mo ako sa isang hiling ko sayo. Kailangan naming mag-usap ni Christine."

"Will you promise me na it will be the last? No more after that?"

Muling huminga ng malalim si Dan habang nakatingin sa nangungusap na mga mata ng dalaga.

"I promise Angela..., kailangan lang magkaroon kami ng proper closure." ang malungkot ding tugon ni Dan. Dahil mahirap din naman sa kanya ang sitwasyon ngayon nila. Nasasaktan siya para kay Christine na siyang maiiwan na mag-isa, ngunit hindi naman niya magawang tutulan ang nais ni Angela.

"Dan..., you must give it back to her."

Si Dan naman ang natigilan, naalala ang sinabi minsan ni Angela na kailangan niyang ibalik ang larawan ni Christine na iniingatan niya. Ang tanging maiiwan na lang sa kanya ay ang mga alaala ng masaya at mainit nilang nakaraan.

Hinawakan ni Angela ng banayad ang mukha ni Dan.

"Dan, I know how hard it is for you. But don't ever forget na..., you'll always have me."

Muling tipid na ngumiti si Dan. "Alam ko Angela..."

"Then I'll allowed it, one last time Dan. I'll give you sometime, be with her and give Christine the closure she needs. H-Hindi ako magtatanong ng kahit na ano pagkatapos. Because you promised me na yun na talaga ang last. "

"Salamat Angela."

"After this semester Dan, tayo na lang dalawa."

Niyakap na lang ni Dan ang dalaga na yumakap din sa kanya, dahil ang nais ni Angela ay parang hindi pa mangyayari kahit lumayo man si Christine sa kanila.

"Hindi pa man sa ngayon Angela, pero darating din ang araw na totoong magiging tayong dalawa lang talaga." ang lihim na nasabi ni Dan.

"I love you Dan." si Angela ng nag-angat ng kanyang paningin.

"I love you too Angela."

At ang kasunod ay ang lagi nilang pinananabikan, ang magkahinang ang kanilang labi habang magkayakap silang dalawa.

Nauna ng pumasok sa loob ng classroom sina Christine kasama sina Cherry at Rose. Nais sana niyang makausap si Dan ngayong umaga ngunit alam niyang kasama ng binata si Angela. Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang dalawa. Hindi nagawang tumingin sa kanya ni Angela ngunit saglit na nagtama ang mga mata nila Dan. Kapwa wala ang tipid na ngiti sa kanilang labi maging ang sigla sa kanilang mga mata. Ang naroon ay ang hindi maitagong katotohanan na malapit na nilang harapin at pag-usapan.

Nagsimula ang klase ngunit wala na doon ang isipan ni Christine. Kung hindi nasa binatang kanina pa niya palihim na tinitingnan.

Pagkatapos ng unang klase ay nilapitan ni Christine si Dan ng mapansin niya na nauna ng lumabas si Angela na parang sinadya nito talaga.

"We need to talk Dan..." ang sabi ni Christine sa mababang tinig, ramdam ang lumbay sa magandang mukha ng dalaga.

"Alam ko Christine..., aware naman ako sa naging pag-uusap ninyo ni Angela. Kailangan talaga nating mag-usap, tungkol sa atin." ang sabi ni Dan sa mababang tinig. Kapwa iisa ang nararamdaman nila ni Christine.

"Ngayon pa lang Dan, I have this feeling na alam ko na ang sasabihin mo." at saka hinayaan ni Christine na mamuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata, masakit pala talaga. Dahil parang nakatakda na talaga ang paghihiwalay nila ng binatang minamahal niya. "But still, we need to talk about this, otherwise hindi ko matatanggap ang sinabi ni Angela."

"Ikaw ang mag-decide Christine. Kailan at saan."

Pinalis muna ni Christine ang mga luha niya sa mga mata.

"After ng mga exams, I'll let you know kung saan."

"Dan..., am I that easy to give up?"

Nakuyom naman ni Dan ang dalawa niyang palad. Hindi magawang sagutin ang tanong ng dalagang alam niyang nasa puso din naman niya.

Malungkot na ngumiti si Christine. "I'm just wondering Dan..., if you ever truly love me?"

At saka mabilis tumalikod si Christine at lumabas na ng silid. Kaagad siyang nagtungo sa pinakamalapit na banyo at doon niya pinakawalan ang mga luhang talagang ayaw maampat. Ang kanyang kinatatakutan ay parang dumating na, at maaaring hindi na maglalaon ay hindi na niya makakapiling ang binatang naging kahulugan ng salitang pag-ibig sa kanya.

*****

Kinakabahang bumaba si Alice sa sinasakyang taxi. Tiningnan ang isang kapehan na kahit matagal ng nakatayo ay maayos pa ding tingnan. Lumakad siya papunta doon at saka pumasok sa loob. Humanap ng bakanteng lamesa sa may hulihan at saka siya doon umupo.

"Order nyo po Mam?"

"M-may kasama ako, pagdating na lang niya at saka kami magsasabi."

"Okay po Mam."

At saka iniwan si Alice ng tagasilbi. Iginala ni Alice ang paningin sa lugar na iyon. Malaki na ang kaibhan ng lugar kumpara sa imaheng nasa kanyang alaala. Ngunit nanatiling narito ang mga sandaling silang dalawa pa ni Gavino ang magkasama.

Malapit na si Gavino sa lugar kung saan sila magkikita ni Alice ng tumigil siya sa paglalakad. Dahil mula sa kanyang kinatatayuan ay malaya na niyang napagmamasdan ang nag-iisang babaeng inibig niya ng wagas. Mula sa mahaba nitong buhok, maganda at maamong mukha, maputing kutis, ang lahat kay Alice ay parang hindi nagbago sa paglipas ng mga taon. Muling bumalik sa kanya ang bawat sandali na kung saan siya ang nagmamay-ari sa babaeng asawa na ngayon ng kaibigan niyang si Anton.

"Alice..."

Napatingin si Alice sa may pinto ng bumukas iyon at pumasok ang lalakeng kakatagpuin. Nagpakawala ng isang tipid na ngiti habang ang kaba ay nasa kanyang dibdib.

Naupo naman si Gavino sa upuang nasa harap ni Alice.

"Kamusta ka na Gav?"

Tipid na ngumiti din si Gavino.

"Katulad pa din ng dati, wala namang nagbabago sa takbo ng buhay ko. Ang lahat Alice..., ay katulad pa din ng dati." sinabi iyon ni Gavino habang nakatingin sa mga mata ni Alice. "Ikaw, kamusta ka na Alice?"

Si Alice naman ang muling ngumiti.

"Nasa mabuti Gav. Pagkatapos ng insidente sa nobyo ni Angela, nakabalik na ulit kami sa dati."

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Gavino.

"Pasensya ka na Alice, si Anton ang nagsabi, ginawa ko lang ang ayon sa gusto niya."

"Alam ko Gav, inamin na din naman niya sa akin ang lahat. Ang mahalaga ay walang nangyaring hindi maganda sa pamilya namin."

Natigil sila sa pag-uusap ng lumapit sa kanila ang isang tagasilbi. Nagsabi sila ng kanilang gusto at muli na din naman silang iniwan nito.

"Naalala mo pa ba si Angela? Maliit pa siya ng huli mo siyang nakita."

"Paano ko makakalimutan Alice, mabait na bata. Mahiyain ngunit malambing magsalita. At higit sa lahat, halos lahat ay nakuha niya sayo."

"Dalaga na siya ngayon, kaybilis talagang lumipas ng panahon."

Dumating ang kanilang sinabi at idinulot iyon sa kanila.

"Mabilis talaga Alice, ngunit may mga bagay na nananatiling hindi nagbabago."

"Alam ko Gav..., dahil nakikita ko iyon sayo. Nagsisi ka ba sa desisyon na ginawa mo?"

"Wala akong pinagsisihan Alice, dahil alam kong maligaya ka na ngayon at nasa maayos na ang buhay mo."

Hinawakan ni Gavino ang isang kamay ni Alice at banayad na pinisil iyon habang nakatingin sa mukha ng kaharap na para bang nais niyang baunin iyon dahil ilang sandali na lamang ay muli na naman silang babalik sa kani-kanilang mundo.

"Salamat Alice."

Umiling naman si Alice.

"Salamat sayo Gav, ikaw ang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa kinalalagyan ko."

Binitawan ni Gavino ang kamay ni Alice at saka siya nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.

"Aalis na ako Alice, salamat ulit sa pagpapaunlak mo." at saka tumayo na si Gavino.

"Gav..., iniingatan at tinitingnan mo pa din ba..., yung iniwan ko sayo."

Saglit na pinagmasdan pa ni Gavino ang kagandahang hindi kumukupas sa harapan niya.

"Sa bawat sandali Alice..."

At saka siya tuluyan ng lumabas. Ayaw pa niyang iwan si Alice at nais pa niyang makasama ito ng matagal pa. Ngunit ang kaligayahang dulot niyon sa kanya ay may kapantay na pagdurusa. Dahil alam niyang babalik pa din si Alice sa pamilya nito at siya naman ay sa buhay na kinasadlakan niya.

Binuksan ni Gavino ang pinto ng isang kotse at pumasok sa loob niyon.

"Alis na ba tayo Boss?" ang tanong ni Edgar.

Tumango lang si Gavino sa binata at saka nito binuhay ang makina. Umalis na sila sa lugar na iyon ngunit alam ni Gavino na muli siyang babalik doon. Isinandal niya ang kanyang likod ang saka ipinikit ang kanyang mga mata.

"Edgar..."

"Boss?"

"Dalhin mo sa tabing-dagat."

Hindi na nagsalita pa si Edgar at sinunod na lamang ang nais ni Gavino.

Hindi na din naman nagtagal pa si Alice sa lugar na iyon. Umalis na din siya at umuwi na sa kanilang bahay.

Nakahiga na ngayon siya sa kama, itinaas ang kanyang kamay na hinawakan ni Gavino at saka idinikit iyon sa kanyang labi.

"Thank you Gav..., sa lahat-lahat."

Hindi niya alam kung muli pa silang magkikitang dalawa. Ang natitiyak lang niya ay mananatili sa kanilang dalawa ang alaala ng kahapon kung saan magkasalo silang dalawa. Sa init at ligaya, maging sa pighati at pagdurusa. Alam niyang mananatiling nariyan si Gavino para sa kanya, naghihintay sa sandaling alam niyang hindi na kailanman magkakaroon pa ng katuparan. Dahil labis niyang mahal ang asawang si Anton. Hindi niya hahayaang masira ang masayang pamilya na kapiling niya ngayon.

*****

Alas dos y media ng hapon. Pagkatapos maligo at magbihis ay napansin ni Mika ang cologne na gamit ng kanyang Ate Ella. Binuksan niya iyon at inamoy, nagustuhan naman niya. Gaya ng ginawa ng kanyang Ate Ella ay ganun din ang ginawa niya. Naglagay ng kaunti sa may pulsuhan at saka kiniskis sa magkadikit na balat. Naglagay ng kaunti sa kanyang leeg at sa likod ng kanyang tenga. Muli siyang napangiti dahil tiyak na ang halimuyak niyon ay maaamoy ng malapit sa kanya. Napatingin siya sa drawer kung saan niya itinago ang kuwintas na pag-aari na ngayon niya. Nagdadalawang isip kung dadalhin ba niya sa trabaho o iiwan na lang sa kwarto.

Lumabas na siya ng kwarto at ini-lock ang pinto, at saka nagsimulang maglakad patungo sa may abangan ng sasakyan.

Habang nakatayong naghihintay ay nakakaramdam ulit siya ng pagkasabik at kaba. Dahil baka bigla na lang tumigil ang kotse ni Sir Arman at alam niyang hindi na siya makakatanggi pa. Hawak ang pendant ng kuwintas ay panay ang tingin niya sa bawat dumadaang sasakyan. Ngunit hanggang sa dumating ang sasakyang jeep na papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan ay hindi dumating ang lalakeng hinihintay niya.

Pagkababa ni Mika ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na kuwintas at ibinulsa iyon.

Nagtuloy sa loob ng bar at saka siya nagpalit ng damit. Pagkasara ng kanyang locker ay lumabas na siya. Ngunit bahagya siyang nagulat ng makitang nasa hallway si Mam Arcelle na parang naghihintay talaga sa kanya.

"M-Mam?"

"Sumunod ka sa akin Mika."

At saka tumalikod si Arcelle at nauna ng naglakad habang tahimik namang nakasunod ang kinakabahang si Mika.

Pagkapasok sa loob ng opisina ay naupo na si Arcelle habang nakatayo naman si Mika sa harap ng kanyang lamesa.

Seryosong tiningnan ni Arcelle ang nakatayong dalaga.

"Mika."

"Y-Yes po Mam.." ang kinakabahang si Mika, dahil ang pagtitig sa kanya ng kanilang manager ngayon ay parang may pahiwatig na iba.

"Gaano ka na katagal na nagwo-work dito sa bar?"

"Hm, six, mag seven months na po Mam."

"Nagugustuhan mo naman ba ang trabaho mo dito?"

"O-Opo Mam."

"Good. Mika, gusto kong pag-isipan mong mabuti ang mga susunod mong isasagot sa mga tanong ko. Dahil dito nakasalalay kung may trabaho ka pa bukas o wala na."

"M-Mam, ano pong ibig nyong sabihin?" ang natatakot na tanong ni Mika.

"Simple lang Mika ang gusto ko, ang honesty mo. Kaya mo bang gawin yun?"

Kinakabahang napatango na lang si Mika.

"Ngayon mika, may relationship ba kayo ni Alex? Gusto kong malaman ang totoo."

Nais sanang magsinungaling ni Mika ngunit hindi niya magawa. Dahil parang may alam na si Mam Arcelle sa nangyayari sa kanya. At ang magsinungaling dito ng harapan ay walang maidudulot na mabuti sa kanya.

"W-Wala po Mam..."

Napangiti naman si Arcelle, unti-unti ng lumilinaw ang lahat sa kanya.

"Kung hindi si Alex ang nobyo mo. Sino ang nagbigay sayo ng kuwintas na suot mo ng nagkita tayo sa comfort room?"

Dito na hindi makakuha ng lakas para magsalita si Mika. Hindi niya kayang aminin sa kanilang manager ang katotohanang parang alam na din nito. Pilit niyang sinasabi sa sarili na dapat na siyang magsinungaling ngunit ang takot ay nananahan sa kanya habang hindi inaalis ni Mam Arcelle ang mga mata nito sa kanya.

"Sinabi mo sa akin may nagbigay nun sayo? Wala naman sigurong masama kung sasabihin mo sa akin kung sino. It's just a name Mika. Maliban na lang..., kung dapat mong itago sa akin ang totoo."

Dahil sa nakikitang pananahimik ni Mika ay tumayo si Arcelle at lumapit sa dalaga.

"Nang gabing umalis ka sa bar Mika? Alam kong hindi ang kapatid mo ang dahilan. Tama ba ako?"

Marahang tumango na lang si Mika habang kinakabahan. Dahil nasusukol na siya sa sitwasyong hindi niya matakasan.

"Mika, ang pinuntahan mo ba sa gabing iyon? At ang nagbigay sayo ng kuwintas ay iisa?" ang malamyos na tanong ni Arcelle sa dalagang biglang napapitlag.

"Mam..."

Hinarap ni Arcelle si Mika at muli niya itong tinitigan sa mga mata.

"Ibig sabihin ba nito Mika ay ayaw mo ng magtrabaho pa dito? Madali akong magpasya Mika kaya sumagot ka ng totoo." madiin na ang pagtatanong ni Arcelle.

Napaluha na lang ng tahimik si Mika.

"May relasyon na ba kayo ni Arman?"

Marahang tumango si Mika. "M-Mayron po Mam."

Bagaman nasa hinala na iyon ni Arcelle ay natigilan pa din siya. Magaling talagang pumili ang dati niyang asawa.

"See, madali lang naman ang magsabi ng totoo diba?"

Hindi na lang nagsalita pa si Mika na nagpapahid na lang luha sa kanyang mga mata. Ngayon ay nasa alanganin na ang lagay niya sa pinapasukang bar. Dahil ramdam niyang alinman man sa dalawa ang piliin niya ay iisa ang kakalabasan.

"Hindi si Arman ang klase ng lalake ng magbibigay ng ganoong regalo ng walang kapalit Mika. Nakarating na ba kayo sa kama?"

Naiilang na tiningnan ni Mika si Mam Arcelle at saka siya sumagot.

"H-Hindi pa po M-Mam..."

At saka nagbaba ng tingin si Mika. Inamin lang naman niya ang totoo na hindi pa siya ganap na naaangkin ni Sir Arman. Ang bumabagabag lang kay Mika ay bakit parang alam na ni Mam Arcelle ang tungkol sa kanila ni Sir Arman bago pa man siya nito kinausap.

"So wala pang nangyayari sa inyong dalawa?"

"Mika?"

"W-Wala pa po Mam."

Parang ayaw maniwala ni Arcelle ngunit may pakiramdam siyang nagsasabi ng totoo si Mika. Ngunit may kulang pa ding detalye na nais niyang malaman.

"Mika, inamin mo ng may relasyon kayo ni Arman. Nang gabing nakipagkita sa kanya. Bakit sumunod sina Alex at Dan?"

Malamig ang silid ngunit kanina pa pinagpapawisan na si Mika, hindi na makakuha pa ng lakas ang dalaga para sumagot pa.

"So hanggang dito na lang ang kaya mong aminin? Kailangan ko pa bang ipatawag ulit sina Alex at Dan para malaman ang totoo Mika?"

Dito na lalong natakot si Mika, dahil walang alam ang dalawa na may relasyon na sila ni Sir Arman.

"N-Nang gabi pong yun Mam, p-pinilit lang po akong makipagkita ni Sir Arman. Wala pa po kaming..., relasyon nun." At saka muling napaluha si Mika. "K-Kami po talaga ni Dan ang may lihim na relasyon."

"Hm, so ganun pala." ang seryosong si Arcelle, hindi naman nakapagtataka kung mahulog din si Mika kay Dan. Mas madali iyong paniwalaan kaysa kay Alex. Muli niyang tiningnan ang dalagang kahati pala niya sa binatang tangi niya ngayong kaligayahan. Maganda din naman si Mika kahit hindi ito kaputian, ngunit agaw-pansin naman talaga ang malulusog nitong dibdib na nakatayo. "Atleast hindi nakakainsulto sa akin ang pinili mong kahati ko sayo Dan." ang lihim niyang nasabi. Ngunit may isang sinabi si Dan sa kanya na parang hindi akma kay Mika. Dahil inamin sa kanya ni Dan na hindi pa ito karapat-dapat sa babaeng minamahal nito. Ngayong alam na niyang may lihim na relasyon sina Dan at Mika, kailangan niyang makausap si Dan tungkol dito at sabihin din naman ang kanyang nalaman kay Arman at Mika, mas mabuti sa kanya kung mawawala ang mga ibang babae sa buhay ng binatang na pangarap niyang maging sa kanya.

"Anong totoong nangyari ng gabing iyon Mika?"

"I-Isinama po ako ni Sir Arman sa isang motel..., pero wala pong nangyari sa amin dahil lumabas po ako. T-tapos... sa labas ko na po nakita sina Alex at Dan.."

"Isang parte na lang ang hindi malinaw sa akin. So kung kayo pala ni Dan ang may ugnayan at wala pa kayong relasyon ni Arman ng gabing iyon. Bakit nagkaroon kayo ng relasyon ni Arman ngayon?"

Napalunok muna si Mika bago nagsalita.

"Na-Nagkita pa po ulit kami ni Sir Arman pagkatapos po nun..., d-dalawang beses pa po."

"Pinilit ka niya ulit?"

Napailing naman ang mainit ng pisngi na si Mika. "H-Hindi na po."

"Anong nangyari Mika?"

"D-Doon na po kami Mam.., nagsimula."

"Nagsimula?"

"Doon na po naging kami." ang sabi ni Mika sa mababang boses habang nakayuko ng bahagya.

"Kung hindi ka pa naikakama ni Arman? Anong ginawa ninyong dalawa sa tuwing nagkikita kayo? Naglalandian lang." ang nang-uuyam na tanong ni Arcelle.

"A-Ano lang po Mam..., halik.., at... ha-hawak lang po."

"Hanggang doon lang?"

"Opo Mam."

Gumawi si Arcelle sa likuran ni Mika.

"Mabango ka ngayon Mika, para kay Dan ba yan? O kay Arman?"

"M-Mam.."

"Masarap bang humalik ang asawa ko Mika?"

Sa mga tanong na ito talagang ayaw ng magsalita ni Mika, dahil alam na naman lahat ni Mam Arcelle ang totoo at nilalaro na lamang siya nito.

Tumango-tango lang si Arcelle na nakangiti at hindi na pinilit pa ang dalagang sumagot. Malinaw na naman sa kanya ang lahat. Lumakad na siya pabalik sa kanyang upuan.

Isang palaisipan kay Mika kung bakit parang hindi galit ang asawa ni Sir Arman. Dapat ay tuyain siya nito ng husto, ipahiya o saktan ngunit walang naganap na ganiyon. Ni hindi nagsabi si Mam Arcelle na hiwalayan na niya ang asawa nito. Ang mga isiping ito ang ngayon ay gumugulo kay Mika.

"Sige na Mika, makakabalik ka na sa pwesto mo."

"Mam.." si Mika na kinakabahang nakatingin sa nakaupo niyang manager.

"May gusto ka pa bang sabihin?"

Muling pumatak ang mga luha ni Mika.

"M-Mam, baka po pwedeng ilihim nyo po ito kay Dan."

Pinagmasdan muna ni Arcelle ang dalagang patuloy sa pagluha habang panay din ang pagpahid sa mga iyon.

"Hiwalay na kami ni Arman..., so alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." at saka tinitigan ni Arcelle si Mika.

Natigilan naman si Mika dahil sa kanyang nalaman. Ginawa na ni Sir Arman ang sinabi nito sa kanya. At iisa ang ibig sabihin niyon, sa susunod na pagkikita nilang dalawa ay mangyayari na ang pangakong binitawan niya sa lalake.

"Isa ka sa dahilan Mika..." At saka pinagsalikop ni Arcelle ang dalawang palad at itinukod ang mga siko sa lamesa. "Ano sa tingin mo ang mangyayari ngayon Mika? Nakikita mo ba? Ikaw ang pinili ni Arman kaya niya ako iniwan. At sa tingin mo ba maitatago mo ito kay Dan? Ang relasyon ninyo ni Arman? Sooner or later ay malalaman din niya ito."

Hindi naman muling makapagsalita si Mika dahil sa katotohanang sinabi sa kanya ni Mam Arcelle. Ngayong hiwalay na ang mag-asawa dahil sa kanya ay hindi na niya mapipigil pa si Sir Arman na kausapin si Dan upang sabihin ang lahat ng namagitan sa kanila. Nasagot na din ang ilang katanungan sa kanyang isipan maliban sa isa. Kung bakit hindi galit sa kanya si Mam Arcelle o nagtangka itong pigilan ang relasyon nila ni Sir Arman.

"Kung magiging matalino ka Mika, alam mo na ang dapat mong gawin kahit hindi ko sabihin."

Saglit pang nagtama ang kanilang paningin.

"Pag-isipan mong mabuti ang huli kong sinabi Mika. "

"O-Opo Mam..."

At saka tuluyan ng lumabas si Mika na mainit ang pakiramdam. Tinupad na ni Sir Arman ang pangako nito sa kanya. Siya naman ang dapat tumupad sa usapan nilang dalawa. Halos nasa pintuan na siya ng pinakamahirap na desisyon na gagawin niya. Kailangan na niyang pumili ng isa at iwan naman ang isa.

Isinandal ni Arcelle ang likuran sa kanyang upuan.

"Sure Arman, why not? Kunin mo si Mika at ilayo mo siya dito. Dahil ayaw ko din ng may kaagaw sa lalakeng mahal ko."

*****

"Christine, LQ ba kayo ni Angela?" ang tanong ni Cherry sa kaibigan habang naglalakad sila papunta sa may labasan.

"Let's not talk about it." ang walang emosyong sagot ni Christine.

Dahil ramdam naman nina Cherry at Rose ang biglang pagbabago sa dalawa.

"Hayaan na lang muna natin sila." ang bulong ni Rose kay Cherry.

Pagkatapos magpaalaman sa isa't-isa ay nagsialis na din ang dalawang kaibigan ni Christine. At saka siya sumakay naman sa sasakyang sumundo sa kanya. Kung siya lang ang masusunod ay nais niyang magkulong na lang sa kanyang silid mamaya. Ngunit darating naman ang kanilang espesyal na bisita na kailangan din naman niyang harapin.

"Fuck! What's wrong with my life these days?"

At saka niya isinandal ang katawan at ipinikit ang kanyang mga mata.

Naglalakad ng magkasama sina Dan at Angela papunta naman sa sundo ng dalaga.

"Dan.., what time tayo magkikita bukas?" ang tanong ng nakangiting si Angela. Gusto niyang maging masaya at mapalitan ng maaga ang alam niyang kapwa nila nararamdaman ni Dan.

"Hm, nine? Tapos dito na lang sa school, wag na muna sainyo. Nahihiya din kasi ako sa mga magulang mo kung palagi akong nasa inyo."

"Okay, pero next time ay kailangan mong pumunta ulit sa amin. Dad says na you need to visit them again, and for sure na matutuwa si Mom kapag nakita ka ulit."

"Sa susunod Angela... pero..." ang nakangiting si Dan.

"Pero ano?" ang nagtatakang si Angela.

"Pero pwede bang ako naman ang mag sleep over." ang sabi ni Dan na nagbibiro.

Isang matamis na ngiti ang nasa labi ng dalaga.

"Of course naman."

"Nagbibiro lang ako Angela."

Tumigil sa paglalakad si Angela at hinarap si Dan.

"Mom told me before na she likes for you to spend a night in our house. Diba sabi ko sayo, Mom likes you a lot."

Si Dan naman ang natigilan. Nag-aalangan dahil sa ama ni Angela.

"Dan, it's not fair kung ako na lang palagi ang mag sleep over sa place mo. At saka I do miss it naman, yung magkasama tayong nag-sleep sa kwarto ko."

Napangiti na lang si Dan ng maalala ang gabi ng debut ni Angela, hahayaan na lang niya kahit naroon pa ang ama ng dalaga.

"Okay, sa susunod, sa inyo naman tayo."

At saka sila nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa marating nila ang sasakyan kung saan naroon si Mang Lando.

"Ingat ka Dan sa work mo ha."

"Palagi naman, bukas na lang Angela."

"Dann..."

Iginala muna ni Dan ang kanyang paningin, at saka hinalikan sa labi ang sabik na dalagang naghihintay sa ginawa niya.

"Una na ako Dan, see you tomorrow."

"Ingat kayo Angela."

At pumasok na sa loob ng sasakyan si Angela, ngumiti muna kay Dan at saka niya sinabihan si Mang Lando na lumakad na.

Nang hindi na natatanaw ni Dan ang sasakyan ay saka siya nagsimulang lumakad na din palabas. Nasa isipan niya ngayon ang suliranin niya kay Christine. Katatapos lang ng kay Mika ay may panibago na naman siyang kakaharapin. Mahirap talaga kapag nagtatampisaw ka sa iba't-ibang tukso. Hindi pa siya makakalaya sa ngayon dahil alipin pa din siya ng mga ito. Ngunit kapag dumating na ang araw na kaya na niyang harapin ang mundo ng mag-isa ay saka niya ibibigay kay Angela ang natatangi nitong hiling. Ang masayang bukas kung saan sila lamang dalawa ang talagang magkasama.

Pagkatapos ubusin ang sigarilyong kanina pa niya ay hinihithit ay itinapon na niya iyon. Minsan pang tiningnan ang papalayong si Dan habang nakakaramdam ng matinding paninibugho. Dahil ang pangarap niyang si Angela ay parang kaydaling naging kasintahan ngayon ni Dan. Pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan, binuhay ang makina niyon at maingay na pinaangil, kasabay ng kanyang damdamin na iisa ng nararamdaman.

"Magigising ka din sa katotohanan Dan, na walang bukas na naghihintay ang isang tulad mo sa piling ni Angela."

*****

Bago pa man sumapit ang alas-syete ng gabi ay nasa bahay na ni Miguel si Enrique. Pagkababa pa lang niya ng sasakyan ay naroon ng malapit sa kanya si Miguel at ang katabi nitong asawa.

"Welcome Mr. Galvez to our home. This is my wife Amanda." ang masayang bati ni Miguel sa karadating lang na bisita.

"It's very nice meet you at last Mr. Galvez." ang nakangiting si Amanda.

"Same here." ang tugon naman ni Enrique na saglit na hinanap ng mga mata ang dalagang siyang tanging dahilan ng kanyang pagbisita.

"Let's get inside Mr. Galvez, we prepared a lot of excellent dishes for you." ang sabi ni Amanda habang naglalakad na sila papasok.

"Wonderful, pero hindi lang ang masarap na hapunan ang dahilan ng pagbisita ko."

Kapwa napatingin naman ang mag-asawa sa kanilang bisita.

Isang makahulugang ngiti ang nasa labi ni Enrique.

"I believe your husband stores something more delighful. An excellent wine for my first meeting with his family."

"Ah." ang nakangiting si Amanda ng makuha ang ibig sabihin ni Enrique.

Nang ganap ng makapasok sa loob ng marangyang bahay ay agad na umagaw ng pansin kay Enrique ang naka-uniformeng tagasilbi na si Dalisay. Agad namang nagyuko ang babae kaya isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ng matanda.

Matamlay na tumayo si Christine mula sa pagkakaupo sa kanyang kama. Minsan pang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin at saka siya lumabas na ng kanyang kwarto.

Napalingon si Enrique sa may itaas na parte ng hagdan ng marinig ang palapit na mga hakbang.

Isang kakaibang damdamin ang umalipin sa kanya ng masilayan ang dalagang nakasuot ng naka-strap na bestida. Nakakahalinang pagmasdan ang nagsasayaw nitong alon-alon na buhok na binagayan ng napakaganda nitong mukha. Ngunit ang lalong nagpainit sa kanyang laman ay napakagandang hubog nitong katawan lalo na ang malulusog nitong dibdib na matikas na nakatayo.

"Mr. Galvez, this is Christine, my unica hija." ang pakilala ni Miguel sa kanyang anak.

Agad namang inilahad ni Enrique ang kanyang kamay.

Tiningnan muna ni Christine ang kaharap. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang ama ngunit halatang alaga nito ang sarili dahil sa maganda nitong pangangatawan. Ngunit iba ang pakiramdam ni Christine sa pagtitig nito sa kanya.

"It's a pleasure to meet you Mr. Galvez." kasabay niyon ay paggagap ni Christine sa kamay ng kaharap habang nasa kanyang mapulang labi ang isang tipid na ngiti.

"No Christine..., the pleasure is all mine. " at saka yumukod si Enrique, itinaas ang kamay ni Christine na hawak niya upang gawaran iyon ng isang mainit na halik.

Bagaman nabigla at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng matanda ay kaswal pa ding binawi ni Christine ang kanyang kamay.

"Miguel, why don'y you take some of our finest wine while I'll check if everything is ready in the kitchen. And Christine, give our guest a tour in our house. The view in the balcony is delightful at this hour." ang nakangiting si Amanda.

"I would love that, very much." ang pag-sang-ayon ni Enrique.

"Then, come this way Mr. Galvez." ang sabi ni Christine na kahit naiilang ay pumayag na din.

Magkatabing naglakad pataas si Enrique at Christine hanggang sa marating ang balcony. Naunang lumakad si Christine malapit sa barandilya at saka hinarap ang kasunod na si Enrique.

"So, is it as delightful as my Mama told you?" ang kaswal niyang tanong sa matanda.

Ngumiti naman si Enrique.

"It's very beautiful, like if I'm going to lose my life in this moment, I think that I would not regret it."

"Mr. Galvez?"

"It is you Christine, who is much more beautiful than anything that I've seen." ang malamyos na sabi ni Enrique habang buong pagnanasang nakatingin kay Christine.

At saka lumapit si Enrique kay Christine na halos magkadikit na sila.

"At first I am skeptical about the deal that your father and I have agreed. But now that I've met you, I believe that it is really worth."

"Mr. Galvez..., I don't-"

"Just call me Rick when we are alone Christine." at saka hinawakan ni Enrique ang kamay ni Christine.

Nais sanang bawiin ni Christine ang kanyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak doon ng matanda.

Kung hindi lang iniisip ni Christine ang mga magulang ay nais na sana niyang gumawa ng eksena dahil sa pagiging pangahas ng matanda.

"Mr. Galvez, someone might come here. And I don't want anyone to misunderstood this."

Muling ngumiti si Enrique.

Akmang ilalapit pa sana ni Enrique ang kanyang mukha sa dalaga ng matigilan siya.

"M-Mam Christine..., n-nakahanda na po ang lahat sa kusina. Sumunod na daw po kayo doon." ang sabi ni Dalisay mula sa may pasukan ng balcony.

"Thank you Isay, bababa na kami." at saka hinila ni Christine ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng matanda

"Mr. Galvez, my parents are waiting for us." ang malamig niyang sabi. Ngayon niya natiyak kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nito sa kanya. Masidhing pagnanasa.

"Then hindi natin sila dapat na paghintayin pa. Lead the way." ang nakangising si Enrique.

Nagsimulang humakbang palayo si Christine at hinayaan niya si Enrique na sumabay sa kanya. Hindi siya manhid para hindi maunawaan ang nais ng matanda. Ngunit kailangan niyang pag-isipang mabuti ang dapat niyang gawin. Kailangan ng kanyang pamilya si Enrique at malaki na ang nagbago sa kanila. Hindi siya dapat magpadalos-dalos ng desisyon, kailangan lang niyang mag-ingat upang makaiwas sa nararamdaman niyang banta sa kanyang sarili.

Habang naglalakad papunta sa kusina ay minsan pang tiningnan ni Enrique ang punong dibdib ng kasabay na si Christine. Ngayon pa lang ay natatakam na siya sa dalagang talagang labis na kaakit-akit sa kanya.

"Struggle hard Christine, do your best to resist."

Labis siyang nabighani sa kariktan ni Christine. Ngayon niya naunawaan kung bakit ganun na lamang ang pagnanais ni Brandon na pakasalan ang dalaga. Dahil kahit maganda at may hubog din si Vivian ay mas higit ang lahat ng katangian ni Christine.

"Very soon, you're going to be my next personal bitch Christine, and once you have my baby in your belly. You're going to be forever mine..., and mine to fuck alone."

(Ipagpapatuloy...)

Next Updates:

Chapter 25 - A Walk In The Clouds
Chapter 26 - Redemption

Author's Note 1 : I'm trying hard to provide you an update kahit napaka-hectic ng sched ko. Kaya isang pakiusap lang po, show your appreciation by giving "Likes", "Hearts" and "Comments".

Author's Note 2: Kindly send me a PM if you have something to discuss or if you want to thank me personally.

Copyright @ 2021 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED. FSS
Posted in: Wife Lovers, Mature, Romance