1. Home
  2. Stories
  3. E.13: Mistress
Filipino Sex Stories

E.13: Mistress

4 minutes
"I'm not a mistress. I never was and I never will be one."
-Anne Curtis as Kara, from the movie 'No Other Woman' (2011)

Ganyang-ganyan din ang paniniwala ko noon. Hindi. Ako. Kabit.

Hindi naman kami nagsasama, hindi nya ako ibinabahay, sinusustentuhan or anything. Oo, nagkikita kami, may nangyayari samin, pero iba naman yung kabit. FuBu siguro pwede pa, pero hindi ako kabit, kerida, kulasisi. None of the above. Saka they are separated naman na, nagsasama na lang para sa mga anak, so weno naman if he has a girlfriend na. Isa pa, ni hindi ko nga sigurado kung may feelings ako for W, parang wala naman. Okay, I care for him, pero mahal?… No.

Ra-tio-nal-i-za-tion (Noun) The action of attempting to explain or justify behavior or an attitude with logical reasons, even if these are not appropriate. In short, making excuses. In Tagalog, pagdadahilan. Ang dami kong dahilan na naiisip, pampagaan marahil ng kunsensya.

I was living a double-life. At home and in school, I'm the conservative, responsible, smart, NBSB, bahay-eskwela type of girl. Yun ang alam nila lahat. But online and when I'm with W or kung sino mang minimeet ko, I'm the exact opposite. I was reckless, daring, impulsive and stupid. Alam ko na ngang mali, ginagawa ko pa din.

Para akong sinampal ng mga text messages na natanggap ko mula sa asawa nya. Dun ko narealize na hindi totoong hiwalay na sila. Nagsinungaling na naman sya sakin.

"Lubayan mo ang asawa ko, malandi ka!"

"Ang kapal ng mukha nyo, akala nyo walang makakakita sa inyo ha. Pwes maliit ang mundo sa mga higad na kagaya mo."

"Hindi ikaw ang una nyang babae. Madami ng nagdaan at isa ka lang sa kanila kaya siguradong iiwan ka rin nya."

"Nakita mo sana kung paano sya lumuhod at nagmakaawa sa akin na patawarin ko sya. At alam mo kung ano sabi nya tungkol sayo? Na balewala ka lang sa kanya, pampalipas oras ka lang."

"Naturingan ka pang nag-aaral sa **, eh ang tanga-tanga mo! Ubos na ba ang lalake sa mundo para pumatol ka sa pamilyado ha?"

"Kung inaakala mo na iiwan nya ang pamilya nya para sayo, nahihibang ka. Hindi magtatagumpay ang mga home wrecker na kagaya mo! Karmahin ka sana!"

Masakit syempre, sobra. Naaalala ko lang ngayon habang nagta-type ako, nanginginig ang dibdib ko. Durog na durog ako sa mga pang-iinsulto na sinabi nya, sobrang unfair. Hindi ko naman naging intensyon ever na manira ng pamilya. Lagi ko ngang kinakamusta ang mga anak nila, minsan nagpapadala ako ng pasalubong sa mga bata. Hindi ako nag-te-text o tumatawag ng alanganin kasi ayoko malagay sya sa kompromiso, ayoko ng gulo. Gusto ko matiwasay ang lahat sa family nila, ineencourage ko pa nga si W na ayusin ang relationship nilang mag-asawa, walang kaso sakin yon. Kasi sa totoo lang, kuntento na ako sa kaunting oras at atensyon na maibibigay nya sa akin. Willing ako makihati.

But none of that matters, ang mali ay mali. Karapatan din naman nya magalit dahil sya ang asawa. Kung ako man siguro ang nasa kalagayan nya, baka ganon din ang maging reaksyon ko.

I did not bother to reply, what's the point na mangatwiran, alam ko namang ako ang mali. Lagi ng nakasilent ang phone ko kasi may mga unknown number na tumatawag. Syempre hindi ko sinasagot, masakit na yung mga nabasa ko, ayoko ng marinig pa.

Nakatanggap ako ng text galing kay W, tatawagan daw nya ko, unregistered ang number, phone daw kasi ng kumpare nya ang gamit nya. Lumabas ako ng class para masagot ko ang tawag nya. Ang dami kong tanong, gusto ko sya murahin!

Nagmamadali sya. Gusto daw nyang mag-usap kami ng personal but he can't come to Manila muna and requested me to go there instead. Hindi ko nasabi ang mga gusto kong sabihin, natanong ang mga gustong itanong, at para magkalinawan na lang, I agreed. Magpapaalam na lang ako na magriresearch, gagawa ng group project or something. Tinuro nya sa akin paano pumunta doon, kung saan ang sakayan ng provincial bus.

Nagawan ko ng paraan, it was a Saturday I think when I came to see him. Takot na takot ako kasi that was the first time na bumyahe ako ng out of town on my own, ni sa Manila nga hindi ako gala.

Wala pa sya masyadong naikwento sa akin, ang alam ko lang eh sa bahay ng kumpare sya kasalukuyang nakikituloy, dun na lang din daw kami mag-usap.

Bukod sa pag-uusap ay may isa pa nga pala akong pakay sa pagpunta doon. A few weeks ago, may napulot akong phone sa mall, forgot the model pero higher end than mine, kaso deadbatt and di din nagchacharge. Wala naman akong means para mahanap pa ang owner non so I decided to keep it na lang. Then nung last na nag-date kami, pinakita ko sa kanya and he told me na baka kaya ng mga technicians nya gawin so pinadala ko sa kanya. I was hoping I could get it back, sayang din eh.

Di ko na maalala kung terminal ba ang binabaan ko or along the way, basta andon na sya ng dumating ako. Agad kaming sumakay ng tricycle. Nagmamadali ang mga kilos nya, palinga-linga, halatang takot na may makakita.

Bumaybay kami sa daan, wala kaming imikan, para kaming nagpapakiramdaman pareho. Pero bakit parang hindi naman residential area ang nakikita ko.

Huminto ang tricycle pero hindi sa tapat ng bahay ng kumpare nya gaya ng inaasahan ko. Pumasok ang tricycle sa garahe ng isang cheap na apartelle…
Posted in: Romance