1. Home
  2. Stories
  3. BLACK WIDOW Ch. 1: The Tease
PSErotica

BLACK WIDOW Ch. 1: The Tease

8 minutes

AUTHOR'S NOTE: Nais ko pong buhayin ang istoryang nasimulan ko na dito. Actually nakaka-apat na chapter na ko na naipopost pero balak ko pong i-repost mula sa umpisa sa kadahilanang hindi maayos yung punctuations sa una kong post. Sana po ay suportahan niyo ang istoryang ito

Chapter 1: The Tease

August 3, 2012
The Bar Events Place
8:00 p.m.

Isa iyon sa pinakasikat na gimikan pag gabi. Sikat ito dahil ito ang madalas na lungga ng mga mayayaman sa lipunan. At sa isang sulok ng bar, umiinom kasama ng kanyang mga katrabaho si Anthony Castello o Tony bilang palayaw. Isa siyang stockholder sa isang sikat na pharmaceutical laboratory sa bansa. Sa edad na 42, masasabing matipuno pa rin ang kanyang katawan. Gwapo dahil mapera pero ordinaryo ang itsura kung aalisin mo ang mga kayamanan sa buhay nya.

Sa di kalayuan ay makikitang nakaupo at nag-iisa ang isang magandang dalaga. Mukhang foreigner ang itsura dahil sa natatanging taglay na black beauty. Pero ang totoo pinay siya. Pilipina ang ina at dating Black-American na sundalo ang kanyang ama. Hindi mo mapagkakamalan na ito ay 22 anyos na dahil napakaamo talaga ng mukha nito. At siya ang kanina pa tinitingnan ni Tony. Ang kanyang bagong target.

“Tara na Wilma, let”s dance”, yaya ng isang kaibigan nito habang nakahawak sa bewang ng kadate na babae. “Sayang ang gabi kung uupo ka lang dyan. Let’s party!

“No, thanks. I’m fine here. Sunod na lang ako mamaya”, nakangiting pagtanggi ni Wilma na lalong nagpaganda sa mukha nito.

“Ok sige, ikaw ang bahala. Iwan na muna kita dyan mag-isa. I’ll join our friends on the dance floor”. At tuluyan na ngang naiwan mag-isa sa table niya si Wilma.

Ang totoo kanina pa niya nahuhuling nakatingin sa kanya ang businessman ngunit hindi niya ito pinahahalata. Medyo interesado din siya kay Tony kaya sinadya nyang magpa-iwan sa table para magkaroon ng chance si Tony na lumapit sa kanya. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita nya na biglang tumayo si Tony, dala ang isang shot ng margarita at tinungo nito ang kinaroroonan nya.

“Hi!” nakangiting bati ni Tony sa dalaga. “Mukhang iniwan ka na ng mga kasama mo dyan ah. Why don’t you join them?”

“Oh hello!” ang tugon naman ni Wilma na kunwari ay nabigla sa paglapit ng lalake. “Nakaka-ilang kasing sumayaw dun dahil lahat sila may partner.” At sinabayan niya ito ng isang nakakapanuksong tingin kay Tony.

Napangiti naman ang lalake sa tinuran ng dalaga at nagbiro, “Bakit kasi hindi mo sinama ang boyfriend mo para hindi ka naboboring dito?. Binaba nya ang margarita at hinanda sa pakikipag-kamay ang palad nito. “By the way I’m Anthony Castello. But you can call me Tony, and you are?”

“Wilhelmina McGaity, but my friends call me Wilma so I don’t mind if you call me on that name too. Fil-Am ako dahil sa tatay kong Amerikano. And one more thing, wala akong boyfriend kaya eto naiwan akong mag-isa. Pero mukhang may makakasama na ko for tonight” Nakangiting tugon nito sabay shake hands.

“Nice to meet you Wilma. Sorry akala ko may boyfriend ka. Sa ganda mo kasing yan imposible na wala. Margarita for you”

“Thanks, nice to meet you too”

At dun na nga nag-umpisang naging malapit ang dalawa. Nagpalitan ng konting informations at cellphone numbers. Nalaman din nila ang konting istorya ng buhay ng bawat isa. Nagkasarapan ang kwentuhan nila at medyo napaparami na rin sila ng shots ng brandy at margarita. Tuloy pa rin sa pagyugyog sa dance floor ang mga kasama ni Wilma at dahil nakainom na rin ang mga ito, mapapansin na naghaharutan na ang mga ito sa dance floor. Sa dami ng taong sumasayaw hindi mo na mahahalata ang paminsang-minsang hipuan ng mga nagsasayaw. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Tony kaya niyaya nyang sumayaw ang dalaga.

“Is it ok kung ayain kita sumayaw?”

Hindi na sumagot ang dalaga. Inabot nya ang kamay kay Tony. Ngumiti na lang si Tony dahil tanda iyon na pumayag ang dalaga sa alok nya. Magkahawak sila ng kamay habang papunta sa dance floor at nang malapit na sila ay nag-umpisa ng yumugyog si Wilma sa saliw ng tugtugin.

“Whew ang galing mo palang sumayaw ha” puri ni Tony sa babae.

“Hahaha! hindi naman masyado. Ikaw tong inaalala ko baka hindi ka na makasabay sa edad mo. Kaya pa ba ng tuhod mong sumayaw?” pang-aasar ng dalaga. At lalo nitong tinukso si Tony. Tumalikod ito kay Tony at gumiling ng pababa habang malagkit na nakatingin sa lalake.

Nag-init naman si Tony sa nakikita kaya pinatulan nito ang panunukso sa kanya. “Haha! ako pa hinamon mo. Kahit may edad na ko kayang kaya pa ng mga tuhod ko kahit anung laban. Wag mo kong susubukan, hahaha!!” at gumanti ng isang dirty dance. Hinawakan nya sa bewang sa nakatalikod na dalaga at inindayog ang bewang nito. Sa tagpong yon ay halos kumiskis na ang alaga ni Tony sa pwet ng dalaga. Binulungan pa nya ito. “Watch me naka-flanax ata to”. Sa tagpong iyon ay hindi na napigilan pa ni Tony at bigla nyang dinampian ng halik sa tenga ang babae.

Nakiliti si Wilma sa ginawa ni Tony. Hindi nya yun inaasahan pero aaminin nyang nagising ang kanyang pagkababae sa ginawa nito. Tuloy sa pagsayaw ang dalawa. Maya-maya pa ay unti unting tumataas ang hawak ni Tony sa katawan ni Wilma. Una ay sa bewang pagkatapos ay dumako na ang kamay nito sa gilid ng suso ng babae. Nagulat si Wilma sa ginawa ni Tony pero dahil sa tipsy na ito ay nginitian na lamang nya ang lalake. Isa pa ay talaga namang unti-unting nalilibugan ang babae sa kapangahasan ng mga kamay ni Tony. At di nga nagtagal ay nasapo na ni Tony ang malulusog na dibdib ng dalaga. Walang masyadong nakakapansin sa ginagawa nila dahil halos lahat ng nasa paligid nila ay busy din sa kanilang mga kapartner. Kinabig nya palapit sa kanya ang nakatalikod na si Wilma. Medyo nagulat ang babae dahil naramdaman nyang may matigas na bagay na tumutusok sa puwitan nya. Natuwa ang dalaga dahil kahit may edad na itong lalake ay parang bakal sa tigas pa din ang alaga nito. Nasa ganoong posisyon sila ng biglang maging sweet ang tema ng music. Kumalas sila sa isa’t-isa. Nang magkaharap na sila ay pareho silang napangiti.

“Mukhang nagkamali ako sa yo. Malakas pa nga yang mga tuhod mo” sabi ng dalaga sabay kagat sa bandang ibabang bahagi ng labi nito na para bang nanunukso.

“Sabi naman sa yo eh kaya ko pa. At higit pa don ang kaya ko. Gusto mo pa ba kong subukan?” sabay kabig sa bewang ng dalaga. Nagdikit ang kanilang nga mukha. Unti-unting nagdidikit ang kanilang mga labi at isang malalim na halik ang binigay ng dalaga sa lalake.

“Tara balik na tayo sa table namin. Pakilala kita sa mga friends ko.” sabi ng dalaga.Wala nang nagawa si Tony dahil hinatak na siya nito pabalik sa mesa.

Sa isang parte ng bar ay may mga mata naman na nakamasid sa kanilang dalawa kanina pa. Nang makitang pabalik na ito sa mesa ay mabilis syang kumilos at bago pa man makabalik sila Wilma at ang mga kaibigan nito sa kanilang table ay masayang lumabas ang misteryosong taong ito. Nakangiti na para bang nanalo sa lotto. Kinuha nya ang kanyang cellphone at nag-dial.

“Hello Nick?. Tagumpay, nagawa ko na ung sinabi mo. Abangan mo na lang sa mga balita ang mangyayari.” Pagkababa ng phone ay sumakay na ito sa kanyang kotse at umalis na palayo sa bar.

Sa kabilang linya naman ay abot tenga ang ngiti ng taong tinawagan ng misteryosong tao sa bar. Isa lang ang nasa isip nito. “Umpisa pa lang ang lahat”. At nilagok na nya ang natitirang alak sa baso nito.

1:30 a.m.

Matapos ipakilala ni Wilma si Tony sa mga kaibigan nito ay nagpaalam muna si Tony na babalik muna sya sa mga kasamahan nya.Binulungan nya si Wilma na babalikan sya niyo basta hintayin lamang ang tawag nya. Tumango naman si Wilma bilang pagsang-ayon. At tulad ng inaasahan ni Tony, kinantyawan agad sya ng mga katrabaho nya.

“Wow pare ang lupet mo pa rin sa chicks ah. Ang bata na naman ng bagong madadale mo. Hahaha!” sabay abot nito ng isang baso ng beer kay Tony.

“Oy, Henry wag mo na masyado pa-inumin yang si Tony. May laban pa yan mamaya. Pag nilasing mo pa yan baka biglang ma-knock-out yan at mapapahiya pa yan dun sa chikas nya. Hahaha!” pang-aasar nmn ni Efren.

“Tigilan nyo akong dalawa. Kaya ko pa no. Makikita ng babaeng yan bibigyan ko sya ng isang magandang laban mamaya. Hehehe!” sabay tungga sa alak na bigay ni Henry

Napa-iling nalang ang dalawa habang nakangiti sa sinabi ng kaibigan. Sabagay matagal na nila itong kilala at talaga namang subok na itong si Tony sa mga babae pagdating sa kama. Hindi pa ito napapahiya kahit lasing ito. Boy scout sabi nga nila dahil lagging handa ang alaga nito sa anumang laban.
Lumalalim na ang gabi at unti-unti na ring nababawasan ang mga tao sa bar. Nag-aya nang umuwi si Henry dahil may trabaho pa silang dapat tapusin bukas. Si Tony naman ay nag-dial na sa kanyang cellphone at tinawagan si Wilma.

“Hello Wilma?. Nasan na kayo mukhang hindi ko na kayo nakikita dito sa bar”

“Uy Tony. Akala ko nakalimutan mo na ko eh, hihihi. Actually nasa labas na yung mga kaibigan ko. Nasa ladies room pa ko.”

“Ah ganun ba ok lang ba kung hintayin na kita sa parking lot? Hatid sana kita kung ok lang?”

“Ok sure, why not. Medyo siksikan nga kami kanina sa sasakyan. Sige sabihin ko na lang sa mga friends ko na hindi na ko sasabay sa kanila” at binaba na nya ang tawag.

Lihim namang natuwa si Tony sa narinig. “Sa wakas makaka-isa na naman ako hehehe!”

Posted in: Strangers