1. Home
  2. Stories
  3. My Korean Friend - Marie (Part 1)
Filipino Sex Stories

My Korean Friend - Marie (Part 1)

11 minutes
The written narrative is only fictional. Reader discretion is advised.

"Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi mo alam kung kailan siya titigil sa kakalaro. Wala naman akong magawa, kasi, hawak ako nito, at unti-unti, sinasakal. Ang masakit, wala itong pakialam kung sino man ang madaanan at maapakan, maski yung taong minamahal mo."

Annyeonghaseyo! Ako nga pala si Billy. 26 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang English instructor dito sa Seoul, South Korea. At aking ilalahad ang aking up-and-down cycle ng buhay kasama ang aking up-and-down din na kapareha, ang aking Korean "yeoja-chingu" (girlfriend) na si Marie. Sana ay magustuhan ninyo.

2nd year college nang una kong makilala si Marie.

Ako ay nag-aaral noon ng BS Education, Major in English sa isang private university sa Angeles City kung saan maraming Koreans ang nag-aaral din ng English bilang exchange students. Dahil bukod sa mura ang pagtuturo ng English dito, mura din ang standard of living, maraming tourist spots, at malaki ang Korean community dito sa lungsod. Kadalasan, dumarating ang maraming batch tuwing Summer vacation dito sa school at sila ang pumupuno sa karamihang bakanteng classroom.

Di naman sa pagmamayabang, pero ako ay isang President's lister at isa sa mga top students ng kolehiyo namin. Dahilan upang ako ay maging isang academic scholar. Kung di ko ito ma-mamaintain eh mapupwersa akong mag stop o di kaya ay mag working student dahil ang pamilya ko ay di naman ganun kayaman. Kaya nung ako ay inofferan ng prof ko na subukan kong magturo, or rumaket bilang English teacher sa mga Koreano ay agad kong tinanggap. Nasa 1000 pesos ang sahod kada araw, maximum na ang 5 students ang tuturuan ko.

Sa wakas, Summer Vacation na. Nagpahinga lang ako ng 1 week dahil ang sumunod na linggo ay busy akong naghahanda ng modules at learning plan. 2 months ang total duration ng course, sapat na daw iyon upang maachieve ang "moderate communication level" ng English para sa mga basic lang ang kaalaman sa lengguaheng iyon. Di naman daw totally clueless sa English ang mga tuturuan, alam naman nila kung paano mag construct ng basic sentences at kailangan lang palawigin ang kanilang vocabulary.

Sa loob ng isang linggo, tutal ay wala din naman akong pupuntahan at busy rin naman ang aking mga kaibigan, ay nag-aral ako ng Korean language. Mabilis akong pumick-up ng mga foreign languages. Sa katunayan, conversational ako sa French at German, at sa kakapanood ng anime at ang ipinagbabawal na hentai ay marunong din ako ng Japanese. Pero bago sa akin ang Korean. Nagdownload ako ng maraming easy-to-learn English to Korean videos, dahil di pa naman uso ang Youtube noon. Salamat naman at after 1 week na immersion ko sa Korean language at writing, marunong na ako ngayon magsulat ng tula gamit ang Korean. I'm ready for you guys!

Dumating ang listahan ng mga tuturuan ko, apat lang sila: Lee Jong-hyun (Jim), Gwon Sang-kwang (Michael), Kim Ji-soo (Marie) at Park Na-ra (Sunny).

Bale 2 boys at 2 girls.

Niremind ako ng aking prof na halos magkaka-edad lang kami at baka magtaka ang mga estudyante (Senior High students pa lang sila at patungong college. Dahil wala pang K-12 sa Pilipinas noon ay kasing-edad ko lamang sila kahit ako'y pa-3rd year college na). So as much as possible, wag ko na lang daw sabihin ang aking edad, baka lang naman kasi magreklamo ang magulang nila na hindi totoong teacher ang nagtuturo. Tiwala naman sa akin ang prof ko na magagawa ko ng maayos ang aking trabaho, kaya hindi na raw iyon mapapansin.

Dumating ang unang araw ng klase. 4 hours per day ang class, from 1-5pm, Monday to Friday. Pinakilala ko ang aking sarili sa kanila, in English at in Korean language. Napa-daebak (wow) ang ilan sa kanila. Inutusan ko rin silang magpakilala. Mukhang typical na Korean students sila, at may basic knowledge ng English. Lumipas ang araw na naturuan ko sila ng Nouns and Verbs. Ang di ko lang maintindihan ay paminsan-minsan ay bigla na lang silang tumatawa.

Pagkatapos ng klase ay naglinis ako ng blackboard saka inayos ang mga silya. Pagkalabas ko ng room ay nakatambay sa corridor si Marie, at nakaharap sa view. Napansin niya akong lumabas at hinarap ako.

"Teacher, hello!" nakangiting bati niya sa akin. Napakaganda pala niya pag naka-smile, animong isang anghel na bumaba mula sa langit. Di ko namalayan na nakatulala lang ako sa kanya.

"Teach, teacher, are you okay?" sabay wave ng kamay niya sa harap ng aking mukha.

"Oh, yes, Marie, I'm sorry. How can I help you?" sabi ko.

"Hmmm, teacher huh..." sabay ngisi. Mukhang nahuli akong nakatitig. Nakakahiya...

"I can say that you are good teacher, but your Korean accent is funny. That's why we laugh." dagdag niya. Kaya pala sila napapasmirk, dahil sa accent ko. Nakakahiya lalo, baka mahalatang di talaga ako licensed na English teacher.

"Sorry, I just learned Korean recently. Don't worry, I'll work on it." palusot ko na lang.

"No, no, it's okay. I think it's great. It's a big help to us that you know Hangul. You can understand us if we are having hard time." sabay ngiti niya sa akin. Nakakalusaw, juice-colored!

"You know teacher, I have no friends here in the Philippines. Can you be my first friend here?"

Hala sya. Ang cute ng pagkakasabi niya... Ayain ba naman niya akong maging first-friend niya. Syempre, sino ba naman ako para humindi???

"Oh, uh yes, sure." utal-utal kong pagkakasabi.

"Hmmm, sounds like you don't like..." sabay irap nito sa akin. Napakacute ng reaction niya hehehe...

"No no, really, I do, I like."

"You like me? Wow, teacher that's so fast. Hahaha!" aba'y nakakaloka 'tong babaeng to. Kung di lang siya cute at magandang tignan, baka naasiwa ako. Eh kaso, eto na nga, kinikilig ako deep inside.

"To be your friend! You Marie ah!" biglaan bitaw ko. Napahagikgik lang siya sa tawa.

"So what should I call you, Marie, or Jisoo?" tanong ko.

"Please, call me Marie." sabi nya.

Nagkapalitan kami ng phone number at e-mail address. Sinabihan ko siya na wag mag-alinlangan na kontakin ako kapag may kailangan siya or pag may emergency situations since wala naman siyang kakilala dito sa Pinas na ibang tao, maliban siguro sa family niya. May tita naman daw siya dito at nakatira sila sa Korean town, malapit sa Clark Airport. Sakto, malapit lang din naman ang bahay ko doon.

Sabay na kaming lumabas ng campus at sa gate naghihintay ang service niya. Driver daw ng tita niya ang sundo niya. Sa aming paghihiwalay ay ngiti ang aming pabaon sa isa't-isa. At ako, umaasa sa isang panibagong araw...

Di kaya ako magka-favoritism neto???

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong binuklat ang aking laptop at nanood muli ng Korean lesson videos. Sinubukan kong gayahin ang pronunciation at diction ng mga nagsasalita, tutal ay naiintindihan ko na rin naman sila.

"Para kang tanga." sabi ni Kim, ang kapatid kong babae na nasa likuran ko. Kanina pa pala niya ako pinapanood.

"Ang pangit ng Korean mo kuya! Di kaya ganyan magsalita yung mga nasa K-drama." dagdag pa nito.

"Eh ngayon lang naman kasi ako nag-aral ng Korean, sorry naman no." sabi ko.

"Manood ka kasi ng K-drama, saka makinig ka ng mga kanta ni IU, 2NE1 at Big Bang, para gumaling ka mag Korean." suggestion ni Kim.

Sa totoo lang ay di ako mahilig sa drama. Lalo na yung mga Korean drama na kinahuhumalingan nila Mama at Kim. At asiwang-asiwa ako sa K-Pop. Di kasi ako makatulog pag tumutugtog ang loudspeaker ni Kim sa kabilang kwarto. Pero nakakatuwa rin sa kabilang banda, kasi naiintindihan ko na yung mga nakakarinding lyrics na pinapatugtog niya.

Naalala ko na naman si Jisoo, este Marie. Ang "Angelic" smile nito. Napapasmile tuloy ako.

"Huy kuya, ba't parang nakakita ka ng anghel dyan? Kanina ka pa naka smile." sabi ni Kim. Nakalimutan kong kausap ko pala ang batang to.

"Siguro may girlfriend na yan." sabat ng nanay ko.

"Huh, ahh wala ah!" todo deny ko.

"Dapat lang, wag ka muna mag-aasawa ah. Tapusin mo muna yang pag-aaral mo, kundi yari ka sakin!" sabi ni mama.

"Mama naman eh.." paglalambing kong tono. "Syempre, alam ko naman ang priorities ko. Kayo." napangiti si mama sa sinabi ko.

"Okay lang naman sa akin ang mag-girlfriend ka. Basta wag mo lang pababayaan ang pag-aaral mo. At wag na wag mong gagayahin yang tatay mong nambababae!" sabay sungit muli ni mama. Iniwan kasi kami ng tatay ko noong high school pa ako, sumama sa kabit niya at may pamilya na siya sa kabila. Ganun pa man ay nagbibigay pa rin naman siya ng sustento para sa aming magkakapatid, at yun ang ginagamit ni mama na panggastos sa pagkain, bills at tuition ni Kim. Kung pati ako ay magbabayad ng tuition eh baka hindi na kayanin, at ayaw pa ni mama na humingi ng karagdagang pera sa tatay ko. Kaya extra effort talaga ako sa studies ko at kahit anong pwedeng i-part time, papasukin ko.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Number lang ito. Nagtext pala si Marie.

"Hi Teacher, it's me, Jisoo."

"Marie?" tanong ko.

"Oh yes, Marie, sorry. Please call me Marie." sabi nya.

"Why Marie?" sabi ko.

"Umm, I was told that most women in Philippines is called Maria. Besides, I'm catholic. That's why I choose Marie, and it's cute and pretty."

Like you...sasabihin ko sana. Saktong trip ko lang na tinype ko. Buburahin ko na sana nang bigla kong napindot ang "Sent"...patay!!! Paano, how? How to unsent??? Bigla akong napasearch sa Google. Walanghiyang trip yan.

"You cannot unsend an SMS message unless there is no reception or stuck in Outbox." sabi ni pareng Google. Wala na, finish na. Tanggapin ko na lang na naisend ko na ito. Di sya nagreply ng ilang minuto. Resigned to my fate, nagkulong na lang ako sa kwarto, ibinalibag ang phone saka humiga at nag-reflect sa kahihiyang ginawa ko. Baka magreklamo si Marie na trip ko sya. Baka di ako makapag-enroll next sem. Paano na? Huminga na lang ako ng malalim saka inisip na baka over-thinking lang ako. Tumunog ang phone.

"Hahaha, really? Aww that's so sweet...thanks!" reply nito sa akin. Shit! Nabuhayan ako ng loob.

"Oh, umm sorry, I didn't mean anything about that, it was an accident." reply ko.

"So...I'm not pretty?" sabi nya.

"No, you are. You are pretty. But you are my student, I'm afraid you might get the wrong idea." palusot ko na lang.

"Don't worry teach. I know you are still just a student like me.." sabi nito. Patay!

"How did you know?"

"I know, I just know...but don't worry. You are a very good teacher. I will not tell anyone! Promise! Just let me know more English, please? I don't want anyone else."

Awwww, my heart just melted. This girl...wala na akong masabi.

"Ok, I also promise to teach you with all that I can." sabi ko.

"Aww teacher, that's so sweet. Ok, I go to sleep now. See you tomorrow!" sabi nya.

"Alright, good night." sabi ko, na abot tenga ang ngiti. Napaka sweet naman ng babaeng ito. Buong gabi hanggang madaling araw ay hinanda ko ang mga susunod na modules at nag-aral pa ng Korean. At buong sandaling iyon ay sumasabay si Marie sa utak ko. Di naman ako ganito dati, na agad nagkakacrush sa isang babae. Sa totoo lang, buong buhay ko ay studies lang ang nasa isip ko at satisfied na ako sa hentai at occassional porn. Dagdag na rin siguro ang pambababae ng tatay ko kaya di ko naisip na magka-girlfriend.

Pero heto ngayon si Marie, na ngayon ko lang nakilala, at gumugulo na ngayon sa matino kong pag-iisip.

Nagising ako ng 9am at tumingin sa phone. 2 text messages received.

"Good morning teacher! Jal-jinasseyo? (How are you?) Hope you had good sleep!"
"I'm so excited for today's lesson! See you!"

Napangiti na naman ako ng todo sa magandang bungad sa akin ng phone ko.

"Yes, see you later." reply ko.

Sumapit ang 1PM, at ako'y nasa classroom na. Isa-isang dumating ang mga estudyante ko, at last na dumating ay si Marie. Naka dress ito na light blue with pink floral design na bagay na bagay sa mala-porselanang kutis niya. May suot ito na itim na blazer pangontra sa malamig na aircon ng classroom. Ngumiti ito sa akin at nginitian ko rin pabalik, ngunit mabilis lang, ayaw kong maisip nila na may "favoritism" ako kay Marie.

Habang ako ay nagtuturo ay napapa "woah" ang mga estudyante ko pag tina-translate ko sa Korean ang ilang salita. Di ko maiwasan na mapatingin kay Marie, na tahimik ngunit todo ang ngiti pag ako ay nagsasalita ng Korean. Pero alam kong hirap na hirap siya dahil kukunot ang noo niya, magpa-pouty lips at pinapalo niya ang dulo ng ballpen sa cheeks na parang matindi ang concentration. Napapa-adjust tuloy ako sa teaching style ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. As much as possible, gusto kong gawing madali ang buhay niya.

Pero napakahirap naman magconcentrate sa tuwing nakatitig ito sa akin at naka-smile. Di ko naman maiwasang tignan kasi, aapat lang naman sila sa classroom. Haaaay, buhay...

Mabilis lumipas ang oras kasama ang mga estudyante ko (or dahil kay Marie?). 5PM na naman at kakatapos lang ng klase. Lumabas na lahat at ako ang naiwan sa loob ng room. Nagligpit ako ng gamit at nilinis ang pisara. Nakareceive ako ng text message.

"Hi teacher. You want to eat dinner?" aya ni Marie. Shet, niyayaya ba nya akong makipag-date?

"Sure, where are you?" makakatanggi pa ba ako?

"I'm at the gate, I wait for you here."

"Ok, see you" reply ko.

Oh Tadhana, is this a sign???

----Itutuloy----

P.S. Final part of Bridal Shower will be on hold indefinitely as I'm still waiting for James' go-signal. Thank you!
Posted in: Celebrities, Romance