1. Home
  2. Stories
  3. Sex Note 10
Filipino Sex Stories

Sex Note 10

9 minutes
The writer can provide details in this notebook of how the target will act once lust has taken effect. The details must be written within 6 minutes and 6 seconds after writing the name/names.

======

"Ipadala mo na agad sakin yan."
Sagot ng nasa kabilang linya.

"Sige boss."

Pinutol ng lalaki ang tawag at bumalik sa kanyang laptop para tapusin ang trabaho.

===

Kinabukasan, sa top floor ng isang building sa Makati...

"Trish, cancel all my appointments for today. May importanteng bagay ako na kailangang asikasuhin."

"But Sir, Mr. Robles just called. He's on his way here." Sagot ng sekretarya.

"Then tell him I'm not here. Tell him may sakit ako or anything. Basta ayokong maistorbo ngayon."

"Okay, Sir."

Lumabas ang sekretarya at isinara ang pinto.

Muli namang binalikan ng lalaki ang kanyang laptop. Ni-replay ang eksena ng isang viral video kung saan isang lalaki ang tila superhero na sumagip sa kahera ng isang convenient store mula sa isang hostage-taker.

Base sa ikinilos ng hostage-taker, tila nawala ito sa katinuan nang may sinabi ang lalaki. Tila nahipnotismo ito at naging sunud-sunuran sa lalaki.

Sumunod na pinanood ng lalaki ang video na kapapadala lang sa kanya ng taong inupahan nya.

Mainit naman ang tagpo sa videong ito. Isang pares na nagkakantutan at ang bida ay ang parehong lalaki sa convenient store at ang babaeng sinagip nito.
Maya-maya ay may isa pang babaeng dumating. Gulat na gulat ito sa nasaksihan. Pero sa isang iglap lang ay tila nag-iba ang babae at naging mapusok.

Ni-rewind ng lalaki ang video. Ilang beses pinaulit-ulit ang tagpong iyon. Tapos ay inihinto at izinoom-in sa parteng hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae. Doon nagsimulang mag-iba ang babae. Mula sa pagiging mahiyain ay naging mapusok ito.

Sumandal ang lalaki sa kanyang upuan at dinampot ang isang folder na nasa lamesa nya. Binuklat at tiningnan ang files na laman nito.

"Gerald Ethan III..." Basa nya sa pangalang nakalagay dito. Andun din ang ilang larawan nito at mga mahahalagang detalye.

===

Ilang araw nakalipas...

Kasalukuyang nasa harap ng computer si Gerald at tinatapos ang isang trabaho nang may kumatok sa kanyang pinto.

Agad syang tumayo upang silipin iyon.
Pagkabukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya si Mary. Nakasuot ng uniporme nya at humahalimuyak ang bango ng basa pang buhok.

"Good morning, Rald! Eto nga pala breakfast mo." Nakangiting bati nito sabay abot sa kanya ng isang brown bag.

Di nya alam kung kelan pa ito tumigil sa pagtawag sa kanya ng kuya. Pero mas gusto nya ang tawag nito ngayon sa kanya.

"Uy, nag-abala ka pa. Salamat ha..."

"Sumobra kasi ulit yung gawa ko ng sandwich eh. Hehe."

"Naku, lagi na lang sumosobra yung nagagawa mo. Kahapon sobra din yung pancit canton mo. Hahaha!"

"Oo nga eh. Ewan ko ba. Haha!"

"Thanks ulit ha. Tamang-tama to kasi di pa ko nakakabili ng breakfast. Bababa pa lang sana ako para mag 7-11."

"Naku, wag ka na pumunta dun. Baka kung ano nanaman ang maiuwi mo. Ako na bahala sa breakfast mo lagi."

"Nakakahiya naman sayo."

"Wala yun."

"Papasok ka na ba?"

"Oo. Pero..."

"Pero ano?"

"Ahmm..." Lumingon-lingon sa paligid si Mary pagkatapos ay itinulak si Gerald papasok.

Agad nyang isinara ang pinto sa likod nila at siniil ng halik ang binata. Agad naman gumanti ng halik si Gerald.

Naglaplapan na nga ang dalawa. Ang kamay ni Gerald ay dumako sa dibdib ni Mary. Dumakot, pumisil, lumamas.
Si Mary naman ay dumakot sa bumubukol na alaga ni Gerald.

Kumalas si Mary sa halikan nila.

"Baka ma-late na ko..."

Tumitig lang si Gerald sa kanya. Malungkot at tila nangungusap ang mga mata.

"Pupunta na lang ako mamaya. Pag nakatulog na si Mama."

Ngumiti ang binata.

"Promise?"

"Yes. Promise. Hintayin mo ko ha. Baka may iba ka nanamang kasama pagdating ko."

"Nagkataon lang yun."

"Sus." Sabay pisil sa ilong ng binata.

"Hehe."

"Una na ko. Bye na." Binigyan pa ni Mary ng isang mabilis na halik sa labi ang binata bago nagmamadaling lumabas.

Wala naman nagawa si Gerald kundi ihatid ng tanaw si Mary hanggang makapasok ito ng elevator at tuluyang maglaho.

Pagkasara ni Gerald ng pinto nya ay halos mapatalon sya sa gulat.

"Pakboy na pakboy! Nyahahahah"

Paglingon nya ay nandoon na si Asmo at nakangisi.

"Langya ka. Papatayin mo ba ko sa nerbyos?"

"Nyahahah!" Tawa ng demonyo sabay hablot ng brown paper bag sa kamay ni Gerald.

"Ano to? Para sakin ba to?"

"Huy para sakin yan! Akina!" Hahablutin din sana ni Gerald ang bag pero biglang naglaho ang demonyo na parang bula.

Napakamot na lang ng ulo ang binata. Kasunod niyon ay ang pagkalam ng sikmura.
No choice sya ngayon kundi bumaba at bumili ng makakain.

=

Sa 7-11...

"Hi, Kim!" Bati ni Gerald sa kahera.

"Good morning, Sir Rald!"

"Wala pa rin si Jenna?" Tanong ng binata dito.

"Wala pa rin. Di pa rin daw gumagaling. Nag-aalala na nga rin ako."

"Ganun ba?" At dumiretso na ang binata para pumili ng makakain.

Simula nung may mangyari sa apartment ay di na pumasok si Jenna. Ang sabi ni Kim ay nagkasakit daw ito. Pero tingin nya ay siya ang dahilan kaya di na ito pumapasok.

Habang nagbabayad ng mga pinamili ay hiningi ni Gerald ang number ni Jenna para makumusta nya ito. Ibinigay naman iyon ng kahera.

Pagbalik ng apartment ay agad nya itong tinawagan.

"Hello? Sino po sila?" Sagot ng dalaga sa kabilang linya.

"Hi, Jenna. Ako to..." Si Gerald.

Natahimik ang nasa kabilang linya pagkarinig sa boses nya.

"Hello?" Si Gerald.

Katahimikan pa rin sa kabila.

"Hello? Jenn? Andyan ka pa ba?"

Nakarinig muna ng buntong hininga si Gerald sa kabilang linya bago ang sagot.

"Yes, Sir Rald. Andito pa po."

"Kamusta ka na? May sakit ka daw sabi ni Kim?"

"Ahm. Okay naman, Sir."

"Magaling ka na ba? Kelan ka makakapasok ulit?"

"Ahm..."

"Dahil ba sa nangyari satin kaya di ka pumapasok?"

"Sir... Kasi..."

"Dahil ba sakin?"

"Hindi po, Sir... Pero..."

"Nahihiya ka? Don't worry about it. Wala naman makakaalam nun. Di naman ako yung klase ng tao na ipagkakalat yung nangyari."

"Alam ko naman yun. Kaya lang kasi, ano eh..."

"Ano?"

"Nahihiya na ako. Di ko alam kung paano pa ako haharap sayo. Saka kay Mary..."

"Wala ka naman dapat ikahiya. Ginusto naman nating lahat yun. Pati si Mary ginusto din naman yun. So wala kang dapat alalahanin."

"Pero... Kasi..."

"Pumasok ka na, please. Nag-aalala na si Kim sayo. Saka namimiss na rin kita."

"Talaga, Sir?" Tila nagkaroon mg sigla ang tono ni Jenna.

"Oo naman. Nakakasawa na kaya na lagi na lang si Kim ang bumabati sakin."

"Ang sama mo, Sir. Isusumbong kita dun."

"Joke lang. Baka di na ko paapsukin nun dun."

"Hahaha!"

"Ayan. Tumatawa ka na. So papasok ka na ha."

"Sige, Sir. Bukas nandun na ko."

"Promise yan ha."

"Promise."

"Sige, see you tomorrow ha."

"Yes, Sir. See you."

At pinutol na nila ang tawag. Nakangiti si Gerald na inilapag ang phone sa mesa at umupo na upang kumain ng siopao.

"Pakboy na pakboy! Abot tenga ang ngiti!" Si Asmo

"Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. San ka nanaman ba galing?"

"Dyan lang. Sa kung saan-saan. Nyahahah! Ano yan, asado o bola-bola?"

"Bola-bola."

"Ay, di ko type."

"Alam ko. Kaya nga ito ang binili ko eh. Nyahahahah!"

"Kingina mo! Mala-demonyo ka na rin ah."

"Eh syempre. Kanino pa ba ako magmamana? Nyahahahah!"

"Nyahahahah!"

At nagtawanan muli ang dalawa na parang mga tanga.

Samantala, tatlong kotse ang pumarada sa tapat ng gusaling inuupahan ni Gerald. Ang nasa unahan at hulihan ay parehong itim na BMW sedan. At ang nasa gitna ay isang itim na Cadillac limousine.

Mula passenger side ng limousine ay isang malaking lalaking nakasuot ng itim na Amerikana at may itim na shades ang bumaba. Kasabay nya ay ilang lalaking kapareho nito ng suot ang nagsibabaan din sa dalawa pang sasakyan.
Nagpalingon-lingon sa paligid ang mga ito bago pinalibutan ang pintuan sa likod ng limousine.
Binuksan ng malaking lalaki ang pinto at lumabas mula dito ang isang lalaking nakasuot ng puting Amerikana.

"Dito na ba yun?" Tanong ng nakaputi.

"Yes, Boss!" Sagot ng malaking lalaki.

"Sige. Ikaw na lang Bogart ang sumama sakin." Sabi nito sa malaking lalaki.

"Yes, Boss. Kayo, talasan nyo mga mata nyo, ha." Utos ng tinawag na Bogart sa mga kasamahan nya.

"Copy!" Sabay-sabay na sagot ng mga bataan.

Pumasok ang dalawa sa gusali. Direcho sa elevator.

"Sa 7th floor tayo, Boss." Sabi ni Bogart sabay pindot ng numero ng floor.

Pagdating ng 7th floor ay inisa-isa nilang sipatin ang mga numero sa bawat pinto hanggang sa huminto sila sa isa.

"Eto na yun, Boss." Si Bogart.

Tumango lang ang tinawag nyang Boss pero naintindihan na ni Bogart ang ibig sabihin nun.

TOK TOK TOK

Isang katok ang nagpatigil sa halakhakan ng dalawang tanga. Nagkatinginan sila.

"Chikas mo nanaman ata." Si Asmo.

"Gagi, pumasok na si Mary."

"Baka Shopee?" Si Asmo ulit.

"Wala naman akong order."

TOK TOK TOK TOK TOK

Mas malakas na ang katok ngayon.

Tumayo si Gerald at lumapit sa pinto. Sinilip kung sinong nasa labas at napakunot ang noo dahil di nya kilala ang mga iyon.

"Ano? Sino yun?" Tanong ulit ni Asmo.

"Di ko kilala. Mga naka Amerikana eh. Baka Mormon." Sagot ni Gerald.

"Sige, papasukin mo. Pagtripan natin." Nakangisi si Asmo.

"Sige..." Pilyong ngisi rin ni Gerald.

Binuksan nya ang pinto.

"Ano pong kailangan nila?" Si Gerald.

"Ikaw si Gerald di ba? Gusto ko lang makipag-usap." Sabi ng nakaputi.

"Putang ina! Bakit andito yan?" Tanong ni Asmo mula sa likuran.

Tanging si Gerald lang ang nakarinig sa demonyo kaya napalingon agad sya sa likuran nya.

Napangisi naman ang lalaking nakaputi sa inakto ni Gerald.

"Nandyan ba sya ngayon?" Tanong ng lalaking nakaputi.

Napalingon si Gerald sa kanya.

"Sinong sya?" Tanong ng binata.

"Isarado mo yang pinto! Wag mong papasukin yan!" Sigaw ni Asmo mula sa likuran.

Napalingon ulit si Gerald sa likuran.

"Si Asmodeus..." Sagot ng lalaki.

Agad napalingon muli si Gerald sa lalaki. Nanlaki ang mga mata at namutla ang mukha sa narinig na sinabi nito.

"Nandyan nga sya... Bogart!" Tawag nya sa alalay.

"Yes, Boss!"

Agad may kinuha si Bogart sa bulsa ng Amerikana nya. Isang maliit na parisukat na kahong gawa sa lata at isang torch lighter.

"ISARADO MO NA YANG PINTO!" Sigaw ni Asmo.

Pero tulala pa rin si Gerald.

Kaya walang nagawa si Asmo kundi palitawin ang sarili. Hinawi nya si Gerald para sya na ang magsara ng pinto pero nanlaki ang mga mata nya nang makita ang gagawin ni Bogart.

Sa isang kamay ng malaking lalaki ay hawak nya ang lighter. Sa kabila naman ay isang stick kung saan may nakatuhog na atay at puso ng isda.
Sinindihan ni Bogart ang torch lighter at agad umalingasaw ang malansang amoy ng nasusunog na laman-loob ng isda.

Nanlisik ang mga mata ni Asmodeus at naglabasan ang mga matatalim na ngipin.

"PUTANG INA MO! PAPATAYIN KITAAAAA!!!" Sigaw ng demonyo habang ang katawan nito ay unti-unting nagiging kulay itim na usok.

"Hahahahahaha! See you soon, Asmo!" Pangungutya ng lalaking nakaputi bago maglaho ang natitirang itim na usok.

Tulala pa rin si Gerald. Di makapaniwala sa nangyari.

"Siguro naman pwede na tayong mag-usap ngayon, Gerald Ethan III."

"S-sino ka? A-anong ginawa mo kay Asmo?" Nanginginig na tanong ni Gerald.

"Ako nga pala si Ralph..." Inilahad ng lalaki ang kamay nya kay Gerald.

"Ralph Solomon." Pakilala nya.

"At ako ang tunay na may-ari mg Sex Note..."

Itutuloy...