1. Home
  2. Stories
  3. It's always the quiet one. Part 6 (Break the silence!)
PSErotica

It's always the quiet one. Part 6 (Break the silence!)

16 minutes

One! Two! Three! Four!
Hampas ko sa stick ng drums bilang hudyat ng pag intro. Almost a week na kami nagpapractice ng mga kaklasi ko na naka-assign sa music para sa Acquaintance-slash-Farewell party ng school namin. Nakakatawa na Acquaintance-slash-Farewell party ang tawag ng school namin sa event na yun. Para bang tanggap na nila na may mga magsisi-alisan sa school dahil sa mga hindi nameet na expectations or bad impressions nila sa school. At the same time, siguro etong party na’to din ang alas nila para makumbinsi ang mga estudyante na enjoy at “fun” ang school namen.

Ok narin pagkakasabit ko sa grupo nato, at least nabawasan ang pagiisip ko sa problema ko kay Maricar ..at kay Ann. Sakto din naman na may pagka-goth/emo yung theme ng party, so majority ng kanta na napili namin ay rock/post-hardcore. As much as possible pinipilit namin makopya yung bawat kanta kahit medyo hirap ako since natuto lang naman ako magdrums dahil sa panonood sa mga marunong at saka sa mga cover sa youtube.

Ako: Tol, ano pede ba natin isingit yung suggestion ko? ok lang din naman kung hindi
Jared: Oo tol, para din may konting break tayo sa party tol

Bali anim kaming tutugtog. Si Jared, sya ang lead singer or vocalist namin, natugtog din sya ng gitara. Si Kevin bass guitar, sya yung madalas ko kashare ng mga kwento at problema kay Maricar (pero di ko pa nasasabi sa kanya yung kay Ann) at nakakaclose ko nadin dahil sa samut saring katarantaduhan na napagtripan namen gawin sa buong linggo. Si Anthony sa acoustic guitar at backup/second voice. Si Danny backup singer at sa unclean vocals (scream at growl, yes sa ilang part meron nun), siya din ang joker lakas punas sa grupo, madalas random stuffs ginagawa nya. Si Marvin naman sa keyboard at tech guy namin. Ako sa drums. Pasok naman ako sa grupo, sa totoo lang dito lang din kame nagkakila-kilala, kase bukod sa kopyahan ng sagot sa classroom, wala naman talaga nagbibigay oras para maging magtropa or magkakaibigan mga classmates ko. O kaya pag may inuman, ayun magkakaclose sila, after nun balik sa dati haha :D

Nagrequest ako ng special number kay Jared, na kung pede magperform kaming dalawa ng kanta para kay Maricar, humingi ako ng tulong sa kanya kasi gusto ko ipakita kay Maricar sincerity ko. Gusto kong magka-ayos kami, gusto ko magsorry sa kanya. Gusto kong maging akin sya, but this time hindi dahil sa katawan nya, pero dahil mahal ko sya. Gusto ko ipakita sa lahat na nageeffort ako sa kanya.

Kahit saka ko na muna ayusin ‘yung pagkakamali ko kay Ann. Well, I tried talking to her, but to no avail, ni hindi nya ako pinapansin. I even offered to help her with some of our projects just to make it up to her, pero malayo loob nya. Anyway, di din ako updated kung aattend sila sa party ..sa isang hotel kase gaganapin yung party at medyo malaki ang gastos, buti na nga lang at sagot na ng school ang mga organizers at staffs (kasali kami dun dahil kami tutugtog) kaya makakasama ako. Pero sana at least, si Maricar ay sumama.

A day before the party at halos wala na ginagawa sa school, kakatapos lang din ng finals kaya hayahay na talaga. After neto, pag nakalampas itong panahon nato, malabo na ang chance na magkaayos kami ni Maricar, pede sya magtransfer sa ibang school.

Nakasubsob ako sa armchair sa room namin, nakasaksak earphones ko at nakapikit ako, pinapakinggan ko yung mga kanta na tutugtugin namen para di ko makalimutan. Oo makakalimutin ako lalo na sa style ko ng pagtugtog. Lalo na pag kinakabahan. At kaharap sa madaming tao. Tanda nyo bang tahimik lang ako at hindi mahilig sa human interaction? Lalo na magpe-perform pako. Pede naman akong tumanggi nu’ng una pero naisip ko na para kay Maricar ang gagawin ko, at para narin sa sarili ko. Gusto ko na mawala pagiging mahiyain ko.

May naramdaman akong tumatapik sa balikat ko – si Grace, class president or class representative namen, di ko sure di ako nakikinig nung nag eleksyon ..or kung eleksyon nga ba yung ginawa nu’ng start ng semester..

Grace: Nasa faculty ako kanina, nakita ko lahat ng paper works mo saka yung sinubmit mo kay Ms. Malen (prof maarte). You’re not getting the right credits. Bakit mo hinahayaan?

Wika nya habang umuupo sya sa tabi ko. Wala pako sa wisyo para magsalita at wala din ako naiintindihan sa mga sinabe nya.

Ako: Ha?
Grace: Sabi ko, bakit sa evaluation ng mga prof natin, hindi ganun kataas ang grades mo? Hindi justified ng dos ang grades mo kung susumahin pero kay Ms. Malen 2.25 lang makukuha mo, kung tutuusin isa ka dapat sa mga top students.
Ako: Ha?? *long pause dahil di ko pa din gets* Baka dahil sa recitation po ..at class participation..

Mababang tono na sagot ko..di ko din alam sagot sa tanong nya pero wala din naman akong planong magreklamo sa grades ko. Napalingon ako sa classroom at di pala ganun karami ang pumasok ngayon.

Grace: Unfair naman yung ganun ..’yung mga hindi naman talaga interesado sa subject ay desente ang grades dahil lang sa kaclose nila ang mga prof or active sila sa klase kahit di naman talaga ganun kaganda ang records nila. Teka nga, kilala ka ba ni Ms. Malen?
Ako: Ewan ..
Grace: Diba kayo nila Joy, Maricar at Ann ang magkakagrupo sa subject nya? bakit magkakalayo grades nyo?
Ako: *semi-long pause* E-ewan?

Sabay tindig nya saka ako hinila – napilitan ako tumindig at sumunod nalang kesa mawalan ako ng balanse at tumaob. Wala akong clue anong plano nya at san nya ako dadalhin. Pagbukas nya ng pinto, kala-kaladkad nya ako paakyat ng hagdan, di maiwasan na hindi ko makilala ang nakaupo dun, nadito pala si Maricar, kasama yung iba naming kaklase. Nakatingin sya sakin na may kasamang pagtataka at inis. Mabilis nyang inialis ang pagkakatingin sakin at bago pako nakapagsalita ay nahila nako ulit ni Grace. Gusto ko kumalas, gusto ko sya kausapin. Pero nakita ko paglingon ko ulit sa kanya ay tumindig na sya at bumaba. Sumunod nalang ako kay Grace.

Dinala nya ako sa faculty, pagpasok nya duon ay iniwan nya ako sa may pinto. Kinakausap nya si Ms. Malen, at medyo nagtataka ang reaction ng mukha ni ma’am. May inabot sya sa table nya, at sinenyasan ako lumapit.

Ako: Ma’am bakit po?
Ms. Malen: Anu’ng pangalan mo iho?
Ako: Marco po. Marco Hernandez po.

May pinakuha si ma’am na papel dun sa may parang aparador malapit kay Grace, at pinabigay nya sakin.
Ako: Ma’am ano to?
Ms. Malen: Pakisagutan bawat first 5 questions iho,,

Kung maka-iho si Mam parang antanda na nya, pero kung tama pagkakatanda ko sa age nya nung 1st day ng sem, e nasa 27 ata or 28 lang si mam...27 ata..27 nga ata. Weird.

Sinagutan ko ‘yung lahat ng questions, bale 20 questions kase may 4 na part yung exam paper. Tapos nun pinaexplain sakin ni ma’am yung codes ko. Ginawa ko naman lahat, sa abot ng alam ko. Nagtataka ako, pero mukhang mas nagtataka si Mam, dahil nakita ko syan napakamot sa ulo nya.
Ms. Malen: iho, alam mo bang estudyante pala kita?
Ako: Ha? Ma’am opo.

Nakakapagtaka kase parang baliktad, sya ba alam ba nyang estudyante nya ako?

Ms. Malen: iho akala ko nakikisit-in ka lang sa classroom. Ikaw pala yung Hernandez, akala ko nangongopya lang yun kila Ann. Ikaw pala ‘yun?

“WHAT THE FUCK MA’AM?? WHAT THE ACTUAL FUCK MA’AM ?” Tanong na paulit ulit kong iniisip habang sinasabi ni Ma’am. Anyway, understandable nga naman, wag bigyan ng grades yung mga suspicious na estudyante.

Ako: Opo ma’am. *kalmado kong sagot kahit kanina pako napapasigaw ng WTF MAM sa isip ko*

Ako: Uhhh..ma’am excuse po muna ..Grace (bating pamamaalam)

Nagdiretso ako sa 5th floor ng school. Sa parang balcony sa labas ako tumambay. Pasak earphones. Ngayon ko lang na-realize, wala pa akong buong plano para sa future ko, para kay Maricar. Ano mangyayari kapag pumalpak ang plano ko sa party? Pano pag di sya umattend.

Nagvibrate cp ko at panandalian na-interrupt yung pinapatugtog ko, may nagtext. Pinapapunta ako ni Jared sa studio ng katropa nya para sa last rehearsal namin para bukas. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, nakipagunahan pa nga ako sa ilang estudyante. Nadaanan ko si Grace, saka ko lang napansin na may ibubuga din pala si class president...ermm..representative ..o kung ano man sya.

Paglabas ko ng school nakita ko si Maricar na sumakay ng tricycle at may kasama sya sa loob .. na lalaki ? Di ko namukhaan kung sino. Pero .. masakit. Di ko alam kung ano meron, wala din ako basehan na manliligaw nya yun or napalitan na ba nya ako kagad. Pero sigurado ako...ang sakit. Wala man sa mood e tumuloy pa din ako magpractice.

Naglalakad nako papuntang studio ng tumawag si Jared.
Jared: Tol, asan ka na?
Ako: Malapit na, bakit?
Jared: Tol, available kaba magovernight na din?
Ako: Ha? Bali 2 days na overnight tayo?
Jared: Oo tol! Samin na tayo matutulog.
Ako: E ano, pupunta pako dyan o uuwi na muna ako para kuhanin gamit ko sa bahay?
Jared: Oo tol, wag mo kalimutan yung gagamitin mo sa party! GE tol!
Ako: Ge.

So, sakay nako ng jeep. Uwi samin. Kumain ng hapunan at nagpaalam kila nanay. Hingi ng budget, in case lang. Balik kagad, inabot ako ng isa’t kalahating oras sa pagbyahe bago makapunta ng studio. Medyo may kalayuan kase yung samin, pero at least isang sakay lang ng jeep tapos walking distance na.

Pinasadahan lang namin yung ilan sa kanta na medyo hirap kami, after nun naginuman na. Yun pala talaga ang plano nila. Ang pasimuno? Sino pa edi yung tarantado kong tropa na si Kevin.

Ako: Di ba ‘to makakasama para bukas?
Kevin: Gago, diba mahiyain ka?
Ako: Oo nga pero, ang magperform ng lasing o may hangover?
Kevin: E ano mas gusto mo, mapahiya habang hulas ka o yung may palusot kang lasing ka?
Jared: Hahah! oo nga naman pre!
Kevin: Saka pampatanggal din ng nerbyos dre haha
Ako: Ewan ko sa inyo haha bahala kayo
Kevin: Gago papasalamatan mo din ako

Masaya kaming naginuman. Medyo nakakalimot ako sa sakit na nararamdaman ko, sa nakita ko kanina. Sa kasama ni Maricar sa tricycle.

“Bili tayo ng madaming alak, wag tayo magpahulas ... tara magperform ng lasing – pero wag din kayo masyado magpakalasing at baka dun pa tayo magkalat..ano? deal?” Katarantaduhang suhestyon ni Danny. Pero gusto ko suggestion nya.

Nagkatulugan kame sa kalasingan, pero masaya sa dami ng jokes, ng mga kwento ..mga ambisyon sa buhay, para bang magkakaclose na kagad kami kahit mahigit isang linggo palang kame magkakakilala.

At dahil tuloy ang plano, umagang umaga, pagkatapos kumaen ng umagahan e alak ang iniinom namin. Pero hindi yung level na pang inuman na lasingan, kumbaga parang tama lang na hindi kami mahulasan.

Dumating na ang hapon, tapos na magsetup at tumutugtog-tugtog kami ng ilang instrumentals habang nagaantay ng mga aattend sa party, bilang warm up at pampatay sa dead-air .. medyo mabigat ang instrumentals namin, pero enjoy kami. Feel lang namin ang ginagawa namin.

Ms. Grace: Hello? Test mic, one two three... Ehmm.. Hello and welcome students, *bla bla bla*

Ayokong nakikinig ng mga welcome remarks or kung ano man haha. Pero napako ang pagkakatingin ko kay Maricar, katabi nya si Joy..di ko alam si Ann kung umattend. Si Maricar.. She’s..She’s beautiful, perfect, trip na trip ko ang porma nyang may pagka-goth ..sakto sa hitsura ng isang punk and yet cute na magandang dalaga .. and yet, misteryo parin sakin sino kasama nya sa tricycle kahapon.

Nagpatuloy na sila sa program nila, hanggang sa natapos na sila sa mga ka-eklatutan nila. After ng program nila, dahil past midnight na ang una sa playlist namin ay sobrang siglang kanta para buhayin dugo ng mga chupols na estudyanteng inaantok na. Magsisimula palang ang party!

“Oneee! Twooooo! Threeee! Fourrr! (All the things that she said, was it all in my head?)”
“Come on, baby, Keep it down. Honey, hush your lips!”
“ Clothes trailing from the backdoor to the bedroom and I don't even know your name.”
Hiyawan at kantyawan ang mga audience. Napaka-sexual na kanta ang intro namin. What the fuck, right? Ibinase namin ang kanta sa theme ng party sa age namin. At syempre, sure-bol naman na may nakashedule na magkangkangan sa mga yan after ng party.

Syempre may halong mellow or slow rock ang playlist namen, para sa mga lovebirds na gusto magsayaw ng sweet. Salitan ang rakrakan at slow/sweet songs.

Nung medyo ngalay nadin kami. Oras na para dun sa plano ko kay Maricar. Nagpahinga ang grupo, then kumuha ako ng acoustic guitar ..inayos yung upuan at stand ng mic, kasama ko si Jared na tutugtog. Acoustic part muna kami.
Salamat sa tarantadong si Kevin dahil lango parin ako sa alak kaya may lakas ako ng loob magsalita sa unahan.

Ako: Ughh..Hello guys ..acoustic muna tayo ...etong isang to *wooooooooo sigaw ng mga nakainom na din na mga estudyante, kanya kanya kasing bili ng alak, di pede makialam ang school pero allowed* ay, teka di pako tapos ..haha ..etong isang to, ay para sa mga may problema sa lovelife .. or something like that ..haha

“When I was younger I was certain
That I'd be fine without a queen
Just a king inside his castle
With an ocean in between
Now all I do is sit
And count the miles from you to me
Oh, calamity ..”

Oh Calamity – by All Time Low ang choice kong kanta para kay Maricar .. tuloy ako sa pagkanta, and to be honest binabaan namen ang tuning nu’ng kanta para makanta ko ng ayos.. di naman kase ganun kaganda ang boses ko, haha. Panay ang titig ko sa table nila Maricar ..iniisip ko sya ..iniisip ko na sana naiintindihan nya gusto ko iparating sa kanya..

“It's such a shame that we play strangers
No act to change what we've become
Damn, it's such a shame that we've built a wreck out of me
Oh, calamity
Oh, calamity”

Naalala ko pano nya ako tratuhin. Naalala ko, kahit di ako sigurado nu’ng mga panahon na yun kung ano nararamdaman ko para sa kanya, pero naaalala ko na naging masaya ako sa kanya ..sa mga pinagsamahan namin..

“If I catch you on the corner
Will you even know it's me?
Will I look familiar to you?
Do you offer me a seat?
Can we find a new beginning?
Do you turn the other cheek?
Oh, calamity”

Naalala ko nu’ng unang beses na ginising nya ako samin. Na siya ang una kong nakita pagkagising ko... na nagulat pa ako bakit sya nasa kwarto ko .. bawat linyang binibitawan ko, siya ang nasa isip ko.. miss ko na sya ..miss ko na si Maricar ..

“Oh, calamity
Oh, calamity
Oh, calamity
Come back to me ....”

Sa huling linya ng kanta, nakatingin ako sa kanya ..mata sa mata, Maricar, sana maramdaman mo na para sayo itong kantang to ..nagmamakaawa ako sayo, sa harap ng maraming tao ..isang bagay na bagong bago sakin, sa kabila ng pagiging mahiyain ko, pinilit ko magawa para sayo. Sorry na ..bumalik kana sakin, patawarin moko ...magbabago nako .. para sayo ..para satin ..

*Whooooooooo! WHOOOOOGOOOOOAAAAAT!* Kantyaw at sigaw ng mga estudyante ..

Ako: Thank you. At para ‘yun sa mahal kong si Maricar-

O___O
Nadulas ako. Nasabi ko. Sa harap nilang lahat.
*WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!*
Sa kabila ng mellow/sweet na kanta, nabuhay ang dugo ng mga estudyante. Basta talaga lovelife ang pinaguusapan, buhay dugo ng kabataan.

Nagpatuloy ang gabi, ang tugtugan..ang kasiyahan, ang inuman.. sa huling kanta namin, courtesy ng kagaguhan ng tropa kong si Kevin, Kasalanan -by- 6Cyclemind ang tinugtog namin ..para daw samin ni Maricar ..

“Patawad ay isang salitang animoy isang parusa itoy
Sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
Maibabalik ang dating pinagsamahan parang putik sa
Mukha na pinahid ng pabalang.”

Kinanta nila ng may meaning, as if sila ang nagsasabi para sakin..

“Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siyay bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit na pang huling butil ay iaabot sa iyo.”

Sa part na ito ako ang tinatamaan ..pero alam ko namang para samin ‘yung kanta ..masakit pero totoo din naman, at lalo na ako ang may kasalanan..

“Paulit ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan
Mo sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko
Hinanap ko ang tunay na sarili ko nakita ko nalaman ko
Ito ay nasa piling mo inipon ang lahat ng aking lakas
Ng loob ngunit bakit parang di maganda ang
Aking kutob.
Nilapitan ka at pilit na tinitigan sa mata
Akoy nagdarasal na sabihin mo saking pwede pa
Ikay hindi kumikibo at parang lumalayo tila pagibig
Mo sa kin tuluyan na natuyo”

Ilang beses namin pinractice ang kantang yan. Pero ngayong gabi, sa huling pagperform namin neto..para akong nahulasan bigla ..

“Pagibig mo sakin tuluyan ng natuyo..”

Natakot ako. Pano pala pag huli na? Sana huwag.

Lagpas 3:15am na ng natapos kami tumugtog, inayos namin instruments at hinayaan nalang mag mp3s at yung DJ nalang magtake over sa music. After namin mag ayos, pilit ko hinanap si Maricar, pero di ko sya makita. Hinanap ko sya sa hotel, pero di ko makita, kaya nagpunta ako sa lobby at dun nagtanong. Ayaw pa sabihin sakin nung nasa frontdesk ata ang tawag dun, pero nung sinabi kong isa ako sa staff ng school at estudyante ng school ang hinahanap ko, nalaman ko saan at anung room number inoccupy niya.

Nagtungo ako sa room niya, pero nakalock. Bumalik ako sa front desk, para humingi ng susi, pero ayaw nung staff at hinanapan nya ang ID patunay na staff ako ng school. So pinakita ko ID ko, buti nalang talaga kasama ako sa napa-assign music considered na staff ako :3

Agad ako bumalik sa room ni Maricar, gusto ko sya makausap. Kahit na nakainom ako, tingin ko nga mas ok na lasing ako ..sabi nila, sincere daw mga lasing at maimpress ka daw pag may nagsabing mahal ka nila habang lasing sila ..kase sa kabila ng epekto ng alak sa utak, ikaw parin ang iniisip nila ..

“Ahhhh ahhhh ...aaaaaahhhhh”
Ga-...ga—ganan ang malanding ungol ni Maricar pag sarap na sarap sya sa ..
“Aa-ano ‘tt-to’ !?” Mautal utal at putol putol kong sabi habang may lalaking nakapatong kay Maricar. Tumingin sya sakin na parang sinasabi ng mata nya na nag eenjoy sya. Napatigil yung lalaki sa gulat, pero yumakap sa kanya si Maricar at nagsimulang gumiling para ipagpatuloy ang paglabas pasok ng titi nu’ng lalaki sa puke nya.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Di ko alam ang gagawin ko. Di ako makakilos. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Sobrang sakit. Sobra!

Napaatras ako sa pagkakatayo ko. Hinigit ko pasara ang pinto para di ko na sila makita. Bago sumara ang pinto, tumingin sakin si Maricar ..walang pagsisisi ..walang pagkagulat. Ang sakit.

Posted in: College