1. Home
  2. Stories
  3. Beautiful Mistakes
Filipino Sex Stories

Beautiful Mistakes

3 minutes
Hi guys! Ace here, 24, bifem. Gusto ko lang ishare sa inyo yung naging experience ko. Hindi talaga ako writer kaya pagpasensyahan niyo na po ito. But I hope you'll enjoy it. *wink*

This is a true story. Nangyari po ito 8 years ago, first year college ako sa una kong school. Yung ibang scenarios maaaring mag-iba. Pati rin kanilang pangalan ay iniba ko.
----------
Bata pa lang ako, alam kong hindi ako straight na girl. Maangas, lalaki kung umasta at kadalasan lalaki rin pumorma, palibhasa dalawa lang kaming magkapatid na babae, panganay at bunso kaya naman habang lumalaki ako puro lalaking kapatid ang kasama ko.
Nung elementary ako humahanga lang ako sa mga babae, yung itsura nila, yung porma. Hanggang sa mag-high school. Malalapit nga ako sa mga schoolmates ko na babae na mas bata sakin pero para sakin bilang kapatid lang yun.
Hanggang sa magcollege ako, dito na talaga nagbago ang buhay ko at mas nakilala ang sarili ko.

--------
Meron namang college sa aming bayan pero hindi ko trip mag-aral dun kaya naman nag-enroll ako sa ibang bayan na higit dalawang oras ang byahe mula sa amin. Hindi naman ako pwedeng uwian sa amin dahil nga sa haba ng byahe kaya naman napagdesisyunan nila na sa kapatid ko na lang na panganay ako tumuloy na nasa thirty to forty-five minutes lang ang byahe.

Noong una ay school-bahay lang ako dahil hindi ko pa naman masyadong kabisado ang lugar at hindi ko pa naman kaclose ang mga kaklase ko. Pero nagbago ito nung inimbitahan ako ng tita ko sa kanilang church para sa isang youth gathering.

Doon ko nakita at nakilala yung isa sa mga youth nila na nagpabago ng buhay ko.
Hindi talaga siya ang unang nagpakabog ng dibdib ko kundi yung isa niyang kasama. Kasi nung nakita ko siya parang nagstick na lang yung tingin ko sa kanya, sounds cliche, pero parang siya lang yung nakita ko nung time na yun.
Nung tapos na yung gathering hindi ko ini-expect na yayain nila ako na maglakad-lakad pauwi sa mga bahay nila. Habang naglalakad kami nagpakilala na sila, si Jaz na nagpakabog ng dibdib ko, at si Haze na kasama niya na may lihim pa lang pagtingin sa akin. Makukulit sila, mas bata sakin ng isang taon. Pero mas makulit at madaldal si Haze, madaming jokes na baon, siya ang nagpapatawa at nagpapasaya ng grupo. Pero ang atensyon ko na kay Jaz pa rin. Hanggang parang unti-unti na akong nahulog sa kanya.
Bago pa kami maghiwa-hiwalay ay nagpalitan muna kami ng contact numbers at saka nagpaalam sa isa't-isa. Si Haze ay sa kaparehong bayan ng church at school ko nakatira samantalang si Jaz ay twenty minutes ang byahe mula rito at parehas na jeep ang sasakyan namin. Kaya naman magkasabay na kaming pumunta sa sakayan, sa isip-isip ko ay matagal-tagal pa kaming magkakasama at magkakakwentuhan.
Bago pa umalis sila Haze ay binilin pa sakin si Jaz at ingatan ko raw, parang may lungkot sa kanyang pagkakasabi dahil siguro napansin niya ang nararamdaman ko para sa kaibigan niya.
------

You can leave your comments po. I'm open for your reactions and suggestions po. Thank you