1. Home
  2. Stories
  3. Taong Labas (49) Kapamilya
Filipino Sex Stories

Taong Labas (49) Kapamilya

9 minutes
Matapos ang agahan ay umuwi na sila dahil kailangan na din ni Tatay Edgar ang motor na gamit nila. Kinagabihan ay sila lang dalawa ulit, pero pinigil muna ni Gani ang sarili dahil naa-awa sa babae. Maghapon din itong tulog kaya tingin niya ay masyadong nasaktan sa pag-angkin ng ilang beses.

Kinabukasan ay iniwan nalang niya ang babae nang nagtungo sa Kapitolyo, dinaanan nalang siya ni Rom kaysa daw mag trike pa siya.

"Saan si Alice?"

"Di ko na sinama, pagod eh."

"Langya tol mukang ginabi gabi mo ah. Sana all hahaha!"

"Gagu di, baka murahin na ako nun kung tinira ko kagabi. Mamaya nalang kaya pinagpahinga ko hahaha!"

"Ayus hahaha!"

Naghintay nalang sila sa opisina ng gobernador habang nag flag raising, parang kilala-kilala naman si Rom ng mga tao dahil pinatuloy na agad sa pribadong kwarto ng politiko. Hindi maipaliwanag ni Gani kung ano ang nararamdaman niya na parang pamilyar pero di niya maintindihan.

Kalahating oras din bago bumukas ang pinto at inilabas ang lalaking nakabarong na ngiting-ngiti kasama ang mga bodyguards.

Nagbago ang mukha ni Gov. Gabby nang makita siya, nawala ang ngiti at napuno nang pagtataka. At pagkasabik…

"Aethan!"

"Aethan!?" ulit ni Gani sa binigkas ni Gov. Gabby.

"Aethan, anak!"

"U-uncle Gabby!" hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niya.

"Aethan, Aethan!"

Mabilis na tinakbo ng gobernador ang lalaki at mahigpit na niyakap. Kahit nagtataka pa din ay gumanting yakap ang binata.

Kitang kita ni Gani ang pagluha ni gobernador, maging si Rom ay naguguluhan. Agad inilabas ang litratong ibinigay sa kanya ni Gani sa bundok ng maghiwalay ang dalawa para maupo.

"Ano ang nangyari sayo? Pano ka nakabalik dito?"

"Di ko din alam, basta nagising nalang ako na nakasakay sa van at wala na akong matandaan."

"Gov, eto siya nung bata."

"Ikaw nga si Aethan ko. Ang tagal ka naming hinanap."

"Alam ko na Aethan ang pangalan ko pero kinalimutan ko na dahil sa utos ni Ka Mando."

Muling niyakap nito ang lalaki, di pa rin makapaniwala na makikita pa itong muli. Tinawag ang secretary at sinabing i-cancel lahat ng meetings at may importanteng bagay na gagawin.

Napaka bilis ng mga pangyayari, dinala siya ni Gabriel sa bahay nila para ipakita sa ina at sa mgakapatid. Overwhelmed sa mga pangyayari at nawalan ng kakayahang tutulan ang mga bagay. Hapon nanglumapag ang isang chopper sa mansion at agad siyang isinama para makita ang ama.

Nasa himpapawid na siya nang ma-alala ang babaeng iniwan sa bahay. Hinanap niya ang telepono ngunit mukang naiwan niya kung saan dahil buhat nang makita ang uncle Gabriel niya ay hindi na niya ito nagamit pa.

Hindi din naman niya kabisado ang numero nito kaya wala siyang magawa kung hindi maghintay muna.Pagbaba nila ay sinalubong na siya ng ipinakilalang ama niya. Hindi naman maikaila dahil halos kamukhang kamukha niya ang lalaki maliban sa tanda nito. Walang pagsidlan ng tuwa ang ama, halos buong maghapon ay hindi siya iniwan ni Gabriel, Rom at ng amang si Nathan.

Ilang beses na niyang na-ikwento ang nangyari at tinatanong siya kung ano ang gustong gawin sa kumidnap sa kanya na tanging iling lang ang naging sagot niya. Parang nawindang siya sa mga sumunod na pangyayari, hindi tuloy niya napansin na hating gabi na pala. Palihim na kinausap si Rom kung kailan sila uuwi sa San Vicente.

"Baka bukas, di ko pa din alam."

"Si Alice kasi di ko naman nasabihan."

"Ganun ba, tawagan mo nalang."

"Di ko nga makita yung cellphone ko eh."

"Naku lagot!"

"Oo nga, baka magalit yun."

"Patay ka niyan, putol ang kaligayahan mo."

"Gago hindi yun, wala siyang kasama sa bahay."

"Sige tawag ako sa office, pasabihan ko."

"Pag nga napuntahan nila ay tawagan ako para maka-usap ko at maipaliwanag."

"Sige tol, pero baka bukas na madaling araw na din. Pero mag-pa bantay nalang ako ng isang security."

"Salamat tol."

"Isipin mo yun, magkapatid pala talaga tayo."

"Oo nga, kung nagkataon pala di na kita nakilala."

"Kaya pala sabi ng jowa mo magkamukha tayo hahaha."

"Di ko nga napansin eh hahaha."

"Baka singlaki din kaya nahirapan sayo hahaha!"

"Malamang, baka mana kay daddy hahaha."

Naghiwalay na din sila para matulog, nanibago siya dahil sa ganda at laki ng kwarto na kumpleto sa gamit, hindi niya maisip na matutulog siya sa ganitong karangyang kwarto. Napasarap tuloy ang tulog niya kaya tanghali na nagising, matapos mag toothbrush at hilamos ay agad na siyang bumaba para hanapin ang kapatid.

"Ay sir bumalik na po sa probinsya kasama si Gov. Di na po kayo ipinagising ni Sir Nathan at may lalakarin po ata kayo maya-maya."

"Huh, kailangan ko ding umuwi sa San Vicente."

"Ay maaga po silang umalis eh."

"Nasaan si Daddy?"

"Nasa Clarksons po ata, pero babalik daw po para sunduin kayo. Sir kumain na po muna kayo."

Napatingin siya sa lamesang puno ng maraming pagkain, pero dahil nag-iisa ay di masyadong nakakain. Bandang alas onse nang dumating ang daddy niya, itatanong sana niya kung paano siya makaka-uwi kaya lang ay naunahan na siya ng mga dapat nilang gawin.

Sa isang kilalang department store na puro mamahalin at branded ang tinda siya unang dinala ng ama, may kasama silang isang bading na nagsasabi kung ano ano ang dapat nilang bilhin, may kasama silang isang tao pa na taga dala naman ng mga pinamili nila.

Kinagabihan ay isang family dinner kasama ang kambal daw na kapatid niya pero wala si Rom dahil nasa San Vicente na nga. Halos puro kwento lang niya ang naririnig na napapagod na din niyang ikwento, medyo na-iilang pa siya sa isa sa kambal. Kung pwede lang na i-record nalang at pag may ganitong pagtitipon ay i-play para mas tipid.

Pagdating sa bahay ay ibinaba lang siya ng ama at sinabing bukas ay ipapakilala siya sa kumpanyang pag-aari ng pamilya. Dahil na din sa pagod kaya hindi na din niya nag-insist pa na tanungin ang pag-uwi. Kinabukasan ay naging mas busy siya dahil sa laki ng kumpanya ay inikot nilang mag-ama para ipakilala sa mga empleyado at managers.

Ilang araw pa bago niya na-itanong kay Nathan kung kailan siya pwedeng umuwi, parang wala pa itong plano na pabalikin siya sa San Vicente kung hindi lang niya sinabing may girl friend siya na naghihintay. Di din niya maintindihan kung bakit hindi siya tinawagan ni Rom na bilin niya. Pinayagan siya ng ama pero sinabihan na kailangang makabalik di siya kinabukasan. Pumayag din naman ito na isasama ang nobya kaya excited siyang umuwi.

Kina-ilangan nga lang na i-arange ang chopper na magdadala sa kanya sa San Vicente kahit na pinipilit nya na mag bus nalang siya. Maaga siyang na gising, wala naman siyang kailangang ayusin dahil may gamit naman siya sa San Vicente. Inip na inip sa paglipad at pag lapag ng helicopter, di na din muna hinanap ang tiyuhin at agad lumabas ng bakuran para tunguhin ang bahay nila Tatay Edgar at NanayLiya.

Sarado ang tarangkahan kaya inakyat nalang niya, pero maging ang main door ay sarado din kaya umikot pa siya para makahanap ng dadaanan.

"Alice! Alice!"

Malakas na sigaw niya dahil napakatahimik ng bahay, tinakbo ang kwarto at bumulaga sa kanya ang bakanteng kama. Maging ang mga gamit ng dalaga ay wala din kaya agad tinungo ang kwarto ng mga matanda at pareho ding walang tao. Nakalagay sa kama ang susi na iniwan niya sa babae nung umalis siya para magtungo sa kapitolyo.

Nanlalata siya na napaupo sa kama bago tumayo at lumabas. Sakay muli ng tricycle na tinungo ang opisina ni Rom, ngunit wala daw ito at umuwi ng Lucena, kinuha nalang niya ang number ng kapatid para tawagan at makibalita.

Agad niyang kinontak ang kapatid kaya nalaman niya na nagkita pala sila nito nang bumalik, tinawagan siya sa telepono ng ama pero di naman niya kasama that time kaya sinabi sa babae na kinabukasan ay babalik para maka-usap niya.

Ngunit ng bumalik siya ay wala na si Alice sa bahay, walang sumasagot kahit ilang oras silang sumisigaw sa labas. Ilang beses din niyang nakausap ang ama pero sa tuwina ay hindi siya kasama kaya hindi niya nasabi dito.

Di naman niya masisi ang kapatid dahil ginawa naman nito ang usapan nila, pero ang masaklap ay wala na siyang communication sa babae maliban sa alam niyang sa Tuguegarao ito uuwi. Pero saan duon?

Wala na siyang magawa kung hindi ang maghintay hanggang makabalik siya sa Maynila, susubukan niyang hanapin ito sa tulong ng ama at kapatid.

Ngunit pag dating sa Maynila ay muling napuno ang schedule niya, samot saring meeting at appointments sa kung sino-sino hanggang kausapin siya ng ama na kailangan niyang magtungo sa London kasama nito para mag-aral.

"Dad pwede bang wag na muna, parang napakabilis ng lahat."

"I understand son, but we need you."

"Dad. 15 years akong wala, wag nyo namang ipahabol sakin sa loob ng ilang buwan."

"Aethan hindi naman, kaya lang we need to do things fast."

"Dad please."

"Okay, let's put it this way. One year in UK, then you could relax after if you decided to. That's the least we can do."

"Dad!"

"Aethan, you need to do this."

Parang nawalan na siya ng lakas na tumutol pa, nakita niya na desidido ang ama na ipadala siya sa London. Pinaki-usapan din ang Uncle Gabby niya pero wala itong magawa dahil malaki ang sisi sa kanyang mawala siya.

Ilang buwan din bago naayos ang mga papeles at sa mga panahong ito ay sinikap pa din niyang hanapin si Alice. Pero bigo siya, bago lumipad patungong London ay kinausap ng masinsinan ang kapatid at naki-usap na tulungang hanapin si Alice. Nangako naman ito na tutulungan siya at bago siya makabalik dito ay makikita na niya ang babaeng tuluyang bumihag sa puso niya.

Sa loob ng isang taon ay sinunod ang ama, naging maayos naman kahit na puro short courses about sa business ang kinuha. Dahil likas na matalino at tingin niya ay ito din naman ang talgang gusto hindi ang pagiging Engineer ay naging madali sa kanya. Pero ang isang taon ay naging dalawa pa dahil na din ang kapatid ay nag aral sa US kaya wala siyang makuhang balita dito.

Hanggang sa makatanggap siya ng tawag na ikakasal na daw ito at kailangang umuwi sila ng daddy niya na kasalukuyang nasa US naman. Hindi na niya ipina-alam sa kapatid na uuwi para masurpresa ito.

Dumating siya na nagkakatuwaan na ang mga bisita kasama ang kuya niya.

"Kuya, Kuya!"

"Aethan!"

Napatingin ang lahat s akanya.

"Buti nakahabol ako."

"Bakit di mo sinabing uuwi ka?"

"I want to surprise you! Sorry na missed ko ang wedding."

"Hay naku, ikaw talaga bakit di ka pa sumabay kila Dad at Tito Gab."

"It's a long story, anyways congratulations and best wishes."

"Panu paalis na kami, isang lingo kami sa Boracay. Mag-aabot pa ba tayo?"

"Oo naman Kuya, Baka magtagal ako dito."

"Sige, panu iwan na kita ha, medyo nag aalburuto na si Junjun eh."

"Sige Kuya Enjoy."

Bago tuluyang umalis si Rom ay pasimple ulit siyang kina-usap.

"Tol about ka Alice, sorry di ko na naharap. Pero yung isang tao ko may update. Tatawagan ko para magkita kayo."

"Talaga tol? Sige hintayin ko ang tawag mo."

"Sure, bukas tawagan ko agad. Kailangan ko lang ihasa muna hahaha!"

"Sige hahaha!"

Sa isang hotel na siya natulog, kinabukasan ay tinupad ng kapatid ang sinabi nito at ilang araw lang ay nagkita na sila ng tauhan nito na may report kung saan makikita ang babaeng matagal nang hinahanap.

Nakipag-usap lang sa ama para sa plano at nangakong pag naayos ito ay itutloy ang pagtulong sabusiness ng pamilya.