1. Home
  2. Stories
  3. NAMULAT (1)
Filipino Sex Stories

NAMULAT (1)

18 minutes
Dati ay kuntento na ako sa intimacy ng relationship namin. Pero sya ang nagturo sa akin na madami pang pwede subukan… Na may isasarap pa pala ang sex.

-------------------------

Kahit mabigat ang talukap ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Halos hindi ko sila maibukas dahil na din sa pagkasilaw sa liwanag na nagmumula sa ceiling.

Kakaiba ang pakiramdam ko. Kagigising ko lang pero para ba akong pagod na pagod.

"Uhmm… M-ma… Mommyyy…"

Halos hindi makalabas ang mga salita mula sa nanunuyo kong lalamunan. Pero nadinig ako ni Mommy na halatang nagulat at humangos palapit sa akin mula sa abala nyang pagse-cellphone sa gilid ng kama.

"Michelle, anak! Diyos ko salamat po! Nagising ka na din sa wakas!"

"Nurse?! Nurse! Doc! Gising na ang anak ko!!"

Pupungas-pungas akong luminga habang panay ang yakap ni Mommy sa akin at natatarantang may tinatawag. Sa paglibot ng paningin ko sa paligid, doon ko lang napagtantong nasa ospital pala ako.

"MOMMY!! SI CARL! TULUNGAN NYO SI CARLOS!!"

Napaahon ako mula sa pagkakahiga. Nanginginig habang nakakapit sa mga braso ni Mommy at buong pagsusumamo syang sinasabihan na tulungan ang boyfriend ko.

Parang alon nang biglang nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari.

Paumaga na pero madilim pa noon ang paligid. Paakyat kami ng Tagaytay ng mga kasamahan ni Carlos sa riders club. Plano naming magpaiwan na doon at didiretso naman ng Batangas ang grupo.

Habang naka-angkas sa likod ni Carlos ay nilalaro ko pa ang buhok nyang nililipad. Ninanamnam ko din ang lamig ng sariwang hangin at mamasa-masang hamog na tumatama sa mukha ko habang bumabaybay kami.

Napakabilis ng pangyayari. Paahon at pakurba ang binabagtas naming daan nang biglang may SUV na sumalubong sa lane namin. Nakakabulag ang headlights na nakatutok sa amin. At that point alam ko nang may masamang mangyayari.

Napakapit na lang ako kay Carlos ng madiin nang kumabig sya paiwas sa sasakyan. Napakalakas ng tunog ng pagkabig ng manibela at pagkaskas ng gulong sa kalsada. Ngunit huli na.

Sa pagtili ko habang nahuhulog kami sa gilid ng bangin, wala na akong naisip kundi iyon na ang katapusan namin ng boyfriend ko.

"Mommy, si Carlos! Nasaan si Carlos! Tulungan nyo sya!" bulalas ko habang pilit na bumabangon.

Kahit hinang-hina, kinalas ko ang mga tubong nakakabit sa akin. Pilit kong hinahawi si Mommy para makatayo ako mula sa kama.

"Iha, kumalma ka muna anak!... Nurse!" nag-aalalang awat nya sa akin habang pilit akong ibinabalik sa pagkakahiga.

"Please Mommy! Kailangan ko syang tulungan! Huhuhu…"

Napahagulgol na lang ako. Gusto kong umalis para puntahan si Carlos at saklolohan pero hindi ko magawa. Hysterical na ako. Inipon ko ang lakas ko para hawiin si Mommy at nang makatayo na ako mula sa kama.

Saka naman nagpasukan sa kwarto ang mga nurse na sinundan ng doktor. Dahil sa panghihina ay wala na akong nagawa nang pagtulungan nila akong ibalik sa pagkakahiga.

Panay pa din ang iyak ko. I felt so helpless and frustrated dahil gusto kong puntahan si Carlos pero hindi ko magawa. Dahil lahat sila pinipigilan ako.

I suppose may itinurok sila sa aking gamot na hindi ko na napansin dahil sa pagpupumiglas ko. Naramdaman ko na lang kasi na unti-unti akong kumakalma kahit tuloy pa din ako sa paghikbi.

"Anak, please calm down… Everything will be alright. Ang mahalaga nagising ka na." naluluhang sambit ni Mommy habang abalang chinecheck ng mga hospital staff ang aking lagay.

"Iha I'm Dr. Chua, your neurologist. Can you tell me your name?" tanong ng doktora habang iniilawan nya ng pen light isa-isa ang mga mata ko.

"Mi-Michelle po…"

"Ano ang huling naaalala mo Michelle?"

"Naa-Naksidente po kami sa motor… Doc kailangan ko pong umalis! Paraanin nyo ko, kailangan kong tulungan si Carlos… Ahhh!"

Kahit hinang-hina ay nagpumilit akong muli na makabangon. Halos itulak ko na sila patabi nang natigilan ako at biglang napasapo ang kamay sa aking ulo dahil sa kirot niyon, kaya't muli akong nahiga. Agad naman akong inasikaso ng isang nurse habang ang isa ay inangat ang pagkaka-anggulo ng higaan ko.

"Michelle! Doktora, kamusta ho ang anak ko!" nag-aalalang tanong ni Mommy habang hinahaplos ang aking braso.

"Michelle, don't strain yourself iha. Yes, you were in an accident almost two weeks ago. And you had to undergo an operation to relieve the pressure caused by the swelling of your brain."

Natigilan na lang ako sa nadinig ko. Two weeks? It's been 2 weeks mula nung naaksidente kami ni Carlos? Blangko lang akong nakatingin sa doktor habang pilit kong inuunawa ang sinabi nya.

"Normal lang misis for her to feel confused and disoriented. May mga irereseta po akong gamot ha and we need to run some tests."

"Sige po Doc, gawin po natin lahat."

Pinilit kong kumalma sa pagkakasandal ko sa kama. Tila tulala habang patuloy na pinu-proseso ng isip ko ang mga nangyari. May mga pinag-usapan pa sila na hindi ko na gaanong naintindihan dahil sa pagkabigla.

Pagkalabas nila ng kwarto ko ay muling lumapit sa akin si Mommy at yumakap. Ramdam ko ang saya nya na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay nagising na nga ako. Pero 2 weeks? Hindi pa din ako makapaniwala.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang dami kong gusto sabihin at itanong. Ngunit hindi ko alam kung gawa ba ng gamot na itinurok nila sa akin o dahil sa labis na pagkabigla kaya't hindi ko na magawang magsalita.

"Oh Michelle, nandito na pala sila…"

Sa sinabi ni Mommy ay napalingon ako sa pinto. Sila Daddy. At parang biglang napawi ang lahat ng mga nararamdaman kong pagkalito at pangamba nang sa wakas ay masilayan ko ang kasama nya.

"Babe!!"

Muling tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses nya at makita ang kanyang ngiti. Kahit hirap sa paglalakad gamit ang saklay, nagmadali si Carlos na pumasok ng kwarto papalapit sa kama ko at agad akong niyakap.

"God!! Salamat at nagising ka na!" maluha-luha nyang sambit habang mahigpit akong yakap.

Wala na, hindi na talaga ako makapagsalita non. I was so overwhelmed with emotions at iyak lang ako ng iyak habang nakasubsob sa dibdib nya at yakap nya ako.

Parang musika sa tenga ko ang tibok ng puso nya. I felt so safe in his arms. So relieved nang malaman kong ligtas si Carlos. Na buhay sya.

Noon lang ako medyo kumalma at unti-unti nilang ikinwento sa akin ang mga nangyari. Hirap lang ang isip ko iprocess nung una pero naliwanagan din ako.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Carlos nang malamang nag-kritikal pala ang kundisyon nya. Bukod sa injuries nya sa ulo at binti na kinailangan operahan, maraming dugo din ang nawala sa kanya.

Kinailangan pa nilang mangalap ng mga magdo-donate ng dugo para i-replenish ang dugong ginamit ng ospital para sa operasyon nya. Mabuti na lang at madaming nagmagandang loob na tumulong.

Wala namang naging kumplikasyon. Ilang araw na din pala mula nang ma-discharge sya sa ospital habang nanatili akong nakaratay at comatose.

"Carl, hayaan na muna siguro nating magpahinga si Michelle. Mommy, halika na at nang mabili na yung mga niresetang gamot."

"Ay sige at nang makahanap ng soup. Soft diet lang daw muna ang pwede." tugon naman ni Mommy.

"Thank you for coming back to us, baby ko." bulong ni Daddy at humalik sya sa aking ulo.

Nagpaalam na ang parents ko. Naiwan naman si Carlos para ako'y samahan, parating nakahawak ng mahigpit sa aking kamay.

Dumukwang sya sa mesa sa gilid ng kama ko at may inabot. Nilingon ko kung ano iyon at noon ko lang napansin ang vase ng mga orchids na nahaluan ng isang kakaibang bulaklak na sya niyang kinuha.

"For you, sleeping beauty…"

Napangiti ako sa reddish yellow na gumamela na iniabot nya sa aking kamay. Inikot-ikot ko iyon at pinagmasdan ang matingkad at napakaganda nitong kulay. Napaka-espesyal sa akin ng bulaklak na iyon.

"Akala ko Babe… may masamang nangyari sayo. Takot na takot ako kanina!" at nagsimula na namang mabasag ang boses ko sa pagka-emosyonal.

"Shhh… I'm fine. Kaya dapat magpagaling ka din Babe. Pakakasalan mo pa ko di ba?"

Napangiti ako sa sinabi nya. Oo nga pala at nakatakda na kaming ikasal sa susunod na buwan. Hindi ko alam kung matutuloy pa given our condition pero ang mahalaga ay magkasama na kami ulit.

"O baka naman nakalimutan mo na dahil sa pagkakabagok mo?! Hala sayang yung down payment sa suppliers. Pwede pa kayang ma-refund yun?" nakakalokong biro nito.

"Gagi! Sira ka talaga Babe hahaha… Wala akong amnesia noh, wala ka nang takas sakin Atty. Carlos Fructuoso."

"Hindi naman ako tatakas sayo future Mrs. Michelle Fructuoso. Kahit ilang beses ako magpatihulog sa bangin, gagawin ko… maging asawa lang kita."

Kahit alam ko nang ligtas si Carlos, hindi ko magawang bumitiw sa kanya. At sya rin ay ganon sakin. Laging mahigpit ang pagkakapit ng aming mga kamay na para bang takot mawala ang isa't isa.

"Babe… dito ka lang ha?… Paggising ko gusto ko nandito ka ha?" bulong ko sa kanya nang maramdaman kong unti-unti na akong napapapikit habang hinahaplos nya ang buhok ko.

"Oo naman, di ba promise ko sayo nandito lang ako lagi sa tabi mo? Hinding-hindi ako mawawala. Sige na Babe, pahinga ka na muna."

At muli ko nang ipinikit ang aking mga mata. Taimtim na nagpasalamat sa nasa itaas dahil sa pagliligtas Nya sa amin ng mahal ko. Hinahaplos ang kamay ni Carlos hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.

-------------------------

Maraming naging changes at adjustments sa buhay namin dahil sa aksidenteng iyon.

After ko na-discharge the following week, nag-decide na kami na i-postpone ang wedding para makapagpagaling muna kami parehas ni Carlos.

Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sana kahit the following year na lang para siguradong fully recovered na kami pareho. Kaya lang hindi sya pumayag. Gusto nya basta matanggal ang brace sa binti nya at nakakalakad na sya ng walang saklay ay ituloy na namin ang wedding.

We decided na i-move na lang ng August. Otso. Sabi nila maswerte daw ang number 8 dahil mukhang infinity symbol, meaning magsasama kayo for eternity. Pero alam namin na kahit anong buwan pa kami ikasal, walang makakapagpahiwalay sa amin ni Carlos.

Dahil sa aksidente, inawat na sya ng parents nya na mag-motor, pati na rin sa pag-manage ng family business nila. Yung sarili nyang shop ng pyesa at accessories ay pinag-iisipan na rin nyang ibenta na lang sa isang friend namin.

Hindi nahirapan ang parents ni Carlos na kumbinsihin syang tigilan na ang pagkahilig sa motor. Maging sya mismo kasi ay parang na-trauma sa naging aksidente.

Hindi daw nya matanggap na dahil sa hobby nya ay nalagay sa alanganin ang buhay ko. Hindi daw nya mapapatawad ang sarili nya kung may masamang nangyari sa akin.

Dahil doon ay nag-decide sya na once he fully recovers, magfu-full-time na syang abugado. Dati kasi ay mas nangingibabaw sa kanya ang pagiging motor enthusiast kaya law practice has taken a back seat.

Ang isang hindi napagbigyang request ng parents nya ay ang umuwi sya sa kanila. Prior to the accident ay sa inuupahang bachelor's pad sya tumutuloy. Gusto sana nila na umuwi na muna sya para mas maalagaan doon. Pero ayaw nya, matigas talaga ang ulo.

Pumupunta-punta na lang si Manang Ditas sa condo ni Carlos kung minsan. Sya yung yaya nilang magkakapatid mula pa pagkabata. Dumadalaw sya para kamustahin si Carlos at para tumulong na din sa ibang gawaing-bahay.

Ako naman, habang nagpapagaling ako ay si Mommy na ang nag-take over sa pag-manage ng dalawang branch ng flower shop ko. Gamay na nya ang pagpapalakad non at very reliable din naman ang mga staff ko na matagal na ding nagtatrabaho sa akin.

Mas dumalas ang pagdalaw ko sa place ni Carlos. Kahit noon pa naman ay may times na doon ako natutulog, at sya din ay welcome mag-stay overnight sa amin. Very open naman kasi kami sa parents ko and afterall, ikakasal naman na kami.

Sinusian ko ang pinto ng Unit 416 at dumeretso na sa loob. Malamig at madilim ang unit at tanging sa mall-mounted TV sa tapat ng kama lang nanggagaling ang liwanag.

Bukas na bukas ang kurtina ng glass wall sa dulo ng pad. Tanaw ang mga mumunting ilaw mula sa mga kalapit na building at mga sasakyang nagdaraan na akala mo'y mga alitaptap na kumukurap-kurap sa kadiliman ng gabi.

"Babe? Ikaw na ba yan?" tawag ni Carlos mula sa likod ng divider na tumatabing sa kanyang kama.

Inilapag ko ang mga dala kong gamit sa ibabaw ng dining table malapit sa pinto at dumeretso na sa loob. Nadatnan ko si Carlos na nakaupo sa recliner sa gilid ng kama at abalang nag-i-scan ng channels gamit ang remote.

"Hi Babe, how are you? May padalang food si Mommy. Gusto mo kumain?" bati ko sa kanya at lumapit ako para humalik.

"Mamaya na lang Babe busog pa ko eh. Bat ngayon ka lang, kanina pa kita hinihintay."

"Sure ka? Lalamig yon."

Palakad-lakad ako sa unit habang kausap ko sya. Sinisinop ang iba nyang mga gamit na understandably ay hirap syang ligpitin. Itinabi ko din ang mga dumbbells nya na naiwang nasa may nalalakaran.

Without looking at him ay hinubad ko ang suot kong maigsing trench coat dress na hindi nakabutones at itinali ko lang sa may baywang. Pagkahubad ay isinabit ko iyon sa isang hook sa dingding, at tumambad sa kanya ang suot kong pulang lace lingerie sa ilalim ng dress.

Kahit sa iba ako nakapaling at nagbi-busy-busyhan ako, napangiti ako nang makita ko sa reflection ng glass panel ang reaksyon ng mukha nya. Alam kong nagulat syang malaman na ganon ang aking suot.

Pumihit na ako paharap sa kanya at nakangising lumapit. Maingat akong kumandong pahalang sa kanyang harapan upang huwag masagi ang kaliwa nyang binti na naka-brace pa din.

Ang init ng lapat ng dibdib nya sa gilid ng aking braso. Naka-boxers lang kasi sya tuwing nag-iisa lang sa bahay.

"Grabe, nakatali lang yung dress mo Babe? Lumakad ka sa lobby, wala silang kaalam-alam pag nakalas yung pagkakatali non, ganyan ang suot mo sa ilalim. Tang ina."

Napangisi ako sa sinabi nya at pumulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Dinampian naman nya ako ng halik sa balikat habang hinihimas ang hita ko. Madilim pero maaaninag ang aking kutis laban sa laylayan ng pula kong suot.

Matagal na din since huli kaming naging intimate ni Carlos. Dahil sa tinamo naming injuries kaya syempre may limitations sa kilos kaya tiis-tiis muna. But this time, alam kong ramdam nyang hindi ko na kaya.

"Babe… Miss na kita…" bulong ko sa tenga nya habang masuyong dinadampian iyon ng halik.

Hinawi nya ang kaliwang strap ng lingerie ko padausdos sa aking balikat hanggang sa mahulog iyon sa aking braso. Sa pag-expose ng kaliwa kong suso ay kusa na akong bahagyang umahon upang mapatapat iyon sa kanyang bibig.

Napasabunot na lang ako sa kanyang buhok nang bigla nyang sabik na sinupsop ang namimintog na korona ng aking dibdib. Ramdam ko ang tigas ng ari nyang bumubukol sa ilalim ng pwet ko.

"Shit Carl ang sarap! Ughmm… God I missed this!"

Kiliting-kiliti ako sa paglalaro nya ng dila sa nipple ko. Gumuhit ang mainit na katas mula sa loob ko na lalong nagpadulas sa namamasa kong hiwa.

Hell, kung hindi lang sya handicapped that time, gusto ko nang bumukaka sa harap nya at kabayuhin ang burat nya ng husto habang sinususo nya ko. I really needed a good fuck.

Miss na miss ko na makantot pero alam kong kahit ako ang tumrabaho sa kanya, hindi pa din pwede dahil baka mapwersa ng yugyugan namin ang binti nya. Imbis na mapadali ang recovery nya ay baka mas lalo pang lumala. Dahil sa kalibugan namin hahaha.

Dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakakandong ko sa kanya. Pumwesto ako sa pagitan ng mga hita ni Carlos at saka yumuko upang halikan sya sa labi.

Ramdam ko ang gigil nya nang kabigin nya ako sa batok at lapain ang mga labi ko. I know na yung mga ganitong kapilyahan ko turns him on kaya naman enjoy na enjoy din akong ginagawa.

Nag-eskrimahan ang mga dila namin. Habang abala kami sa laplapan ay pinagitna nya ang isang kamay nya sa mga hita ko upang salatin ang aking nangangatas na pagkababae.

"Miss na miss na din kita Babe… miss na miss ko na to!"

Hinawi nya ang aking lace panty at agad na ipinasok ang gitnang daliri nya sa aking lagusan. Fuck sarap na sarap ako! Mas masarap kung titi nya sana ang nakapasok sakin. Pero sa pagkatigang ko, ok na din kahit daliri lang nya basta mahagod lang ang laman ko.

Maya-maya'y dinalawa na nya ang daliri at nilamas ang kabila kong suso. Sa pagkakadukwang ko payuko sa kanya ay napapatingkayad ako sa pagkayod nya sa basang-basa kong laman.

"Tang ina Baabee… ughhhh…"

Habang finifinger nya ako ay panay ang daing at ungol ko. Alam mo yung nangingirot na yung laman mo sa pagkasabik na makamot tapos finally eto may humahagod na.

Napapaindayog ang balakang ko pasalubong sa kamay nya. Ganon katindi ang libog ko.

Fuck walang silbi ang aircon. Init na init ako sa ginagawa namin at ramdam kong may mga butil ng pawis na dumadausdos pababa ng leeg at gilid ng noo ko.

Mula sa lips nya ay dumako ang mga labi ko pababa sa kanyang leeg. Pinupog ko iyon ng halik at napapakagat pa ako sa tuwing isasagad nya ang mga daliri nya sa loob ko.

Tuloy ang labas-masok ng daliri nya habang bumababa ang mga halik ko sa kanyang malapad na balikat papunta sa matikas nyang dibdib. Kung anong gigil nya sa pagdaliri sa pwerta ko ay syang gigil ko rin sa pagsupsop sa utong nya.

"Ahhh… Babe… subo kita ha… miss ko na burat mo…"

Ngumisi si Carlos, sumandal sya at tuluyang nagpaubaya. Lumuhod naman ako sa pagitan ng mga hita nya at patuloy na pinagapang ang mga halik pababa sa kanyang tyan at puson habang hinihimas ko ang kanyang tarugo.

Binuksan ko ang nag-iisang butones ng biyak sa harapan ng boxers nya at dinukot ang titi nya palabas. Shit napakainit non! Knowing Carlos, alam kong libog na libog din sya that time at frustrated na hindi nya magawa ang gusto nyang gawin sakin.

Saglit kong hinimas ang napakatigas na burat ng boyfriend ko na nanlalagkit na ang ulo. Dinilaan ko ang likidong lumalabas sa butas nya at sinipsip iyon. Nilaro-laro ko ng dila ang ulo at inipit ng aking mga labi.

Akma ko na sanang isusubo ang titi nya nang bigla akong mapatingala. Sinabunutan ako ni Carlos palayo sa burat nya. Saka nya iyon hinawakan at ipinalo-palo sa pisngi at labi ko.

"Ugghh… Kundi lang dahil dito sa binti ko Babe, puta yari ka sakin! Tang ina, sige subo mo na…"

Bilang masunuring GF ay agad naman akong tumugon. Dahan-dahan ko nang ipinasok sa bibig ko ang mainit at tayung-tayu nyang sandata habang nakatitig ako sa kanya. Madilim ang kwarto pero kita ko sa mga mata nya ang matinding libog.

Habang sinusubo ko sya ay di ko napigilang salatin ang puke ko na parang na-miss agad na may humahagod sa loob. Tuloy ang taas-baba ng ulo ko sa kanyang alaga habang pinagpapala ko rin ang sarili kong kaselanan.

Kinuha ni Carlos sa gilid ang remote at pinatay ang TV. Tanging ang malamlam na liwanag mula sa labas ng building ang bahagyang sumisinag sa loob.

"Sige babe… finger ka dun sa kama dali. Manonood ako. Kami."

Inabot nya ang kanyang phone. Nahuhulaan ko na ang balak nya, alam kong ise-setup nya iyon sa isang app kung saan uso ang live show. Gusto nyang may ibang mabiyayaan. Naka-on na ang camera nang ibalik nya iyon sa CP stand na nasa side table.

Bago naging kami ni Carlos ay masasabi kong vanilla lang ako pagdating sa kama. Kaya nga may times na naiisip ko na baka yun ang reason kaya nagloko noon ang ex ko. Baka he thinks I'm boring. Well, screw him.

Simple lang naman kasi ako. Kahit nung naging kami na ni Carlos, kuntento na ako sa intimacy ng relationship namin. Yung normal sex lang. Passionate. Romantic.

Pero sya ang nagturo sa akin na madami pang pwede subukan. Iminulat nya ako sa sexuality ko. He made me realize na may isasarap pa pala ang sex.

Nanibago ako nung una sa mga trip nya. May times pa noon na pakiramdam ko ay nababastos ako sa mga gusto nyang gawin namin. Pero nung lumaon, I have to admit na naeenjoy ko na din ang mga sex adventures namin ni Carlos.

Walang alinlangan akong umahon at nahiga pahalang sa kanyang kama. Ibinuka ko ang aking mga hita paharap sa kanya at sa naka-setup na cellphone.

(Itutuloy…)

-------------------------

A/N:

Hello guys, singit ko lang ulit ha. I will be joining Sir Bebeko on RTC (Rhythms Talks 'n Conversations). This will be on Saturday, July 10 at 8PM.

Sana makasama din namin kayo! To tune in, just go to https://fssmusic.caster.fm then pag nasa caster na, click the Play button.

To ask questions and to join the kulitan, pasok lang kayo sa RTC Chat Room dito sa FSS habang naka-tune in sa RTC streaming link. Kita-kits! =)

Now back to Namulat, pasensya na kayo ha, medyo nangangapa ulit. It's been 6 months na kasi since last ako nagsulat.

Two years since naconceptualize nung 2019, finally naumpisahan ko na din itong Namulat. Under the pen name CarnaL, 4 short stories ang nakaplan noon for Nadarang series: Nadarang, Nasilo, Namulat and Napaso.

Kaso after Nasilo nashelve muna yung plans dahil nafocus na ako sa pagsusulat as missE. Pero now, eto at itutuloy na natin. Hopefully matapos na hanggang sa 4th story.

Just like the other stories I've written, NAMULAT can be read as a stand-alone piece. However, may connection din sya sa iba ko pang stories and I leave it up to you if you want to read them as well.

To those na nakabasa na po ng NADARANG, this is another prequel just like NASILO which focused on Domeng. But this time with Namulat, sa bf/gf days naman nila Carlos and Michelle ang focus.

Sa mga nakabasa na po ng SALAMIN, you'll notice that this is also an alternate ending of that story. In case you want to go further back in time sa kung paano nagkakilala sila Carlos and Michelle ng Nadarang, doon po iyon mababasa. Just be warned ha na iba at malayo ang ending doon.

Namulat will be a mini series lang din, maybe 6 or 7 chapters max. This is a special treat for readers who have been following my works.

Gaya ng nakasanayan nyo sa mga naisulat namin ni Paradox dati, expect cameo appearances and crossovers in NAMULAT. Sana po magustuhan nyo ang latest offering namin. =)