1. Home
  2. Stories
  3. Cubao 24/7 Ang Pokpok At Ang Bugaw: Salamin Ng Dalawang Buhay
PSErotica

Cubao 24/7 Ang Pokpok At Ang Bugaw: Salamin Ng Dalawang Buhay

11 minutes

Cubao 24/7 Ang Pokpok At Ang Bugaw: Salamin Ng Dalawang Buhay

Sa chapter na ito, ang kwento ay tungkol sa buhay ng dalawang babaeng tinakwil na yata ng lipunan. Tuwing makikita ko nuon ang dalawang babaeng ito ay magkahalong awa at galit ang naghahari sa aking damdamin. Hindi ko rin alam kung ang galit ay para sa kanilang dalawa o sa sistema ..ang lipunang ginagalawan nila. Minsan kasi, naiisip ko na wala akong karapatang husgahan ang dalawa. Hind ko naman kasi alam kung saan at ano ang kanilang pinang-galingan.

Kasabihan nga ng mga American Indians “Don’t judge a man unless you have walked a mile in his moccasin” or something to that effect.

Si Maricar.

Ito ang tunay niyang pangalan duon.

Mga ilang buwan lamang ang lumipas ng huli kaming magkita, papunta ako sa dati kong opis. Sinabay ko na rin ang pakikipagkita sa matagal ko ng “virtual friends” sa Araneta Center –Gateway ang meeting place. Kahit medyo gahol na ako sa usapan naming oras , pinili ko pa ring sumaglit sa lugar na yun na dalawang taon ko yatang hindi nadadalaw mula ng magretiro ako.

Pagtawid ko pa lang mula sa Puregold, nakita ko na si Maricar sa kanto.

Nagulat ako sa itsura niya!. Payat, nanglilimahid. Hindi naman siya dating ganun. May karga siyang bata. Siguro wala pa itong isang taon. Nakasando lang at walang panty ang bata.

Parang nabigla din siya ng makita ako. Ngumiti siya sa akin.

Mga matang walang buhay. Mga ngiting walang saya. Mga mukha ng kawalang pagasa!

Akala ko manhid na ako sa mga ganito. Sa tinagal tagal ko dito sa isinumpang lugar na ito, dapat nasanay na ako. Pero hindi pala, andun na naman ang awa, ang galit sa aking damdamin.

“Kuya” Mahinang bati niya sa akin.

“O ano kamusta na” What a stupid thing to say! Pero yun lang talaga ang nasabe ko.

Tulad ng dati, nakasahod na ang palad kapag nakita ako. Sampu, bente pesos. Yun lang naman ang inaasahan niya sa akin. Madalas kasi, hindi pa ako nakakalayo ay makikita ko na itong bumibili ng sigarilyo. Tang na. Nag bisyo pa.

(Katulad ng ibang mga pokpok na humihingi sa akin kahit limang piso. Paswerte daw dahil wala pang buena mano. Yun iba nagsasabi ng tutuo, pero mas marami ang pang yosi lang.)

Isa pa, malakas ang kutob ko na nagdo-droga si Maricar. Ang laki ng ibinagsak ng kanyang pangangatawan.

--------------------------

Naalala ko tuloy nung una kong makita si Maricar, lima o anim na taon na ang nakakaraaan.

Ang tanda ko, ang trabaho niya nuon sa araw ay pag titinda ng sari-saring bagay . Patinda lamang sa kanya ang mga ito. Wala kasi siyang sariling puhunan.

Pero sa gabi, pokpok na ang ibinibenta ni Maricar. Part time pokpok din siya... ibig sabihin, pag may nagkagusto sa kanya at hindi binabarat ang presyo,

Kulang kasi sa ganda si Maricar. Mahirap makipagsabayan sa iba. Kahit papaano, meron din mga pokpok na may tipo. Yung iba ay talagang may itsura, mga seksi, mga bata. Lalo na pag hating gabi na. Pero yun ay sa may Mcdo at Chowking at 7/11. Bihirang-bihira silang mapadpad sa Act theater at overpass.

Sa loob ng limang taon, tatlong beses nanganak si Maricar. Lahat sa kalye lumaki. Hindi ko alam kung may anak pa ito sa ibang lalake. Ang kwento sa akin ay may inuupahang kuwarto si Maricar, walking distance lamang sa Act Theater.

Tang na, wala ng makain, nag bisyo na, anak pa ng anak.

Yung nakita kong bata na karga ni Maricar , kamakailan lamang ay yung pang tatlo. Yung sinundan nito ay nakita ko na rin dati , siguro mga tatlong taon na yun ngayon.

Yung panganay. Ito ang nakakalungkot. Namatay ito. Siguro mahigit apat na taon na nakalilipas.

Nakalimutan ko na ang pangalan ng batang lalakeng ito. Tawagin na lang natin siyang “Angel”. Nasundan ko ang paglaki ni Angel sa bangketa. Mula bagong panganak hanggang bago namatay.

Sometimes, it amazes me how children, babies in particular, could survive exposure to elements, to such an environment. Crowded, filthy, polluted, disease-infested ..mosquitoes, cockroaches ang rats, ang God knows what else.

But survive, the baby did.

Hanggang naging toddler. Patakbo- takbo sa stretch ng sidewalk sa lugar na yun. Darling siya ng mga tao dun. Mga pokpok, vendors, waitress, roomboys, maging ng mga passers by. Paminsa minsan lang magkasakit. Sabi ko siguro sa dumi ng paligid, mabilis ang development ng anti-bodies sa sistema ni Angel. Marami ang nagbibigay kay Angel ng pagkain. Sa tingin ko malusog ito, kahit may kaliitan siya para sa kanyang edad. Madalas kong nakikita ito na walang salawal. Minsan hubot hubad pa, gabi man o araw. Madungis. Madalas ding may sipon.May hawak na kung anu-anong pagkain.

Pag nagkikita kami ni Maricar, sampung piso lang ang inaabot ko sa kanya. Pagkain ang binibigay ko para kay Angel. Hindi pera. Wala akong tiwala kay Maricel at sa asawa nito.

Siguro, mahigit isang taon ko ng kilala si Maricar, bago ko nakita at nakilala ang “asawa” niya. Hanggang ngayon hindi ko alam ang pangalan nito. Wala akong interes na malaman.

Bagong laya sa kulungan ang lalake ng makilala ko. Payat ito, maraming tattoo sa braso. Labas-pasok sa kulungan. Snatching, hold up, at iba pang petty crimes. Tingin ko droga din ang bisyo nito. Sandali lamang makukulong kasi hindi na nagpapatuloy sa kaso ang mga biktima.

Walang ginawa ito kung hindi buntisin si Maricar.

Kuya ang tawag nito sa akin. Minsan siya ang may karga kay Angel. Kay Maricar ako nag bibigay ng tulong kung kailangan. Ewan ko lang kung binibigay niya ito sa asawa. Tang na.

Siguro mga ilang biyernes din akong hindi nakapunta duon. May KTV kasi na nagbukas malapit sa aming opis. Tapos busy pa kami sa trabaho. Napasama rin ako sa Hanoi, Vietnam para sa isang info exchange.

Kaya sabik ako sa bali-balita ng muli akong umistambay sa Cubao.

Nag pakopya muna ako ng susi sa isang shop dun. Duon ko nilapitan ng isang vendor. May hawak itong “yello pad paper” at ball pen.

“Kuya, abuloy ka”

“Bakit, kanino” Nabigla kong tanong

“Sa anak ni Maricar”

“HA? Si Angel”

“Oho”

“Bakit”

Sakit daw sa puso. Tang na, napakabata pa nun para magkasakit sa puso. Hindi ako makapaniwala, kaya nagtanong-tanong ako. Nalaman ko sa iba, lalo na sa asawa ng lalaking may pagawaan ng susi, ang nangyari kay Angel.

May infection daw sa lalamunan ang bata. Tumagal daw ng hindi naipapagamot, hanggang lumala, namaga ito at hindi na makakalulon si Angel. Nang dalhin sa ospital, bumaba na pala ang infection sa puso ni Angel. Huli na ang lahat.

Sa isip ko , palagi kasing marumi ang bata at kung anu-ano ang isinusubong pagkain, at mga bagay sa bibig. Pero naman, tonsillitis lang yan, kung naagapan lang yun ni Maricar, .antibiotic lang katapat nun.

Tutoong delikado ang may bacterial infection sa lalamuman, gilagid at ngipin dahil may chance na bumaba ito sa puso. Kahit pa sabihin mong bihira naman itong mangyari.

Alam ninyo ba kung ano ang nangyari makalipas ang ilang buwan ng magkita kami muli ni Maricar.

Ayun, buntis na sa kanyang pangalawang anak. Tang na.

--------------------------

Si “ Marie”

Ilang taon bago ko pa nakilala si Maricar ay kakwentuhan ko na si Marie. In fact siya yata ang una kong naging “kaibigan” sa lugar nay un. Bago pa lang kasi ako nuong tumatambay dun.

Nakalimutan ko na ang pangalang gamit niya sa kalye. Kaya tawagin na lang natin siyang si Marie. May tipo si Marie, in fact maaring sabihin maganda siya siguro nuong bata pa siya at hind pa nasalanta ng bisyo ang kanyang itsura. Maganda ang kanyang mga mata...parang bumbay. Maliit at bilugan ang katawan. Medyo kulot ang buhok. Isa siyang certified resident pokpok sa lugar na yun sa may Act theater. Duon siya nakatira kasama si anak na lalaking si “Utoy”. Mas natandaan ko pa ang pangalan ng anak niya.

Kalunos-lunos ang kalagayan ng mag ina. Pag walang customer si Marie, kung kani kanino sila naghahagilap ng makakain. Kay Utoy ako naawa. Nagpapalimos ito. Siguro mga pitong taon siya ng una kong makita nuong bandang 2006 or 2007. Hindi ito nagaaral.

Tuwa yan pag nakikita ako.

“Kuya” Sabay sahod ng kamay. Madalas tinapay o donut ang binibigay ko sa kanya. Minsan pera. Pero tinigil ko na ang pagbigay ng pera ng isumbog ni Marie na nag co-computer lamang si Utoy. Hindi ko naitanong kung na saan ang tatay niya. Pero ang tsismis ng ibang pokpok..anak daw sa customer. Pero may nagsasabi ring naging parausan ito ng isang pulis.

Minsan hindi ko maintindihan kung katangahan, o higpit ng pangangailangan ang dahilan kung bakit may nga ilanng pokpok na nabuntis ng kanilang customer.

Ito kasi ang nangyari sa pangalawang anak ni Marie.

Nang tanungin ko kung sino ang tatay ng pinagbubuntis niya ay sinabi niyang customer daw niya.

“O kala ko ba hind ka pumapayag pag walang condom” Tanong ko

Hindi raw niya namalayang inalis ng customer habang kinakantot siya at malapit na itong labasan. Shit.

Sa kalaye din ang lagpak ng anak ni Marie. Nakita ko itong pinagkakaguluhan ng mga pokpok at iba sa bangketa. Nakabalot ng kumot. Babae ang anak ni Marie.

Nakatutuwa ang mga tao duon. Ambag-ambag sila sa pagbili ng mga pangangailangan ng bata. Isang pokpok ang tumimo sa aking puso at isipang. Nagbigay ito ng 50 pesos pangdagdag sa pagbili ng gamut ng bata ng magkasakit ito.

At ano pa nga ba ang aasahang mabuti para batang nasa kalye, na ang ina ay patuloy na nag do-droga kahit buntis na.

Nang nabalitaan kong nasa East Avenue Medical Center daw ang bata. Pinuntahan ko duon si Marie at ang bata. Walking distance lang yun sa opis namin. Lumabas ako nuong lunch break. Makatawid kalye lamang ang Mercury mula sa amin kaya, bumili muna ako ng makakain ni Marie habang nagbabantay sa anak.

Pulmonya daw ang sakit.

Mga ilang araw lang ay balik kalye ang magina. Naawa rin ako kay Utoy. Lumalaki na ito pero out of school pa rin. Natututong gumawa ng kalokohan sa kalye. Bilib ako kay Utoy, mahal nito kahit iresponsable ang inang si Marie.

Si Aling Baby

Sa kanto malapit sa may Puregold ay ang puwesto ni Aling Baby. Sigarilyo, kendi at iba pa ang kanyang paninda. Sa kanya madalas iwan ni Marie ang bata. Kaya napadalas ang tambay ko sa puwesto ni Aling Baby na sa tanya ko ay mga late 40s na ang edad, malaki na raw ang dalawa niyang anak na lalake. May trabaho naman ang kanyang asawa.

Nakagiliwan ni Aling Baby ang bata. Siguro dahil na rin wala itong anak na babae. Minsan nag-aambag ako para pagbili ng gatas at tiki-tiki para sa bata.

Si Marie, tuluyan ng nagumon sa shabu. Pag walang pera, kahit rugby tinitira. Kaya sinira na nito ang kanyang disposition sa buhay. Minsan yan, inabot ko sa may Act theater nakasandal sa pader. Binati ko kasi kala ko nakatingin sa akin. Yun pala tagusan ang tingin sa akin. Bangang pala.

Minsan nuong nasa matinong pagiisip si Marie, kinausap niya ako tungkol sa kanyang anak. Na kay Aling Baby na raw ito at parang ayaw na itong ibigay sa kanya.

“Gusto mo bang kunin, Kaya mo bang alagaan ang anak mo” Ngumiti lang na parang tanga si Marie.

Nakausap ko naman minsa si Aling Baby. Bibinyagan na raw ang bata. Naayos na rin ang papeles, ang birth certificate. Anak na ni Aling Baby ang anak ni Marie. Gusto pa akong gawing ninong. Tumanggi ako.

Mabilis na lumipas ang mga taon. Si Marie, lumala . lugmok sa droga. Minsan nagtanong ako, kung nasaan si Marie. Nakakulong daw ulit.

“Ulit” Tanong ko.

Oo daw kasi kalalaya lang daw nito ng mang-snatch ulit ng cellphone.

Tang na.

Ang mabuti lang balita na nasagap ko ay ang tungkol kay Utoy. Ito ay mula mismo kay Marie bago pa ito nalugmok ng todo sa droga. Matagal na daw si Utoy center para sa mga batang lalake. Isang NGO daw ang kumuha dito. Nagaaral na Utoy. Minsan daw ay nadalaw ito ni Marie sa nasabing center.

Salamat naman. Teenager na ngayon si Utoy. Sana maging maayos ang kanyang buhay.

Ang anak pang isa ni Marie. Yung inampon ni Aling Baby.

Huli kong nakita tatlong taon na ang nakararaan. Nasa Act Theater ako ng lapitan ng isang pokpok.

“Kuya, andun yung anak ni Marie, kasama ni Aling Baby”

Paglapit ko sa puwesto ni Aling Baby, May nakita akong isang batang babae. Payat pero masigla. Malikot

“O ayan na anak ni Marie, ang laki na ano”

Sinenyasan ni Aling Baby ang bata na mag “bless” sa akin.

“Bless ka sa ninong mo, marami yang utang sa iyo”

Medyo nahihiyang nagmano sa akin ang bata. Magandang bata ito.

Ano kaya ang mamamana nito sa kanyang ina....sa amang hindi na niya makikilala kahit kalian.?

Inabutan ko ng 20 pesos ang bata.

Ayaw tanggapin. Mabilis na bumalik sa tabi ng kinalakihang ina.

“Hindi humahawak ng pera yan” Paliwanag ni Aling Baby

"Ganun ba” Iniwan ko na lang kay Aling baby ang pera.

Kumilos na ako para umalis.

“O paalam ka na kay Tito Jay”

Ngumiti lang ang bata.

“Pipi yan, hindi nakakapagsalita” Parang wala lang na sabi ni Aling Baby.

Tang nang buhay yan.

Posted in: One Night Stand