1. Home
  2. Stories
  3. Matt's University Life - Chapter 1 : Unang Tagpo
PSErotica

Matt's University Life - Chapter 1 : Unang Tagpo

6 minutes

Ito na po ang Chapter 1 ng Matt's University Life. Enjoy!

Summer is supposed to be fun, diba? Lalo na kapag kasama mo yung mga tao na malalapit sayo at yung babaeng mahalaga sayo. Para sa akin, ayos naman sya. I mean, it could get worse pero so far so good naman. Ako si Matthew Uy at ito ang story ko.

----CHAPTER 1 : UNANG TAGPO----

Sabi ko na nga ba at dito ko lang kayo makikita e! Sigaw ni Drew habang papalapit ito sa kinauupuan namin ng pinsan ko na si Alyssa. O, ano nanaman kailangan mo? Sabi ko at may kasama pa na pagtaas ng kilay. Duh, summer na dude! Wala ba kayong plano iwan tong bahay niyo? Sabi niya. Ewan ko ba diyan kay Matt, masyadong anti-social. Wika ni Alyssa at sabay sila nagtawanan matapos ko silang bigyan ng matatalim na tingin.

Inaaya na nga kami nila Mommy na magpuntang Puerto dahil may aasikasuhin pero ayaw pa din ni Matt, Ani ni Alyssa na naghahanda na ulit ng makakain. Ewan ko ba kung bakit panay ang kain nya pero nananatiling sexy tong pinsan kong ito. Sexy at maganda pare, dagdag ni Drew na nagpapacute sa pinsan ko. Yan ka nanaman pare, umaasa ka nananaman, biro ko kay Drew. TUMAHIMIK NGA KAYO DYAN! NARIRINIG KO KAYA KAYO! Sigaw ni Alyssa sa aming dalawa.

Naglakad na papalapit sa amin si Alyssa dala ang kanyang mga inihain. Seryoso, hindi ba talaga nabubusog to? Bulong ko sa sarili ko para di marinig ng aking pinsan ang aking side comment pero bigla nalang nya akong binato ng grapes na kanyang hinuhugasan. Bakit nanaman? Tanong ko sakanya at tumawa naman si Drew. Wala. Anyways, ayaw mo ba talaga iconsider yung alok na vacation satin ni Mommy? Tanong ni Alyssa sakin. Nagdadalawang isip ako kasi dalawa lang tayo doon, Sagot ko naman sakanya. Pwede niyo naman ako isama a! Sigaw ni Drew. Ay nandyan ka pa pala, Biro ni ko kay Drew at nagtawanan silang lahat. So, ano plano mo? Tanong nilang dalawa. SIGE! PAYAG NA KO! Sigaw ni ko ng buong puso at nagtawanan nanaman sila. Sobrang excited ka naman yata? Wika ni Alyssa.

Nababagot na din kasi ako dito sa bahay. Pakiramdam ko pinatataba mo lang ako lalo, baka mawala na yung mga inaalagaan kong abs, pagbibiro ko. Umiling nalang si Alyssa pero todo naman sa paghalakhak si Drew. Bro, di ko alam na may abs ka pala, Sabi niya at akmang itataas ko na sana ang shirt ko para ipakita nang bigla akong pigilan ng pinsan ko. Please, maawa ka samin, Insulto ni Alyssa at sabay sabay kami nagtawanan. Masayang pumalakpak ang aking pinsan. Okay na yun, cous. Bukas ang alis natin. 12:30pm ang flight. Humalakhak si Drew. Akala ko excited si Matt. Mas excited ka pa pala.

Kinabukasan ay nag gayak na sila ng mga bagahe at nagtungo na sa airport. Hapon na nang lumapag ang sinasakyang airplane namin nila Drew at pinsan ko na si Alyssa. Good, you're here! Masayang ani ni Tita noong sunduin nila kami sa Airport. Malaki at malapad ang ngiti ni Alyssa dahil bibihira lamang magkita at magsama ang kanilang pamilya. Sumakay na kami sa SUV na dala nila tita at nagtungo sa resort nila.

Maaga akong nagising kaya naglakad lakad na muna ako sa beach. Marami-rami na rin ang mga taong nandoon pero hindi naman masyadong crowded pero mapapansin mo rin na dumarami na, marahil dahil ito sa event na inanunsyo ni tita tungkol doon sa launching ng clothing line na inisponsor ng pamilya namin at nila Alyssa.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong babae. Simple lang sya pero nakakapukaw ng atensyon. Palinga-linga sya at mukhang naliligaw kaya pinagmasdan ko na lamang muna sya hanggang sa napatingin na din ito sa akin. Agad akong natuliro sa aking kinatatayuan. Hindi pa nagtatagal ay nasa harap ko na sya. Excuse me, nakita kasi kita na kasamang dumating yung owner ng resort kagabi. Alam mo ba kung nasaan sya? Malumanay ang boses nya. Hindi ko malaman ang sasabihin at sobrang natataranta na talaga ako. Ah-eh.. napakamot ako ng ulo at natawa naman siya. I there something wrong? Sabi niya. Ah, wala naman. Nabigla lang ako. Sagot ko sakanya at napangiti naman siya. Bakit? Sabi ko. Wala naman, you're too cute. Sagot niya at namula lang ako.

Naglakad-lakad kami at hindi ko talaga maalis ang tingin ko sakanya. Nahuli niya akong nakatitig sakanya. Bakit? Tanong niya sakin. Namula ako at sumagot, Wala lang. Sabay ngiti ng matamis sakanya. Ano mo pala yung owner nitong resort? Tanong niya. Tita ko siya. Sagot ko at nginitian ko siya. Wow, rich kiddo ka pala. Manghang sagot niya sakin. Sila tita lang yon. Balik ko sakanya.

Paano mo nga palang nalaman na sya yung owner ng resort? Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat nalang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Kahapon kasi eh... Pinakilala sya sakin nila daddy. Sagot nito sakin. Huminto siya at humarap sa akin. Hindi ko pa pala natatanong pangalan mo, Nakangiting sabi niya. Ay, oo nga pala. Matthe Uy. Sabay abot sakanya ng kamay ko. I'm Yeng Delos Reyes. At nakipagkamay siya sa akit.

Nakita ko ang pinsan ko na si Alyssa mula sa malayo at papalapit ito sa kinatatayuan naming dalawa ni Yeng. Nako, aayaw ayaw pa siya nung nakaraan! Sigaw ni Alyssa nung makalapit na ito sa amin. Hahaha, Yeng this is my cousin Alyssa. Alyssa si Yeng nga pala. Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Oo, kilala ko siya. Sagot naman ni Alyssa. Ha? Paanong? Tanong ko at napatingin ako kay Yeng para ikumpirma kung totoo ang sinabi ni Alyssa at ngumiti lang siya sakin bilang pagsang-ayunan ang sinabi ni Alyssa.

Nagpaalam na si Yeng para umalis. Naglakad kami ni Alyssa hanggag marating na namin ang aming suite. Pagdating namin sa bahay ay hinatak ako ni Alyssa at pinagsabihan. Alam mo ba na anak siya ng business competitors ng magulang mo? Galit na sabi nito. Ha? Si Yeng ba tinutukoy mo? Gulat kong tanong sakanya. Oo, sino pa nga ba? Nagtaas ako ng dalawang kamay ko. Easy there, cous. Wala akong alam. At least until now. Binigyan nya ako ng matatalim na titig. Seryoso ako, Matt. Layuan mo yung babaeng iyon kung ayaw mong malintikan sa pamilya natin. Ikaw din ang kawawa.

Niyakap ko nalang si Alyssa at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Asus, naglalambing ang loko. Gutom ka na no? Sabi niya at inaya na akong kumain. Tumawa na lang ako. Akala mo talaga puro pagkàin no lang nasa isip ko e no?? Wag kang mag-alala, lalayuan ko sya if that makes the world round again, okay? Pero sa ngayon, I need some food. Sagot ko sakanya. Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang magandang mukha ni Yeng. Paano ko naman magagawang iwasan ang ganon kagandang babae? Bulong ko sa sarili ko at sumama na ako kay Alyssa mag prepare ng makakain.

ITUTULOY....
Tapusin ko na muna dito.
Eto na po ang link sa Chapter 2 : Summer Paradise -> http://pserotica.com/?q=node/12675 . =)

Posted in: College