1. Home
  2. Stories
  3. Pagbabagong Buhay
Filipino Sex Stories

Pagbabagong Buhay

5 minutes
Sa kampo Sergio Sotero Cruz ng bayan ng Cordova sa Rehiyon ng Kabiyasnan. Mayroon isang simbahan ng Romano Anglican. Kadalasan ay nagsimba at nagdasal ang mga sundalo at staff ng kampo doon.

Saktong ika 1300 na oras at pumunta si Tinyente Claire upang mag dasal at ipanalangin ang sarili. Ito ay nagsilbing isang paraan upang mapapanatag nya at mapagaan ang loob sa stress at mga problema sa buhay. Nakaluhod siya, pikit ang mata yumuko, nag concentrate sa kanyang mga daing sa panginoon na kanyang isinamba.

Mayroon pamilyar na tao ang nakakita sa Tinyente na nagdarasal at pinuntahan nya ito. Napansin ng Tinyente na mayroong tao na lumalapit sa kanya at tumigil sa pag dasal. Lumingon siya at nakita ang tao, si Master Sergeant Nikanor Areglo. Ngumiti ang Sarhento sa Tinyente subalit hindi pinansin.

"Wala ka ba sa mood ngayon ma'am?" Tanong ng Sarhento sa Tinyente.

Walang imik ang Tinyente subalit sa loob ay nabuhayan siya. Pilit na tinakpan ang kanyang ngumingiting mukha. Iba ang dating ng Sarhento sa kaniya sa kanilang tagpo na pinagsaluhan. Namimiss na nya ang kantot na bigay ng Sarhento at sa pagkakita nya ngayon, ng walang dilig ay nabubuhayan talaga siya.

"Makasalanan po kayo ma'am. Baka pwede naman tayo magdasal kung saan tayo-tayo lang?" Inakit ng Sarhento ang Tinyente na natamaan sa libog.

"M...m-maya na!" Inis na sagot ng Tinyente sa kaniya.

Biglang yinakap ng Sarhento ang Tinyente saka sabi, "Tinyente, tama na... Napansin ko na ang sakit na iyong naramdaman. Kung gusto mong umiyak, sandal ka lang... Nandito lang ako para sa iyo."

Lumuha ang mga mata ng Tinyente sa narinig nya. Hindi niya akalain na mayroong naramdaman ang lalakeng sa tingin nya ay panandaliang aliw lamang ang hinahanap. Umiyak si Tinyente Claire sa bisig ng kapwa niya sundalo. Ibinuhos nya ang sakit sa loob sa pag iyak sa sandaling iyon.

Sa nakalipas na mga araw, nasa kwarto lamang ang Tinyente. Tulala siya, walang imik at malalim ang iniisip. Sising-sisi siya sa nangyari sa nasirang relasyon ng kapatid nya at sa kanyang nobyo dahil sa kanyang tungkulin.

"Kung sana, hindi lang ako nagsundalo. Siguro, sila parin ni Monica..."

Yumuko siya, nakatingin sa sahig. Nang nakita nya ang blangkong papel ay mayroon siyang biglang naiisip. Maraming risgo ang buhay sundalo, araw araw ay maraming panganib na maaring mangyari sa kanya. Subalit ngayon, sa pangyayari sa enkwentro at ang pag confess ng isang Sarhento naisip nya na kung ano kaha kung iba pang landas ang tinahak nya.

Napag isip ng maigi ang Tinyente, ang buhay sibilyan man ay hindi naman masama sa kanya. Napag-isipan din nya ang mga advantages sa buhay sibilyan. Higit na limang taon na siyang naninilbihan sa sandatahang lakas. Ngayon na ika 29 nyang birthday ay napagdesisyonan na nya ang isang desisyon na makapag bago sa buhay nya.

Kumuha ng ballpen si Tinyente Claire isunulat muna ang nasa loob ng kanyang isipan. Isunulat nya lahat, maski naramdaman, problema atsaka ang kanyang mga desisyon. Sa kanyang pagsulat ay naisip nya ang isang bagay. Si Sarhento Nikanor, hindi nya maiisip na mahuhulog siya sa kapwa na sundalo.

Napaiyak siya, hindi dahil sa lungkot kungdi dahil sa saya at pag-asa. Ngayon na malinaw na ang kanyang isip ay napagdesisyonan nya na ang isang bagay. Panahon na magbagong buhay ang Tinyente. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya sa mga nangyari sa kanyang buhay.

-----------------

Ilang buwan ang nakalipas, pagkatapos na tinanggap ang resignation letter ni Claire. Lumabas siya galing sa Kampo Luis Regidor, ang headquarters ng Hukbong Sandatahan ng Verlusia sa Tondo. Magaan ang kanyang loob at malinaw ang pag-iisip. Nakuha nya ang partial na huling bayad at separation pay na makukuha niya in installment. Kahit papaano ay makakatulong ito sa pagbabagong buhay niya. Simula ngayon ay sibilyan na siya.

Malamig ang simoy ng hangin at maaliwalas ang panahon ng umagang iyon. Sa ika 0930 na oras ay natapos nya ang proseso ng kanyang resignation. Kanyang isinurender ang kanyang mga armas, uniporme at mga importanteng equipment at mga gadgets. Pagkatapos ay nagbihis siya ng damit sibilyan. Naka brown leather jacket siya, white t-shirt sa ilalim at palda na lampas sa kanyang tuhod. Medyo defined ang curves nya sa kanyang suot. Medyo sexy pero katanggap-tangap sa tanggapan ng gobyerno.

Pagkakita ng Military Police sa kanya na palabas sa kampo ay nagsaludo sila sa kanya. Bagay na kanyang ikinabigla na hindi na dapat siya bigyan ng ganoon na parangal.

"Wag nyo nang gawin yan..."

Sabi ni Claire sa kanilang nahihiya sa ginagawa ng mga sundalo. Pagkakita ng iba sa kanila, pamilyar ang mga sundalo sa kanya at ngumisi ang mga eto.

"Kayo ha?"

Ngumisi ang tatlo sa isat-isa at saka nilamano nila si Claire.

"Paisa pa po ma'am!"

Sambit ng isang pabiro.

"Sorry guys, wala na!"

Humahalikhik na sabi ni Claire sa kanila. "Nagpasalamat ako sa inyo, dahil sa mga bagay na itinuro nyo sa akin, sa mga tagpo na ating nasaluhan atsaka yung experiences at memories din."

"Okay lang po yun ma'am! Salamat din po sa inyo, at ang pagligtas nyo sa aming buhay noong nasa puder nyo po kami bilang subordinates mo."

Nagpasalamat ang isa sa kanya.

"Sige, aalis na ako..."

Sabi ni Claire at binuksan ang gate ng Kampo.

Sa paglakad nya palayo ng ilang metro, lumingon siya at tumigil. Nakita nya ang bandila ng Bansa, Tatlong color na nahahati sa tatlong bahagi. Ang araw ng himagsikan sa gitna at apat na bituing nagsagisag ng mga rehiyon ng bansang Verlusia.

Ngayon na isa na siyang sibilyan ay marami siyang mamiss sa kanyang dating buhay. Subalit, sa paglisan nya ay wala na siyang pinagsisisihan sa kanyang desisyon. Mas mabuti na siguro ang kanyang buhay na mapayapa, malayo sa gulo at matiwasay.

Nagpatuloy sa paglakad si Claire at nakita nya isang mapormang lalakeng naka itim na leather jacket at helmet. Malaki ang kanyang motor na imported galing sa bansang Alemanya. Nababagay ang lalake sa kanyang porma na nagpapakilig sa babae.

"Nikanor?"

Tanong ni Claire sa kanya.

"Opo ma'am!"

Sabay kidhat ni Nikanor sa kanya pagkatapos ng pagtanggal nya nang kanyang helmet.

"Aba, ang gwapo natin ha!? Hihihi!"

Puri ni Claire sa lalakeng nasa harap nya. Ibinigay ni Nikanor ang kanyang helmet kay Claire na inanyayahan itong sumakay sa kanyang motor.

"Saan ba tayo banda?"

Tanong ni Claire sa lalake pagkatapos nyang umangkas sa likod neto.

"Ako bahala sa iyo ma'am! Higpitan lang ang kapit."

Tumango si Claire sa likod ni Nikanor at iginapos ang kanyang mga kamay sa katawan ng lalake. Hinigpitan nya ang yakap nang pinaandar ng lalake ang motor at umalis. Mabilis ang takbo ng motor at lumayo sa kampo patungo sa lugar kung saan maging maligaya sa piling si Claire kay Nikanor sa syudad ng Tondo.

A/N: Eto na po ang pagtatapos sa storya ni Claire Valdez. Mayroon pang Epilogue pala ang susunod sa estorya. Salamat po sa pagsubaybay sa aking mga estorya. Hanggang sa muli!