1. Home
  2. Stories
  3. Beautiful Mistakes THREE
Filipino Sex Stories

Beautiful Mistakes THREE

6 minutes
Pagpasok namin sa bahay nila Jaz ay walang tao, wala na ang mama niya bata pa lamang siya, ang papa naman niya ay nasa trabaho at gabi na ang uwi, ang mga kapatid naman niya ay may kanya-kanya nang buhay at siya na bunso ang naiwan kasama ng papa niya.

Pumasok muna siya sa kwarto niya upang magbihis at ako naman ay naiwan sa sala upang maupo muna sa sofa nila habang hinihintay siya. Maya-maya lamang ay lumabas na rin siya mula sa kwarto, nakasando at maikling shorts kaya naman napatitig ako sa kanya, maputi kasi siya kaya naman kitang kita ko ang kinis ng kanyang mga binti. Napabalik ako sa aking sarili nang ayain niya akong pumasok sa kwarto niya upang magpahinga dahil napagod din siya sa kalahating araw na event nila. Sumunod na lang din naman ako kahit medyo nahihiya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking gagawin. First time ko lang na makasama ang isang babae na kaming dalawa lang sa iisang bahay. Baka nga yung sinabi ko sa kanyang hindi lang yakap ang gawin ko sa kanya ay kainin ko na lang din.
Humiga na siya sa kama niya at pinatabi ako sa kanya. Medyo malayo naman ang pagitan namin sa isa't isa dahil sa nahihiya nga ako.
"Lumapit ka kaya dito, hindi naman kita kakainin", ang natatawang saad ni Jaz dahil sa agwat namin. Noong mga panahong iyon ay hindi pa nasasakop ng kamunduhan ang isip ko kaya ang dating sa akin ng kanyang sinabi ay pabiro lamang.

Nag-adjust naman akong konti palapit sa kanya, nang maglapat ang mga braso namin ay tila napaso ako sa init ng katawan niya kahit malamig naman talaga dahil nagbabadya na rin ang ulan.
Nakahiga lang kami pareho, pinapakiramdaman ang bawat isa, walang nagsasalita, ang mabibigat na paghinga lamang ang naririnig sa bawat sulok ng kwarto niya hanggang sa bumuhos na nga ang ulan at ang lamig ay pumapasok na sa kanyang bintana.

Dahil na rin sa pagod at lamig na dala ng ulan, ay inantok na si Jaz kaya naman tumagilid na siya pakaliwa habang ako ay nasa kanyang kanan. Dahil sa nakaramdam na rin ako ng lamig ay hindi ko na rin napigilan at tumagilid na rin ako paharap sa likod niya. Nag-aalangan pa ako kung yayakap ako sa kanya pero hindi ko na talaga kinakaya ang lamig. "Jaz payakap ako ha", ang nahihirapan kong pagkakasabi sa kanya. "Hmmm", tugon niya bilang pagsang-ayon. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at yumakap na ako sa kanya.

Ramdam na ramdam ko naman ang pagdampi ng init nga kanyang katawan sa aking balat. Dahil dito ay naibsan ang lamig na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung makakatulog ako sa lagay namin na iyon pero hinayaan ko na lang din na tangayin ako ng antok.
Minsan ay naalimpungatan ako dahil sa paggalaw niya, nariyang hihiga siyang muli o 'di kaya'y paharap naman sakin habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Pagharap niya sakin ay halos magkadikit na ang mga mukha namin, doon ko mas lalong napagmasdan ang kanyang mukha. Mukha talaga siyang anghel, maputi, maamo at tila isang sanggol na natutulog. Tinitigan ko pa siyang mabuti, sinamantala ko ang pagkakataon na himbing pa ang kanyang tulog. Mula sa kanyang mga kilay na may maninipis na hibla ng buhok, sa kanyang pilikmata, ang kanyang ilong, hanggang sa dumako ako sa kanyang labi. May katamtamang nipis lamang ito at pinkish ang kanyang mga labi. Natutukso na akong halikan ito, nakakagigil kasing tingnan, pero hindi ko pa kasi alam kung paano at iniisip ko rin na baka magalit siya sa akin kapag nagkataon. Kaya naman nagtiyaga na lamang ako na tingnan ito hanggang sa muli siyang gumalaw.

Nagmulat siya ng mata at hindi naman siya nagulat na nakatingin ako sa kanya, napayakap na lang din siya sa akin at bumulong na halata mong antok pa ang kanyang boses. "Hmmm, Ace antok pa ako", napangiti na lang ako sa kanya kahit nakapikit na siyang muli. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap namin sa isa't isa nang mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan sa labas.

Mag-aalas-kwatro ng hapon nang magising kami. Madilim pa rin sa labas ngunit wala ng masyadong ulan kundi mahihinang patak na lamang. Kaya naman napagdesisyunan ko nang magpaalam sa kanya dahil kailangan ko pang bumalik sa aking school upang makapag-attendance, importante pa naman yun dahil mahihirapan akong makapagpapirma ng clearance kung kulang ang attendance ko. Kaya naman kahit gusto ko pang manatili sa kanila ay kailangan ko nang umalis.
Habang naghahanda ako sa aking pag-alis, at nag-aayos ng aking sarili ay nakatingin lang siya sa akin. Pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Nang magpopolbo na ako ay hinawakan niya ang kamay ko na may laman ng polbo, pinaharap niya ako sa kanya at siya na ang naglagay ng polbo sa aking mukha. Sa gulat ko ay napatingin na lang ako sa kanya at ang mas nakakagulat pa ay hinalikan niya ako bigla sa aking mga labi, madali lang ito, smack kumbaga pero ramdam ko ang init ng kanyang mga labi. Shit! First kiss ko yun! Ang sarap sa feeling at siya mismo ang nanguna sa paghalik sa akin. Napabalik ako sa aking sarili nang tapos na pala niyang ilagay ang polbo sa mukha ko. Pero hindi ako papayag na yun lang yun, kaya naman hinapit ko siya palapit sa akin, niyakap at dahan-dahang nilapit ko ang aking mukha sa kanya at unti-unting naglapat ang aming mga labi. Sa totoo lang hindi pa ako marunong kaya naman hinayaan ko lang muna na maglapat ito, hanggang siya na mismo ang unang gumalaw ng kanyang mga labi at sinundan ko naman ang bawat galaw niya. Ang sarap ng labi niya, malambot, manamis namis. Siya na rin ang unang humiwalay sa halikan namin bago pa ito lumalim. Nagngitian lang kami at tinapik na niya ako sa aking braso. "Sige na bago ka pa abutin ng ulan sa daan". Hinatid naman niya ako sa isang waiting shed para maghintay ng jeep, habang naglalakad ay hindi naman mapakali ang kamay ko, gusto kong hawakan ang kamay niya pero kapag lumilingon na siya sa akin ay binabawi ko rin, hanggang sa hindi na talaga ako nakatiis at lakas loob ko nang hinawakan ang kanyang kamay. Hindi naman siya tumutol, lumingon lang siya sa akin at ngumiti. Magkahawak pa rin ang aming kamay hanggang sa makarating kami sa shed. Nagpaalam na rin siya at kailangan na niyang bumalik sa bahay nila. Nagpaalam kami sa isa't isa ng may mga ngiti sa labi.

Habang nasa byahe ay hindi na nawala ang ngiti ko, siguro iisipin ng iba na nababaliw na ako pero wala akong pakialam. Ramdam ko pa rin ang lambot ng kanyang mga labi.
Hanggang sa makauwi ako at bago matulog ay siya pa rin ang nasa isip ko. Kaya naman masaya akong nakatulog ng gabing iyon.

----------------

Itutuloy…


Guys sorry po kung nabibitin kayo. I'm struggling now because of my acads kaya baka hindi rin ako makapag-update ng dire-diretso. But I'll try my best po na makapag-update. Medyo sabaw rin po utak ko. Salamat po sa pag-intindi.