1. Home
  2. Stories
  3. Kusina Chronicles 2: Soup
Filipino Sex Stories

Kusina Chronicles 2: Soup

11 minutes
Kinabukasan ay may dumating nga na bagong dishwasher. Si Ronnie. Mas matanda sya ng anim na taon sakin. Galing na din sya sa iba't-ibang fast foods at restos. Iba't-ibang posisyon na rin ang nahawakan nya. Mula pagiging dishwasher, kitchen helper at kusinero.
Tinanong ko sya kung bakit dishwasher ang inaplayan nya samantalang may experience na pala sya bilang kusinero. Ang sagot nya ay gusto nya daw muna magsimula sa mababa dahil iba daw ang hotel sa resto.

Mabilis at maayos syang magtrabaho kaya naman apat na araw pa lang sya ay naiiwanan ko na sya sa area namin. At nung panglimang araw nya nga ay tuluyan na akong lumipat sa kusina.

Sakto naman na may events kami nung araw na yun kaya naging sobrang busy namin. Hindi na kami nakapag-break dahil walang pahingahan ang trabaho. Katatapos lang namin ilabas lahat ng pagkain for lunch nang tinawag ako ni Chef Charlotte.

"Ares, busy ka pa ba?" Tanong nya.

"Hindi na Chef. Katatapos lang namin maglabas ng buffet." Sagot ko.

"Tara. Tulungan mo 'ko mag-setup ng dessert."

Lumipat ako sa pwesto nya at tinanong kung anong pwede kong gawin.

"Teka, kumain ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Di pa Chef. Pero kaya pa naman." Sagot ko.

"Kumain ka na muna kasi wala na tayong break nito. Hanggang gabi na to." Sabi nya sakin. Yumuko sya at may kinuha sa prep table/chiller nya.

Mababa ang chiller nya kaya patuwad syang yumuko. Sakto naman na sa likuran nya ako nakapwesto kaya lantad na lantad sakin yung mabilog nyang pwet. Naka-fitted jeans sya nun kaya bakat na bakat ang hubog ng pwetan nya.
Napakagat-labi na lang ako dahil talagang nakakatuksong dakmain yung pwet nya na sobrang tambok.

Maliit na babae lang si Charlotte. Maputi at makinis ang kutis. Mahaba ang buhok, at balingkinitan ang katawan. Maliliit na medyo singkit ang mga mata nya. Matangos ang ilong at maliit na mapula ang mga labi na may maliit at maitim na nunal sa bandang kaliwa.
Hindi mo sya gaanong mapapansin sa kusina kapag nakasuot sya ng uniporme, apron at hair net. Pero kapag nakita mo sya sa labas na naka-casual wear ay talaga namang mapapalingon ka.

"Eto. Kain ka muna para di ka malipasan." Hawak nya na ang isang platito na may brownies.

"Wow. Thank you." Kumuha ako ng isa at kumain.

"Tapusin muna natin 'tong dessert tapos dito na tayo kumain. Tapos maghahanda na tayo ng meryenda sa event."

"Sige Chef."

Tinulungan ko syang iplato yung mga desserts nya at nang mailabas na namin lahat ay nagligpit kami sa area nya at pumunta ng hot kitchen.
Sakto naman na nagkakainan na yung mga kusinero.

"Mark, meron pa?" Tanong ni Chef Charlotte.

"Andun sa warmer Chef. Sobra na lahat yun. Kuha na lang kayo." Sagot ni Mark.

Kumuha kami ng plato at kubyertos tapos ay pinuntahan ang food warmer. Kumuha kami ng pagkain at bumalik na sa area ni Chef Charlotte. Mas nalamig kasi sa area nya dahil may sarili syang air cooler. Walang upuan doon kaya nakatayo kaming kumain. Ang lamesa namin ay yung ibabaw ng chiller nya.

"Ano? Kamusta naman yung first day mo sa kitchen?" Tanong nya sakin habang kumakain kami.

"Ayos naman Chef. Masaya." Sagot ko.

"Napasabak ka nga agad eh. Tatlo yung events natin ngayon. Sabay-sabay."

"Oo nga eh. Pero kaya naman. Nakakasabay rin naman kahit papano."

"Oo. Galing mo nga eh. Mas maayos ka pa kumilos sa iba jan."

"Di naman. Marami pa 'kong di alam."

"Di ka naman pababayaan ng mga yan. Saka tuturuan din kita dito sa pastry. Basta punta ka lang pag libre ka."

"Salamat Chef. Gusto ko talagang matuto dito sa kusina."

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa trabaho habang kumakain.
Pagkatapos ay inasikaso na agad namin yung memeryendahin ng mga guests. Pagkatapos nun ay dinner naman ang hinanda namin.
Bukod sa tatlong events nung araw na yun ay may mga regular orders din kami mula sa room service at a la carte ng hotel. Kaya wala talaga kaming pahingahan. Mabuti na lang at pinayagan kaming makapag-out ng maaga.
8:30PM ay nagdatingan na yung mga karelyebo namin. Kaya 9PM ay pinayagan na kaming umuwi.

First time ko silang makakasabay umuwi. Nung dishwasher ako ay pareho lang 10PM ang out namin pero sila ay nakakapag-out ng eksaktong 10PM dahil maaga pa lang ay tinatapos na nila lahat ng trabaho nila. Samantalang ako ay inaabot ng quarter to 11 hanggang 12AM dahil kailangan ko pa maglinis ng kitchen at magtapon ng basura.

"Ano? 2 bottles muna tayo?" Yakad ni Rico.

Kasalukuyan kaming naglalakad nun papuntang sakayan ng jeep. Ako, si Rico, si Charlotte, si Anton at si Mark. Yung ibang mga kasamahan namin ay may dalang motor kaya di namin kasabay.

"Libre mo?" Tanong ni Anton.

"Kanya-kanya syempre. Ano? Game? Eto si Mark di na kailangan yayain 'to."

"Sige. Okay lang sakin." Sagot ko.

"Tara." Sagot ni Charlotte.

"Dun tayo sa 7-11 para malapit." Si Anton ulit.

Di pa si Duterte ang presidente nun kaya di pa bawal mag-inom at manigarilyo sa pampublikong lugar. Bumili lang kami ng tig-iisang Red Horse Stallion at chichirya at naupo sa stairs sa labas ng 7-11.
Habang umiinom ay pinagkwentuhan lang namin yung katatapos na event. Di namin namalayan na nakadalawang bote na pala kami. At dahil bitin ay bumili pa kami ng tig-iisa.

"May asawa ka na ba, Ares?" Tanong ni Rico sabay tungga ng beer.

"Wala pa." Sagot ko.

"Anak?"

"Wala rin."

"Gelpren?"

"Wala."

"Boypren?"

"Wala."

Tinitigan nya ako at tinanong ulit.

"Di ka naman bakla?"

Bigla naman napabuga ng iniinom na beer si Charlotte.

"Puchang tanong yan." Sabi nito kay Rico. Mejo may tama na si Charlotte. Mamula-mula na ang pisngi nya at mapungay ang mata. Napaka-sexy nyang tingnan.

"Ano bang masama sa tanong ko?" Pangangatwiran ni Rico.

"Wala naman. Parang ewan lang." Sagot ni Charlotte.

"Kasi wala daw syang asawa. Walang anak. Walang syota. Kaya tinatanong ko kung bakla ba sya. Para alam natin kung anong gusto nya." Paliwanag ni Rico.

"Mukha bang bakla yan? Tingnan mo nga." Itinuro pa ako ni Charlotte.

Natatawa na lang kami dahil mukhang tumitindi na yung tama nya.

"Bakit ka ba nagre-react? Siguro may gusto ka jan noh?" Pambubuska ni Rico.

"Hoooooyyy!" Parang lalong namula si Charlotte dahil sa sinabi ni Rico.

Nagtawanan naman kaming lahat.

"Wala rin naman masama dun. Wala ka rin naman jowa diba?" Saka bagay kayo. Ang sweet nyo nga kanina. Sabay pa kayo kumain." Patuloy pa nito.

"Hoooooyyyyyy!" Tumayo si Charlotte sa harapan ni Rico at dinuro ito.
"Intrigero ka!" Mas lalo itong namula.

Tawanan ulit lahat. Ako naman ay medyo nahiya sa sinabi ni Rico pero nakangiti pa rin.

"Namumula ka na! Crush mo nga!" Dagdag na pang-aasar ni Rico.

"Di ka talaga titigil?" Pilit inaabot ni Charlotte ang tagiliran ni Rico para kurutin. Di naman magkanda-ugaga si Rico sa kahahawi sa kamay ng dalaga.

"Uy tama na. Biro lang yun! Ayoko na! Masakit ka mangurot!"

Naka-spaghetti blouse lang si Charlotte nun na pinaibabawan ng jacket na hindi naka-zip ang harapan. Kaya habang nakayuko sya at pinipilit kurutin si Rico na nasa tabi ko lang ay kitang-kita ko ang cleavage ng dibdib nya. Napakaputi ng dibdib nya na may mga namumulang parte na parang pekas. Epekto siguro ng alkohol.
Di maiwasang maglikot ng imahinasyon ko. Iniisip kung ano kayang kulay ng nipples nya at kung paano kaya sya magre-react kapag dinilaan at sinipsip iyon.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig kong nabanggit ang pangalan ko.

"Tingnan nyo pati si Ares namumula na rin. May gusto ka rin kay Charlotte noh?" Si Anton naman ang nang-asar. Tawanan naman ulit. Pati si Charlotte ay natawa na rin.

"Mga siraulo yang mga yan. Wag mong pagpapansinin yang mga yan." Sabi nito sakin pagkatapos ay bumalik na sa pagkakaupo.

Ako naman ay natawa na lang din.

Pagkaubos namin ng tatlong bote ay nagpasya na kaming magsiuwi.

Yung tatlo ay iisa ang ruta. Samantalang kami ni Charlotte ay sa kasalungat na byahe.

"Huy, Ares. Ikaw na bahala jan ha. Wag mo dalhin sa biglang-liko." Bilin sakin ni Anton.
Nagtawanan ulit sila.

"Tarantado! Magsitawid na nga kayo." Pagtataboy ni Charlotte.
Nagsitawid na nga sila at sa kabilang kalsada naghintay ng jeep.

Di naman nagtagal ay nakasakay kami pareho. Mas malayo ang bababaan ni Charlotte kaya mas mauuna dapat akong bumaba. Pero dahil alam kong nakainom sya at mejo may tama na ay sinamahan ko na sya hanggang sa babaan nya.

"Malapit ka na lang ba dito?" Tanong ko sa kanya nang makababa kami ng jeep.

"Mag-aabang na lang ako ng tricycle. Tapos direcho na yun samin." Sagot nya.

"Sige, hihintayin na kitang makasakay." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ba sayo?" Tanong nya.

"Okay lang."

Wala pang sampung minuto ay may dumaan nang tricycle. Pinara nya ito.

"Okay ka na ba? Gusto mo ihatid na kita hanggang sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Okay na ko. Kilala ko naman to si manong. Sya yung lagi kong nasasakyan. Ikaw ang mag-ingat pauwi."

Paalis na ang tricycle nang pinigilan nya ito at tinawag ako.

"Teka, Ares! Ano pala number mo?"

Binigay ko sa kanya ang number ko. Tapos ay tumuloy na sya. Ako naman ay nag-abang ulit ng jeep pabalik.

Habang nasa jeep ay tumunog ang phone ko. Number lang ang ang nakalagay na nag-text pero alam ko na kung sino yun. Binuksan ko agad ang message nya at binasa.

"Hi! Si Charlotte to. Kakarating ko lang sa house. Ingat ka ha. Thank you sa paghatid sakin. Saka mag-text ka rin sakin pag nakarating ka na sa inyo para alam kong safe kang nakauwi. Thanks ulit."

Di ko mapigilang mapangiti pagkatapos basahin yung text message nya. Mabuti na lang at medyo madilim sa jeep at konti lang ang pasahero. Walang makakakita ng hanggang tenga kong ngiti at pamumula ng pisngi.

Sinubukan kong mag-reply pero di ko alam kung anong magandang sabihin. Ilang beses akong nag-type ng message na sa bandang huli ay buburahin ko rin. Hanggang sa makarating na ako sa bababaan ko.

Mula sa babaan ng jeep ay may humigit-kumulang na sampung minutong lakarin hanggang sa bahay namin. Pwedeng sumakay ng pedicab pero mas gusto kong naglalakad dahil nakakapag-isip-isip ako.
Pagkadating ko sa bahay ay dumirecho ako ng higa sa kama at muling binasa ang text ni Charlotte.
Sinubukan ko ulit mag-type ng message.

-Nandito na rin ako sa bahay. Kakarating ko lang.....-

Blangko na. Di ko na alam kung anong isusunod. Binura ko ulit at sinubukang mag-type.

Binura ulit..

Type ulit..

Nasa kalagitnaan ulit ako ng pagta-type nang biglang mag-ring ang telepono ko.

Nanlaki ang mata ko. Si Charlotte ang tumatawag.
Agad ko itong sinagot.

"Hello, Chef?" Sagot ko sa tawag nya.

"Hello, Ares. I'm just checking kung nakauwi ka na."

"Ay. Yes Chef. Kakarating ko lang. Magte-text pa lang sana ako sayo." Sagot ko.

"That's good. Di kasi ako makatulog. Nag-aalala ako baka mapahamak ka pa dahil sa paghahatid sakin."

"Di naman Chef. Wala naman mangyayari sakin. Sanay ako umuwi ng mas late pa dito."

"Okay. Thanks ulit sa paghahatid ha."

"No problem, Chef."

"Ares, pwedeng favor?"

"Yes, Chef. Ano yun?"

"Pwede wag mo na ako tawaging chef pag nasa labas na tayo ng hotel? Nakakailang kasi eh."

"Ay ganun ba? Sorry."

"Charlotte na lang."

"Okay, Charlotte."

"Yan. Thanks ha. Sige pahinga na tayo. May pasok pa bukas. Good night na. See you tomorrow."

"Good night din. See you tomorrow."

At pinutol na namin ang tawag.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Nakangiti na abot-tenga at parang tanga.

Di ko alam kung gaano katagal akong ganun bago ako bumangon para maligo.
Pagkatapos maligo ay nahirapan akong makatulog dahil sa sobrang pag-iisip.

*

Di ko alam kung anong oras ako nakatulog pero kinabukasan ay alas-sais akong nagising.
Maaga ng tatlong oras sa usual kong gising.

Alam ko na malabo na akong makatulog kaya naman ay bumangon na ako at nag-almusal.
Nagtimpla ako ng kape at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay nakalimutan ko itong lagyan ng asukal kaya halos maibuga ko ito nang aking inumin.
Binuksan ko ang TV para manood sana ng morning news pero sa channel na walang laman ko ito inilipat. Nakatitig lang ako dun ng ilang minuto nang madaanan ako ng kapatid ko.

"Huy! Tulog ka pa ata!" Tinapik ako nito sa balikat.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Blangko yang pinapanood mo." Sabay turo nito sa telebisyon.

Agad ko naman nilipat ang TV sa channel na may palabas at nagkunyaring nanood.

*

Habang nasa jeep naman ako papuntang trabaho ay may pasaherong nag-abot sa akin ng bayad nya.

"Makikisuyo ho ng bayad." Sabi sakin ng ale.

Inabot ko ang pera nya. Tapos ay tiningnan. Tapos ay sa pasahero naman ako tumingin at tinanong sya.

"Para san po ito?"

Napakunot ng noo ang babae.

"Bayad ko yan." Sagot nya.

Tiningnan ko ulit ang pera sa kamay ko. At imbes na sa driver iabot ay sa katapat na pasahero ko ito inabot.

"Bayad nya daw yan." Sabi ko sa pinag-abutan ko.

Huli na nang na-realize ko kung gaano ka-weird yung ginawa ko. Kahit medyo malayo pa sa dapat kong babaan ay pumara na ako dahil nahihiya ako sa nangyari.

Halos kalahating kilometro din ang nalalakad ko nang paglingon ko sa kaliwa ay sakto naman na nakahinto ang jeep na nasakyan ko kanina. Nakita ko na nakatingin sakin yung mga kasabay kong pasahero kanina. Marahil ay nagtataka kung bakit ako bumaba agad samantalang malayo pa pala yung lalakarin ko.
Yumuko na lang ako ang patuloy na naglakad. Maaga pa naman ng halos isang oras para sa duty ko kaya dumaan na lang muna ako ng 7-11 at bumili ng coffee in can. Tapos ay naupo ako doon at inisip kung anong nangyayari sakin.

Di naman masakit ang ulo ko. Wala naman akong hang-over. Sanay naman ako sa puyatan. Bakit parang lutang ako ngayon? Bakit parang sabaw ang utak ko?

Tapos ay binuksan ko ang phone ko at binasa ulit ang message ni Charlotte kagabi.
Napangiti nanaman ako.

Pucha! Na-in love na yata ako.

Nakangiti ako habang nakatitig sa kawalan nang may kumatok sa salamin sa tabi ko. Paglingon ko ay andun si Chef Charlotte. Nakangiti ito at bahagyang kumakaway.

*

Itutuloy...
Posted in: Romance