1. Home
  2. Stories
  3. Taong Labas (45) Liham
Filipino Sex Stories

Taong Labas (45) Liham

9 minutes
Ilang beses kinatok ang pinto ng kwarto pero hindi lumabas si Alice, sa huli ay nagtungo nalang sabalkonahe at hintayin ang babaeng lumabas. Madilim na ay nakakulong pa din ito kaya napilitan siyang kunin ang isang susi para pasukin na ito.

Pagbukas nang pinto ay nasa sulok ito at parang takot ng makita siya.

"Alice?"

"Gani kaya mo ba ako hinayaang tumira dito."

"Sorry! Nadala lang ako."

"Ito ba ang kapalit ng pag tulong mo sakin?"

"Hindi, wala akong hihinging kapalit. Maniwala ka."

"Nagtiwala naman ako sayo kaya lang…"

Hindi na nasabi pa ng babae ang lahat dahil biglang nawalan ng kuryente.

"Sandali hahanap ako ng kandila."

Nahalughog na lahat ni Gani ang mga lalagyan pero wala siyang makita kaya bumalik nalang sa kwartong babae. Medyo relax na ito at naka upo na sa kama ng bumalik siya. Tinabihan niya ito pero iniwasang dumikit sa dalaga.

"Sorry talaga, wala naman akong ganung intension sa pag aya ko na dito tumira."

"Sorry din kasi nag isip ako na ginamit mo ang sitwasyon ko para pagsamantalahan ako."

"Hindi, hindi ako ganoong tao."

"Sorry Gani," paghingi muli nito ng paumanhin.

"Pano? Wala tayong pagkain nasunog."

"Magluluto nalang ulit ako."

"Wag na, punta nalang tayo sa bayan para duon kumain at saka bumili ng kandila."

"Sayang naman yung kanin."

"I sangag mo nalang bukas ng umaga."

"Sige."

Lumabas na ang binata para magsuot ng shirt saka hinintay nalang ang dalaga sa baba. Nilakad lang nila ang bayan dahil malamig naman at walang nagdadaang tricyle.

"May lilinawin lang ako."

"Ano?"

"Hindi naman kita pinagsamantalahan ah."

"Anong ibig mong sabihin."

"Di mo ba nagustuhan?"

"Gani!"

"Joke lang hahaha!"

"Ang loko mo talaga!"

"E pano na guilty naman ako sa sinabi mo."

"Bakit?"

"Kasi naman gumaganti ka naman kanina, sorry ha!"

"Nadala lang din ako, pero wag mon ang ulitin."

"Sure ka?"

"Gani!"

"Hahaha! Pikon! Joke lang ulit."

"Naku!"

"Kung makakalusot lang hahaha!"

"Sige subukan mo! Puputulin ko yan!"

"Wag naman!"

"Di ka ba nag bri-brief?"

"Huh?"

"Wala!"

"Ah eh, pag sa bahay kasi nasanay nako na walang brief para makahinga ng konti."

"Makahinga?"

"Kita mo naman di ba? Mahirap din pag laging naiipit hehehe. Nagrereklamo! Tumitigas hahaah!"

"Ang bastus mo?"

"Hahaha! Ikaw nagtanong di ba."

"Ewan ko sayo, maano talaga kayong mga lalaki hano."

"Depende sa aanuhin hahaah!"

Isang hampas sa braso ang ibinigay sa kanya ng babae bago sila makarating sa isang karinderya na kinainan na dati ni Gani. Maging duon ay wala ding kuryente kaya kandila lang ang nasa lamesa nila habang kumakain. Kahit papano ay nawala na ang pagkailang nila kaya pag labas ay pasimpleng umakbay ang binata sa dalaga.

Hindi na tumanggi si Alice, para ano pa nga naman? Nahalikan na siya nito, nalamas at nasuso ang mga utong at nahimod na din ang puke niya. May mawawala pa ba sa simpleng pag-akbay nito sa kanya.

Nilakad lang nila muli ang pabalik sa bahay, komportable silang magka-akbay sa madilim na kalsada. Pagdating sa bahay ay nag sipaligo lang sila at tumambay sa balkonahe.

Magkatabi silang naka upo at usual na para sa binata ang pagkaka-akbay sa kanya.

"Anong nangyari sa boyfriend mo?"

"Oh bakit naman natanong mo?"

"Wala curious lang ako."

"Nag abroad, tapos ayun nagkaroon na ng bago."

"Gago siya at ipinagpalit ka."

"Ganyan naman kayong mga lalaki, pag nakuha nyo na kami madali nyo na kaming palitan."

"Di ako katulad nun."

"Maniwala ako sa sayo, katulad ka din nun pag nakuha mo na ako bale wala na ako sayo."

"Try natin oh."

"Wow para-paraan lang."

"Hehehe kung makakalusot."

"Ganyan ba talaga kayo?"

"Ewan ko hahaha, pero siyempre ang sex kasi parang common need ko na. Pero di ko pa naman naranansang mamilit."

"So?"

"With consent naman pag niyayari ko ang babae, saka hindi din ako yung tipong pag nakuha ko na e wala na sakin. Unless ayaw na niya talaga sakin."

"Di ba dapat may love na kasama?"

"E kung sabihin ko sayong di ako naniniwala sa ganun. Akala ko pag mahal ka kaya kang ipaglaban."

"Wow may hugot."

"Hindi naman, kaya lang tingin ko ay nag mahal na din ako pero parang ang hanap lang sakin sex hahaha."

"Kahusay!"

"Try me! Para ma kumbinsi ka."

"Gago!"

"Hindi naman lahat ng lalaki katulad ng sinasabi mo at hindi rin lahat ng babae ay katulad ng sinasabi ko. Kaya wag nating i-generalize."

Nagkibit lang ng balikat ang babae na di niya alam kung sumang-ayon o hindi. Ilang minuto pa sila sabalkonahe bago nag-ayang matulog si Alice.

Sinugurado lang ni Gani na naka lock lahat bago sumunod sa babae.

"Hep-hep! Bakit?"

"Di ba natin pwedeng ituloy yung sa kitchen?"

"Magtigil ka! Pagmahal mo na ako saka mo ako kulitin at pag pumayag ako ibig sabihin ay mahal na din kita."

"Labo naman, kahit kiss di pede?"

"Ayoko! Baka kung saan mo pa ako halikan. Sige na punta ka na dun at matutulog nako."

"Dimot!"

Biglang dinukwang ng babae ang pisngi ni Gani at saka isinara ang pinto. Napakamot sa ulo si Gani sa ginawa ng dalaga. Ngayun lang siya naka tapat ng tulad nito. Alam niya na di na ito birhen at muntik na niyang makuha kanina pero pakipot pa din.

"Mahal?"

Hindi na niya kinulit pa ang babae, tinungo na ang kwarto at natulog pero alam niya na bibigay din sa kanya ang babae at kakalimutan nito ang salitang 'MAHAL'.

Kinabukasan ay gumayak sila para kitain ang Senior Investigator na kinuha daw ng pamilya ng asawa ni Coney para mag imbestiga sa pagkamatay nito, mayroong duda sa babae dahil ang lalaki na pinaghihinalaan niya pala ang may contact dito.

"Wala na daw kasing paki-alam ang pulisya sa pagkamatay ng babae kaya kumuha na ng private company si Marco."

Gusto man niyang tumutol ay wala na siyang magawa kung ganoon nga ang sinsabi, pero hiniling niya napumunta muna sila sa pulis kaya nakumpirma na ganoon nga ang status. Nagtataka dahil bakit gagawin pa nito ang kumuha ng isang private company para tukuyin ang pagkamatay ng babae.

Sabagay mas kapanipaniwala nga naman kung ganoon, hindi iisipin ng ibang tao na malinis siya.

Pag-dating sa opisina ng private investigator ay pinatuloy agad para ma meet ang may ari ng kumpanyana galing pa sa Lucena.

"Sir, you have a visitor."

"Let them in."

"Good morning!"

"Hi good morning. Have a seat!"

"I'm Gani, si Alice girl friend ko." saka pinisil ang kamay ng babae.

"Rom Clarkson pare!"

Naupo sila sa harap ng lalaki at saka tumawag para magpatimpla ng kape at juice naman para kay Alice.

"Okay, about the case. Si Marco ang kumontak sa amin ang until now puzzled pa din kami."

"Bakit nga hindi e ang salarin ang contact inyo."

"I am sorry?"

"Pasensya na, pinsan nga pala siya ng biktima."

"Pinsan? Alice Agustin?"

"Oo."

"Wait for a while."

Nagdial ito sa telepono at inutusan ang secretary na dalin ang isang box sa opisina na ilan sa mga gamit na naiwan ni Coney.

"I think this letter is for you. We cannot open that kahit pwede dahil yan ang bilin ni Marco."

Nanginginig ang kamay niya nang makita ang pangalan niya na sulat kamay na kilalang kilala niya. Totoo ang sinabi ng lalaki dahil naka sealed at walang bakas na nabuksan na.

Dear Cus,

Malamang na pag nabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako, gusto ko sanang sabihin ito ng personal pero ayokong madamay ka pa sa probelamang kinaharap ko.

Alam ko marami na tayong pinagdaanan at higit pa tayo sa magkapatid, nahiling ko na sana ay nan dito ka ngayun upang damayan ako sa nangyari sa akin.

Al, sadyang napakabait ni Marco. Wala akong masabi sa kanya kung hindi tanging pasasalamat na sa kabila ng nangyari sa akin ay tinanggap niya ako at ang anak ko. Binalewala niya kung ano man ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya at ng pamilya niya dahil sa nangyari sa akin na alam kong dadating ang panahon na mabubunyag din.

Cus, pinagsamantalahan ako ng mga kaibigan niya. Binaboy ako ng mga kabarkada niya dahil sa paggiging pabaya ko. Nagbunga ang pagsasamantala sa akin pero tinanggap niya ng buong buo. Ilang beses akong nagpaalam hanggang ipakita ko sa kanya na ayoko na sa kanya. Pero nanatili siyang tapat at nagmamahal sa akin.

Lahat ay ginawa niya para umayos kami pero hindi ko kayang mabuhay na may ganitong dalahin, hindi ko kayang mabuhay na haharap sa napaka buting tao sa kabila ng maruming dinanas ko.


Mahal na mahal ko siya at hindi ako nararapat sa kanya, ayokong dumating ang araw na masira siya dahil sa akin kaya mas pipiliin kong mawala nalang dahil ayokong makitang pagtawanan siya ng mga tao sa paligid niya lalo na ang pamilya niya.

Sumulat ako sayo para ihabilin ang anak ko, kung sakaling hindi siya tanggapin ni Marco ay hinihiling ko na ikaw ang mag-aruga sa kanya.

Al, tatanawin kong malaking utang na loob at sana ay pagbigyan mo ang aking kahilingan.

Patawarin mo ako kung naging marupok ako, kalakip nitong sulat na ito ay isang pasasalamat.

Nagmamahal.

Coney

Di niya mapigilan ang pag apaw ng luha sa mga mata sa nabasang sulat ng pinsan, napakahirap pala ng pinagdaanan nito habang wala siya.

"Maari ba naming mabasa ang sulat at baka makatulong sa kaso ng pagkamatay niya."

Ini-abot niya ang sulat sa detective habang ang isang susi na kalakip ng sulat ay hawak niya. Hindi niyaa lam kung para saan ito, pero alam niyang magagamit niya ito.

Napatango tango si Rom nang matapos basahin ang sulat, dahil dito ay naging malinaw na ang dahilan ni Marco kung bakit kumuha ito ng isang private detective. Hindi lang nito alam kung ano ang gagawin ng lalaki sa makukuha nilang mga impormasyon. Pero sa ngayun ay mahalagang may improvement ang kaso ipinagtiwala sa kanila.

"Pare Salamat, balik nalang kami pag may kailangan pa kami."

"No problem. Anytime."

"Salamat!"

"By the way! Gani kilala mo ba si Tatay Senyong at Nanay Gloria."

"Huh, Oo. Bakit!"

Agad umikot si Rom para lapitan siya at laking gulat ng biglang yakapin.

"Tol, di mo ako natatandaan?"

"Tol?"

"Sa bundok! Iniligtas mo ako. Sinabi ni Tatay na pupunta ka dito kaya nang sabihin mong Gani ay agad kong na-alala"

"Huh? Ah eh marami akong nailigtas."

"Pinapunta mo ako kila Tatay Senyong sa Sitio."

Dinukot nito ang wallet niya at inilabas ang isang litrato.

"Ibinigay mo sa akin ito, diba ikaw to?"

"Oo, ako nga yan."

"Tol utang ko ang buhay ko sayo tol kung may kailangan ka wag na wag kang di lalapit sakin."

"Salamat Tol."

"Kunin ko nga number mo, tawagan kita baka pwede tayong lumabas habang nandito ako."

Nagpalitan sila ng number bago nagpa-alam pero nagkasundong magkikita kinabukasan, nakatingin lang ang babae at walang kibo.

"Okay ka lang?"

"Sana, pero hindi eh."

"At least malinaw na na hindi si Marco ang dahilan ng pagkamatay niya."

"Pero bakit hinayaan nalang niya at hindi hinabol ang mga lumapastangan sa kanya."

"Hindi mo din alam, kaya nga may binayarang private detective diba."

Tumango-tango nalang siya dito.

Pagdating sa bahay ay nagpaalam ang babae na magpapahinga lang, ngunit pag labas nito ay dala na ang bag nito at handa na para umalis.

"Saan ka pupunta?"

"Babalik na ako sa Tuguegarao, wala nang dahilan para manatili pa ako dito."

Nabigla ang lalaki, kahit naman alam niya na hindi ito magtatagal sa kanila ay hindi din niya ina-asahanna alis ito kaagad.

"Ganun ba, akala ko I follow up mo pa yung case."

"Malinaw naman sakin na hindi pinatay si Coney, sapat nay un."

"Paano yung hiling niya about sa anak nya?"

"Saka ko nalang babalikan, base sa sulat niya tingin ko aalagaan naman ni Marco ang bata."

"Sige, pero kung magbago ang isip mo, bukas ang bahay para sayo."

"Salamat!"

"Hatid na kita sa terminal."

"Wag na Gani, kaya ko na."

Wala nang nagawa ang binata kung hindi ihatid sa tarangkahan ang dalaga, siya na ang pumara ng tricycle at pinanood hanggang mawala na ang sasakyan. May lungkot na naramdaman ang binata, parang biglang na miss ang dalagang umalis.