1. Home
  2. Stories
  3. E.23: Sinner
Filipino Sex Stories

E.23: Sinner

20 minutes
Nanginginig ang kamay ko, hindi makakurap ang mga mata habang kapwa kami nakatitig sa strip. Kahit alam ng lahat ang ibig sabihin ng dalawang linya, binasa ko pa ulit ang packaging to check kung tama ba ang pagkainterpret ko. 'Two lines mean the test is positive', sabi sa kahon. Shit. Buntis nga ako.

Hindi pa man ako nagtetest ay may mga napapansin na din akong kakaiba sa katawan at pakiramdam ko. Bukod sa for the first time eh I skipped a period, I noticed na parang makirot ang boobs ko na maga, nangapal din yung guhit sa ilalim ng puson ko na para bang nagkalaman. Bukod sa madalas akong mahilo, parang lagi din akong gutom, pagod at inaantok.

Nung una, I was in denial. Dinismiss ko na wala lang ang mga nararamdaman ko, pre-menstrual symptoms lang siguro, magkakaron na kasi ako any moment. Pero yun nga, dalawang linggo na kong delayed, wala pa din, hanggang sa makompirma kong nagbunga nga ang kapusukan namin ni A.

"Love, please, please, hindi pwede to! Huhuhu…" palahaw kong apela kay A, di mapatid-patid ang paghagulgol ko, habang sinusuntok ko ang aking puson.

I was only 19. Aware sya kung gaano kahigpit ang parents ko, kung gano kataas ang expectations sa akin bilang panganay. Kaya nga naiintindihan nya kung bakit bagaman nasa tamang edad naman na ko para magkanobyo eh patuloy kong inililihim ang tungkol sa amin.

Kung hindi ako irregular student, intern na dapat ako that time, isang sem na lang sana and I'm done. But since may dinrop akong subjects earlier, nadelay ako ng isa pang taon, tatapusin ko pa yung school year na yon bago pa lang ako makakapag-internship.

My mom got pregnant at 19. Legal ang relasyon nila non pero malaking disappointment pa rin sa both sides syempre. Napilitan sila mag-asawa ng maaga, temporarily tumigil sya sa pag-aaral. I'm the eldest but I wasn't the result of that pregnancy, but a still birth, siguro dahil maaga nga nabuntis. Madami silang sinuong na hardships sa buhay, nahirapan din sya pakisamahan ang pamilya ng dad ko dahil sya ang nasisisi sa maaga nilang pag-aasawa. Even yung mga marital problems nila later on, niruroot nila lagi sa maaga nilang pag-aasawa. Natali na daw kasi sila sa isa't isa imbis na nakakilala ng mas compatible sa kanila.

Eventually nagkaanak sila ng tatlong babae and we grew up na dinidikdik sa utak namin na wag na wag magboboyfriend dahil tiyak na hahantong sa maagang pag-aasawa. Di nga sila nagkamali.

Bigong-bigo ako sa sarili ko. Ako ang panganay, tapos I will suffer the same fate? Tiyak papatayin nila ko. Galit, disappointment, sumbat. Kakalbuhin, patitigilin sa pag-aaral, and worst, ilalayo kay A. Hindi ko kaya!

Naisip ko non, sana yung kapatid kong next sa akin, yung 2nd year HS pa lang nagboboyfriend na, sana nauna syang mabuntis para less na sana yung impact kung ako din mabuntis, kaso hindi eh.

I grew up from a dysfunctional family. Mukha kaming ok sa ibang tao, pero napakaraming conflicts. A womanizing husband, a nagging wife, sibling rivalry, parent-child conflicts, domestic violence, emotional and verbal abuse, rampant fights – kaya I hated being at home. I hated my family. I grew up na ang pinapangarap ko lang eh makaalis sa impyernong bahay na yon.

I was one a half year from graduation, pano ko bubuhayin ang anak ko kung sakali? Naisip ko ding magtanan kami ni A, but he was just starting in life, I know hindi pa sya stable that time. And pag ginawa ko yon, for sure hahanapin din ako ng mga magulang ko at paghihiwalayin kami lalo. So matatrap ako sa impyernong bahay na yon, patuloy na aasa sa kanila, and will suffer the wrath of my disappointed folks. Sa totoo lang, mas gusto ko pang magpakamatay na lang kesa magkaganon.

Imagine, ni hindi nga nila alam na meron akong boyfriend, paano ko magagawang umuwi samin at sabihing buntis ako?!!

"Please Love, sana maintindihan mo ko, hindi talaga pwede to eh! Not now!" patuloy kong pagsusumamo kay A. Worried ako na baka iinsist nya sakin na magtapat kami sa parents ko. No! Hindi pwede!

"Shhh… sige sige, tama na iyak. Naiintindihan kita Love. Sige gagawan ko ng paraan."

Lumipas ang mga araw and we tried to go on with our usual routine habang nag-iisip ng gagawin. Hindi ako makapagfocus sa pag-aaral, laging malayo at malalim ang pag-iisip ko. Sobrang nagi-guilty ako sa gusto kong mangyari, nagdadalawang isip pa din ako kung itutuloy ba talaga namin. Iniisip ko ang lahat ng possible outcomes hanggang sa I made up my mind, kailangan nya talagang mawala.

I felt pressured sa bawat lumilipas na araw. Habang mas tumatagal, alam kong mas nafoform. They say na sa umpisa dugo pa lang naman, hindi pa bata, kaya mas less yung guilt the sooner na magagawa namin ang plano. But religion has taught us na mali yon, that life begins at the moment of conception. At that time, sinet aside ko na muna lahat ng religious beliefs at guilt feelings na meron ako. Oo, I'm about to commit a grave sin, napakasama ko! But I've made up my mind, kailangan nya talagang mawala.

Sinusuntok ko ang tyan ko, nagtatatakbo, nagtatatalon, kulang na lang siguro magpatihulog ako sa hagdanan. Parang I heard before, not sure lang kung saan, na you can take an aspirin and softdrink together. I tried that too pero lahat walang effect.

Hanggang sa sinabihan ako ni A na nakapagtanong-tanong na daw sya ng gagawin, may pupuntahan daw kaming hilot, referral daw ng kasamahan nya. Akala ko dati ang mga hilot, pilay lang ng bata ang ginagamot, nag-aalis din pala ng bata.

"Love sure ka na ba talaga dito? Nakasuporta lang ako sayo ha kung ano ang gusto mo. Pwede pa magbago ang isip mo." bulong sakin ni A habang nasa taxi kami papunta sa hilot.

Hindi ako sumagot, piniga ko lang ang kamay nya. Wala ng atrasan to.

Hinawakan ng ale ang braso ko at pinulsuhan. Magtatatlong buwan na daw. Hindi na daw sya naghihilot ng buntis beyond 3 months dahil sa paniniwala nya, tao na daw yon. I know for a fact na mali sya, first period pa lang naman ang na-skip ko kaya imposibleng almost 3 months na, baka nagpapataas lang siguro sya ng presyo.

Pinahiga ako sa parang papag, pinatanggal ang pantalon ko kaya nakapanty na lang ako, tinabunan ako ng kumot ng ale. Nakaupo si A sa silya sa tabi, hawak-hawak ang kamay ko.

Nagpahid ng langis ang lola sa mga palad nya at sa puson ko. "Tiisin mo lang iha ha, masakit to." Tumango lang ako habang madiin na nakapikit.

Inumpisahan nyang hagurin ang aking puson, mabigat at madiin na hagod, napapadiin lalo ang pikit ko at pagkakakapit ko sa kamay ni A.

Ilang minuto din nyang hinilot-hilot ang puson ko, padiin ng padiin. Then mula sa puson, mas idiniin nya ang pagtuon sa guhit sa ilalim ng puson ko, dun ang talagang masakit na. Dinidiinan mabuti, dinudurog ng husto ang laman sa ilalim non. Kulang na lang ata lumusot ang kamay nya sa balat ko at tumagos sa laman. Walang pakialam ang ale sa reaction ko, hindi sya natitinag sa mga daing.

"Ahhh!!! Loooveee! Ughhh ang sakiiit!!" pagsusumamo ko kay A. "Ughhh… please, tama na po!!!"

"Tiisin mo lang iha, hindi ko na to pwede itigil."

Sobrang sakit, tumutulo ang luha ko sa kirot at matinding pagkakunsensya. Hindi nagmemenor ang manghihilot. Kahit napapaahon na ang katawan ko sa kirot ng paghilot nya sa ilalim ng puson ko, mas lalo pa nyang idinidiin. Pakiramdam ko pinarurusahan nya ko.

"O Love!" basag ang boses ni A habang pilit akong inaalo. Sobrang diin na ng pagkapit ko sa kanya. Kitang-kita nya ang hirap ko, alam kong awang-awa sya sakin.

Mga 15 to 20 minutes akong hinilot, sobrang sakit, pakiramdam ko lamog na lamog ako, hinang-hina.

"Mamayang gabi o hanggang bukas, duduguin na sya. Kapag hindi, bumalik kayo sa isang araw at uulitin natin." bilin ng manghihilot kay A.

Hindi ako dinugo. Nagkaron ako ng konting spotting pero walang flow, alam kong hindi umubra.

"Love baka nakakapit talaga, baka dapat ituloy na lang natin yan."

Knowing A, alam kong mas gusto nya na ituloy ang pagbubuntis ko. Alam kong napipilitan lang sya na umayon sa naging decision ko.

"Love hindi na pwede eh, tapos kong magpahilot, baka magkaside effect yon, lalo lang kawawa." Pananakot ko sa kanya para wag sya bumaligtad sa gusto ko mangyari.

Hindi na sya nakipagdiskusyon. Pinapili na lang nya ko kung babalik pa kami dun sa manghihilot o hahanap ng ibang paraan. Duda na kako ako sa hilot, nag-aaksaya lang kami ng araw at bayad don. Ok daw, meron pa daw syang napagtanong na isa pang paraan.

Kinabukasan, ihahatid na nya ko sa school ng pumara muna kami sa Quiapo. How ironic na kung saang lugar nag-umpisa ang kamunduhan namin ni A noon, don din kami napadpad kahahanap ng escape sa naging bunga.

Sa bangketa, makikita mo ang mga vendor ng mga sari-saring halamang gamot, may mga bote pang may nakababad na kung anong ugat at may label na 'Pampa-regla'. Wala naman akong balak inumin yon, di yun ang pakay namin.

Totoo nga, ni hindi mo na kailangan magtanong, sa profiling pa lang nila ng pedestrian, aalukin ka na agad ng mga vendor, alam nila agad ang hinahanap mo don.

"Miss halika, halika. C****** ba? Halikayo dito." Agad naman namin sya nilapitan at sinundan sa isang pasilyo para hindi gaano daanan ng tao.

"Ilang buwan na ba?" tanong nya sakin habang may kinukuha sya sa isang pouch.

Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kanya, lutang pa din ang isip ko. Binalewala na lang ng ale ang di ko pagtugon.

"Oh eto, ganito ang gagawin nyo..."

May inabot syang banig ng gamot at maliit na papel ng hand-written instructions. Langya, readyng-ready. Nakalagay doon kung ilang tablets ang iinumin at anong oras.

"Meron dito, kailangan ilagay ang tableta sa pwerta nya kaya tutulungan mo sya, kailangan isabay nyo pag nag-ano kayo, siguraduhin mong maiiwan sa loob." bilin nya kay A. Matapos magbayad ay hinatid na nya ko sa school.

Nakaplano ng di ako uuwi ng araw na yon, ginawan ko na lang ng palusot as usual. Sa apartment nila ako mag-oovernight para magawa na namin ang proseso. Para matapos na.

"Anak, I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako!" bulong ko sa isip habang lumuluha kong tinake ang unang tableta. Sinunod namin ang lahat ng instructions at schedule sa papel na binigay ng ale.

Nagising ako hatinggabi na may kakaiba sa pakiramdam ko, hindi ako naiihi pero parang mabigat na mabigat ang pwerta ko, parang may sasabog. Wala si A sa tabi ko, baka bumaba para mag-CR kaya sinundan ko sya.

"Love? Asan ka, bilis!" tawag ko sa kanya habang bumababa ako ng hagdanan, maingat ang paghakbang ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako pababa, akmang sasalubungin ako ni A ng umagos na ang dugo sa mga binti ko at bumulwak sa hagdanan. Hindi ko na napigil, para akong naihi ng dark red na dugo, ang dami.

"Looove!" Nahilo ako bigla sa nakita at sa takot, nagkalat ang dugo ko sa hagdan.

Nagmamadali akong sinalo ni A at inalalayan papunta sa CR, tuloy ang pagtulo ng dugo sa nilalakaran ko.

"Love ok ka lang ba?!" Tumango lang ako habang nakaupo sa bowl.

"Dito ka muna ha, lilinisan ko lang yung hagdan baka may magising." Worried sya na baka magising sa commotion namin ang pinsan nya na natutulog sa kabilang kwarto.

Humahagulgol ako, alam kong naganap na. May relief man na finally ay dinugo na ko, sobrang kinakain ako ng kunsensya ko sa napakalaking kasalanang nagawa ko.

Nagpa-abort, nagpalaglag, pumatay ng inosenteng bata. Writing this post, hirap na hirap akong gamitin yang terms na yan, di ko maatim banggitin at i-type pero yun naman talaga ang totoo.

Sobrang lakas ng bleeding ko, ni hindi aabot ng 30 minutes ay makakapuno ako ng isang pad kaya baby diapers na ang ginagamit ko as pads para medyo mas malaki ang capacity.

Nagpumilit pa rin akong pumasok ng school kinabukasan. Iniinsist ni A na dadalhin nya ko sa ospital dahil sa lakas ng bleeding ko pero di ako pumayag. At pag ayaw ko, ayaw ko, wala syang magagawa. Naisip ko nun, kung mamamatay ako dahil sa side effect ng ginawa ko, so be it.

Pumasok nga ako, andami kong baong diapers, meron din akong extra uniform just in case. Nagbuhol na lang ako ng dark jacket sa waist, pantabon ko sa pwet ko dahil malamang babakat ang diaper na gamit ko as pad.

Hindi ko rin kinaya yung hilo at panghihina, ako na mismo ang kusang nagpacheck sa ospital sa tapat ng school. Nahihilo man, mag-isa lang ako pumunta, hindi ako nagpasama kahit kaninong kaklase dahil ayoko syempre na makatunog sila sa kondisyon ko.

Sa OPD ng OB-GYN ward, nakakailang na pumila sa mga buntis na naghihintay sa labas. Ramdam ko ang panghuhusga sa mga tingin nila sakin. Bukod sa ako ang pinakabata sa mga pasyente, naka puting uniform pa ko.

Nung turn ko na matignan, my complaint was just my period was heavier than normal.

"May boyfriend ka iha?" tanong ng doctor. I nodded.

"Sexually active?" Tumango ulit ako.

After a bunch of other questions, the doctor ordered a blood test to be done to check if I was pregnant. Naghintay ako for the result kahit alam ko naman na ang sagot.

"Iha, you are pregnant. Did you try to do anything silly about your pregnancy?" may tono agad ng pagdududa ang doctor ng basahin nya ang resulta ng tests.

"Wala po doc, hindi ko nga po alam na buntis ako, ngayon ko lang po nalaman." Tinitigan nya ko, alam kong kitang kita ng doctor sa mga mata ko ang pagsisinungaling ko. Pero syempre she needs to stay professional and do her job. Walang puwang ang judgement sa medical profession.

"Sadly, you have already lost the baby. Most of the tissue have already been expelled but I would still recommend that you undergo D&C procedure (raspa)."

Niresetahan ako ng gamot at supplements. Sabi ko babalik ako for D&C pero hindi ko na ginawa.

We tried to move forward with our lives after that. Hindi na namin pinag-usapan ulit ni A ni nabanggit ang bagay na yon. Parang bangungot na parehas namin gusto na lang kalimutan. I feel sorry na dahil sakin eh may dala-dala na din tuloy syang guilt.

Nagdaan ang mga araw, nagcelebrate na kami ng first anniversary. It was a weekday, may pasok kami pareho kaya hindi pwedeng mag out of town. Just like other occasions, we just had dinner and nag-overnight somewhere.

Slowly eh bumalik din kami sa dati ni A, even our sex life. Mas nag-iingat na nga lang kami. Pangit man ang sensation, pinagcocondoms ko na sya. Ayoko kasing magpills dahil baka makaligtaan ko inumin saka baka makita pa sa mga gamit ko, mahirap na.

Kaso lang, ayaw nyang isusuot ang condom from the very start. Gusto nya pag malapit na sya, saka lang sya maglalagay. I know na hindi na yon ganon ka-effective pero kesa wala nga naman protection at all, kaya pinapayagan ko na din.

Kaso natigil ang paggamit namin ng rubber kasi one time, napunit while inside me. Not sure if I wasn't well lubricated that time, or baka luma na yung nabili. Hindi pa naman sya nagcum nung mapunit so ok lang.

Weeks after that incident, nilagnat ako ng matindi, with chills and severe abdominal pain. NagkakaUTI naman ako dati pero hindi ganon kagrabe, so nagpaconsult ako and started taking high-dose antibiotics kaso wala pa din effect. Until a few days later, to my horror, may lumabas saking piece ng rubber from the torn condom. Imagine, ilang weeks ago pa yun napunit and it was still inside me. No wonder ganon katindi yung symptoms ko, meron palang foreign body na hindi pa naeexpel.

We didn't use rubber na mula non. We went back to calendar method pero kung dati eh 5 days before and after ang tinuturing naming safe zone, we decreased it to 2 days. So most of the time withdrawal talaga pero hindi pwedeng last-minute, inaaway ko sya pag ganon, gusto ko medyo matagal pa sya, huhugutin na.

Nagpalit ulit ng kalendaryo. Summer of 2003, I'll be turning 20. Yung mga original kong kabatch, nagsipag-graduate na, kaming mga irregular, magstart pa lang ng internship sa June.

Hindi ko na maalala kung paano exactly nangyari, nadaan ko ata sa biro ang pag intro na may boyfriend na ko. Dahil wala naman ng magagawa, pinaimbitahan nila si A sa bahay ng makilala.

Di ko na sinabi na nagkakilala kami online, sabi ko na lang na we were introduced by a common friend. Ok naman, tinanggap naman si A ng maayos kaya naihahatid na nya ko hanggang sa bahay, nakakadalaw at nakakatambay na din sya samin pag walang pasok.

But that didn't change anything. I still can't wait na makagraduate na at makaalis sa bahay na yon. Ang mindest ko non, once I get my degree, I can get a job and finally leave that hellish place.

Kapag weekdays at hinahatid ako ni A, dun kami tumatambay sa sala sa baba. Dun naman sila sa sala sa taas nagbababad at madalang naman na may bababa sa kanila unless lalabas ng bahay.

Yung mga pasimpleng tyansing, hipo, halik ni A mas nagiging mapangahas. Andyang itataas ang shirt at bra ko at sususuhin ako sa mismong sala namin. Ni hindi ko magawang pumikit para namnamin ang kiliti dahil nakabantay ang mata ko sa hagdanan dahil baka may bumaba. Although sa anggulo naman ng hagdan ay di kami agad makikita, pagbaba kasi ay pipihit ka muna bago makalingon sa direction namin, hindi pa rin maalis ang kaba ko kaya lagi akong nakamasid kung may taong bababa.

Minsan ay hihiga ako sa lap nya, pasimple kong bubuksan ang pantalon nya, ilalabas ko ang mataba nyang burat saka tsutsupain. One time nagulat kami kasi pababa ng hagdan ang sister ko, nataranta kami kaya tinakpan na lang ni A ng laylayan ng barong nya ang bukas nyang pantalon, ako naman ay nagtulug-tulugan na lang. Bumati pa samin ang kapatid ko pagdaan nya, palabas para may bilhin sa tindahan, walang kaalam-alam na tigas na tigas ang titi ni A sa ilalim ng ulo ko.

Pag talagang sinusumpong kami ng matinding libog, dun na kami mismo sa sala nagbabanatan. Andyang ilalabas nya ang burat nya, ibaba ko naman ang garterized shorts at panty ko at uupuan ko sya, taas-baba, gumigiling, habang dinudukot at nilalamas nya ang mga suso ko sa ilalim ng shirt ko.

Ang sarap talaga ng may thrill, yung anytime pwede kami mahuli, mas lalong sumasabaw ang puke ko. Then patutuwarin nya ko sa sofa at sya naman ang kakantot sakin dog style. Nakakalibog ng husto na sa sala mismo namin nya ko kinakantot, asa taas lang ang family ko, nadidinig pa namin ang mga boses nila.

Kundi man sa sala, minsan sa loob ng CR sa ground floor kami nagku-quickie, mas risky pa yun dahil di namin makikita kung may pababa, mas malaking eskandalo kung madatnan na nakakulong kami pareho sa banyo. Pero wala kaming pakialam, basta sinumpong ng libog, kahit saan pa yan, magagawan ng paraan.

Nagstart na ang internship ko, 2 months per center. Kung dati nagcocommute ako sa umaga papunta sa apartment nila A, ngayon ay sumasabay nako sa dad ko at idadrop nya ko malapit kila A, walking distance na lang papunta sa apartment nila kaya malaking convenience sakin. Tapos ganon pa din, pagkasundo ko sa kanya, ihahatid naman nya ko kung saan ako nakaduty.

Just when I thought things are going well na, nangyari naman ang isang di inaasahang bagay. Delayed ako. Again.

Sobrang physically and mentally taxing ng internship, maghapon ang duty ko, that was the last thing I need at that point, isa na namang alalahanin.

Paano nangyari, nag-iingat naman na kami! Natuto na kami from last year's traumatic experience, bakit nagkaganito!

Litong lito ang isip ko. Kinacareer ko pa naman ang internship year as a way to redeem myself dahil irregular student na nga ako. Sa kurso kasi namin, hindi issue na irregular ka gumraduate lalo't you came naman from a premier university. And if you do well during internship year, the moment you pass the board, dadagsain ka ng offers not just here but also abroad.

So far alam kong maganda ang standing ko. A clinical supervisor even remarked na my performance has been promising and that I'm being eyed as a possible candidate for best intern agad. Pero pano ko pa mapagpapatuloy ang internship ko kung buntis ako gayong sa ganong lagay pa nga lang halos bumigay na katawan ko sa tindi ng demands ng pag-i-intern, tapos nagtithesis pa kami.

Hindi ko na pinatagal, nagtest nako agad. And just as I thought, positive.

Inilihim ko kay A ang kalagayan ko. Sigurado akong ngayon na legal na kami, ipipilit nya na panagutan ako. Hindi pwede, masisira ang mga plano ko!

Hindi ko na kayang maextend na naman ng isa pang taon. Gustong gusto ko na makagraduate at makaalis sa bahay na yon. I want my freedom. Ayoko din namang huminto sa pag-aaral at umasa na lang kay A, hindi ganon ang plano ko.

Hindi ko na sya kinonsulta. Mag-isa akong nagpunta sa Quiapo, ang takbuhan ng mga mahihina at makakasalanang babaeng kagaya ko. Mga babaeng puro pasarap lang at hindi kayang humarap sa responsibilidad. Oo, ako na ang pinakamakasalanang tao.

Nabili ko ang pakay ko, hindi ako ulit umuwi. Kahit na alam na nila ang tungkol samin ni A, hindi ko sinasabi na natutulog ako sa apartment nila, ang paalam ko pag di ako umuuwi, sa dorm ako ng kaklase nakikitulog.

Kinagabihan, inumpisahan ko na inumin ang gamot. Pinigilan kong maiyak, ayokong mahalata ni A na may kakaiba sakin. "Pasensya ka na anak ko, idedelay ko na naman ang pagdating mo. Patawad!"

Sa banyo ako nagtatago kapag iinom ako ng gamot para hindi nya makita. Yung tableta na kailangan daw isuksok sa pwerta ko, pinilit ko na lang itulak ng daliri ko as far back as possible.

Nagsuggest ako na sa sala na lang kami matulog non. Nagdahilan ako na mainit sa taas, pero ang totoo, gusto kong mas malapit ako at mas madaling makakapunta sa banyo.

Natapos ko itake ang gamot ayon sa schedule. Nagtry sya mag-initiate ng sex pero tumanggi ako at nagdahilan na lang, masyadong magulo ang isip ko non.

Hindi ako nakatulog kakaantay na tumalab ang gamot. Hanggang sa maramdaman ko na ang tila naka-ambang pagbulwak mula sa matres ko. Dali-dali akong nagpunta sa banyo.

Sabay sa pagragasa ng dugo ko sa inidoro ang pagbuhos ng aking luha, hindi ko na napigil ang emosyon ko. Sobrang bigat sa kalooban at kunsensya ng ginawa ko, mas matindi pa ngayon kaysa nung una. Wala ng kapatawaran tong nagawa ko!

Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo, si A, gulat na gulat sya sa nakita nya. Naghalo na ang pawis, luha, at sipon ko sa pag iyak, pulang pula ang inidoro, kita din nya sa sahig ang trail ng dugo ko na di umabot sa bowl.

"Love, ano'ng ginawa mo!" tanong nya sakin ng may tono ng concern, gulat at galit.

Napapansin din nya nung nakaraan pa na delayed ako, nagtatanong sya kung di pa ba ako nagkakaron.

Hindi ko na kinailangan sumagot, sa reaction ko pa lang, alam na nya kung ano ang nangyari.

"Love! Sorry!!" at patuloy lang ako sa pag-iyak habang dama ko ang patuloy na paglabas ng dugo at laman mula sa loob ko.

Tumalungko sya at humarap sa akin, hinawakan ang mga kamay ko.

"Looove, bakit! Bat di mo sinabi sakin! Bat mo ginawa to ulit! Kilala na ko sa inyo, pwede na kitang panagutan!"

"Sorry Love, I'm so sorry! Gusto ko munang makatapos, gustong-gusto ko na makaalis don. Hindi ko sinabi sayo dahil alam kong hindi ka papayag. Please wag ka magalit sakin, I'm so sorry!" pilit kong pagsusumamo kay A.

"Yung una pa lang, maling-mali na, kasalanan na yung ginawa natin eh, tapos naulit pa! Bakit ikaw lang ang nagdedesisyon eh anak ko din yan!!" maluha-luha sa galit si A, dali-dali syang umalis ng bahay.

Naiwan akong dinudugo at umiiyak. Mag-isa.