1. Home
  2. Stories
  3. Beautiful Mistakes TWO
Filipino Sex Stories

Beautiful Mistakes TWO

6 minutes
Hi guys! I forgot to tell you na nangyari po ito 8 years ago pa, first year college ako sa una kong school.
Maraming salamat po sa lahat ng naka-appreciate ng first part. Sa mga nagmessage at nakachat ko, para po sa inyo ito.
Hope you enjoy it.
---------------------

Nang nasa jeep na kami ay nag-uusap kami habang naghihintay ng mga pasahero medyo padilim na rin kaya naman kinakabahan na ako dahil sa isiping baka magalit sa akin si ate dahil ginabi na ako ng uwi na bihira ko namang gawin at alam naman niya na sa tita namin ako galing pero andun pa rin yung kaba. "'Di bale na, may kasama naman akong isang anghel", ang sabi ko na lang sa aking sarili upang kahit papaano ay mapanatag ang loob ko at mawala ang kaba.

Marami pa kaming napagkwentuhan habang nasa byahe. Inimbitahan niya rin ako sa isang event nila sa school na kung saan ay kakanta siya.

"Punta ka ha!", sabi ni Jaz na nagpukaw sa akin mula sa pagkakatitig sa kanya.
Naisip ko naman na may event din kami sa school nang araw na iyon na pwede naman akong mag-attendance sa umaga at babalik na lang muli sa hapon upang mag-attendance ulit.

"Oo naman. Basta ikaw!", ang may pagkalandi kong pagkakasabi bago pa siya pumara at nginitian pa ako bago bumaba ng jeep patungo sa kanila.
Hindi naman talaga ako malandi. Siguro likas na sa akin ang maging maalalahanin sa iba kaya yung ibang hindi ko pa lubos na kilala ay iniisip nila na malandi ako.

Nakarating na nga ako sa amin. Hindi naman nagalit sa akin si ate. Napagsabihan niya lamang ako. Inaalala niya kasi na malayo layo pa ang lalakarin ko mula sa binabaan ko ng jeep patungo sa amin.
Habang nagpapahinga mula sa mahabang paglalakad at pakikipagkuwentuhan sa kanila pati na rin sa matagal na byahe, ay nagtxt ako sa kanila na nakauwi na ako. Nagreply naman si Haze at Jaz. Kinumusta ang experience ko sa araw na yun at sinabi ko sa kanila na masaya naman ako. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Marami pa kaming mga napagkwentuhan. Napag-alaman ko na parehas pa silang nasa highschool pero magkaiba ng school na pinapasukan. Si Jaz ay fourth year highschool at si Haze ay second year highschool na dapat fourth year highschool na rin subalit ilang beses huminto sa pag-aaral upang pagbigyan ang ate niya na makapagtapos.
Natulog na rin ako dahil sa sobrang pagod.

------------
Kinabukasan, napag-alaman ko na birthday pala ni Haze. Tinxt ko siya at binati, niloko ko pa nga kung saan kami, kung saan ang handaan pero paniguradong hindi rin ako makakapunta dahil sa araw na rin yun mismo ang simula ng araw ng isang linggong event namin sa school. Nagpasalamat naman siya at sinabing nasa school naman siya.

Naging busy ang araw na yun para sa amin. Pero ang mga sumunod na araw ay hindi naman na. Pero required na pumunta kami sa school at mag-attendance.
Isang araw ng linggong yun ay late akong nagising kaya naman dali-dali akong nag-asikaso at naisipan kong sa van na lang sumakay para naman makaabot ako sa oras ng pag-attendance. Lamig na lamig ako sa van kahit 30 minutes lang ang byahe namin. Mahina talaga ako sa lamig. Habang nasa byahe ay nagtxt ako kay Jaz na nilalamig na nga ako sa van. Tinatanong naman niya ako kung malapit na ba akong bumaba para naman hindi na ako lamigin pa. Ang van na sinasakyan ko ay diretso pala sa school dahil karamihan ng sakay ay doon din ang baba. Pagkadating sa school ay dali-dali na akong bumaba ng van, pagpasok ko sa school ay nakasalubong ko isa sa mga kaklase kong babae napansin niya na parang hindi ako mapalagay. "Ui Ace, ayos ka lang ba?", tanong niya sa akin. "Nilalamig ako, grabe kasi yung aircon ng van", pagkasabi ko nun ay niyakap niya ako. Pero alam ko naman na wala iyong malisya. Noong ok na ako ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap at sabay na kaming pumunta sa room kung saan kami mag-aattendance. Habang naglalakad ay tinxt ko ulit si Jaz, sinabi ko sa kanya na nakababa na ako ng van, at pagbaba ko nga ay nakasalubong ko ang kaklase ko at niyakap ako para mawala yung lamig.
Nagulat naman ako sa reply niya at napatitig ako sa aking cellphone:
"Sana ako na lang yung kaklase mo para ako yung yumakap sayo."

Napabalik na lang ako sa aking sarili nang tawagin ako ng aking kaklase at nasa tapat na pala kami ng room. Sa sobrang pagkagulat ay "Haha" na lang ang naireply ko sa kanya.
Nagtxt naman siya ulit na pinapaalalahanan naman ako. "Punta ka ha.", aniya sa txt. Doon ko lang naalala na yun pala ang araw na iyon na dapat pupunta ako sa kanilang school para sa event nila. Nagkunwari akong hindi ako makakapunta pero nag-aabang na ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep patungo sa school niya.

Pagbaba ko ng jeep ay ilang metro na lang ang nilakad ko. Habang naglalakad ay nag-aalangan ako kung papapasukin ako dahil hindi naman ako estudyante dun kaya wala akong choice kundi itxt siya at sinabi ko na nasa labas na ako ng school niya.
"Kunwari ka pang hindi pupunta ha", reply niya. Natawa na lang ako pagkabasa ko nun. Habang naghihintay sa labas ay bumukas na nga ang gate ng school nila at lumabas mula roon ang isang anghel, corny ko noh, ganun pala pag in love, nainlove na nga ata ako sa kanya, lalo na nung makita ko ang nakakatunaw niyang ngiti habang papalapit sa akin. Napakurap naman ako mula sa pagkakatitig sa kanya nang bigla nya akong tapikin ng pabiro sa aking braso. "Akala ko ba hindi ka makakapunta ha", ang pabirong agsik niya sa akin at naibulalas ko na naman ang linyahan kong "Ikaw pa ba!". Tinawanan lang naman niya ako at doon ko na lamang napansin na may kasama siya, "si Ivy pala, pinsan ko", pagpapakilala niya sa kasama niya. "Hi Ace", sabay lahad ng kamay niya at pilyang ngiti. Nakipagkamay naman ako sa kanya. Inaya na rin nila ako papasok, nag-aalangan naman ako kung papapasukin ako pero sinabi naman nila na sila ang bahala sa akin.

Pagpasok namin ay hindi pa naman nagsisimula ang program kaya dumiretso muna kami sa classroom nila. Tahimik lang ako kasi hindi ko pa naman kilala ang iba niyang kaklase pero pinakilala niya ako at pati na rin ni Ivy sa kanila. Hindi naman umalis si Jaz sa tabi ko dahil alam niyang nahihiya ako. Ilan lamang silang nasa classroom at yung ibang kaklase niya lalo na yung mga lalaki ay nakatingin lang sa akin.
Nang magsisimula na ang program ay pumunta na sila sa hall, sumunod na lang ako sa kanila. Binilin naman ako ni Jaz kay Ivy dahil kakanta nga siya, nung nasa stage na siya ay pumwesto rin kami sa harap para naman makita ko siya ng malapitan.
Tanghali na rin natapos ang event nila kaya naman doon na rin kami naglunch sa canteen nila.
Pagkatapos kumain ay inaya naman ako ni Jaz na pumunta sa kanila, inaya rin niya ang pinsan niya ngunit tumanggi ito dahil may mga gagawin pa raw siya. Kaya kami na lang ang pumunta sa kanila.

Habang papunta sa kanila ay naungkat naman ang nangyari noong umagang iyon na kung saan niyakap ako ng aking kaklase dahil sa lamig.
"Sana talaga ako na lang yung kaklase mo.", saad niya habang naglalakad kami. Sinakyan ko na yung sinabi niya, naglakas-loob na ako at bumulong sa kanya, "Mamaya baka hindi lang yakap ang gawin ko sa'yo." Sakto namang nakarating na kami sa kanila, nagbihis muna siya at nagpahinga kami saglit.
----------------------

Itutuloy…