1. Home
  2. Stories
  3. House of Wive's
PSErotica

House of Wive's

3 minutes

Nakabasa ako ng isang english erotic story at nais kong gumawa ng sarili kong version sa tagalog, sana ay suportahan nyo ito. Tumatanggap din ako ng kahit anong klaseng comment. Enjoy!

THE CONTRACT

Mula ng ma-stroke ang asawa ni Kristine na si Boy ay unti-unti din nalugi ang kanilang negosyong hardware para maipagamot ang huli.

Matapos ang mahabang proseso ng gamutan at therapy ay 80% nang nakakarecover ang katawan ni Boy, ngunit hindi ang negosyo nila.

Si Kristine ay nasa 31 na taong gulang at may tangkad ng 5'9, at dahil sa wala pang anak ay nananatili ang kanyang magandang hubog ng katawan.

4 taon na ang nakakaraan mula nung magkasundo ang magasawa na gawing kumpleto ang kanilang binuong pamilya. Ngunit dahil sa nangyari kay Boy ay naudlot ito at hindi na nagawa pang maisakatuparan dahil sa sunod-sunod na problema. Lingid sa kaalaman ni Boy ay naroroon na ang pagkasabik ni Kristine magkaroon ng anak.

Isang gabi, hindi makatulog si Kristine kung kaya naisip niyang magbukas ng laptop at magfacebook. Unti-unti siyang nalibang hanggang sa di sinasadyang ma-click nya ang isang link mula sa mga comment. Nag pop-out ang isang website kung saan naroroon ang isang advertisement.

Isang reality game show na magsisimula 3 linggo mula ngayon. Malaki ang papremyo ng kompanya sa mga mapipiling makikilahok kaya naman napukaw ang atensyon ni Kristine.

Wala sa loob ni Kristine na kinuha ang contact number ng kumpanya bago i-close ang naturang window.

Makalipas ang isang linggo, dumating ang panibagong problema sa kanilang buhay mag-asawa. Ang natatangi nilang truck ay bumangga sa isang mas malaking truck kaya naman nasira ito kasama ang kanilang 2 trabahador na namatay. Kinakailangan nila ng malaking pera para sa damages at pati narin maipagpatuloy ang negosyo. Hindi maalaman ng magasawa kung saan kukuha ng pera dahil may utang pa sila sa bangko.

Doon pumasok sa isip ni Kristine na tumawag sa kumpanya ng reality game show na kaniyang nakita.

Agad naman siyang inasikaso ng nakasagot sa linya at binigyan ng appointment para sa kinabukasan.

Nakuha ni Kristine ang mga detalye at umuwi sa kanilang bahay na may tanaw na pag-asa. Nasasabik siyang sabihin sa asawa ang lahat ng kanilang napagusapan ng ahente ng naturang show.

Makalipas ang 1 linggo ay pumirma na silang mag-asawa ng kontrata at nakatanggap ng P1,500,000 bilang paunang bayad.

Nakasaad sa kontrata na, mula sa simula at hanggang matapos ang reality game show ay maninirahan si Kristine sa facility ng kumpanya, maliban na lamang kung magkakaroon ng paglabag si Krisitne sa buong kuntrata. Nakasaad din doon na mananatiling lihim ang proyekto hanggang sa maisaere ito. Lahat ng nasa kontrata ay tanggap ni Boy maging ang pagkakaalis sakanila ng kanilang komunikasyon habang nasa facility si Kristine ngunit ang naging malaking kwestiyon sakanilang magasawa ay ang nasa gitnang bahagi ng kontrata na LAHAT ng ipagagawa kay Kristine sa loob ng facility ay kinakailangan nyang gawin ng walang pagtutol.

Bagaman may alinlangan sa isang parte ng kontrata ay pinirmahan parin nilang magasawa dahil sa pera at sa maaaring kitain ni Kristine sa loob ng laro.

Sa isip-isip ni Boy ay " kunsabagay, kaya nga game show eh, talagang may mga ipagagawa sa iyo ".

Itutuloy ko po sa lalog madaling panahon.

Posted in: Hot Wife