UNTOLD STORY 1
Good day to all avid readers in this pretty boredome remover site. Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ay hango sa totoong pangyayari. Ang mga pangalan at lugar ng pinangyarihan ay sinadya kung palitan for the sake of privacy sa mga tauhang kasali sa kwento. Kung pangalan nyo man ang ginamit ko. Ipagpasensyahan nyo po. Di sinasadya ng may akda.
Note: ang nilalaman ng kwentong ito ay may pagkacorny at may mga eksinang di angkop sa mga batang readers. Kaya kung di ito angkop sa inyong panlasa huwag nyo nalang ituloy ang pagbabasa upang di masira ang araw nyo. Sa mga nagpapatuloy naman abay! Maraming salamat. And last but not the least, Before you exit, please dont forget to leave your feedback, comment and suggestion at footer box of the story and save. Good/bad it
would be highly appreciated.
Kindly consider nalang po sa mga mistypo at sa mga mali maling spelling at grammar. Dahil di po ako writter. Di ko rin po ikinahiyang aamining isa po ako sa mga taong di nabiyayaan ng katalinuhan. Eka nga slow learner sa madaling sabi bobo. Ang nais ko lang ay maibahagi ang aking kwento. Nagbabaka sakaling kapupulutan ng kunting aral sa mga masugid na tagasubaybay sa site na ito.
UNTOLD STORY
PROLOGUE
"A break up is like a broken mirror. It is better to
leave it broken than hurt
yourself of trying to fix it."
Sa PAG-IBIG maraming taong naging masaya at lumigaya dahil silay pinagpala, marami ring luhaan at nasasaktan dahil mali ang napag-ukolan, maraming ring pangarap ang nawala at naglahong parang bula dahil sa sobrang pagpapabaya at higit sa lahat maraming pamilyang ginambala at sinira dahil sa kataksilang ginawa. Bakit ba kasi nauso pa ang love, sana wala nalang tayong puso para walang taong mahihirapan at masasaktan.
Sa labis na kasiyahan o kaligayahan dala sa tinatawag na PAGMAMAHALAN ay
may mga bagay tayong nagagawang di tama dahil sa pagwalang bahala o pagbaliwala kung ano ang maaaring kahihinatnan at kahahantungan nito sa kinabukasan. Di natin namalayang may mga tao na palang nasasaktan at nasagasaan. Walang ibang iniintindi kundi ang sariling kaligayahan bastat alam natin tayoy masaya sa ating mga ginagawa ay go lang tayo ng go. Di na makuhang lumingon sa kaliwa at kanan kung may tatawid ba o wala kaya ang nangyari bigla nalang tayong nadadapa bunga ng pagkabangga.
Ako si Clarisa labing siyam taong gulang, simpleng babae pero may nakakabighaning beauty. Charot!! huwag ka ng umangal momment ko ito, pagbigyan nyo naman ako. Xd! Pero sa totoo lang maraming talagang nagsabing maganda raw ako. Diko alam kung itoy totoo o isa lang biro. Kasi kung ako ang tatanungin ninyo diretsahang ko kayong sasaguting pangit ako. (Pangit - pretty angel never get insecure tamaaa. Lol)
Sa edad kung 19 years old. Nasa unang baitang palang ng kolehiyo dahil sa mga kamaliang nagawa. Upang maintindihan niyo ang kabuoang pangyayari. simulan ko ang aking kwento noong labing apat palang ako.
CHAPTER 1
"MEET TAYO AFTER CLASS" ang laman ng isa mga text message ng buhayin ko ang aking cellphone.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase, agad akong nagtungo sa likorang bahagi ng gym sa aming paaralan. Kung saan may isang malaking puno ng akasyang nakapayong sa upuang yari sa kawayan. Ito ang pabirito naming tambayan ni Lester. Maliban sa wala gaanong estudyanteng nagpupunta rito, napakafresh pa ng hangin at higit sa lahat napakamemorable sa aming dalawa ang place na'to dahil dito niya nakuha ang matamis kung oo.
Tandang tanda ko pa noong sagutin ko siya. Parang di siya makapaniwalang nagtanong ng. "TALAGA?" "OO NA NGA SABI, ANG KULIT NITO" tugon ko naman. Napatalon siya sa sobrang kasayahan habang isinisigaw ang katagang "YES" sinabayan pa ng pagsuntok sa hangin paitaas. Parang siyang tumama ng mega jackpot sa lotto. Saka nagpasalamat at nangakong di ko raw pagsisihan ang pagsagot ko sa kanya. Dahil mamahalin daw niya ako ng walang katapat at hinding hindi niya ako sa sasaktan. Ang mga pangakong yun at mga sumpaang tela walang katapusan. Ang malaking puno ng akasya. ang nag iisang buhayng saksi. Medyo nakakahiya ang inaasta niya. Pero sa kabilang bahagi ng aking puso, diko maitatanggi sa aking sarili, namay kung anong kasayahan diko kayang maipaliwanag. Sobrang kinilig ako.
Pagdating ko sa nasabing lugar. Agad ko siyang tinitext "KUNG NASAAN NA SYA" ng di ko siya nakita roon. Ilang saglit pa nagreply siya ng "SANDALI LANG! DI PA TAPOS ANG KLASE NAMIN" nireply ko naman siya ng "OKAY, WAIT NALANG KITA RITO"
Si Lester, matanda ng dalawang taon sa akin, sa time na yun. 16 years old na siya, fourth year high school. Samantalang ako naman 14 years old third year high school.
Ano kaya ang drama ng lalaking ito? bakit ba, ayaw pa niyang sabihin sa text ang pakay niya. Ang sabi kasi niya sa text. "magkita raw kami kasi may importante siyang sasabihin" ng tanungin ko kung ano? Sagot niya "basta!" "ano kaya yun?" napatanong tuloy ako sa aking sarili ng wala sa oras.
Para di ako mainip habang hinihintay ko siya. Naisipan kung magsound trip. Binuksan ko ang music files sa aking cellphone tsaka pumili ng sound. Di pa nangalahati ang music ay dumating na siya.
"HI VANCH! SORRY, IF IM LATE. TAGAL NAGDISMISSED NI MAAM EH" bungad ni Lester, diko namalayan ang kanyang pagdating, masyado akong nalibang sa pakikinig ng music. Sinagot ko lang siya ng matamis na ngiti. Bilang pagpapahiwatig ng okay lang.
(Nagtataka ba kayo kung bakit VANCH ang tawag niya sa akin? Dahil ito ang napagkasunduan naming tawagan. Nabuo sa pinagsamang unahang letters ng aming totoong pangakan.)
"LUNCH KA NA?" muling wika niya. Sinagot ko naman siya ng pabiro "BAKIT MO NAITANONG ILILIBRE MO AKO" He answered back "KUNG OKAY LANG SAYO, WHY NOT?" yun na nga ang nangyare lumabas kami sa campus para humanap ng makakainan. Habang naglalakad kami diko napigilang maitanong sa kanya kung ano ang importante niyang sasabihin. "MAMAYA PAGKATAPOS NATING KUMAIN" tugon naman niya. Sa isang fast food kami dinala ng aming mga paa. Bago siya nakapag order. Muli siyang nagsalita "OKAY LANG BA, ITAKE OUT NATIN ANG FOOD SA BAHAY NALANG TAYO KAKAIN"
"HA!" gulat kung sagot. Sino ba naman ang di magulat. Bahay nila yun, malamang andon ang parents niya. Diba nakakahiya? Kaya ang nangyare umayaw ako. "AYOKO, NAKAKAHIYA SA PARENTS MO." pero ng ipaliwanag niyang wala siyang kasama roon. Sabi pa niya bahay raw yun ng ate niya. Nang pumunta sa ibang bansa ang husband para magtrabaho. Bumalik ang ate niya sa bahay nila para may makakasama lalo nat may anak raw itong maliit.
"MABUTI DIN YUN PARA MAGKAUSAP TAYO NG MASINSINAN NG WALANG DISTURBO" dagdag pa niyang paliwanag. Daglian akong napaisip. "KUNG SABAGAY MAY POINT SIYA" sa isip. Kahit may pag alinlangan pumayag na rin ako.
"SEGE NA NGA! ANG KULIT MO EH"
Pagdating namin sa sinasabi niyang bahay ng ate nya. Ang sumalubong sa aking pamingin sa pagpasok palang namin. ang isang maliit na kama, garmet bag na nakabitin sa may sulok na may lamang mga damit at isang mini table na may taas hanggang tuhod. Maliban doon wala na akong nakitang iba panggamit. Kahit di yun kalakihan pero maganda siya lalo nat nakapaint ang pader at kisame "PARANG DI NAMAN ATA TO BAHAY" sa isip ko. (Mukha kase siyang boarding house o apartment) Pero di ko nakuhang magtanong pa baka maoffend siya.
Umupo ako sa gilid ng kama, para ipagpahinga ang nangangalay kung mga binti bunga ng mahabang lakaran. Wala kase akong nakitang bangko kaya sa kama na ako nakiupo. Tumabi naman siya sa akin at nagtanong kung di pa ba daw kami kakain? Sagot ko naman sya ng magpahinga muna kami saglit. Galing pa sa lakad eh, kain agad. Di na siya sumagot manapay humiga nalang siya ng nakabitin ang binti sa gilid ng kama. Bahagya kung inilayo ang katawan ko sa kanya ng maramdaman kung dumikit ang hita niya sa hita ko.
Ilang minutong ding lumipas na nababalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.
Nakakailang ang katahimikang namagitan sa amin dalawa. Yung tipong dika mapakali, gusto mong masalita pero walang pumasok sa iyong isipan. Awkward masyado. Kaya minabuti kung buksan muli ang music file ng cp ko para magpasound.
*music play*
**Well, here we are again
I guess it must be fate
We've tried it on our own
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight**
ito ang napili kung music, kahit medyo nakakaumay. Pero para sa akin sobrang sarap niyang pakinggan Lalo nat inlove ako that time. Kaya damang dama ko ang bawat linya sa nasabing music. Parang tumatagos sa kaibuturan ng aking puso.
**I still remember when
Your kiss was so brand new
Every memory repeats
Every step I take retreats Every journey always brings me back to you**
"ANO BA YANG SOUNDS MO? ANG PANGIT, NAKAKABAOG. WALA NA BANG IBA JAN?." ang walang kagatol gatol niyang pagpunang panlalait sa music ko.
"aba kung makapagsalita naman ang kumag na ito parang sinong professional singer." sa isip ko.
"ANSABE! PANGIT BA EKA MO? MAS PANGIT KA." ang pabiro kung pagtatanggol, panira siya ng momment eh, nag eemote yung tao bigla nalang barahin. Sinabayan ko pa, ng pagkanta ang music. Kunyare ninamnam ko ito habang nagpapacute ako sa kanya.
Nasanay na kami sa mga ganitong mga banat alam naman kasi namin na biro lang ang lahat. Sinagot nya lang ako ng mapang asar niyang mga halakhak.
**After all the stops and starts
We keep coming back to these two hearts
Two angels who've been rescued from the fall**
**And after all that we've been through
It all comes down to me and you
I guess it's meant to be
Forever you and me
After all**
"TEKA LANG, ANO BA YUNG SASABIHIN MONG IMPORTANTE" ang pag iiba ko ng topic. Sa wakas gumana na rin ang aking utak.
"PATAYIN MO NGA YANG SOUNDS MO. ANG PANGIT EH. MAYRON AKO RITO, BAGO. GUSTO MO MARINIG" ang basag trip niya tugon.
teka lang, ito ba ang pakay nyang makipagmeet sa akin! Para asarin lang ako. At ano naman kaya itong pinagyayabang niyang bago?
"SEGE NGA PARINIG" tugon ko nalang.
"OKAY! ITO YUN OH" pagmamalaki pa niya
*music play*
**Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa `yo**
"NYAHAHAHAHAHA" Diko napigilan, ang aking sariling mapatawa ng malakas ng marinig ko ang piniplay niyang song. Napakaluma.
"YAN NA BA YUN? YAN NA BA ANG IPINAGMALAKI AT PINAGYAYABANG MONG MAGANDAT BAGO? Hahahahaha, ANG PANGIT, PROMISE! SOBRANG PANGIT NIYA, KASING PANGIT MO. Bwahahahaha! ANO BA YAN? PANAHON PA ATA YAN NI KOPONG KOPONG EH" ang ganti kung pang aalaska sa kanya.
**Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di magkasundo
Damdamin laging `di magtagpo ohh**
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya manapay biglang simiseryoso, ang kanyang mukha. Na ngayoy nakaupo na sa tabi ko. "naku lagot! nagalit ata." sa isip ko. "BLEEHH!! ANG PIKON TALO" ang pagpapatawa kung wika, pero di niya ako pinansin.
"VANCH! GALIT KA BA? Palambing kung sabi pero di pa rin siya umimik, sinagot lang niya ako sa pamamagitan ng pag iling sa kanyang ulo. Na may kasamang kabit balikat.
"HUWAG KA NGANG MAGBIRO NG GANYAN VANCH, DI NAKAKATAWA. SEGE KA MAGAGALIT NA AKO SAYO" pangungunsensya ko sa kanya. Pero di parin siya kumibo gayun din ang kanyang mukha, wala pinagbabago.
"VANCH! ANO BA, KAUSAPIN MO NAMAN AKO OH! SORRY NA PLEASE! IM SORRY! IKAW NAMAN KASE EH! INUNAHAN MO AKO, TAPOS!!!" pakiusap ko sa kanya.
para na akong maiyak dahil sa pagsawalang kibo niya sa akin, inaalog alog ko pa siya pero di pa rin siya nagresponse. Para walang malay sunod sunuran lang ang kanyang katawan.
**Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa**
Bigla kumabog ang aking dibdib, nang mapansin ko ang lyrics ng ng nasabing music. Natahimik akong muli, di makapagsalita tela umurong ang aking dila.
**Puso't isipa'y magkaiba
Maaring `di lang laan sa isa't
isa
Sana'y huwag mong isipin
Na pag-ibig ko'y di tunay**
"ITO NA KAYA YUN? ANG SINABI NIYANG IMPORTANTENG SASABIHIN? ANG MAGPAALAM? BAKIT? SAAN SIYA PUPUNTA IIWANAN NA BA NIYA AKO? DI NA BA NIYA AKO MAHAL" ang mga katanungan gumuhit sa aking isapan. Napatawag tuloy ako sa panginon ng wala sa oras, para humiling, na sanay mali ang nasa isipan ko. Pero ang pagsawalang kibo niya ay nakakabahala, tela nagpapahiwatig na tama talaga ang aking mga hinala. Dagdag pa ang seryoso niyang mukha.
Kahit napakaraming katanungang nabuo sa aking isipan, na gusto kung mabigyan ng kasagutan, na taging siya lang ang may alam. Pinili kung manahimik nalang. Kesa marinig na siyay magpaalam at akoy iwanan.
**Dahil sa `yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang ang puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang
siyang bulong ng isipan**
**Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
nagmamahalan pa**
Kahit natapos na ang sounds, paulit ulit ko paring narinig ang mga linyang.
"Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring `di lang laan sa isa't isa"
Ayaw ko na ng ganitong feelings, yung tipong, parang dahan dahang sinasakal hanggang sa malagutan ng hininga.
Gusto ko ng matuldokan ang ganitong pakiramdam. Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas ng loob para itanong ang mga katanungan nagpapahirap sa aking kalooban. "VANCE BAKIT?" ang nasabi ko nalang. Diko alam kung itoy kanyang naiintindihan. Kung ano ang nais kung ipahiwatig. Ang nagsink in kasi sa isip ko. Ang mga mensahing nais iparating ng song. Napayuko nalang ako pagkatapos kung masambit ang salitang yun. Upang maitago ang pangingilid ng aking mga luha. Kasunod ang pagtakip ng mga palad sa mukha. Naramdaman ko ang marahan niyang pagkilos kasabay ang pagsabi ng "IM SORRY VANCE DI KO SINASADYA" pakarinig na pakarinig ko sa sagot niya, kahit di ko alam kung bakit siya nagsorry. Di ko na napigilan ang aking mga luha. Nag unahan naglabasan sa aking mga mata, umagos pababa sa pisngi. Wala akong naitugon sa kanya dahil sa panginginig ng aking mga labi, agad ko naman itong kinagat upang mapigilang kumawala ng aking pag iyak. Ilang saglit pa'y may naramdaman akung may ipinatong siya sa hita. Di ko na inintindi kung ano yun. Patuloy lang ako sa pag iyak sa tahimik na paraan. Muli siyang nagwika ng "VANCH, IM SO SORRY." panghingi niya muli ng paumahin. Di na ako tumugon manapay hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. "ALAM KUNG NASAKTAN KITA SA NARINIG MO. PERO MANIWALA KA DIKO SINADYA. DI NAMAN TALAGA SANA YUN ANG IIPLAY KUNG SONG" "imposible" sa isip ko. Alam kung sinasadya talaga niya yun halata naman sa kanyang mukha. Kung ano ang dahilan yun ang diko alam at yun ang gusto kung malaman. "DIKO RIN ALAM KUNG BAKIT NG KAGANUN" ang patuloy niyang pagpaliwanag. "SA KATUNAYAN ITO SANA YUNG IPIPLAY KUNG SONG" narinig ko nalang ang isa ring lumang awitin mula sa kanyang cellphone. Na may titulong "THE GIFT" kaya napatingin ako sa kanya. Pagkatapos kung mapunasan ang aking mga luha. Pero umiwas siya ng tingin, halatang guilty. Pero bigla nalang siyang humarap at nanggulat. "SURPRISEEEE! HAPPY UNIVERSARY VANCH" ang masaya niyang wika. Bahagyang huminto sa pag ikot ang mundo ko. "TOTOO BA'TO, UNIVERSARY NAMIN NGAYON" ang diko makapaniwalang tanong sa aking sarili. "AYAN ANG GIFT KO SAYO" wika niyang sinabayan ng pagturo sa may parteng hita ko. Nakita ko nalang sa ibabaw ng aking mga hita. Ang matagal ko ng pinag iinitang stuff toy pero diko mabili bili dahil may kamahalan. "SA BIRTHDAY MO SANA KO YAN IBIBIGAY SINCE MALAPIT NA BIRTHDAY MO. KAYA NAISIPAN KUNG NGAYON UNIVERSARY NATIN KO NALANG IBIBIGAY. DIBA NEXT MONTH NA ANG BIRTHDAY MO?" dagdag pa niya. Napatango nalang ako bilang pagsang ayun sa tanung niya.
(napaka OA at napaka CORNEY ang tagpong ito, pero ang lahat ng itoy totoo)
"BAD KA! BAD KA!" ang asal bata kung tugon na sinabayan ko ng paghampas sa kanyang balikat, hita, at dibdib. Gamit ang nakakuyom kung palad. Tawang tawa naman siya sa ginagawa ko habang pilit iniilag ang kanyang katawan sa bawat paghampas. Pero natigilan ako sa aking ginagawa ng magtama ang aming mga mata. Di ko naiwasang mapatitig sa kanya. Dahil di kaniyang maitango ng mga ngiti sa kanyang labi ang kalungkutang nakikita ko sa kanyang mga mata. "HUWAG MO NGA AKONG TINGNAN NG GANYAN VANCH" saway niya sa akin saka sinundot niya ang tagiliran ko. Kaya nawala ang atensyon ko, sa aking napuna sa kanyang mga mata. "I LOVE YOU VANCH" ang tagos puso niyang pagkasabi. "LABYO TO" ang nahihiya ko namang sagot na may kasamang maliit na kurot. "SAAN NA ANG GIFT KO" ang nakabukas palad niyang wika. "NAKU VANCH! PASENSYA NA, NAKALIMOTAN KO. KAYA DI AKO NAKABILI" panghingi ko ng pag iintindi niya.
"KAILANGAN BA LAHAT NG GIFT AY BINIBILI" di ko maintindihan ang kanyang mga sinabi. kaya napatanong nalang ako kung ano ang ibig niyang sabihin. sinagot naman niya ako ng "ALAM MO VANCH, SA ISANG TAON NATING RELASYON NI PAGHAWAK MAN LANG SA KAMAY AY DI NATIN NAGAWA. SEGURO NAMAN SA PAGKAKATAONG ITO AY MAPAGBIGYAN MO AKO. KUNG HIHILING AKO NG KISS, BIGLANG UNIVERSARY GIFT MO SA AKIN" bigla ko siyang nasagot ng "EWWW! NAKAKADIRI KA VANCH" pero sa ibang parte, napaisip ako ng husto sa naging kahilingan niya. Tama siya, isang taon na kami pero walang extra curicular activityng nagyari sa aming relasyon. Hanggang usap, tingin, sabay yun lang. Ewan ko ba, para kasi akong nakuryente kapag magkadikit kahit balahibo man lang namin. Kaya ganun nalang ang pag iwas ko sa kanya kung magkatabi kami. "OKAY LANG KUNG AYAW MO, DI KITA PIPILITIN" ang malungkot niyang tugon at nag iwas ng tingin. Sobrang naguguluhan ako sa tagpong yun. Sa totoo lang ayaw kung magtampo siya sa akin, pero kung maisip kung magdikit ang aming mga labi, tiyak may laway iyun kaya nakaramdam ako ng pandidiri. pero sa ibang bahagi naman di ko talaga kaya siyang tanggihan baka ito pa ang dahilan ng paghihiwalay namin. "DI BA YUN NAKAKADIRI VANCH" ang malambing kung tanong. Nakapagdecide na ako. Pagbiyan ang kahilingan niya. Titiisin ko nalang kung sakaling nakakadiri nga yun. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya hinawi ko siya paharap. "ITO NAMAN NAGTAMPO AGAD. HWAG KANA MAGTAMPO JAN, SEGE NA PAYAG NA AKO. PERO SA PISNGI LANG HA!" conditional kung tugon. "BAKIT SA PISNGI LANG PARANG DI TAYO MAGSYOTA NYAN" tanggi niyang sagot. Pero halata naman sa ningning nga kanyang mga mata niya na siyay natutuwa. "EH SAAN PALA DAPAT" pa as if kung tanong kunyari wala akong alam. Pero ang totoo'y alam na alam ko, kung saan sya gustong humalik. Sinagot niya lang ako gamit ang pinahaba niyang nguso. "SEGE NA NGA, PERO ISA LANG HA"
Chapter 2 coming up next
N/A: pasensya na kung medyo boring ang part na ito. Baka nasa next chapter pa ang bed scene. And i just want to clarify, baka may magreact. ang mga dialogue ay scripted lang di ang tumpak na pangungusap, sa tagal ba naman ng panahon di mo na maalala lahat, pero may iilan naman tama.. Pero naaayun pa rin ito sa takbo ng kwento.