1. Home
  2. Stories
  3. One Journey at a Time Book II: Mystery Text, Surprise Sex Act II
PSErotica

One Journey at a Time Book II: Mystery Text, Surprise Sex Act II

10 minutes

Tumagal din ng isang oras ang biyahe ko pauwi. Pagkauwing-pagkauwi ko ay naligo agad ako. Nagbabad ako ng may katagalan sa banyo. Sinigurado kong nakuskos ko ng mabuti ang buo kong katawan. Kahit may kalamigan ang tubig, ramdam ko ang init ng aking katawan. Talagang nabitin ako sa nangyari sa amin ni Deborah kanina. Napagtanto ko na sa ilang pagkakataon, kung babatihin lang ng babae ang batuta ko, hindi ako satisfied dahil hindi ako umaabot para labasan. Nagtataka nga ako dahil pag sarili kong mga kamay ang gamit ko, nasa isa hanggang tatlong minuto lang ay nasa rurok na ako. Kahit gaano kabilis ang imahinasyon ko, nilabasan na ako bago pa man dumating sa climax ang kung ano mang naglalaro sa isipan ko.

Kulang-kulang ilang minuto at alas-kwatro na. Nagbihis na ako at nag-ayos ng mabuti. Tulad ng nabitiwan ko nang salita, white polo shirt at slacks ang isinuot ko. Sinigurado kong kumpleto ang kagamitang bitbit ko sa tuwing umaalis ako ng bahay. Maya-maya pa'y bumiyahe na naman ako. Sa pagkakataong ito ay patungong SM MOA.

Dahil na rin sa mga pangyayari, nalimutan ko nang i-check ang phone ko. Nang makapa ko ito sa bulsa ng pantalon ko, saka ko lang naalala na magpadala ng mensahe. Pagka-keypad unlocked, bumungad kaagad sa akin ang ilang mensahe. Galing sa dalawang tao lamang ang lahat. Ang ilan ay mula kay Deborah at ang kalahatan mula sa misteryosong taong nagpapadala sa akin ng text messages magtatatlong linggo na ang lumipas. Binasa ko muna yung kay Deborah. Humingi lang ng paunmanhin dahil nabitin na naman ako sa kanya. Nangakong babawi raw sa date namin.

Tapos ay yung mga text message na ni "mystery" ang binasa ko.

"Ilang beses na akong tumatawag sa iyo ngayong araw pero di ka sumasagot." At may sad emoticon pang kadugtong. Tapos may recent lang siyang mga mensahe. Papunta na raw siyang SM MOA. Naka-taxi raw siya.

Aba, tingnan mo nga naman. Medyo may kabigatan ang flow ng traffic sa lugar papuntang SM MOA. Pero pasasaan ba at nakarating din ako. Dumaan muna akong food court para uminom ng tubig at pagkatapos ay sa restroom naman para maghilamos at umihi na rin. Naisip ko kasi na kung bibili ako ng maiinom, didiretso lang ito sa tuluyang pagkain at male-late ako. Nang sa palagay ko ay nasa ayos na ang lahat, tinungo ko na ang "The Eye". Iyon ang pangalan ng ipinagmamalaking giant ferris wheel sa MOA Bayside.

Nagcheck uli ako ng inbox ko at mayroon na naman akong mga mensahe mula kay "mystery". Iisa lang ang tinutukoy ng mga mensahe niya.

"Nandito na ako. Asan ka na?"

Inaasahan ko na mauuna siya akin. Nagtaxi siya. Tiningnan ko ang time sa phone ko. May ten minutes pa ako. Ang tinahak kong daan ay yung magmumula ako sa side ng eat-all-you-can restaurant sa kaliwa ng ferris wheel (nakalimutan ko na yung pangalan ng resto). Hindi ito ang kadalasang daanan ng tao papuntang ferris wheel. Tamang-tama dahil makakapag-surveillance pa ako bago pa ang tuluyang pagkikita namin.

Ang ipinadala kong mensahe ay siguradong mauudyok siya na "i-give away" ang surprise element.

"I'm here."

Ganoon lang kasimple at bingo! Mayroon isa na biglang napatayo sa bench na kinauupuan niya at nagpalinga-linga sa paligid. Para masigurado ko, tinawagan ko ang numero niya. Pasok sa banga lahat! Pangalawang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. Nanalo ako sa 2nd round ng laro namin. At hindi lang basta nanalo, jackpot!

Ang katagpo ko ng mga oras na iyon ay isang tunay na babae. Hindi ako magkakamali dahil walang ganoong bakla. Pati ang boses niya ng sagutin niya ang tawag ko ay babaeng-babae. Sinulit ko ang ilan pang minuto habang naglalakad ako papunta sa kanya. Hindi pa rin niya ako nakikita.

May katangkaran siya para sa isang Filipina. Tantya ko ay 5'4" ang height niya (Five feet, six inches naman ako) at nasabi kong matangkad siya dahil naka-sneakers lang siya pero mataas pa rin ang tindig niya. Maputi ang balat niya. Litaw na litaw iyon sapagkat naka short shorts lang siya (jeans ang tela, sa totoo lang mukha itong pantalon na sadyang pinutol) at may jacket na nakatali sa baywang niya. At hindi tulad ng mga naglipanang nagbibilad ng katawan nila upang i-endorso ang samu't saring whitening products, natural ang pagkaputi niya at mamula-mula ang kutis niya.

May pagka-wavy ang buhok niya na may auburn brown highlights ang natural niyang black. Kapansin-pansin din ang halatang masusing pagkaka-apply niya ng make-up. Simpleng-simple lang na nagpalutang sa maputi at makinis niyang kutis.

Kaunting sprint tapos ay sidestep sa kaliwa (ginamit yung mamang bardagul bilang front cover) at nakarating ako sa kanang side ng bench na kinauupuan niya.

"Hi, ayos lang ba kung tabihan kita?"

Para siyang kinuryente pagkakitang-pagkakita sa akin.

"Marunong ka pa lang magtagalog. Paano mo nalaman na ako?" Mabilis ang recovery ng babaeng ito.

"Hindi na importante yun. Kailangan ko bang magpakilala-- Ah, oo nga naman (kung mabilis ang recovery niya, mabilis naman ako mag-isip)-- ako ang lalaki kaya kahit ano'ng circumstances, ako pa rin ang unang magpapakilala."

Napatawa siya bigla sa sinabi ko. Malakas na tawa ngunit walang halong malisya.

"Tama si Jannie. Isa ka ngang gentleman."

Sa wakas! Narinig ko pa lang ang pangalang iyon ay nagliwanag na ang lahat. Si Lady January, ang college best friend ko, ay siyang mutual friend naming dalawa. Ngayon, kailangan ko lang marinig ang buong kuwento.

"Pasensya na, ako nga pala si Natalie. Nakababatang pinsan ni Jannie."

"Kinuha ko yung number mo sa kanya. Hindi niya alam na nagte-text ako sa iyo. Kahapon lang niya nalaman. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin ko ng ayain mo akong mag-meet today."

Medyo sablay lang kaunti ang pakitang gilas ko. Naunahan niya ako sa pagbibigay ng pangalan.

"Ayos lang naman kung hindi ka magpakilala. Alam ko naman yung pangalan mo-- yung mga pangalang ginagamit mo. Lahat."

Iyon lang, tumama na naman ako sa mga theories ko. Kilala na niya talaga ako. Up to what extent? Sa puntong ito, hindi pa ako sigurado so, kailangan ng ituloy ang ikot nang gulong ng palad.

"Natalie, halika ka na at kumain tayo. Tamang-tama and the evening has just started." Paanyaya ko sa kanya. Hindi naman niya ako binigo. Hinawakan niya ang iniabot kong kamay bilang pagsang-ayon sa imbitasyon ko. Since first time ko siyang makasama, dinala ko na lang siya sa Kenny Rogers. Safe bet dahil variety ang offering ng menu nila. Patok din ang mga low carb, high protein combos nila. Pumili siya ng kakainin niya at gayun din ako. As expected (binase ko judgement ko sa pangangatawan niya), yung combi meal na may salad ang napili niya at walang rice. Bale yung mac and cheese na ang pinaka-rice niya. Ako naman, dahil sa gutom, ay kumuha ng rice meal na sinamahan ko pa ng dalawang side dishes at fries. Habang kumakain ay nagkuwento siya.

"Nakilala kita sa facebook ni Ate at sa mismong profile page mo. Maraming naka-private sa settings mo kaya piangdugtong-dugtong ko na lang kung ano'ng nababasa ko sa mga limitadong pino-post mo at sa mga kuwento ni Ate Jannie sa sarili naman niyang page."

Magaling. Ang akala ko noo'y wala naman talagang nagbabasa ng mga naka-post sa FB. Security conscious lang talaga ako kaya limitado lang ang makikita sa page ko, lalo na at hindi ka konektado sa network ko.

"Sobra akong na-curious sa iyo. Kaya, maingat akong nagtanong kay Ate Jannie ng tungkol sa iyo. Siya yung tinutukoy ko na nagsabi sa akin na suplado ka."

Love talaga ako ng best friend ko. Sabihin ba naman sa pinsan niya na suplado ako?! Hindi ko naman siya masisisi. Naging ganoon na kasi ang default facade ko marahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay.

"Uy, ok ka lang?" Bigla niyang pitik ng mga daliri niya sa harapan ko. Mukha raw kasi akong private detective na biglang natahimik pagkatapos makatuklas ng panibagong lead sa isang kaso.

"Ah, walang problema. Naisip ko lang kasi na baka sawayin ako ni Lady Jan pag nalaman niyang ka-date ko ang pinsan niya." Nasabi ko na lang.

"Huwag mo intindihin yun. 20 na ako. Kahit siya 'di kayang magpataw ng curfew sa akin." Parang kumislap ang mga mata ko nang narinig ko yun mula sa kanya. Nasa legal age na siya, home free!

Dahil nabanggit ni Natalie ang edad niya, naisip ko na nag-aaral pa siya.

"Saan ka nag-aaral?" Diretso kong tanong sa kanya.

"Sa school nyo sana kaso naghigpit sila. Hindi na tumatanggap talaga ng hindi citizen for at least a year. Kaya, sa La Salle ako ngayon. Ayaw kasi ni mama yung second choice ko na CEU."

Kung ako tatanungin, La Salle rin ang recommendation ko. Naisip ko bigla.

Mahaba-haba rin ang usapan at kuwentuhan namin although nagpalipat-lipat kami ng lugar pagkatapos namin kumain sa Kenny Rogers. Nag-Ice cream sa Icebergs. Kape sa Coffee Bean. Tapos nag-try ng iba't ibang food cart along the bayside. Malamig ang simoy ng hangin kahit na mainit ang paligid. Sa pamamasyal namin ay may ilan-ilan pang bagay akong natuklasan tungkol sa kanya. Hanggang sa ayain niya akong sumakay sa ferris wheel.

"Gusto ko sanang mag-ferris wheel. Samahan mo naman ako." Walang paligoy-ligoy niyang paanyaya. Malayong-malayo sa kung paano siya magtext.

"May dahilan ba ako para tumanggi? Unless, takot ako sa heights!" Pabiro kong sagot sa kanya.

Napangiti siya at nauna ng bahagya sa ticket booth. Hindi ko inaasahan at hindi na ako nakaporma dahil ng inabutan ko siya, hawak na niya ang mga ticket naming dalawa.

Ang napili niyang sakyan ay yung semi-private carriage. Mayroong ganoon sa "The Eye". Ito yung may aircon at tinted na salamin. Kung ikaw ay nasa baba at tumingin sa umiikot na tsubibo, hindio makikita ang mga okupante ng semi-private carriage.

Mabagal lang ang ikot ng ferris wheel. Maliban sa pagiging malaki ay ito talaga ang bentahe nito: mabagal na ikot. Binibigyan kasi ng pagkakataon ang mga sumasakay nito na makita ang kabuuan ng man-made land extension na siya namang kinatatayuan ng SM MOA at iba pang mga gusali. Pati ang Manila Bay ay tanaw na tanaw mo mula rito. Nasa may 3 o'clock position na ang carriage na lulan kami. Pa-counter clockwise ang ikot ng ferris wheel noong mga oras na iyon. Iyon din ang mismong pagkakataon na binasag ni Natalie ang katahimikan sa aming dalawa buhat ng mag-lock na ang pinto ng carriage at magsimula nang umandar ang "The Eye".

"Halikan mo ko." Diretso ang ang pagkakatingin niya sa akin ng sabihin niya ito.

Nilapitan ko siya at pumulupot na parang sawa ang mga braso ko sa kanya. Masuyo kong hinimas ang mga braso niya na sa mga oras na iyon ay akap-akap ang kanyang sarili. Pagkatapos ay buong lambing kong inutos sa kanya na humarap siya sa akin. Pag-ikot niya ay hinuli ko agad ang mga labi niya sa isang halik. Sinipsip ko ang mga labi niya na lasang strawberry.

Ako kasi yung tipo ng lalaki na mabilis tumugon sa mga hiling ng babae at saka na magtatanong para alamin kung bakit.

"Hmm, oh. . . Uhhmmm", mahina niyang mga ungol habang nag-eespadahan ang mga dila namin sa napakatamis naming halikan.

Marunong humalik ang babaeng ito.

Wala pa akong ibang ginawa marahil ay nanimbang pa ako. Halik lang ang hiniling niya sa akin at para naman hindi ako magmukhang manyak na sabik sa babae, hanggang doon lang muna ang ginawa ko.

Matapos ang ilang minuto ay kumalas siya para huminga. Ang sumunod na sinabi niya ay nagpanganga sa akin. Figuratively speaking.

Posted in: Friend