1. Home
  2. Stories
  3. THE UNTOLD STORY OF THE FIRST GIRLS’ EB
PSErotica

THE UNTOLD STORY OF THE FIRST GIRLS’ EB

17 minutes

THE UNTOLD STORY OF THE FIRST GIRLS" EB
March 31, 2007
A lot has been said, marami nang nasabi against sa taong nagplano at nagpakahirap sa EB na yon ngunit walang naglakas ng loob na ipaliwanag ang mga nangyari upang mapagtakpan lamang ang pagmamalinis ng isang tao na siya naman ang naging dahilan ng lahat ng aberyang nangyari nung araw na yon... Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito upang mai-share sa inyong lahat ang totoong nangyari sa EB na ginanap nung March 31, 2007 sa condo sa may Katipunan, Quezon City. Sa pamamagitan ng karapatan at videos ng mga kaganapan sa loob ng condo ni Angela na walang takot na ibinahagi sa akin ng aking kaibigan, nais ko namang isiwalat sa inyo ang tunay na pangyayari. The Untold story of the First Girl"s EB
Dalawang araw bago ang EB ay tumawag si Sheen kay Angela upang ipagpaalam ang ka-date na gusto niyang dalhin sa Girl"s EB.
Angela: "Sis hindi sa ayaw ko. Marami na rin kasing gustong pumunta na guys kaya lang di ko pinayagan dahil nga Girl"s EB lang ito dapat walang guys. Ano naman ang sasabihin ng iba pag nalaman nilang pinayagan ko si 3rps na pumunta dun diba? Ako naman mapapasama niyan."‚
Sheen: "Hindi sis wala namang makakaalam eh. Di ko sasabihin kahit kanino. Hirap kasi umuwi mag-isa dun sa amin."‚
Angela: "Ganun ba? Why don"t stay overnight nalang sa condo ko para kwentuhan ever muna tayo. At least dito safe."‚
Sheen: "Naku sis di ako pwedeng mag-overnight kasi umuuwi ang asawa ko sa akin pag-weekends."‚
Angela: "Ngek may asawa ka na pala sis kala ko ba single?"‚
Sheen: "Loka live-in ko lang yon. "
Angela: "Live in, mag asawa pa rin kayo nun gaga! Eh, pano ka pinayagan?"‚
Sheen: "Di kaya ako nagpaalam. Papalabasin ko lang na overtime sa office para di siya umuwi ng Saturday kasi sabi ko gagabihin ako masyado maraming tatapusin pero Sunday sigurado uuwi yun, kaya dapat nasa bahay na ako bago siya dumating sa umaga."‚
Angela: "Hahahha yan asa-asawa kasi kayo agad. Sige na ganito nalang para fair sa lahat, papayagan ko si 3rps na sumama pero in one condition, pagpasok ng condo magdadamit at mag-aastang babae siya."‚
Sheen: "Sis ano ba yan?"‚
Angela: "That"s the only thing that I can do. Ayokong sumama ang loob ng ibang guys sa PS mga kaibigan ko rin naman ang mga yon. Sabi ko bawal ang lalaki pero I never said bawal ang magbihis babae o ang bakla..."‚
Sheen: "Sige sasabihin ko kay 3rps ang condition mo. Thank you sis ha."‚
Nag usap usap sa Gabbly nung araw n iyon tukgkol sa gaganapin n All Gurls EB. Nag Private Message sa YM sina sheen at rica.
Sheen: "Sis, punta ka bas a EB mamaya?"‚
Rica: "Di ko alam eh, Iniisip ko kasi pg uwi ko...punta siguro ako kung may kasama pa uwi, uwi ako, pero kung wala dun na siguro ako makikitulog, sigurado gagabihin tayo nyan."‚
Sheen: "Sis, may kasama tayo pauwi, diba sa may Acacia Lane ka lang, mgkalapit lang tayo, may mgahahatid sa" tin.
Rica: "Huh? Sino naman?"‚
Sheen: "Si 3rps."‚
Rica: "Ngek, akala ko ba exclusive for gurls ang EB, bat kasama si 3rps? Alam b ni PW?
Sheen: "Oo, pinaalam ko na."‚
Al was allowed to be there since he donated two bottles of tequila and he was the one in charge of the girls. Para sunduin sila sa megamall at dalhin sa condo ni Angela. Naunang dumating si Vodka dating kinamumuhian ni Angela sa gabbly dahil sa isang ka-chat na pareho silang ginamit para lang sa sariling kapakanan. Kung sino pa ang di niya inaasahang dumating nung araw na yon dahil nga sa di nila pagkakaintindihan noo"y yun pa ang unang dumating. Napakaganda nga ni Vodka no wonder ang dating ka-chat ay nahumaling sa kanya. Napaka-simple lang ng suot niya. Naka-navy collar shirt at jeans ngunit lutang na lutang ang kagandahan niya.
Mabait naman siya kaya madali silang nagkapalagayang loob.
Angela: "Ang ganda ganda mo naman. Buti nakarating ka."‚
Ngiti lang ang isinukli ni Vodka sa papuring yon. Nagkakwentuhan silang dalawa habang naghihintay sa iba pang bisitang sinundo naman ni Al sa megamall. Nakahinga ng maluwag si Angela, dahil isa si Vodka kung bakit gusto niyang matuloy ang EB na ito ng mga babae. Upang malinawagan ang mga di kayang bigyang liwanag ng chatroom. Dumating sina Sheen na naka-sleeveless, kasama si 3rps na sobrang tangkad at may ring pa sa may baba, si Al at si Rica na may sakit pa ng araw na yon dahil sa pagkakabanli ng mainit na tubig sa legs nito ngunit pinilit na makapunta.
Di na sana magtatagal si Al dahil alam niyang All Girls EB lang yon, pero pinigilan siya ng kasintahang si Angela na samahan muna sila upang di Ma-OP si 3rps na nag iisang lalaki ng mga oras na yon at upang di rin masayang ang inihandang pagkaing pinag-ambagan ng iba pang mga taga PS sa abroad. Tinawagan pa ni Angela ang ibang taga PS na babaeng inaasahang dumating nung gabing yon ngunit may mga sarili itong importanteng lakad.
Pagkakain ay sinimulan na nilang inumin ang tequila. Paikot ito upang tig-isang shot at lahat ay makainom ng pantay pantay. At nagsimula na rin ang kwentuhang walang katapusan.
Angela: "Eto ang di kayo maniniwala si Vodka dati magkaaway kami nito sa chatroom everytime na nagkikita kami nito sa chatroom wala ng ginawa kundi magpalitan ng masasakit na salita"‚
Rica: "Ano naman simula ng pinag-awayan niyo?"‚
Vodka: "Yun nga ang nakakatawa dun, di naming maintindihan pareho bakit kami nag-aaway"‚ kaya nagkatawanan ang lahat.
Inilabas ni Angela ang mga hinandang mga tanong para sa game na "Spin the Bottle"‚. Enjoy ang laro, nakaktuwa at nakakagulat daw ang mga sagot ng bawat mahintuan ng bote sa mga tanong. Parang truth or consequence.
Nang maubos na ang isang liter ng tequila nagsimula na sa pagtayo si Sheen, maninigarilyo lang daw. Sinamahan siya ni 3rps sa terrace nagulat nalang ang lahat nang naisara ang pinto sa terrace. Nagkatinginan sina Vodka at Rica at Angela dahil napakainit nung mga oras na yon marahil ay dulot na rin ng iniinom na tequila kaya nagsimula na ang kantiyawan.
Rica: "Hoy ano ba yan kanina pa kayo diyan 3rps! Tagal ah... Anong ginagawa n"yo diyan?"‚
Neji: "Oo nga pasok na dito at tagay n"yo na."‚
Di malaman ng grupo sa loob kung ano ang iisipin dahil sa sobrang tagal naman yata ng dalawa manigarilyo. Nung kinatok yon ni Angela upang papasukin ang dalawa"y hindi nila ito pinagbuksan. HInarang ang pinto mula sa labas kaya di ito mabuksan ni Angela. Sumilip si 3rps at sinabing,
3rps: "Sis sunod nalang kami. Papahangin muna."‚
Angela: "Ok. Dalian nyo binibitin nyo ang tagay eh."‚
Nang sumobra na ng kalahating oras ang tagal ng dalawa doon sa terrace at napansin yon ng lahat, ay pinuntahan na ni Angela. Duda siya sa ginagawa ng dalawa sa labas ngunit di na niya ipinahalata yon sa dalawa. Naririnig niya ang bulungan ng dalawa mula sa loob mukhang may ginagawa nga ... Humahalinghing na si ang babae sa labas ng terrace kaya minabuti ni Angela na...
Angela: "Ok lang ba kayong dalawa dyan? Guys, hinahanap na kayo dun ng grupo."‚
Sumilip na naman si 3rps at binulungan si Angela. "Sis nahihilo daw si Sheen, nasusuka daw. Maya na kami papasok."‚
Angela: "Ganon ba? Sandali ikukuha ko siya ng tubig."‚
At nang makabalik si Angela ay kelangan pa niyang kumatok sa pinto upang buksan yon ni 3rps.
Angela: "3rps eto nang tubig painumin mo muna o. Tapos pahigain mo na muna sa room ko si sis para naman makapagpahinga yan. Lalo yan mahihilo diyan sa ginagawa mo eh."‚ Pabiro ni Angela sa dalawa.
3rps: "Sis naman. . "
Angela: "Sus joke lang to talaga. Guilty."‚
Nagpahinga si sheen sa room ni Angela, si 3rps ang nurse nito, tiga punas at tiga linis ng mga isinusuka sa loob ng kwarto. Habang nagkakasayahan ang lahat ay nasa kwarto na sina Sheen at 3rps nang kukumustahin na ni Angela at Rica si Sheen ay di siya agad nakapasok dahil naka-lock ang pintuan. Kinatok pa niya ang dalwa upang makapasok siya. Napansin niyang nakahiga si Sheen at nakaupo naman si 3rps sa may tabi nito pagkabukas ng lalaki sa pinto.
Rica: "O kumusta na siya?"‚
3rps: "Matutulog daw muna siya."‚
Angela: "Matutulog pala eh. Halika na iwanan mo muna yan dyan. Baka kung anong isipin ng iba dun sa labas. Yaan mo munang makapagpahinga yan. Paggising niyang ok na siya uli."‚
Naunang lumabas si Angela saka sumunod si 3rps. Nagulat ang lahat nang...
3rps: "Potek! Asan na yung ring ko? Shit!!!"‚
Ang akala ng marami lalo na ni Angela ay nagbibiro lang si 3rps. Kaya lang nang sinabi ni Al na nawawala nga ang ring ni 3rps sa baba ay nagsimula nang magtawanan ang lahat. At sabay kantiyaw kay 3rps.
Neji: "3rps baka naman nalunok niya!!!"‚
Rica: "Much worst! Baka naman nalunok mo habang busy kayo sa ginagawa nyong dalawa dun sa terrace!!! Hahahaha"‚
Vodka: "Naku no wonder na nahihilo"t nasusuka na si Sheen may nalunok pala hahahhaha"‚
Angela: "Kayo talaga tulungan niyo akong hanapin yon."‚
Kaya sabay sabay na naghanap ang lahat mula sa terrace hanggang sa kwarto ni Angela na may halong pagbibiruan. Nang napagod nalang ang lahat ngunit wlang nakitang ring sa baba kaya nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan at ang iba nama"y nag-chachat sa macintosh ni Angela. Bandang ala una ng maga pa"y lumabas si Sheen mula sa kwarto kasunod si 3ps. Dumiretso si Sheen sa CR. Patuloy sa pagkwentuhan nila Vodka, Rica, Neji at Al. After a few minutes nagkatinginan si Rica at Vodka, inaalala si Sheen dahil hinde pa ito lumlabas ng CR, kinatok nila ito
Rica: "Sis, ok ka lang ba?"‚
Pinagbuksan ni Sheen ang dalawa, pero hinde ito lumabas, pumasok na lang sina Rica at Vodka.
Rica: "Ok ka lang ba? Higa ka muna para mawala hilo mo or inom ka coffee"‚
Sheen: "Hindi na sis, uwi na ako"‚
Rica: "Bukas ka na lang kaya umuwi, dito kami matutulog ni Vodka, delikado n kasi kung uuwi pa"‚ Vodka: "Sabay-sabay na tayo uwi bukas"‚
Sheen: "Di pwede sis...Uwi kasi bf ko bukas, every weekend dun siya natutulog samin or ako ang matutulog saknila. Kelangan ko na umuwi"‚
Rica: "Sige sabihan ko si Angela na uwi ka na at para mahatid ka na ni 3rps"‚
Sheen: "Sis...ayaw ko pahatid kay 3rps"‚
Vodka: "Ha? Bakit?"‚
Sheen: "Basta...kay Al na lang ako pahatid"‚
Rica: "Bakit? Natakot ka kay 3rps? Laki ng boses noh"‚
Sheen: "Tinangal nya hook ng bra ko"‚
"Huh?"‚ pagkabigla ng dalawa
Sheen: "Basta sis, si Al na lang hatid sakin"‚
Rica: "Sige sabihan ko si Al, Paalam ka kay Angela"‚
Lumabas si Rica at tinawag si Angela
Rica: "Sis uuwi na raw si Sheen."‚
Napatingin si Angela kay 3rps. "Hatid mo na 3rps."‚
Ngunit nilapitan ni Vodka si Angela at ikinagulat nito ang dahilan ng paglapit sa kanya.
Vodka: "Sis ayaw daw niyang si 3rps ang maghahatid sa kanya."‚
Angela: "Ha? Eh bakit? Diba kaya nga narito yan kasi siya ang nakiusap na pasalihin si 3rps sa All Girls" EB na to upang may kasama siya pauwi?"‚
Rica: "Basta ayaw nyang si 3rps ang maghatid sa kanya pauwi."‚
Angela: "Eh sino daw maghahatid sa kanya? Di naman siya pwedeng umuwi mag isa lasing na lasing na siya baka kung mapano yan sa daan?"‚
Rica: "Si Al raw ang gusto niya maghatid sa kanya."‚
Nagkatinginan sina Al at Angela. "Eh bakit ako hon?"‚
Angela: "Ewan ko. Ikaw daw ang gusto niyang maghatid sa kanya."‚
Napatingin si Al kay Sheen. "Si 3rps nalang diba sabi mo kaya mo pinayagang sumali si 3rps sa EB ng mga babae dahil ipinakiusap niya para may maghatid sa kanya pauwi? Siyempre iniexpect ng guy yon baka sa akin naman sumama ang loob niyan. Ayoko. Si 3rps na lang maghahatid dyan."‚
Ipinaabot ni Vodka ang pahayag ni Al sa kanila, ngunit nagpumilit si Sheen at biglang nilapitan si Al at kumapit na sa braso nito. Hinila ni Al si Angela ng pasekreto, nagproprotesta.
Al: "Kayo nalang maghatid dito. Baka mamaya magalit sa akin yang guy ..."‚ tukoy nito kina Angela, Vodka at Rica.
Vodka: "Bakit naman siya magagalit eh, si Sheen naman nagpupumilit na ikaw ang maghatid sa kanya."‚
"Bakit nga ako pwede namang kayo? " Habang inaalis ni Al ang pagkakahawak ni Sheen sa kanya. Ngunit sa tuwing natatanggal ang kanyang kamay lalo naman nitong hinihigpitan ang kanyang pagkakahawak kay Al.
Angela: Kina Vodka at Rica, "Sis kayo nalang ang maghatid kay Sheen, ayaw ni Al eh."‚
Vodka: "Sige tayo nalang maghatid kay Sheen. Sis kami na maghahatid sa "yo"‚
Sheen: "Wag na si Al ang gusto ko maghatid sa akin."‚
Walang magawa si Angela kundi ang pakiusapan ang kasintahang si Al at pagbigyan ang bisita. HInayaang ngang kasintahan ang maghatid sa nalasing na si Sheen. Lasing nga ba? O Naglalasing lasingan? Bakit nakapamili pa ng maghahatid? At bakit nagawa pa nitong hilahin si Al palabas ng condominium habang nagagalit si 3rps sa naging desisyon ng kanyang date ng gabing yon?
Bago umalis ay...
Al: "Hon, samahan mo nalang akong ihatid ito."‚
Angela: "Hon di ko sila pwedeng iwanan kailangan ko kausapin si 3rps baka magwala yan dito eh. Nakakahiya sa mga unit owners. Sige na ihatid mo na yan. Be careful ok?"‚
Al: "Bakit kasi kailangan ako pa. Pwede naman sigurong bukas na siya umuwi dun nalang matulog sa kwarto mo o baka naman pwedeng pasakayin nalang natin ng taxi to tapos...."‚
Angela: "Hon, pag may nangyari dyan kunsensya pa nating dalawa, diba? Tingnan mo nga itsura niyan. At saka di pwedeng matulog yan dito baka mamaya biglang umuwi dun ang asawa niya lalong malaking gulo yon. Hindi alam nung asawa niya na ang pupuntahan niya eh party. Sige na hatid mo na yan tapos balik ka agad dito."‚
Al: "Baka mamaya eh ako naman pagbuntunan ng asawa niyan..."‚
Angela: "Hatid mo lang sa kanto tapos alis ka na. Wag na sa mismong bahay nila. Basta makita mong nakapasok na saka ka umalis."‚
Al: "Ok sige na nga hahatid ko na para matapos na to. Kaya mo na ba dito?"‚
Angela: "Ako na bahala sa kanila. Andyan naman si Neji eh.
3rps: "Sis ano namang palabas yon? Bakit si Al ang naghatid eh kaya nga ako nandito kasi pinakiusapan niya akong samahan siya para ako maghahatid sa kanya pauwi diba? Labo naman..."‚
Angela: "3rps, I have no idea. Nahihiya nga sa "yo si Al eh, pero pinilit niya talaga na siya ang maghatid. HIntayin nalang natin si Al babalik naman yon dito eh. Upo ka muna doon."‚
Natakot sila Vodka at Rica sa lakas ng boses ni 3rps, galit dahil sa iba ngpahatid si Sheen, sa oras n iyon na 1:30 am, boses lang ni 3rps ang maririnig. Galit si 3rps, ang reason kung bakit siya sumama sa EB ng mga babae ay dahil sa pakiusap ni Sheen sa kanya.
3rps: "Ano sasabhin ko sa min? Paalam ko samin pupuntahan ko ung kaibgan ko...Potek naman! Dapat ako maghahatid kay sheen, napagusapan na namin yon. Ang linaw ng usapan naming kanina"‚
At patuloy sa pagmamaktol ni 3rps, asar sa ginawa ni sheen. Tuloy ang kwentuhan sa loob ng condo. Ngunit habang nagkukuwentuhan ang lahat nasa cellphone naman si Angela kinakausap si Al.
Angela: "Hon, may problem ba?"‚ Tanong nito sa kasintahan.
Al: "Wala hon, andito na kami sa may white plains kumusta naman si 3rps dyan?"‚
Angela: "Eto na-aasar siyempre siya ang ka-date tapos iba ang naghatid but don"t worry hindi naman siya galit sa "yo. Mukhang mahaba ang pag-uusapan n"yang dalawa. Eh, yang kasama mong lasing kumusta na?"‚
Al: "Hon, I"m sitting beside the driver, ok?"‚
Angela: Bakit mo pa sinasabi wala naman akong tinatanong ah."‚ Patawang sagot nito.
Al: "I just want to tell you that"s all."‚
Angela: "Did you check the lock on her door? Baka mamaya mabuksan niya yon."‚
Al: "Ni-lock ko na. Ok ka lang ba dyan?"‚
Angela: "Oo naman ano ka ba? Si 3rps lang laki ng boses eh parang nagwawala na sa inis dito nakakahiya sa neighbors ko."‚
Al: "Sinabi ko naman kasi di dapat dyan ang EB eh. You should"ve done it somewhere else. Mamaya ikaw pa ang mapag-usapan dyan."‚
Angela: "Hon, it"s safer here for everybody naman diba? At saka less gastos. Where are you na ba?"‚
Al: "Pano nga palang asawa nito baka bugbugin ako pag nakita akong inihatid ko to."‚
Angela: "Hon pasalamat siya pumayag ako na ihatid pa yan dapat nga hindi mo na ginagawa yan eh. I really don"t know what I could"ve done kung wala ka. If you did not stay? Naku magiging problem ko pa ang girl na yan, anyway andyan nay an basta pagkababa niya ng taxi just make sure na kaya niyang maglakad ha? Baka ma-rape pa yan sa kanto pag-iniwan mo."‚
Al: "Yes boss. Hmmm kung hindi lang kita mahal naku...Ikaw talaga dito na kami sa legarda."‚
Rica: "Sis san na raw sila?"‚ Habang lahat ng mata ay nasa direksiyon ni Angela naghihintay ng impormasyon.
Angela: "Nandun na raw sa legarda."‚
Neji: "Sus napaka-sweet naman ni Al kailangan pang i-report lahat ng ginagawa niya ah. Natatakot bang ma-rape."‚
Napangiti si Angela, "Ganon lang talaga yon mabait di kagaya mo."‚ Pabiro namang sagot nito sa kaibigan. At naging tampula naman ng intriga si 3rps nung mga oras na yon.
Rica: "3rps kayo ba ni Sheen?"‚
3rps: "Sis, hindi. Magkaibigan lang kami."‚ Marahang sagot nito.
Rica: "Magkaibigan? Kaya pala ang sweet mo kay sis, hehehe"‚
Nagkatawanan ang lahat sa birong yon ni Rica.
3rps: "Sis naman"‚
Angela: "Oy tigilan n"yo na si 3rps ayan namumula na yan."‚
Vodka: "Walang biro? Nawala talaga yung ring dyan sa lower lip mo?"‚
3rps: "Oo sis may ring ako dito kanina di ko nga alam san na napunta eh. Angela pakihanap naman ha?"‚
Angela: "Sige pagnaglinis na ako bukas hahanapin ko."‚
Neji: "Bilib din ako dun sa ka-date mo, iba pa ang piniling maghatid sa kanya. Baka di nagustuhan ang ginawa mo bro. Hahahahha...."‚
Di nagtagal ay dumating rin si Al mula sa paghatid kay Sheen.
Angela: "Did you make sure na nakapasok siya sa bahay nila?"‚
Al: "Hindi na ako nagtagal nung makapasok siya sa kanto papunta sa bahay umalis na rin ako. Kaya na naman niya eh. 3rps pare pasensiya na ha, sumunod lang ako sa utos sa akin. Ayaw ko talaga siyang ihatid nagpumilit lang eh."‚
3rps: "Don"t worry Al inexplain na ni Angela sa akin. Di ko nga maintindihan ang babaeng yon eh."‚
Angela: "Guys pakiusap ko lang ha, whatever happened here, leave it there. Ayoko na sanang makarating pa sa PS o sa ibang tao kung sinong nagsuka o nagkalat, or whatsoever. Let the mess remain here."‚
Mga bandang alas tres ng medaling araw nang nagpaalamanan na. Sabay umuwi si Al at 3rps, naiwan namn sina Vodka at Rica dahil sa delikado na umuwi sa oras n iyon. At dahil sa maraming hindi nakarating, maraming pagkain ang natira. Nakapag-bring home pa ang iba.
At yon nag-agree ang lahat na hindi nga makakalabas ang mga nangyari ng gabing yon sa chatroom. Ngunit kinabukasa"y nagulat nalang si Angela nang bigla nalang humihingi ng paumanhin si Sheen sa PS Chatroom na pwede namang gawin sa YM through personal messaging. Laking inis ni Angela dahil naging usap usapan yon lalo na ang pagkakaroon ng lalaki sa First Girl"s EB. Kung sino pa yung nakiusap at pinoprotektahan yon pa ang unang nagpahamak sa kanya sa pamamagitan ng pagkukuwento kung kani-kanino lumabas tuloy na walang kwenta ang organizer. Nguni"t ang hindi alam ng lahat na pinagbigyan lamang niya ang akala niyang kaibigan na totoo.
Babala lang ito sa mga taong madaling mabilog ang ulo. Wag kayo basta basta naniniwala sa mga kinukwento at sinasabi ng ibang taong nagmamalinis dyan. Dahil sa kanyang pagmamalinis may mga tao siyang nasisira at sinisiraan. Ang lahat ng nasa kwentong ito ay totoo at walang halong pag-iimbot. Kinakailangan lamang na ipahayag ang katotohanan sa mga nangyari nung gabing yon upang maalis na ang haka-haka at maling kwentong nakarating sa bawat isa sa inyo. Sa mga baguhang di pa nakakaranas ng EB sana maging silbing aral to sa inyo na hindi kayo dapat nagtitiwala basta basta lalo na sa mga nagkukunwaring malinis at mabait pero siya rin pala ang magkakalat sa sarili niyang dumi. :P

Posted in: Weird