1. Home
  2. Stories
  3. Aftermath
Filipino Sex Stories

Aftermath

5 minutes
A/N: Sorry for the late update guys... I hope di kay naghintay ng matagal. Eto na po ang kasunod ng estorya na aking isinulat. Salamat po sa pagsubaybay.

Makapal ang usok ang makita mula sa bulubunduking lugar ng Samal, rehiyon ng Kabiyasnan. Sinunog ng mga tauhan ng DEA ang mga marijuana na itinanim ng mga REDs upang matustusan ang kanilang rebulusyon laban sa pamahalaan. Marami sa mga rebelde ang nasikop at idinala sa malapit na kampo ng militar upang i verify ang kanilang kakilanlan.

Tumayo ang Kapitan ng platoon at ang lider ng mga Drug Enforcement Agents. Sila ay nag usap parte sa misyon na naganap.

"Maswerte tayo na nagtagumpay ang misyon. Kakaunti lang tayo kumpara sa kalaban." Sabi ni Leon, ang lider ng mga DEA na pawis na pawis dahil sa init at kaba sa bakbakan kanina.

"Oo nga, kung hindi lang sana sumablay ang Tinyente ay mas madali sana nating makupkop ang pantasyon na ito." Sagot ni Kapitan Rodeo.

Lumapit ang isang sundalo na tinugon ni Kapitan Rodeo upang papuntahin ang Tinyente sa kaniya. Subalit hindi nya ito makikita sa tabi nya at tinanong niya eto.

"Nasaan si Tinyente Valdez?"

"Mayroon po siyang inasikaso po, Kapitan." Sagot ng sundalo.

Nainis ang Kapitan sa narinig at sinabihan nya ang sundalo na pilitin siyang pumunta.

"Pagpaumanhin po ninyo sir!"

Biglang sambit ng boses ng isang babae. Si Tinyente Claire Valdez ay tumayo sa harap ng Kapitan at sumaludo sa kanya. Seryoso naman ang mukha ni Kapitan Rodeo nang nakita nya ang Tinyente na mukhang malungkot at problemado.

"Sana man lang inintindi mo ang misyon bago pa kung ano-ano ang iniisip mo!"

Pagalit na sinabi ng Kapitan sa kaniya.

"Nabawasan sana nag casualties natin!"

Tumahimik ng sandali ang Tinyente at nakinig sa sermon ng Kapitan. Pagkatapos ay humingi siya ng patawad sa kanya.

"Kung sa susunod na gagawin mo ito, malay ko kung ano ang gagawin ko sa iyo!"

Umalis si Kapitan Rodeo kasama ang pinuno ng DEA na si Leon.

Sa kabilang banda, si Boris ay kasulukuyang ginamot sa isang malapit na military na ospital sa Samal. Na isalbar ang kanyang buhay dahil sa mabilis na pag agap sa kanya at sa pag abuno ng dugo. Nawalan siya ng malay dahil sa kanyang sugat na natamo.

"Okay lang po ba siya doktor?"

Tanong ng isang nurse na nag aruga sa kanya.

"Stable na ang kaniyang kondisyon."

"Mabuti naman!" Sabi ng nurse na kaibigan ng Tinyente.

Pagkatapos ng pagtawag ng Kapitan kay Tinyente Claire tumuwag ito sa nurse na kaibagan nya sa ospital.

"Kumusta si Boris?

"Okay lang po siya." Sagot ng nurse.

Maghalohalong pagkabahala, takot at lungkot ang naramdaman ni Tinyente Claire sa pangyayari. Malapit na ikasal ang kanyang kapatid na si Monica sa kanya, tapos nalungkot at nadismaya siya sa kanya. Hindi itatanggi ng Tinyente na may naramdaman din siya kay Boris. Subalit hindi nya alam kung ano ang gagawin kung ihukum sa military tribunal si Boris at ipa deport o i firing squad sa kanyang nagawa.

"Pasensya na talaga, Monica..." Sabi ng Tinyente sa sarili habang tumulo ang luha galing sa mata patungo sa kanyang pisngi.

"Tinyente? Okay lang po kayo?" Tanong ng nars habang nasa linya pa ang Tinyente na natulala sa nangyari.

"Ah, okay lang po... Sige salamat!" Sagot ng Tinyente na pinigilan ang sarili sapag iyak at ibinaba ang linya ng telepono.

Sa isang lugar malapit sa squatters area sa kabisera ng bansa na nasa Tondo. Naglakad ang isang dayuhan. Naka trench coat siya at naka sumbrero na brown, may makapal na bangas at mas mataas pa sa pangkaraniwan na tao na namumuhay doon. Pumunta siya sa isang bahay na inukupa ng kanyang amo.

"Kung hindi ako nagkakamali, eto yung bahay na sinasabi ni Enrique!"

Kumatok ang dayuhan ng pangatlong beses at mayroong sumilip sa peekhole ng bahay.

"Tanggalin mo ang iyong sumbrero!"

Sabi ng tao sa loob.

Sinunod ito ng dayuhan at nakita ng kanyang mukha.

"Sir Cobra, pwede na kayong tumuloy!"

Pumasok si Cobra pagkatapos binuksan ang pinto.

Magulo ang loob ng bahay, maraming alikabok at nagkalat ang ibat ibang bagay sa sahig. Mararming papeles ang ipinatong sa sahig at marami sa kanila ay classfied na information galing sa Military Intelligence ng bansa

Narinig ni Cobra na mayroong pagtatalo na naganap sa loob. Ang kanyang boss na si Enrique ay nakipagtalo sa isang tao sa telepono.

"I do not care what you want! If you want the REDs to succeed in this country, then, the support you should have given them shouldn't be this minimal!" Inis na sabi ni Enrique sa tao na kausap sa telepono.

"You are speaking of the impossible! You say that their resilience and ingenuity is enough? The Atlanticans and the rest of the world supports the government!...."

Nakipagtalo si Enrique sa kanyang boss sa isang di kilalang organisasyon. Ilang minuto pagkatapos ng kaniyang pakikipagtalo, ibinaba ni Enrique ang telepono at nakita si Cobra na nakatayo sa harapan niya.

"I apologize for my late arrival boss!" Paumanhin na sabi ni Cobra sa wikang Anglic.

"Makaintindi ka naman ng Baybayin, di ba!?" Sagot ni Enrique sa wikang Verslusian.

"Pagpaumahin nyo po..."

"Ano pala ang nangyari doon sa Samal?" Tanong ni Enrique sa kanya.

"Tagumpay po ang pagsikop sa plantasyon ng marijuana doon. Ang mga panauhing taga Qina at ibang taga Slavic Federation ay nahuli din po." Report ni Cobra sa kaniya.

"Inutil talaga!" Galit na sabi ni Enrique at tumayo.

Kumuha ng baso ng whiskey si Enrique at uminom para maibsan ang galit at stress sa kanyang trabaho.

"Di dapat malaman ng Military Intelligence ang ating kaugnayan sa Organisasyon!" Pagalit nyang tugon kay Cobra.

"Nahanapan po namin yan ng paraan boss..."

"Mabuti, at sana man lang hindi ka sasablay dito!" Sabay lagay ni Enrique ng baso ng whiskey sa kanyang lamesa.

Bumuka ang mata ni Boris at napansin nasa ospital na siya. Kanyang sinubukang galawin ang kanyang katawan at naramdaman ang sakit ng sugat.

"Urgghh, nasaan ako?"

Tanong sa sarili ng banyaga, dahil sa sakit hindi siya makatayo. Kanya na lang iginalaw ang kanyang ulo upang makita ang kanyang paligid. Maya-maya bumukas ang pinto at mayroon siyang nakitang isang taong pamilyar sa kaniya. Tumayo ang Tinyente sa harap ng pinto at tinignan si Boris.

"Natalia...?"

Tawag ni Boris sa babae na nasa harapan niya.

Napaluha ang Tinyente sa nakita, sugatan at nahirapan ang lalakeng mahal nya.

"Yes, it's me Natalia... your beloved!" Sagot ng Tinyente sa endearment ni Boris sa kanya.

A/N: Tinry ko ang "Show not tell" pero ang hirap talaga. Pasensya na po hehehe, try kong mag improve sa susunod na pagsulat.