1. Home
  2. Stories
  3. Wet N Wild 26
Filipino Sex Stories

Wet N Wild 26

6 minutes
A/N: Walang lampungan. Pwede mong laktawan. ^_^

Tahimik lang ang naging byahe namin ni Jacqi pabalik sa bahay. Walang nagsalita sa amin. Buong b'yahe ay nakatingin lang s'ya sa bintana. Lagi ko s'yang sinusulyapan, alam kong pinipigilan lang n'ya ang sarili n'ya na hindi maiyak.

Patawad, Jacqi. Balang araw ay maiintindihan mo

rin ako.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay. Nanatili lang kaming naka-upo at nakatingin sa harapan. Magdidilim na at kung tama ako ay nasa loob na ng bahay si misis dahil sa bukas na ilaw sa sala.

Bumuntong-hininga si Jacqi bago humarap sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. "Ituloy lang nating dalawa kung ano ang mayroon sa atin. Saka na natin itigil kung darating na 'yong araw na aalis ka na."

Matagal kong tinitigan si Jacqi. Kita ko ang sakit sa mga mata n'ya. "Jacqi, masasaktan ka lang kung—"

"Hindi." Pagputol n'ya sa akin. "Masasaktan lang ako sa araw ng pag-alis mo. Kaya, please, habang andito ka, ituloy natin. Kasi masaya ako sa piling mo. Kaya habang andito ka pa, ituloy natin."

Huminga ako nang malalim bago tumango kahit alam kong masasaktan lang din s'ya sa huli. Habang tumatagal ay alam kong mahihirapan din akong makalimutan si Jacqi.

Ngumiti s'ya at yumakap sa akin. Hinalikan n'ya ako sa labi bago bumaba ng sasakyan. Sumunod naman ako sa loob ng bahay.

Nagpalit lang ako ng pambahay bago muling bumaba sa kusina para magluto ng makakain namin sa hapunan. Pumasok naman si misis sa kusina at yinakap ako sa likuran ko.

"Maaga ka ata ngayon." Banggit ko sa kanya.

Ngumiti naman s'ya sa akin. "Natapos ko na agad ang trabaho ko kaya naka-uwi ako nang maaga para makasama kayo ni Jacqi."

Tinanggal ko naman ang kamay n'yang nakayakap sa akin para humarap ako sa kanya. Muli ko s'yang hinapit sa akin para ako ang yumakap sa kanya. Muli s'yang gumanti ng yakap sa akin.

Parehong yakap.

Parehong tao.

Pero may nagbago na.

Hinaplos ko pa ang likod n'ya "Sige na, malapit ng matapos 'tong linuluto ko."

Ngumiti s'ya at tumango bago lumabas ng kusina. Hinain ko na ang mga niluto ko sa lamesa para pag-saluhan naming—pamilya.

Unti-unti ng nasisira ang pamilyang sinubukan kong alagaan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang kumunot ang noo ni misis. Kita ko ang butil-butil na pawis sa noo n'ya. Napatakip s'ya sa bibig n'ya at mabilis na tumakbo sa lababo at sumuka.

Napahawak ako nang mahigpit sa kutsara't tinidor ko. Dama ko naman ang mga titig sa akin ni Jacqi. Alam n'ya at alam ko kung ano ang nasa utak namin.

Sumikip ang dibdib ko.

Tangina, ang sakit.

Muling bumalik si misis sa lamesa na parang walang nangyari. Mabilis natapos ni Jacqi ang pagkain n'ya at agad tumayo para umakyat sa kwarto n'ya. Naiwan kami ni misis sa lamesa.

"Ako na magliligpit." Kinuha ko na ang mga plato para hugasan ko. Sinubukan kong umakto ng normal.

"Edward..." Hinawakan n'ya pa ang kamay ko.

"Sige na. Magpahinga ka na sa kwarto." Tumayo na ako at dumiretso sa kusina na bitbit ang mga pinag-kainan.

Napahawak ako sa counter ng lababo para huminga pa nang malalim. Dumating na 'yong araw na kinatatakutan ko.

Talo na ako.

Matapos kong manghugas ay umakyat na ako sa kwarto namin ni misis. Naghanda ako ng maraming lakas ng loob sa labang kinatatakutan ko. Tumayo agad s'ya nang makita n'ya akong pumasok sa kwarto.

"Edward..." May mga luha na sa mga mata n'ya.

Napasandal lang ako sa dingding ng kwarto at sinusubukang pakalmahin ang sitwasyon habang si misis ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama.

"Buntis ka?" Lakas loob kong tanong.

Tumulo lang ang mga luha n'ya. Kahit hindi s'ya mag-salita. Nakuha ko na ang sagot.

Tumango ako. Matagal kong tinitigan ang sahig bago ko muling tignan si misis. "A-akin ba 'yan?" Tanong ko na basag ang boses.

Alam ko naman na 'yong sagot pero gusto ko lang marinig sa kanya.

Napatakip na sa mukha si misis at humagulgol sa pag-iyak. Muli akong napayuko at minasahe ang sintido ko. Kumuha ako nang hangin dahil tila mauubusan ako sa sobrang sikip ng dibdib ko.

"B-bakit?" Tanong ko sa kanya na may luha na sa mga mata ko.

Sinubukan n'yang lumapit sa akin pero umiwas ako. Hindi ko kaya. Hindi ko na s'ya kayang hawakan dahil pagmamay-ari na s'ya ng iba.

"Patawarin mo ako, Edward..."

Tinignan ko s'yang muli sa mukha n'ya. "Dahil ba hindi kita mabigyan ng anak?"

Dahan-dahan s'yang naupo sa kama. Naka-yuko s'ya sa harap ko. "Isang beses lang dapat 'yon. Hanggang sa na-ulit nang na-ulit. Hindi na ako nakawala, hon. At kumapit na ako sa pag-asang baka mabuntis nga ako."

Binalot kami nang katahimikang dalawa. Puro hikbi lang n'ya ang maririnig at ako ay tulalang naka-tingin lang sa bintana.

Pagod na ako.

"Mahal mo ba s'ya?" Lakas loob kong tanong.

Umangat ang tingin n'ya sa akin na hindi kayang bitawan ang isasagot n'ya. Napapikit ako sa sakit. Laging, silence means yes sa ganitong sitwasyon.

"Masaya ka ba sa kanya?" Muli kong tanong.

Dahil hindi lang sapat na mahal n'yo lang ang isa't isa, dapat masaya ka rin. Dahil may mga taong nagtitiis sa sakit dahil mahal nila 'yong tao.

Muli s'yang yumuko. "Sana mapatawad mo pa ako, Edward..."

Ang daming pwedeng magbago. Kung ngayon ay masaya pa kayo, bukas ay pwedeng maiba na. Ang saya namin dati ni misis, hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon.

18 years of marriage.

"Anong plano mo sa ating dalawa?"

Naka-yuko pa rin s'ya at hindi magawang tignan ako. "Gusto n'ya akong pakasalan at mag-sama kami sa iisang bahay."

Tumango naman ako. "Iyon din ba ang gusto mo?"

Bumuntong-hininga si misis bago ako tignan. May mga luha na namang tumulo sa mga mata n'ya. "Pa'no ka? Nasanay kang ako ang nag-aalaga sa'yo. Ako lang ang mayroon ka. Hindi kita kayang iwan mag-isa."

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan n'ya. Hinawakan ko ang isa n'yang kamay at ang isa kong kamay ay pinunasan ang mga luha sa pisngi n'ya.

"Hon, salamat dahil pinaranas mo sa akin kung pa'no magkaroon ng isang pamilya ang isang pariwarang katulad ko. At hindi kita pipigilan ngayon kung gusto mong sumama sa kanya. Ang isipin mo naman ngayon ang sarili mo. Alam kong matagal mo ng hinahangad ang magka-anak...hindi nga lang galing sa akin. Pero masaya ako, dahil alam kong magiging isa kang mabuting ina't asawa dahil 'yon ang pinaranas mo sa amin ni Jacqi. Hon, wala na akong ibang hihilingin kung hindi maging malaya ka at maging masaya ka sa bagong pamilyang bubuuin mo. H'wag mo na akong isipin. Kakayanin ko. Pipilitin kong mabuhay nang wala ka na sa tabi ko."

Nagyakap kaming dalawa na parehong umiiyak. Ang sakit bumitaw pero kung 'yon ang magpapasaya sa kanya ay kailangan ko s'yang bitawan.

"Mahal na mahal kita..." Banggit ko sa kanya sa huling pagkakataon.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto dahil wala ng silbi ang matulog kaming magkatabi. Paglabas ko ng kwarto ay nakatayo si Jacqi sa may bukana ng pintuan ng kwarto n'ya.

Luhaan din s'ya gaya ko. Dumating na rin ang kinatatakutan n'ya.

Konting panahon mo na lang ako makakasama, Jacqi.

^_^
Posted in: BDSM, First Time, Mature, Romance